This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni Vice President Leni Robredo ukol sa mga inisiyatibo ng kaniyang Tanggapan sa laban sa COVID-19

    Mensahe ni Vice President Leni Robredo ukol sa mga inisiyatibo ng kaniyang Tanggapan sa laban sa COVID-19

    Isang ligtas at mapayapang araw sa ating lahat. Humaharap muli ako sa inyo upang mag-ulat ukol sa mga hakbang na ginagawa ng ating Tanggapan, at upang magbigay-linaw at magbahagi ng aking pag-unawa sa pambansang situwasyon dala ng COVID-19.

    Gaya ng naiulat na natin sa social media, labindalawang dormitories para sa mga medical frontliners na ang naitaguyod ng ating Tanggapan. 11,429 na katao naman ang naserbisyuhan ng ating shuttle service, na tumakbo ng kabuuang walong ruta mula March 18 hanggang April 14.

    Naglaan din tayo ng pondo mula sa ating Tanggapan para sa mga extraction kit, sapat para sa 12,750 na samples. Noong March 19, naiturn-over na natin ito sa RITM. Sinundan ito nitong Biyernes lang ng sampung libong testing at extraction kit na dinevelop ng UP at magagamit sa mga accredited testing centers.

    Noong March 13, sinimulan natin ang pagkalap ng donasyon para punan ang mga pangangailangan ng ating mga frontliner. Binalak natin itong ituloy hanggang noong April 14, kasabay ng unang idineklarang pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine. Nagpasya tayong panatilihin itong bukas, gawa ng patuloy na pagdaloy ng mga request mula sa mga ospital.

    Sa puntong ito, nakakalap na tayo ng mahigit 57.23 million pesos mula sa pinagsamang pondo ng OVP at donation drive ng ating partner na Kaya Natin. Makakabili ito ng 129,897 na PPE sets at 15,534 na food and care packages. 7,764 food and care packages na ang napamigay, at halos 100,000 nang PPE set ang naihatid sa 552 na mga pasilidad. Dahil sa kakulangan ng supply, nagpagawa din tayo ng mga locally-designed PPE; nakapagbahagi na tayo ng 1,245 nito bilang tulong sa mga frontliner, pati na sa mga mananahing Pilipino. Mas mainam din ang mga reusable PPE na ito dahil hindi sila kailangang itapon agad matapos ang isang gamitan.

    Sinimulan natin ang donation drive upang punan ang mga pangangailangang hindi agad kayang tugunan ng gobyerno. Mas malaki kaysa sa inasahan ang mga pangangailangang ito, kaya't nagpasya tayong i-extend ang unang April 14 deadline para sa mga donasyon. Ngayon, nagsisimula nang magkahugis ang proseso ng procurement at pag-distribute ng pamahalaan. Inaasahan na rin ang malaking halagang makukuha ng administrasyon mula sa Bayanihan to Heal as One Act.

    Dahil dito, nagpasya tayong taningan ang ating online donation drive for PPEs at food and care packages for frontliners. Sa April 30 ang magiging huling araw nito. Regular nating iniuulat sa ating Facebook page ang talaan ng mga donasyon. Matapos ang April 30, maglalabas tayo ng isang malinaw, detalyado, at kumpletong talaan upang maibahagi sa publiko.

    Sa mga nagbigay ng donasyon at iba pang tulong: Maraming, maraming salamat sa inyo. Umabot ang ambag ninyo mula Batanes hanggang Tawi-Tawi. Sa suma total, nakapagpaabot tayo ng PPE, food and care packages, at medical supplies sa 594 na ospital, 45 na health facility tulad ng mga dialysis centers, 62 na lokal na pamahalaan, 102 na rural health unit, 10 NGO, 17 government agencies, at anim na funeral parlor. Maliban pa rito, nakapagbigay din tayo ng pagkaing nagkakahalagang 6.8 milyong piso sa mga ospital, checkpoints, at komunidad, pati 3,153 na relief packs sa labindalawang komunidad, kabilang ang mga nasunugan kamakailan. Tuwing may nagpapasalamat sa atin, ang lagi kong tugon, bunga ito ng pagbabayanihan ng buong Pilipinas. Sa panahong ganito, mapapatunayan natin: Bitbit ng Pilipino ang kapwa Pilipino. Wala sa ating nag-iisa.

    Alam nating hangga't walang bakuna o lunas para sa COVID-19 ay makararanas tayo ng mga bugso ng pagkalat ng sakit na ito. Patuloy ang ating paghahangad para sa isang malinaw at mas long-term na pambansang plano. Hindi dapat natatapos sa paglalaan ng budget ang pagresponde sa ganitong kalaking krisis. Mas malawak ang hinihinging perspektibo para sa isang bansang nababalot ng alinlangan para sa isang post-COVID-19 na kinabukasan.

    Sa ngayon, ididiin kong muli ang aking paninindigan: Panahon ito ng pagtutulungan, at hindi ng bangayan. Sa mga kuwento ng sakripisyo ng ating mga medical professional, ng mga volunteer at ng mga nagbibigay ng donasyon, ng mga batang nagpapadala ng mensahe ng suporta para sa mga frontliner, malinaw na malinaw sa akin: Binibigkis tayo ng pag-asa at malasakit, at mas malalim ito sa anumang hidwaang maaaring humati sa atin.

    Sa mga kailangang lumabas para mamili ng pangunahing pangangailangan: Sumunod sa social distancing, kumilos nang mabilis, at intindihing kabilang ang unipormadong hanay sa nabibilad sa panganib para siguruhing ligtas tayo. Sa unipormadong hanay: Maging mahinahon tayo sa pagpapaalala sa mga patakaran ng social distancing. Virus ang kalaban natin, at hindi ang ating kapwa Pilipino. Maging makatao sana tayo sa pagpapatupad ng anumang atas o tungkulin.

    Binibigkis tayo ng iisang layunin: Ayaw nating may magdusa o mamatay, nang dahil man sa COVID-19, o nang dahil sa kahirapan. Iisa ang batayang kaisipan ng lahat ng ating pagkilos: Ang mabuhay. Tungkulin ng lahat ang manatili sa mga tahanan hangga't maaari, para maampat ang pagkalat ng virus.

    Alam kong malaking sakripisyo ito para sa marami, pero tandaan natin: Buhay ang laging nasa timbangan. Mas matimbang ang buhay at mas agaran ang pangangailangang matigil ang pagkalat ng sakit.

    Patuloy ang panawagan at pagsisikap natin upang maibsan ang bigat ng sakripisyong hinihingi sa lahat—sa indibiduwal, sa mga komunidad, sa mga negosyo. Darating ang araw ng ating tagumpay laban sa virus na ito. Maaampat ang pagkalat, makakapag-develop ng bakuna, at makakatuklas ng lunas laban sa sakit na ito. Haharap tayong muli sa mundo at mayayakap muli ang ating mga mahal sa buhay. Ngunit bago dumating ang araw na iyon, kailangan nating magkaisa, magtulungan, at ipamalas ang buong lakas ng sambayanang nagbabayanihan sa ilalim ng iisang layunin.

    Maaasahan ninyo mula sa aming Tanggapan ang buo at walang-sawang paninindigan sa kaisipang ito. Patuloy ang dalangin ko para sa kaligtasan at kalusugan ninyong lahat.

     

    - 30 -

     

    Posted in Statements on Apr 28, 2020