This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni Maria Leonor Gerona Robredo Vice President of the Philippines sa Kwentuhang Manggagawa Kasama si VP Leni ng Metro Stonerich Foundation

    Mensahe ni Maria Leonor Gerona Robredo Vice President of the Philippines sa Kwentuhang Manggagawa Kasama si VP Leni ng Metro Stonerich Foundation 

    Maraming salamat. Umupo lang po tayo. Magkakaibigan lang tayo. Magandang hapon sa inyong lahat! Bago ako magpatuloy, siyempre, magpapasalamat ako sa ating mga kaibigan for making this happen. Siyempre, kay Bong, saka kay Jasmin, maraming maraming salamat. ‘Yung aking kaibigan sa Congress, Cong. Gus. Nakilala din natin, former Cong. Ed. Siyempre ‘yung kasama ko, ito ‘yung naging guardian angel ko mula noong 2016, Sen. Bam. Kasama din po natin si Engr. Jojo saka si – ito marami akong ipapasalamat – si Fr. Manny. Nasaan na si Fr. Manny? Dahil nag-viral ‘yung photo ng Adamson nung naging pink ‘yung ilaw ng Adamson. And ‘yun ay wala pa ‘yung wave na nangyayari ngayon; that was early on. So Fr. Manny, maraming salamat sa ‘yo. Kasama ko din po ‘yung aking Chief of Staff, USec. Boyet Dy.

    So sa inyong lahat, pati ‘yung mga kasama natin sa iba’t ibang sites: Magandang magandang hapon muli.

    Mayroon akong speech na prinepare kanina sa opisina pero nagdecide na lang akong hindi ko babasahin kasi for many of us here, first time nating magkikita-kita. So siguro kuwentuhan na lang muna. Pero gusto kong magpasalamat kasi karamihan sa inyo, naka-pink. Tapos ayun, pati si Maam, ang buhok, pink. Kaya Maam, thank you very much. Si Maam Yasmin, meron sa aking regalo, magkaterno kami na shoes na pink kaya meron na po akong shoes na pink.

    Pero ito po, siguro bigyan ko lang kayo ng onting kuwento kung paano ako napadpad sa magulong mundo ng pulitika. Hindi po ako ‘yung pulitika sa pamilya namin. ‘Yung asawa ko po ‘yung matagal na pulitiko. Hindi ko alam kung meron sa inyong Bicolano pero doon sa amin, ‘yung mga nakakakilala sa pamilya namin, ‘yung asawa ko talaga ‘yung pulitiko. ‘Yung asawa ko po, ‘yung six terms na mayor ng Naga.

    Pero in all the years na asawa ko ‘yung mayor, ako ay, noong umpisa, ako ay isang estudyante. Noong nag-law school ako, meron na akong asawa. Noong naging abogado ako, dalawa na anak ko. So nagtatrabaho ako during the day, law student ako pag gabi. Pero nung naging abogado na ako, ang pinakauna kong trabaho sa PAO. Alam n’yo naman ‘yung PAO, diba? ‘Yung sa PAO, ang tinitindigan naming mga kaso, ‘yung mga walang pambayad ng abogado. From PAO, lumipat ako sa isang NGO ng mga abogado. Ang pangalan nito, SALIGAN. Ang trabaho namin, community-based kami na [mga] abogado. Hindi kami iyong mga abogado na nasa airconditioned rooms na mga opisina pero ‘yung pag-a-abogado namin, ‘yung mga nire-represent namin, mga mangingisda, mga urban poor, mga manggagawa, mga kababaihan, mga kabataan, saka mga IPs.

    So for many years, ganoon ang aking trabaho habang ‘yung asawa ko ang pulitiko. Noong 2010, naappoint ‘yung asawa ko bilang DILG Secretary. So ‘yung asawa ko, lumipat dito sa Maynila, kasama ‘yung dalawa kong anak dahil nag-aaral na dito ‘yung dalawa. Naiwan sa Naga kami nung bunso. So nung lumipat na ‘yung asawa ko dito sa Manila, nag-resign ako doon sa NGO work ko kasi wala nang maiiwan sa bunso kasi lagi akong nasa community. So naiwan kaming dalawa pero patuloy ‘yung trabaho ko with the communities.

    Siguro nabalitaan n’yo yung aksidente ng asawa ko noong 2012 habang pauwi ‘yung asawa ko from Cebu to Naga. ‘Yung kanyang eroplanong sinasakyan ay bumagsak. ‘Yun ‘yung totally unexpected. ‘Yung bunso namin ay 12 years old pa lang. ‘Yung buhay naming nakasentro sa asawa ko for many, many years. So nung bumagsak ‘yung eroplano ng asawa ko, doon gumuho ‘yung aming mundo. Naiwan sa akin ‘yung tatlong babae kong anak. Kailangan kong asikasuhin kasi solo na lang ako pero hindi lang ‘yun ‘yong kahirapan na pumasok.

    Pero dahil namatay ‘yung asawa ko, mag-e-eleksyon na. Ako ‘yung natulak magkandidato.Hindi naman ako dapat  kandidato. Alam itong kuwento ni Cong. Gus kasi alam niya ‘yung kuwento ko. Meron na kaming kandidato pero nag-away-away ‘yung mga kakampi namin nung namatay ‘yung asawa ko. Para magkasundo lang sila, pinakiusapan nila ako na mag-step in just for one term. So kumandidato ako, sobrang hirap ‘yung pagkandidato ko kasi pagkandidato ko, ‘yung kalaban ko, alam ito ni Cong. Gus, napakalaking pulitiko sa amin. Malaking political dynasty. Mula 1978, sila na ‘yung nakaupo. Pagkakandidato ko, para akong basang sisiw. Kasi nung pagkandidato ko, wala akong pera, wala akong kakampi. Walo ‘yung bayan na nasa distrito ko. Sa walo, ‘yung isang mayor lang yung kampi sa akin. Tapos ‘yung ibang mga mayor na hindi kampi sa akin, hindi ako welcome sa mga lugar nila. 186 na barangays ‘yung distrito ko. 25 lang ‘yung mga kapitan na para sa akin. Hirap na hirap ako, wala akong pera. Wala akong ni isang rally kasi  hindi ko kaya mag-arkila ng sound system. Dinaan ko talaga sa sipag – bahay-bahay. Marami ‘yung pinagdaanan ko. Grabe ‘yung vote buying sa amin. Hindi ko inaasahang manalo pero after the elections, nung nagbibilangan na ng boto, nanalo ako by a landslide. So para sa akin, parang ang laking pinanghuhugutan ng lakas ng loob ‘yun. Kasi for many years, ang paniniwala ko: Kapag may pera ka talaga, ikaw ‘yung may advantage sa eleksyon. Pero nung nanalo ako, parang proof siya, na pag ang tao, binigyan mo ng choice, kahit ang iba, kinukuha nila ‘yu ng pera, binoboto pa rin nila ‘yung paniniwala nila na makakabuti sa kanila.

    So naging Congresswoman ako for three terms. Pero nung nasa Congress ako, ‘yung dapat na magkakandidato instead of me, sinabihan ko na. Sabi ko, “O ito, one term lang ako ah. So lahat ng lakad ko, sumama ka na kasi magprepare ka na, hindi na ako magkakandidato sa susunod na eleksyon.” Nagpromise ako sa mga anak ko na isang term lang pero hindi pa tapos ‘yung term ko, noong 2015, ‘yung partido namin, walang VP. Magfa-filing na, walang VP. Hindi ako first choice. ‘Yung first choice, ‘yung second choice, hanggang ako ‘yung nakita. Noong ako ‘yung nakita, ako ‘yung pinagkandidato ba VP.

    Grabeng pagsubok sa mga anak ko kasi sinisingil nila ako, “One term lang. Bakit ngayon, kakandidato ka?” Hindi pa ako kandidato, 1% lang ako. Noong nag-file ako, 4%. Pero nung kandidato na ako, si Sen. Bam, kaya mahaba na ‘yung aming pinagsamahan. Hindi pa eleksyon, kinausap ako ni Sen. Bam. Sabi niya, “Maam, magkandidato ka [sa] Senado. Sabi ko, “Wala naman akong pera. Hindi ko naman kaya.” Sabi niya, “Sige na. Ako ‘yung campaign manager mo.” So nung natulak ako for VP, binalikan ko si Sen. Sabi ko, “Sen., kakandidato lang akong VP kung magpa-promise ka na ikaw ‘yung campaign manager.” Sabi niya, “Pambihira. ‘Yung promise ko lang Senate, bakit ngayon VP?” Pero going back pag tinitignan ko, sobrang heaven-sent ‘yung aming partnership. Kasi nung kandidato na ako, October, parang 4%. ‘Yung nangunguna, parang nasa 40 plus percent sila. Parang wala talaga akong chance. Anim kaming kandidato noon, ‘yung kalaban ko, limang lalaki na senador, kilala na ng lahat. Ako, bagong salta. So nadala sa sipag. Paunti-onti, from number 6, naging number 4. Parang pag-start ng official campaign period ng February, number 3 na ako. So to cut the long story short, pinanalo ko nung 2016 elections. Pero ‘yung hindi ko na naman inaasahan, kasi nung pinipilit nila akong kumandidato, “Pumayag ka na kasi ang pag VP, iyan ‘yung pinakamadali sa lahat, wala ka naman masyadong gagawin.”

    Pero siyempre nung nanalo na ako, hindi naman puwede na VP ako tapos wala naman akong gagawin. So kami ni USec Boyet, from the first day, hindi pa nga first day, hindi pa ako nagte-take oath, sinabi ko na, “Na hindi ako makukuntento kung basta lang tayo VP. Kailangan marami tayong magawa.” Ang problema namin, walang pera ‘yung opisina. Walang pera, walang mandato. At hindi pa ‘yun, hindi kami welcome ng administrasyon. Meron sa aking protest case ‘yung kalaban ko. Dito ko unang nakita si Bong. Kasi ‘yung protest case ng kalaban ko, kailangan akong magdeposit ng 15 million pesos. Wala naman akong ganung pera. Nangutang kami ng nangutang – kung saan-sana kami bumangga. Ang na-raise naming seven and a half million. Kulang pa kami ng seven and a half million. So merong mga kababaihan na wala na kaming [mapangutangan], nagraise sila ng pera. Nakaraise sila seven and a half million, binibigay nila sa amin ‘yung seven and a half million. Pero sabi namin, bawal kaming tumanggap ng donation kasi as a government employee, bawal kaming magreceive ng donation. So ‘yung ginawa ng – ang sinasabi ko sa grupo, ibalik n’yo na lang sa mga nagdonate kasi hindi namin puwedeng tanggapin. Ang sabi naman ng mga donors, ipinakita nila ‘yung mga sulat sa kanila, “Imposible na mababalik namin iyan kasi tignan n’yo naman ‘yung mga nagbigay. May mga nagbigay na 50 pesos, may mga nagbigay ng 100 pesos.” In fact, pinakitaan kami ng mga sulat. Mayroong isang driver, na nagbigay ng hindi ko alam kung 50 o 100 pesos ba ‘yun, humihingi pa ng paumanhin kasi ‘yung kanyang boundary kaya ‘yun lang ‘yung kanilang binibigay. ‘Yung iba naman, mga kasambahay na ang sinasabi, “Magbibigay ako 50 buwan-buwan hanggang makatulong” so parang we could not find it in our heart na isauli ‘yung pera. So tinanong ko ‘yung grupo, Towns Women ‘yung pangalan ng grupo. Katatapos lang nung Marawi siege so sabi ko, “Willing ba kayo na instead mapunta sa amin ‘yung pera, magpagawa na lang tayo ng mga bahay sa Marawi. Pumayag sila and they were very happy about it. So kami, ang opisina namin, hindi kami sanay na maghawak ng pera. So hindi naming hinawakan ‘yung pera. Kinausap namin ‘yung Xavier University in Cagayan de Oro. Kinausap naming sila, si Fr. Bob ang Presidente – ito na ngayon ang Presidente ng Ateneo de Manila – kung puwede sila ‘yung mag-asikaso sa ground. Ipapadala sa kanila ng Towns Women ‘yung pera. So pumayag ‘yung Xavier University. Doon ko nakilala si Bong dahil si Bong ang tinap ng, ‘yung kompanya n’yo ang tinap ng Xavier University para ipatayo ‘yung mga bahay. So sobrang nakatipid kami kasi si Bong at ‘yung kompanya n’yo, kayo ‘yung nag-assume ng lahat na labor. So maraming, maraming salamat.

    Hindi ko alam kung alam ‘yun ng mga empleyado saka ng mga staff pero gusto ko malaman n’yo na kayo ‘yung nagbigay ng panibagong buhay sa maraming mga pamilya doon dahil nakatipid tayo sa labor cost because of you, nadamihan natin ‘yung naipatayo nating bahay. And we continue to engage with the families na nandoon sa Area 7 sa Brgy. Sagonsongan so ‘yun na ‘yung huling pagkikita nina Bong until recently, nagkakilala uli kami through Cong. Gus.

    Pero ito, ‘yung whole of my six years – five year and a half pala kasi ‘di pa tapos ‘yung term ko – as VP, punong-puno talaga ng kahirapan. Marami kaming pinagdaanan na iniipit kami, ginigipit kami, siguro nakikita n’yo naman ‘yung bashing sa akin sa Facebook. Lahat yata ng uri ng tsismis at accusation, natanggap ko na. Masakit din naman ‘yun pero kami sa opisina, we made it a point na ‘yung half of our week, since 2016, nasa communities kami – pinakamahihirap na communities, nandoon kami. Pero looking back, ‘yun din ‘yung nakatulong sa akin to survive. Kasi pag nasa baba ka na ng mga communities, pupuntahan mo ‘yung mga communities na walang kuryente. Pupuntahan mo ‘yung mga walang maayos na paaralan. Pupuntahan mo mga ang daming stunted na mga bata. Parang all the bashing, hindi na importante. Hindi na importante kasi we have work to do. So alam namin na hindi kaya ng opisina namin ‘yung gusto naming gawin so pinosisyon naming ‘yung opisina para maging tulay para ‘yung mga communities na nakikita namin na kailangan ng tulong, puwede naman mahanapan ng mga sponsor. So ginawa namin ‘yung Angat Buhay.

    Ang Angat Buhay, ito ‘yung anti-poverty program namin, meron itong six key advocacies – yung health, education, etc. Bigyan lang namin kayo ng halimbawa ng ginagawa namin. Halimbawa, ‘yung isa dito, nagpapatayo kami ng mga dormitories sa loob ng mga public high schools sa mga lugar kung saan napakataas ng dropout rates. Mataas ‘yung mga dropout rates dahil karamihan sa mga estudyante, kailangang maglakad ng mga three hours o four hours each way just to go to school and sinundan ng mga teams namin ‘yung mga lugar na inuuwian ng mga estudyante, ‘yung mga teams nga namin, hindi nakaya ‘yung lakad. Eh how much more itong mga estudyante na two times niya ‘to ginagawa na gigising siya ng alas-tres o alas-kuwatro ng umaga tapos magsa-start na siya maglakad, nala-late pa siya sa klase. Pagdating niya sa klase, siyempre, ano mae-expect mo, pagod na, antok na. Tapos pagtapos ng school, mga four o’clock o five o’clock, maglalakad na naman siya pauwi. So grabe ‘yung dropout rates. Tapos ang lakad, hindi siya sa daan. Tumatawid talaga ng bundok, umaakat ng mga bundok. So sa education, isa ‘yun sa very proud kaming ginawa namin. Meron tayong mga dormitories sa Siayan sa Zamboanga del Norte, sa Negros Oriental. Meron tayo sa Sumilao, Bukidnon. Meron tayo sa dalawang bayan sa Eastern Samar. So ito mga lugar na mahihirap talaga. So ‘yung six years namin, ‘yun ‘yung ginawa namin.

    Nung nagstart ‘yung pandemic last year na 2020, ni-reorient namin ‘yung aming ginagawa to respond to the need of the times. Naalala ko maaga pa, hindi pa nagla-lockdown, ‘yung problema natin mga PPE sets. So problema natin mga PPE sets so nagstart na kami magsolicit ng PPE sets, nung nagkulang na ‘yung supply dahil nakikipagcompete na tayo sa buong mundo, kumuha na kami ng mga sowing communities para maglocally produce.

    Nung nahinto ‘yung public transport, the next day, meron na tayong mga shuttle buses for frontliners. Naglagay kami ng mga dormitories for frontliners so nag-evolve ‘yung aming response. Nung nahinto ‘yung mga paaralan, ginawa naming yung Bayanihan E-Skwela. Gumawa kami ng mga Community Learning Hubs. Nung wala ng kita ‘yung mga nasa palengke kasi bawal lumabas saka ‘yung mga tricycle drivers, ginawa namin ‘yung Community Mart para nakaka-order online tapos ‘yung mga tricycle drivers ‘yung ginagamit. Nung grabe na ‘yung unemployment, ginawa namin ‘yung Sikap.ph parang jobs matching platform. So iba-iba.

    Nung nag-surge noong April, ginawa namin ‘yung Bayanihan E-Konsulta. ‘Til now, ongoing pa siya. Free telemed service. Siguro nakita n’yo ‘yung mga pictures sa Facebook na namimigay kami ng mga COVID care kits. Pero ‘yung COVID care kits, bahagi lang siya ng aming programa na kung meron kang COVID na nasa bahay ka lang, makakareceive ka ng kit tapos tinatawagan ka two times a day ng aming monitoring team para i-monitor ‘yung symptoms.

    So kaya ko ito kinukuwento, ‘yung mga nakita namin sa trabaho namin sa OVP, na pag maganda ng private saka public sector, ang daming magagawa. Na pag subsob ang lider sa ground, sa pang-araw-araw na pinagdadaanan ng mga tao, ‘yung mga programa, mas nagiging responsive.

    ‘Yung pinagiisipan ko bago mag-eleksyon, either hindi na ako magkakandidato kasi ‘yun talaga ‘yung promise ko sa mga anak ko na last na ‘yung 2016 or kinukumbinse ako ng mga kababayan namin na tumakbo bilang governor. So ‘yun ‘yung aking choices. Nung palapit nang palapit ‘yung [filing], I tried na i-unify, two months na ito ‘yung ginawa ko – kasama ko si Sen. Bam saka si USec. Boyet – kinakausap namin ‘yung iba’t ibang players. Pero at the end of, nearing the end of September, nagfail ‘yung mga talks. So ‘yung pagfail ng mga talks, kasabay ‘yun ng pagnominate ng 1Sambayan na maging kandidato na ako. Napakahirap kasi grabe ‘yung struggle para sa pamilya namin kasi ‘yung mga anak ko were already looking forward to having more of me after 2022. Pero ‘yung sa akin, ginawa ko na lang siya na parang matter of duty. Na sabi ko imposible naman na mababa ang aking numbers, siguro wala namang local official na tutulong sa akin because of the political climate, wala naman akong perang panglakad, pero sige, kakandidato ako just to provide an alternative.

    Pero nung nagfile ako noong October 7, sobrang gulat ko. ‘Yung nakikita niyong damit ko – sorry naka-blue ako, naka-pink kayo – pero kulang pa kasi ‘yung pink ko, nasa labahan. Pag suot ko ‘to, naglalagay na lang ako ng pink ribbon. Bukas naka-pink na ako uli. Noong nagdecide ako na magkandidato, sabi ng mga kasama ko na alam ‘yung mga feng shui, feng shui, ang lucky color ko daw ay blue. So nakablue ako on the day of the announcement. Balita ko, Father, naka-blue dati ang Adamson. Naka-blue ako on the day of the announcement pero pagdating namin sa office, ‘yung labas ng office namin, punong-puno ng mga pink ribbons. Tapos umakyat ako kasi maaga pa, 11 o’ clock ‘yung announcement. Pag akyat ko, kinukuwentuhan ako ng mga staff ko, “Maam, ang daming dumating na mga supporters. Nasa kalsada.” Sabi ko, papasukin kasi baka magalit ‘yung mga neighbors namin kasi ang office namin na sa may New Manila. Nung sinilip ko sila sa bintana, lahat sila naka-pink so naghanap ako last minute ng pink ribbon para makaisa. And because of the outpouring of support, parang ‘yung pink naging unifying color ng mga tao. So since then, ako na ‘yung nag-adjust na susunod ako sa gusto ng tao. Kaya pink na ‘yung color.

    Pero ang kinagulat namin, alam namin na matutuwa pa ‘yung mga supporters. Pero hindi namin alam na ganito kagrabe ‘yung response ng mga tao. Everywhere we go, sobrang nakakaoverwhelm talaga. Ako, I’ve been in so many elections already, sa sarili ko, pangatlo ko ‘to. Sa asawa ko, anim. Pero hindi ko pa nakita ‘yung ganitong klaseng outpouring of support na ang conventional kasing pagkakampanya, kandidato ka na, mag-o-organize ka ng mga tao, magha-hire ka ng mga kakampanya sayo tapos kukuha ka ng isang ad agency para gawin ‘yung branding mo, ‘yung tarp, ‘yung mga ads. Ngayon, baliktad ang nangyayari. Hindi pa kami ready dahil late nga ako nagdecide. Nauna na ‘yung tao. Anywhere you go, hindi lang tarps, pero ‘yung mga t-shirts, mga campaign merchandise, mga billboards, iba-iba dahil kanya-kanyang gawa. Kanyang-kanyang gawa, kanyang-kanyang post and sabi ko, ito ‘yung beauty ng nangyayari ngayon. Na hindi na lang siya conventional campaign pero nagiging movement na talaga.

    And para sa akin, sabi ko nga kay Yasmin kanina, totoo na wala kaming resources, totoo na wala kaming machinery pero kung masustain ito na ganito ‘yung enthusiasm ng mga tao, ‘yung passion, we will have a very good chance in making it. Kasi ‘yung history naman natin diba, ‘yung history naman natin, in many instances, pinakita na no amount of money or no amount of political power, walang sinabi talaga siya sa power of the people. ‘Yun yung nakikita namin ngayon and magpapasalamat kami for joining us in this fight.

    Maraming nagtatanong what to expect in a Robredo presidency. Kung ano ‘yung nakita sa amin sa Office of the Vice President, kung ano ‘yung nakita sa akin sa lahat ng tinayuan kong roles – whether maliit o malaki – ganun pa din but on a wider scale. Maraming nagsasabi na, “Mahina iyan kasi babae.” Pero sa akin naman, hindi siya sa gender diba. Hindi siya sa babae o lalaki pero ano ba ‘yung choices na we make as a person. Paminsan kasi nae-equate natin ‘yung lakas sa lakas din ng boses. Na-e-equate natin sa lakas ng brashness at aggression pero sa akin, pag tinatanong, “Malakas ka rin ba tulad nila?” Hindi ko tinatry i-defend ang sarili ko. Lagi ko lang sinasabi, “In the most difficult times, sino ba ‘yung tumatayo?” Na in the most difficult times, noong nagkakaroon na ng patayan, noong nagkakaroon na ng maraming bagay, nagkakaroon ng korapsyon, maraming gustong manahimik kasi ayaw ma-ruffle ‘yung feathers ng powers that be. Pero ‘yung sa amin, ipinakita ng opisina namin, hindi lang ako, na in the most difficult of times, handa kaming lumaban. And patuloy namin ipaglalaban ang kapakanan ng bawat isa.

    Para sa amin, halimbawa, sa mga ordinaryong manggagawa: Patuloy na dapat tulungan ng gobyerno ang ordinaryong manggagawa para ‘yung nararapat para sa kanya ay ibigay sa kanya. Pero at the same time, to unify the country. Sobra na ‘yung divisiveness. ‘Yung toxicity, ‘di ko alam kung nag-fe-Facebook din kayo pero ‘yung toxicity, sobra sa Facebook, diba nakakawindang minsan. Kaya ewan ko lang kung sino dito ‘yung nagfa-follow ng pages namin pero every Tuesday, naglalabas kami ng video na palagay namin ‘yung effort to unify should not start after the elections pero ‘yung effort to unify should start now.

    Kaya parati naming sinasabi na bigyan natin ng mas malalim na kahulugan ang pagsuot ng pink kasi ‘yung pink naman is the color of love. Kaya habaan ang pasensya. Huwag maging defensive all the time. Kailangan natin i-correct ‘yung mga mali na naririnig natin. Pero there is always a better way of doing things. ‘Yung kalma lang palagi. ‘Yung kalma pero matapang, ‘yung hindi papayag na naabuso pero in a manner na hindi nakakasakit sa iba. So kami, patuloy naming hinihingi sa mga supporters na sana samahan kami. Kasi kapag binigyan tayo ng pagkakataon, tapos very divided ang bansa natin, tayo din ang mahihirapan.

    So sa akin, importante na masuportahan ‘yung mga negosyo kasi ‘yung negosyo, siya ‘yung nagbibigay ng hanapbuhay. Na dapat tinitignan ‘yung negosyo at mga manggagawa na hindi kalaban, pero tinitignan na partners in development. Na kailangan tinutulungan ng manggagawa ang negosyo to thrive. Tinutulungan din ng negosyo ang manggagawa na malift up siya sa laylayan ng lipunan.

    So kami, mahaba-haba pa ang laban. Bawal pa pong magkampanya ngayon. Ang official campaign period starts February 8. So ngayon, ‘yung ginagawa namin, ganito, pinapakilala ‘yung sarili o kung hindi, binibisita ‘yung supporters to thank them for all that they’ve been doing.

    So sa amin, thank you kay Bong, thank you kay Yasmin, thank you kay Cong. Gus who has been helping me. Ako, basta magkakasama tayo hanggang dulo, kakayanin natin ‘to. So maraming salamat sa inyo.

    Posted in Speeches on Nov 09, 2021