This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ng Pangalawang Pangulo ukol sa Araw ng Saligang Batas

    Sa araw na ito, tatlumpu’t isang taon na ang lumipas, bumangong muli ang ating bayan upang pagtibayin ang 1987 Constitution.

    Kakatapos lang natin noon patalsikin ang isang diktador, at hangad ng lahat na bantayan ang nabawing kalayaan.

    Layunin ng Saligang Batas na pangalagaan ang ating kalayaan at mga karapatan na sinupil noong panahon ng Batas Militar. Tiniyak din nito na hindi na tayo muling patatahimikin, aabusuhin, at pagsasamantalahan ng mga nasa kapangyarihan.

    Ngunit higit sa pagtatanggol sa ating kalayaan at mga karapatan, isinasabuhay ng Konstitusyon ang ating paghahangad na mabigyan ng maginhawang buhay ang bawat Pilipino.

    Pahayag ng Pangalawang Pangulo sa Araw ng Saligang Batas

    Nakapaloob dito ang ating kolektibong pangarap – na bumuo ng isang lipunan kung saan ang yaman at kapangyarihan ng ating bansa ay para sa ikabubuti ng lahat. Isang bayan kung saan ang bawat Pilipino ay may pagkakataong mamuhay nang makabuluhan at matiwasay, anuman ang kanyang kasarian, estado sa buhay, o opinyong pulitikal.

    Sa nakalipas na tatlong dekada, marami pa rin ang hadlang upang maisakatuparan ang pangarap na ito. Ngunit sapat ba itong dahilan para talikuran ang ating mga pangarap? Hindi ba’t dapat magsilbi itong hamon sa ating sarili at sa ating mga lider, na pagbutihin pa ang trabaho, magkaisa, at manalig na kaya nating magkaroon ng isang lipunang makatuwiran, maunlad, at makatao?

    Ito na marahil ang isa sa ating pinakamahirap na pangarap. Ngunit naniniwala ako na kung patuloy tayong magpupursige, at hindi mawawalan ng pag-asa – lahat ay kaya nating makamtan.

    Sa huli, ito ang sandigan ng ating Konstitusyon: ang paniniwala sa kadakilaan ng Pilipino at pananalig na kaya nating abutin ang ating mga mithiin.

    Posted in Speeches on Feb 02, 2018