This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Media Interview with Vice President Leni Robredo Visit and Distribution of Relief Assistance in Dinagat Islands

    Media Interview with Vice President Leni Robredo
    Visit and Distribution of Relief Assistance in Dinagat Islands


    GMA: Ma'am ano po yung parang purpose po natin sa pagpunta po sa Dinagat Islands after the Bagyong Odette po?

    VP LENI: Ah ito pangalawang punta ko. Nandito na ko nung Linggo kaya lang pagpunta ko ng Linggo marami pang mga daan 'yung hindi pa nadadaanan so hindi ako nakaikot. Ngayon ay tiningnan natin 'yung sa Operations Center, inalam pa natin kung ano 'yung mga pwede pang iba tulong. Ngayon kasi 'yung napadala pa lang natin na una saka may padating today saka bukas, nakasakay siya sa mga iba't ibang mga Navy vessels, may Coast Guard, may private, pero 'yun kasi mga pagkain. Mga pagkain 'yun. Pinag-usapan namin ni Gov. Kaka na magpapartner kami para siguraduhin na 'yung pagpapabahay ay maisaayos, na 'yung mga nasıraan ng bahay na nasa danger zones 'yung mga nasa coastal communities, rather than i-allow silang mag-rebuild doon na ma-eendanger ulit 'yung buhay nila, magpoprovide 'yung provincial government ng relocation site para mas maayos na 'yung mga bahay na matatayo. Kinuwento ko kay Gov. na project na ito ng OVP mula pa noon. Nagsimula kami sa Marawi after the Marawi Siege gumawa kami ng village doon. Nung Typhoon Rolly saka Ulysses meron kaming several na mga communities na tinayo. Ito ay private funds ng mga partner ng OVP and sinabi ko kay Gov. Kaka na willing kaming makipagpartner with the provincial government tapos magdala ng mga donors na mga private dito para matulungan talaga 'yung lalawigan kasi alam natin na tinamaan talaga 'yung buong province.

    GMA: Ma'am ano po 'yung mga challenges na nakikita niyo sa pagtulong po dito sa Dinagat Island?

    VP LENI: 'Yung pinakamahirap talaga sa Dinagat 'yung logistics dahil walang airport dito. So ano tayo, dependent tayo sa ano to, sa sea travel saka sea cargo gaya kanina, ‘yung problema, hindi makaalis ‘yung mga vessels kanina doon sa Surigao. Nasa Surigao kami kanina dahil may gale warning. Ewan ko lang ngayon kasi bumuti-buti ‘yung panahon. So ano talaga, ‘yung pinakamahirap ‘yung- ‘yung pagpapadala ng goods dito. ‘Yung pangalawa, napakalawak kasi nung tinamaan ng Odette. Hindi lang siya Dinagat, pero Surigao, Bohol. In fact, kaninang umaga nasa Bohol din ako, Southern Leyte, Cebu. So ano, naka- naka-spread talaga ‘yung efforts ng maraming, hindi lang ng government agencies, pero ‘yung mga private organizations na tumutulong. Kaya lang minabuti ko na puntahan ito for the second time in one week kasi alam ko talaga na ito ‘yung maraming pangangailangan.

    REPORTER: Ma’am, mensahe niyo po sa mga Dinagatnon dito po sa Dinagat Islands?

    VP LENI: Sinabi ko na ‘to kay Gov. Kaka kanina na ‘yung purpose ko para bumalik, alam kong ang hirap ng pinagdadaanan. ‘Yung makita man lang nila na hindi sila iiwan, makita nila na, makita nila na hindi sila papabayaan. ‘Yun ‘yung pinaka-importante na personal na mabisita. Kasi alam mo, ‘yung lahat na taong ‘yan, Christmas pa naman, ‘di ba? Christmas, New Year, tapos ganito ‘yung kalagayan nila. Kanina ang lakas ng ulan. Kinukwento nga ni Gov. Kaka kanina na nag-aalala nanaman siya kanina noong lumakas ‘yung ulan kasi ang dami pang walang bahay. Si Gov. Kaka, pinuntahan ko ‘yung bahay, sa tent siya natutulog. So, so syempre ‘yung wish natin na mapabilis, mapabilis ‘yung rehab efforts natin kasi ‘yun naman ‘yung pinaka-importante, ‘di ba. Ang pinakaimportante na kumakain ‘yung mga tao, na ligtas sa sakit, tapos may bubong na na titirhan. So, sisiguraduhin natin na kahit limited ‘yung ating, ‘yung ating resources, sisiguraduhin natin na ma-channel din dito, na ito ‘yung mahirap puntahan eh. Hindi gaya ng iba na may mga airports, ito talaga sobrang hirap puntahan. So, so talagang kailangan din na doble, doble effort din na sisiguraduhin na may nakakarating dito.

    REPORTER: Okay. Ma’am, maraming salamat. Thank you so much.

    VP LENI: Salamat.

    [End]

     

    Posted in Transcripts on Dec 28, 2021