This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Let Us All Change The Conversation

    Office of the Vice President

    25 July 2017

    Message at the Launch of Istorya ng Pag-asa – Novaliches SB Plaza, Barangay Novaliches Proper, District 5, Quezon City, 25 July 2017

    Vice Mayor Joy Belmonte; Bishop Tobias; Fr. Tony Labiao; siyempre po, Brgy. Chairwoman Cion Visayas, tsaka po iyong lahat ng mga kapitan na kasama po natin ngayong umaga; siyempre po, iyong ating minamahal na councilor, Councilor Joe Visaya; nandiyan po si Peachy De Leon ng Third District; nandito rin po iyong 42 INP champs, binasa ko po iyong mga kuwento ninyo kagabi, napakagaganda ng kuwento ng bawat isa – dapat nga po iyong kuwento niyo hindi lang sa Lungsod ng Quezon maikalat, kundi sa buong Pilipinas kasi napaka-inspiring talaga; iyong mga barangay officials na kasama po natin ngayong umaga; mga principals; mga teachers; mga members po ng Homeowners Association at Nagkakaisang Kababaihan ng Novaliches Proper; ating senior citizens, mga kawani ng pamahalaan, mga minamahal kong kababayan: Magandang umaga pong muli sa inyong lahat.

    Alam niyo po noong ako ay Congresswoman pa ng Third District ng Camarines Sur, isang araw po, bumisita ako sa isang paaralan. Sabado po iyon, so walang pasok. Pagbisita ko po sa paaralan may pinasok po ako na isang classroom. Iyong classroom po nakita ko mayroong limang Manila paper na nakadikit sa dingding. Bawat isang Manila paper nakalagay po: Monday tapos one, two, three, four, five, six, seven, eight, nine – pangalan ng mga tao; Tuesday, ganoon din – hanggang nine din na mga pangalan ng mga tao; hanggang Friday ganoon. Kasama ko po iyong isang barangay official. Tinatanong ko siya, “Ano ba ang mga listahan na ito kasi nakakabit siya sa dingding ng classroom?” Sabi niya po, “Iyong klase, Ma’am, kasing ito, 38 iyong estudyante pero siyam lang ang upuan. Kaya iyang nakikita mong listahan na Monday to Friday, iyan ang listahan ng mga estudyante na puwedeng umupo sa araw na iyon.” Sabi nila, “Kailangan naming gawin iyong listahan kasi noong wala pang listahan, nag-aagawan sila ng upuan. Ginawa namin iyong listahan para sa isang linggo, lahat ay mayroong pagkakataong umupo.”

    Hindi po ako makatulog noong pag-uwi ko na iniisip na mayroon palang ganoong classroom. Nilagay ko po sa Facebook iyong kuwento – may pictures. At ang nakakatuwa, napakarami pong nag-respond doon sa Facebook post ko. Alam niyo po, less than a week, nakapag-deliver na po kami – hindi lang kaunting upuan, hindi lang 38, pero 50 upuan para doon sa classroom na iyon. Mayroon pang extra. Ano po iyon, isang linggo lang at hindi po huminto. Ang dami pang upuan na dumadating dahil lang doon sa Facebook post ko. Kaya iyong ibang mga classrooms na kulang din ang upuan, nabigyan din natin. Isa pong kuwento iyon.

    Ang pangalawang kuwento, habang Congresswoman din po ako ng isang distrito, bumisita po ako sa isang mountainous na barangay, sa isang town na ang tawag po ay Ocampo. May nadaanan po akong matandang-matandang babae na may dala na mga damit, naglalakad sa mainit. Hinintuan ko po siya, tinanong ko kung saan siya papunta. Ang sabi niya, “Pauwi na po ako. Naglaba po kasi ako.” Naglaba siya doon sa isang batis. Pero ang tanda na po noong babae. Pinasakay po namin siya sa sasakyan ko, hinatid namin sa bahay. Pagdating po namin sa kanyang bahay, iyong bahay niya talagang tagpi-tagpi lamang. Talagang napakaliit na bahay na maraming mga butas. Pero hindi pa po iyan ang katapusan ng kuwento.

    Pagpasok po namin sa loob ng bahay, nakita namin na mayroong nakahiga na lalaki. Iyon pala ay apo siya ng babae na nakita namin at iyong apo, 32 years old na. Mayroon siyang cerebral palsy. Hindi po siya nakakalakad. Siya pala ang lolo, iyong nakita namin. Ang sabi po ng lola mula bata hanggang pagtanda, siya ang nag-alaga doon. Kahit ang tanda niya na, kinakarga niya pa ang kanyang apo lalo na kapag bumabagyo kasi lilipat sila sa evacuation center. Kasi talagang parang hindi bahay iyong tinitirahan.

    Nilagay ko rin po iyon sa Facebook – iyong kuwento, iyong hitsura ng bahay. Alam niyo po less than a month may nagpagawa na ng bahay para sa kanila. At hindi lang po iyon. Iyong pagkagawa ng bahay napakaayos, ibang-iba na doon sa sinimulan. Hindi lang siya basta-basta bahay, talagang bahay na maipagmamalaki. At hindi lang po iyon. Dahil din sa Facebook post ko, mayroon na rin pong nagbibigay sa kanila ng groceries linggo-linggo. Taga-Quezon City po iyong nagbibigay. Hinahatid po sa opisina ko sa Kongreso linggo-linggo iyong groceries. At kapag umuuwi po ako ng weekend, dala-dala ko na siya. Mayroon pong nagbigay ng tungkod, mayroong nagbigay ng mga unan, mayroong nagbigay ng mga bedsheet – nakumpleto iyong lahat ng pangangailangan.

    At bakit ko po ikinikuwento ito sa inyo ngayong umaga? Dahil ito po iyong kapangyarihan ng pagkukuwento. ‘Di ba iyong storytelling? Ito iyong kapangyarihan niya. Ito iyong kapangyarihan ng social media. Napakarami nating puwedeng maabot dahil lang sa pagkukuwento. Napakarami nating puwedeng gawin dahil lang sa pagkukuwento.

    Pero iyong nakakatakot rin dito, dahil makapangyarihan ng social media, puwede rin itong maabuso. Nakikita na po natin iyan ngayon. Sino ba sa inyo ang nagfe-Facebook dito? Ayun, maraming nagfe-Facebook. Nakikita natin ang daming awayan sa Facebook, ‘di ba? Ang daming nagmumura, ang daming naninira, ang daming nag-aaway. Ito po dahil naaabuso. Ang daming sinisiraan, ang daming pangalan na nasisira. Paminsan, hindi naman totoo. Ayan, kami ni Vice Mayor Joy, biktima din kami nito, ‘di ba? Marami talagang tumitira sa iyo dahil naaabuso iyong social media. Nakikita po natin kahit magkakamag-anak nag-aaway na dahil din sa social media.

    Dahil po dito, naisipan natin na kailangang may gawin tayo. Pero noong una, hindi po namin alam kung anong gagawin hanggang naimbita po ako noong November. Naimbita po ako ni Cong. Bolet Banal ng Third District sa isang okasyon sa Ayala Museum. Ang okasyon po, iyong proyekto niya na “Araw ng Pag-(b)asa.” Doon po sa okasyon na iyon, may mga fineature na mga istorya ng pag-asa. Isa nga po doon, taga-Quezon City – si Nanay Lorna. Kinuwento ko na ito sa Quezon City Hall. Si Nanay Lorna po ay taga-Third District, nagtitinda siya ng turon. Pero sa pagtitinda niya ng turon, napag-aral niya ang kanyang mga anak. Mayroon na siya ngayong anak na nag-abogado, mayroon na siyang anak na teacher, mayroon na siyang anak na nurse, at iyong pinakabunso niya po ngayon – iyon na lang ang nag-aaral – nag-me-Medicine. Intarmed po sa UP. Dahil lang iyon sa sipag. Fineature doon si Nanay Lorna. Doon po namin nakita iyong pagkakataon: Bakit hindi natin gawing nationwide campaign iyong Istorya ng Pag-asa?

    Noong naisipan po namin iyon, nag-launch na po kami sa ilang mahahalagang lugar dito sa Pilipinas: sa Cagayan de Oro, sa Xavier University, sa Cebu – dalawa na po iyong launch namin sa Cebu, sa Cebu City at Cebu Province. Sa Baguio, nag-launch na rin po tayo ng Istorya ng Pag-asa. Sa Naga kung saan ako galing, dito po sa Quezon City – doon sa Quezon City Hall, isang flag ceremony. Pumunta na rin po kami sa Negros Oriental. Nag-launch po kami sa dalawang lugar: sa Silliman University at sa Manjuyod. Nag-launch din po kami very recently sa Pasay City. At ngayon pong first week of August, maglo-launch sa Puerto Princesa, Palawan.

    Ito po ay isa nang nationwide campaign. Isang nationwide campaign kung saan naghahanap tayo ng mga istorya ng mga ordinaryong tao na gumawa ng ekstraordinaryong mga bagay. Huwag na po tayong lalayo. Ang kuwento po ng ating Kapitana at ni Councilor Joe – talagang napaka-inspiring, hindi ba?

    Noong ikinikuwento nga ni Councilor Joe kanina, sabi ko, “Blooming na blooming si Kapitana.” Sabi po ni Councilor Joe, “Niligawan ko iyan kasi nagtitinda iyan ng gulay sa palengke.” Sina Councilor Joe, ang pinagmulan nila, ang kapital dalawang baboy lang. Ngayon, nakita naman natin, kilala po natin lahat si Councilor Joe at Kapitana, may doktora nang anak.

    Kaya talagang ang daming kuwento na kailangang ikuwento sa iba para magbigay ng inspirasyon. Ito po, napakarami na rin po naming nakilala. Ikukuwento ko lang po ang iba.

    Noong nakaraan pong weekend, nandoon po ako sa Hong Kong. Pumunta po ako sa Hong Kong para maghanap ng mga istorya ng pag-asa. At napakarami ring kuwento.

    Ipapakilala ko po sa inyo si Glady. Ayan, si Glady Ayo. Nagkasakit ang kaniyang tatay, kaya napilitan siyang pumunta ng Hong Kong para magtrabaho kasi walang-wala sila. Pagpunta niya po sa Hong Kong, naging domestic helper siya o kasambahay.

    Pero ang kuwento niya po, hindi siya naging masuwerte sa kaniyang amo. Ang amo niya, mahigpit. Sabi niya po, kahit alas dos ng umaga, ginigising siya. Dapat alas kuwatro ng umaga, gising na siya. Pagkatapos po ng una niyang kontrata, hindi na siya nag-renew. Two years po ang kontrata niya. Noong hindi na siya nagrenew, naghahanap na ulit siya ng ibang trabaho, hindi siya nakakahanap.

    Hanggang isang araw, pumunta siya sa isang park sa Hong Kong. May dumaan sa kaniya na isang foreigner na may kasamang aso. Pagdaan po sa kaniya, nilaro niya iyong aso, at gustong-gusto sa kaniya noong aso. Pagkatapos noon, hinire na siya noong foreigner para mag-alaga ng aso. Iyon po ang sunod niyang trabaho, hanggang—kokonti ang suweldo sa pag-alaga ng aso—nag-aral po siyang mag-drive.

    At ngayon, si Glady, driver na po siya ng isang foreigner sa Hong Kong. Nakapagpagawa na ng bahay, napagamot na ang magulang, at marami nang pagbabago ang naibigay.

    Ang pangalawang kuwento po na ikukuwento natin, si Dina Stadler. Si Dina, OFW rin po siya dati sa London. Pero habang kasambahay siya sa London, nag-aral po siya ng mga pampaganda. Noong nakaipon siya ng pera, bumalik siya sa Pilipinas at nagnegosyo ng mga pampaganda. Lumaki nang lumaki ang kaniyang negosyo, ngayon po may korporasyon na siya, ang DS Stadler Skin Care Enterprises. Napakalaki na po ng kaniyang negosyo.

    At ang huling kuwento na ikukuwento ko po sa inyo ngayong umaga, nakilala po namin sa Taysan, Batangas. Ang pangalan niya po, Francis. Grade 6 student, magte-twelve years old pa lang po siya ngayon.

    Pinasok ko po ang mga classroom kasi mayroon po kaming kasamang partner na magpapagawa ng mga classroom. Pagpasok ko sa classroom ng Grade 6—kasama ko po iyong mayor—kilala ni Mayor ang isang bata, na parang kaibigan niya. Sabi ko po, “Mayor bakit kilala mo iyong bata?” Sabi po ni Mayor, “Kasi nagtitinda iyan dito. Kilala iyan ng lahat, dahil pagkatapos niyan galing sa eskuwela, nagtitinda iyan.”

    In-interview ko po iyong bata, ganoon pala ang ginagawa niya. Paglabas po ng paaralan, nagtitinda na siya. Paminsan po, nagka-carwash siya. Tapos kapag weekends, nagtitinda po siya ng ulam. Nagtitinda siya ng breakfast, nagtitinda siya ng pananghalian, nagtitinda siya ng merienda, para meron silang pambaon ng kaniyang kapatid sa paaralan.

    Kaya ito po. Ito, mga ordinaryong tao lamang, pero sa gitna ng napakaraming pagsubok, talagang nalampasan pa rin ang pagsubok. Hindi ininda ang pagsubok. At nagbibigay na sila sa atin ngayon ng inspirasyon.

    Gaya po ni Francis, tinatanong ko, “Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?” Ang sabi niya po, “Hindi naman, ma’am. Kasi natutuwa ako na nakakatulong ako sa aking mga magulang.”

    Kaya hindi po ba mas magandang pinag-iisipan nating lahat kung papaano natin mapapakilala ang mga taong gaya ni Glady, mga taong gaya ni Dina, mga taong gaya ni Francis, dahil ang kuwento ng bawat Pilipino ay istorya ng pag-asa.

    ‘Di po ba? Lahat tayo dito, may kuwento na talagang magbibigay ng pag-asa para sa ating mga kababayan. Hindi po natin hahayaan na mananahimik na lang tayo sa gitna ng napakaraming awayan. Sa social media po, napakaraming trolls, pero ang sagot ba diyan, makikipag-away din tayo?

    Huwag na po tayong makipag-away. Imbis na masasama ang pino-post natin, i-post na lang po natin ang mga kuwento ng ating 42 na Istorya ng Pag-asa ngayon. Imbis na pinag-aawayan ang mga masasamang bagay, mas magandang pinag-uusapan iyong mga kuwentong nakapagbibigay ng inspirasyon.

    Napakamakapangyarihan po ng social media, alam po natin iyan ngayon. Pero gamitin po natin siya sa tama. Kaya ngayong umaga, may ipapakilala po tayo na 42 na napaka-inspiring na mga kababayan. Ito po, nandito po ang kanilang mga kuwento. At gusto ko pong i-congratulate si Kapitana, sa lahat po ng pagod na ginawa niyo. Napakaganda, Kapitana, ng exhibition. Saka po, napakaganda ng presentation na ginawa ninyo ngayon. At balita ko po, tinulungan rin po kayo ng ating mga kapitan na galing sa Fifth District. Kaya maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

    Ngayon pong umaga, makikilala natin iyong 42. Pero sana po pagkatapos nito, basahin natin ang mga kuwento nila. Pero hindi lang po natin babasahin, i-share rin po natin sa iba ang kanilang mga kuwento.

    Gaya ng sabi Kapitana at ni Vice Mayor Joy, iiikot po natin ito—hindi lang po sa buong District 5, hindi lang po sa buong Quezon City, pero sa buong Pilipinas.

    Kaya maraming-maraming salamat po kay Councilor Joe, sa ating kapitana, at sa ating mga kapitan. Maraming maraming salamat rin po sa 42 na nagbibigay sa atin ng inspirasyon ngayong umaga.

    Magandang umaga pong muli inyong lahat.

    Posted in Speeches on Jul 25, 2017