This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Lampas 600,000 pamilyang Pilipino, natulungan ng Angat Buhay ni VP Leni

    Lampas 600,000 pamilyang Pilipino, natulungan ng Angat Buhay ni VP Leni

    Nakatulong sa 622,000 pamilyang Pilipino mula sa 223 na bayan at lungsod sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Angat Buhay, ang pangunahing programa ni Bise Presidente Leni Robredo, mula nang magsimula ito nuong 2016.

    Ayon sa year-end report ng Office of the Vice President (OVP), nagawa ito gamit ang lampas P520 milyong pondo na karamihan ay donasyon mula sa private sector at sa pakikipag-ugnayan sa 372 na organisasyon.

    Ang mga datos na ito ay sumasaklaw sa halos anim na taong pagtugon ng Angat Buhay sa mga pangangailangan ng mga pamilyang nasa laylayan.

    Naipakita ng programa ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng pribado at pampublikong sektor kung saan naisulong ang key advocacy areas: food security and nutrition; universal healthcare; public education; rural development; housing and resettlement; and youth and women empowerment. Kasama din sa programa ang disaster relief at rehabilitation at ang tugon sa pandemyang dulot ng COVID-19.

    Ang pangarap ni Robredo para matulungang maiahon ang buhay ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Angat Buhay ay nasasalamin sa kanyang pangarap para sa bayan sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa Mayo 2022.

    “Meron na tayong vision na kapag tayong binigyan ng pagkakataon, ito 'yung Pilipinas na inaasahan natin: na 'yung mga naiiwan ay inaakay, 'yung mga nadadapa, ibinibitbit. 'Yung mga blessed ay sini-share yung blessing sa iba,” sabi ni Robredo.

    Simula 2016, P146.83 milyon sa donasyon mula sa pribadong sektor at P85.25 milyon sa relief assistance ang naibigay ng OVP sa mga lugar na naapektuhan ng sakuna tulad ng pagputok ng Taal, bagyong Nina noong 2016, at mga residente sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette.

    Pinanguhanan ni Robredo ang tugon ng OVP sa pandemya sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng Swab Cab, na nag-test sa 9,757 katao sa mga lugar na mataas ang transmission rate; Vaccine Express na nagdala ng frontliners para tumulong sa vaccination program ng mga lokal na pamahalaan; at ang Bayanihan E-Konsulta na tumulong maibsan ang pagdagsa sa mga ospital sa pamamagitan ng telemedicine. Pinondohan din ng tanggapan ang 35,656 extraction and detection kits para makatulong na makilala ang mga COVID-positive na indibidwal.

    Tinugunan din ng tanggapan ang kawalang ng hanapbuhay at ang hamon ng remote learning sa mga programang tulad ng Community Mart, na nakatulong sa 41 na tricycle driver at 248 na manininda sa Pasig at Quezon City, Sikap.Ph na pinadali ang paghahanap ng trabaho para sa mga natanggal noong pandemya, at pagbibigay ng gadget sa mga estudyante at pagtatatag ng Community Learning Hubs.

    Ang mga programang pangkalusugan ni Robredo ay hindi limitado sa medical assistance na binibigay ng kanyang tanggapan. May kabuuang P82.14 milyon ang nagamit sa mga proyektong pangkalusugan sa 124 na lokalidad, tulad ng isang mental health facility sa San Remigio, Cebu na nabigyan din ng x-ray machine at mga gamot sa tulong ng Solanaland Foundation and ANCOP Foundation USA.

    Mayroong 44 na proyektong nagkakahalaga ng P39.49 milyon na sinimulan para tugunan ang malnutrisyon. Sa Lambunao, Iloilo, 800 na bata ang nakinabang sa feeding program na isinagawa kasama ang Negrense Volunteers for Change Foundation, Inc.

    Sa pamamagitan din ng OVP at mga partners nito ay nakapagpatayo ng 81na classroom at limang dormitoryong nagkakahalaga ng P122.96 milyon para makatulong sa mga mag-aaral sa mga lugar tulad ng Siayan, Zamboanga del Norte kung saan itinayo ang dormitoryo sa tulong ng Yellow Boat of Hope Foundation.

    Sa pagtira sa mga dormitoryo, hindi na kailangang maglakad nang malayo ng mga estudyante para makapasok. Nagbigay din ang Angat Buhay ng scholarship at skills training sa higit 120 na kabataang Pilipino.

    Naabot din ng program ang 138 na women entrepreneurs sa iba’t ibang panig ng bansa, kung saan binigyan sila ng access sa mga pagkakataong pangkabuhayan, kasama na ang kapital at pagtuturo ng mga eksperto, sa pamamagitan ng Angat Buhay Workshop for Aspiring Women Entrepreneurs.

    Kasama ang UN Women, Embassy of Sweden, SPARK Philippines, at Empower, nilunsad ng OVP ang #RespetoNaman, isang kampanya laban sa gender-based violence, rape, at sexual harassment. Sinimulan din ng tanggapan ang Babaenihan Talks para tugunan ang teenage pregancy sa mga mahihirap na pamayanan.

    Ang livelihood assistance naman ay umaabot sa P39.20 milyon. Kasama sa mga beneficiaries ay mga mangingisda, magsasaka, mananahi, maliliit na negosyante, at mga rider sa pakikipagtulungan sa 86 na accredited civil society organizations, katulad ng mga miyembro ng PANGISDA Parañaque na nakatanggap ng mga fish cage, bangka, at iba pang mga kagamitan kasama ang training sa financial and business management, leadership, organizational building, at cooperative building.

    Samantala, ang Trabahope, ang employment program ng Angat Buhay para sa mga out of school youth na nilunsad noong pandemya sa pakikipag-partner sa USAID at Philippine Business for Education (PBEd), ay may 629 beneficaries sa ngayon.

    Kasama sa mga rural development project ang programang Omasenso sa Kabuhayan, kung saan ang mga maliliit na magsasaka sa Camarines Sur ay naging mga agri-preneurs at direktang iniugnay sa mga mas malalaking merkado para sa kanilang mga produkto, na ngayon ay nagbibigay ng kabuhayan sa 11 organisasyon ng mga magsasaka.

    Natulungan din ng Angat Buhay ang Marawi City at Bicol sa pamamagitan ng mga programang pabahay nito. Nalaanan ng P15.4 milyon ang BAHAYanihan program sa Bicol para magbigay ng materyales sa paggawa ng bahay sa mga taong nakatira sa mga danger zone, habang nakapagpagawa ng 72 transitory shelters sa Marawi para sa mga naapektuhan ng pagkubkob sa tulong ng mga donasyon mula sa pribadong sektor.

    (End)

     

    Posted in Press Releases on Jan 03, 2022