This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Kalayaan sa COVID Plan ni Leni: Mula sa tao, para sa tao

    Kalayaan sa COVID Plan ni Leni: Mula sa tao, para sa tao

    [Filipino Version]

    Sinabi ni Vice President Leni Robredo, kandidato para sa pagka-Pangulo, nitong Lunes, ika-8 ng Nobyembre, na ang kanyang Kalayaan sa COVID Plan ay bunga ng pakikipagkonsulta sa iba’t ibang sektor.

    Layon ng Kalayaan sa COVID Plan na palayain ang sambayanang Pilipino mula sa kanilang pangambang magsakit, sa gutom, at sa kakulangan sa edukasyon na dala ng pandemya sa pamamagitan ng kanyang 10-point program. Karamihan sa mga hakbang na pinapanukala niya ay ginagawa na ng Office of the Vice President (OVP) sa mga relief operations nito para sa pandemya.

    “Yung mga representatives ng nurses, ng urban poor, ng business, ng agri, ng education, BHW [barangay health workers]– kailangan kinokonsulta sila kasi, kailangan yung natatanong yung lahat ng stakeholders na affected. Kaya pag tiningnan niyo yung program namin, merong education, in fact merong transport, merong negosyo, merong employment… Yung opisina naman namin, very regularly nagkakaron kami ng briefings. Yung COVID plan hindi ito galing sa kin, pero galing sa consultation with the many different sectors,” sabi ni Robredo.

    Umani ng papuri ang plano mula sa mga sektor na naging bahagi ng pagbalangkas nito.

    Ayon kay Susan Wong Hugo, isang BHW mula Sta. Mesa, Manila, walang duda na matutuwa ang mga kasama niyang barangay health workers sa Kalayaan sa COVID Plan ni Robredo, dahil sila ang mga unang rumeresponde kapag kumalat ang virus sa kanilang pamayanan. Naghayag din ng hinaing si Hugo sa mga pagkukulang ng kasalukuyang pamahalaan.

    “Unang una na para sa BHW, mababa ang sweldo na kailangan lamang manggaling sa kung ano ang budget ng barangay. Walang social protection tulad ng Philhealth, SSS at PAG-IBIG. Kapag naisakatuparan na ng maayos ang para sa public health kasama ang tugon sa aming mga maliit na kahilingan, bababa na ng tuluyan ang kaso at tayo ay makakapamuhay na ng maayos at normal. Lahat tayo ay magiging malaya na sa Covid kaya marami pong salamat VP Leni sa inihandang plano ng Kalayaan sa COVID,” sabi niya.

    Ayon kay Maristela P. Abenojar, presidente ng Nurses United, naniniwala ang group sa plano ni Robredo at sumang-ayon sa pananaw ni Hugo na mapapatibay ng programa na ito ang public health system.

    Partikular na diniinan ni Abenojar ang pangangailangan na magkaroon ng sapat na budget para sa kalusugan at pangalagaan ang mga nars at lahat ng mga health workers at health professional.

    “Dapat rin tiyakin ng pamahalaan ang pagbibigay ng mga libreng gamot at serbisyong pangkalusugan sa mga pangpublikong pasilidad pangkalusugan,at magkaroon ng isang nurse sa bawat barangay gayundin ang dagdag na health personnel sa lahat ng komunidad at ospital. Dapat nang wakasan ang mga katiwalian at korapsyon! Ang lahat ng mamamayang Pilipino ay may karapatan sa kalusugan at pangunahing reaponsibilidad ng pamahalaan na tiyakin ito lalo na ngayong may pandemya,” sabi ni Abenojar.

    Pati sa labas ng health sector ay positibo ang reaksyon sa plano.

    “Napakalaking tulong po ng Kalayaan sa COVID Plan lalong lalo na po ang mga nasa laylayan. Nawa'y maipagpatuloy pa ito. Ako po ay nagagalak dahil po nagkaroon ng ganitong plan lalong lalo na ngayong panahon ng pandemya,” sabi ni Jheodelyn Pangilinan, isang Grade 3 teacher na dumalo sa media launch ng COVID plan ni Robredo.

    "Sang-ayon tayo sa COVID response plan ni VP Leni. Ang idadagdag lang natin for transport workers, naming mga drayber at operator para sa COVID response ay ang pagpapatuloy ng service contracting. Naitulak natin ito at nalaanan ng pondo sa Bayanihan 2 kasama ang Move As One Coalition bilang isa sa mga mitigation measure sa COVID response. Sa ngayon ay 70% lang kasi ang policy ng IATF/LTFRB para sa mga pampublikong sasakyan. Sa pamamagitan ng service contracting ay na-aaddress ang pagkalat ng virus sa mga public utility vehicles (PUV), mas ligtas, convenient ang mga pasahero at may income guarantee ang mga drivers. Ang mga drivers ay mga frontliners din," sabi ni Elmer Carrascal ng Mandaluyong Chapter ng National Confederation of Transportworkers' Union.

    Aminado si Robredo sa press conference na maaring tawagin na ambisyoso ang kanyang COVID plan para sa bansa, pero aniya: “Kailangan maging ambitious kasi ang laki ng problema natin ngayon.”

    Naulit ng Bise Presidente na maraming aspeto ng plano ang ginagawa na ng OVP kahit maliit ang pondo ng opisina. Madaling mapapatupad ang mga COVID response programs kung nagtutulungan at nagkakaisa, aniya.

    “Nagawa na namin yan dito sa opisina, na meron kaming kakarampot na pera pero siniguro namin na i-shift muna siya sa COVID response. Possible siya eh. Kailangan lang talagang all hands-on deck tayo, na lahat ng mga agencies committed, na yung kanilang mga pondo na hindi pa very urgent gamitin for other items, magamit muna for COVID response,” sabi ni Robredo. (end)

    Posted in Press Releases on Nov 08, 2021