This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Kababaihan: Ilaw ng Tahanan, Haligi ng Lipunan

    8 March 2017

    Talumpati sa 1st NGO/PO’s Women Leaders’ Summit, Council of Sectoral Representatives (CSR), Quezon City Development Council and Women’s Federation for World Peace, Performing Arts Theatre, Amoranto Stadium, Quezon City

    Happy International Women’s Day po sa lahat sa atin.

    Maraming salamat po dahil napakalaki ng utang na loob ko sa mga kababaihan ng Quezon City.

    Kung naaalala niyo po noong wala pang nakakakilala sa akin, pinakilala ako sa inyo ni Vice Mayor Joy sa Araneta. Naalala ninyo po iyon? Nagtipon-tipon tayo sa Araneta, napakarami natin, kung hindi ako nagkakamali December 15 iyon.

    Nasundan po iyon noong Solo parents’ federation na okasyon. Marami po nagsabi sa akin noon na wala sa aking nakakakilala pero nagpapasalamat po ako sa mga kababaihan ng Quezon city kasi kahit hindi pa ako kilala, tinanggap niyo ako ng buong buo kaya maraming sa lamat po sa inyong lahat.

    Kada taon, ipinagdiriwang ng buong mundo ang International Women’s Day upang bigyang pugay ang tapang, lakas, at sigasig ng ating kababaihan.

    Napakahalaga po ng okasyong ito – lalong-lalo na sa ating mga Pilipino. Sa panahon na tila tumatanda tayong paurong sa paraan ng pagkalinga’t pagrespeto sa ating kababaihan, tanda ang araw na ito ng ating iisang sigaw at patuloy na pakikibaka bilang mga babae.

    Sa ating kasaysayan, ito alam na alam natin, ipinamalas ng Pilipina ang kanyang angking talino, tapang, at pag-aaruga upang maitaguyod ang isang malayang bansa.

    Kung naaalala po natin sina Doña Teodora Alonzo at Doña Laureana Novicio ang mga butil ng kabayanihan sa puso’t isipan ng batang Rizal, naalala niyo pa ba sila?

    O absent tayo nito? Di ba naalala niyo noong pinagaralan natin si Rizal, napakaling bahagi po ng mga kababaihan sa kanyang buhay.

    Mula sa kanila, umusbong ang hanay ng mga bayani na siyang nagbuwis-buhay upang ipaglaban ang ating demokrasya.

    Sa gitna ng takot at madugong digmaan, inaruga nina Gregoria de Jesus at Tandang Sora ang mga kawal ng Katipunan. Hindi nila inalala ang panganib na dulot ng paglilingkod sa kapwa.

    Sinundan pa ito ng napakaraming bayaning kababaihan sina Josefa Llanes Escoda, Lorena Barros, Liliosa Hilao, at Corazon Aquino – mga simbolo ng katapangan, katatagan, at tapat na pagseserbisyo.

    Magmula noon hanggang ngayon, kabahagi na ang kababaihan sa pagiging haligi ng isang matatag at progresibong lipunan. Ngayon, may bago tayong hinaharap na digmaan.

    Parati naman tayong may hinaharap na digmaan bawat panahon ibat-iba ang suliranin na ating hinaharap. Pero sa bawat suliranin na hinaharap ng ating bansa, paratin nangingibabaw ang katapangan ng ating mga kababaihan. Di ba?

    Kahit anong siglo ng ating panahon, maraming nangingibabaw na babaeng naging matagumpay sa pakikipaglaban para sa ating karapatan.

    Sa nakaraang pitong buwan, saksi tayo kung papaano patuloy na hinahati ang ating bayan ng galit, inggit, at kawalan ng pag-asa. Maraming pekeng balita, online trolls, at malisyosong propaganda.

    Kaya ang tanong natin, ito ba ang demokrasyang pinaglaban natin? Ito ba iyong gusto nating lakihan na lipunan ng ating mga anak? Ito ang mga dapat nating itanong sa ating mga sarili.

    Nakakalimutan na ba natin na marami tayong ipinanalo na mga suliranin na ang katotohanan, sa katapusan noon, ang kapangyarihan pala ay nasa sa atin at wala sa kamay ng mga lider natin.

    Wala sa kamay ko, wala sa kamay ng pangulo ngunit nasa kamay ng bawat isa sa atin kaya po sana sa bawat suliranin na kakaharapin, sana ipaalala natin sa ating mga sarili kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng bawat isa sa atin.

    Bilang kababaihan, nasa kamay natin ang pagbabago ng ating Inang Bayan. Hindi ito nakadepende sa iisang tao, kasarian, o paniniwala. Ang pagbabago ay dumadaloy sa bawat kontribusyon upang mapaginhawa ang kababayang nagdurusa. Ito ang tunay na diwa ng mapagkalingang demokrasya.

    Ewan ko po kung narinig niyo na pero ang Pilipinas, maganda ang standing natin sa 2016 Global Gender Gap Report.

    Ikapito po tayo at talo pa natin ang Amerika, pang dose lang sila. Dito sa Asya tayo pinakamataas. Ibig sabihin ang antas ng kababaihan sa atin nakakalamang tayo sa iba. Pero alam natin na kahit 7th in the world tayo marami pa rin dapat mangyari na pagbabago.

    Kanina po nabalitaan ko na andito si Sen. Risa Hontiveros. Kanina po kasing alas nuwebe kasama ko siya sa Miriam. Naikuwento po niya kanina na iyong kanyang panukalang batas naipasa na sa senado.

    Ano po iyon, na iyong paid maternity leave na dati 60 days lang, ngayon 120 days na. Ibig sabihin apat na buwan pagtapos manganak puwede ka pa mag-leave para alagaan ang anak mo at may bayad iyon para ka pa rin pumapasok sa trabaho.

    Bakit po napakahalaga nito? Sino na iyong mga nag-apply dito ng maternity leave? Di ba dati 60 days lang? Kailangang kailangan na tayo ng ating mga sanggol, iniiwan na natin kasi kailangan na nating bumalik sa ating mga trabaho.

    Ngayon po iyong naipasa ni Senator Risa sa Senado, hanggang apat na buwan puwede kang magbakasyon at mag-alaga ng baby mo. Tapos mayroon pa po iyon para sa mga solo parents gaya natin, 150 days na po. Limang buwan po na puwede tayo mag-maternity leave.

    Pati po mga tatay na tutulong sa pag-alaga, puwede din mag-leave. Dati po 7 araw lang. Ngayon po 30 days na.

    Napakalaking bagay po iyon sa mga kababaihan na nanganak at nag-aalaga ng anak. Alam po natin kung gaano kahirap iyong magtrabaho at mag-alaga ng anak.

    Kaya marami sa mga kababaihan ang di nakakapagtrabaho kasi nag-aalagang anak.

    Kaya napakahalaga po ng partnership natin with the Rotary Club of North Edsa at Soroptimist International kasi binibigyan niya po tayo ng pagkakataon na magnegosyo habang nagaalaga ng pamilya. Kahit po hindi tayo full time na makakatrabaho, marami pa rin tayong panahon para magkaroon ng sarili nating hanapbuhay.

    At ito po ang sentro ng aking mensahe kasi alam ninyo po matagal po akong nag-abugado sa mga kababaihang nabubugbog. Marami po akong karanasan na nag-aabugado ako, nagpupuyat, nag-rerescue, dadalhin ko sa pulis, sa piskal pero pagdating sa korte di na nagpapakita ang kliyente ko.

    Kadalasan bumalik na sa asawa na nambubugbog sa kanila. Ewan ko po sa inyo kung may tinutulungan kayong ganyan pero pag may tinutulungan tayong ganyan sa umpisa tayo iyong bida pero pagdating sa dulo tayo na ang kontrabida sa buhay.

    Pero hindi po natin sila masisisi kasi kaya lang naman sila bumabalik kasi wala silang hanapbuhay at walang pantaguyod sa anak nila. Kaya ang kampanya natin hindi lang iyong nag-seseminar tayo tungkol sa gender equality pero sinisiguro natin na sana bawat babae magkaroon ng pagkakataong maghanapbuhay kahit nagaalaga siya ng kanyang anak.

    Kasi paminsan iyong ating mga programa ay livelihood training lang. Ang problema po dito, kahit marami ka ng skills na alam, wala ka namang kuneksyon sa market. Kaya po noong pangulo ako ng women’s council sa Naga, nagkaroon kami ng maraming partnership with the city of Naga.

    May usapan na po kami na lahat ng binibili ng city government of Naga, bibilhin sa mga kababaihan. Iyong mga catering, 30 percent noon sa kababaihan na. Iyong mga kurtina, uniform, toga, basketball uniforms, ang usapan at least 30 percent sa women’s organizations bilhin para magkaroon ng siguradong market.

    Kasi ang mga kababaihan namin na nagkaroon na ng hanapbuhay, ang pagtingin nila sa mga sarili nila ay bumuti. Sila po ang nagsasabi na hindi na namin papayagan na kami ay maabuso. Iyon po ang pangarap natin sa bawat Pilipina na andito.

    Iyong bawat pagkakataon, sa hanapbuhay o anuman, sa mga kalalakihan sana parehong pagkakataon ang ibigay sa ating mga kababaihan. Kaya po ang pag-celebrate natin ng International Women’s Day paalalahanan natin ang ating mga sarili na ang tunay na lakas ay nasa sa atin.

    Huwag po natin sana itong sayangin.

    Happy International Women’s Day po sa lahat.

    Magandang hapon at maraming salamat.

    Posted in Speeches on Mar 08, 2017