This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Juan Eu Konek Usapang Odette Relief Operations

    Juan Eu Konek
    Usapang Odette Relief Operations


    ROSE ECLARINAL: Magandang hapon, UK, magandang hapon, Europa. Magandang gabi, Pilipinas. Kung saan man po kayo naroroon magandang araw po sa inyong lahat. Ito po ang special episode ng Juan EU Konek para sa aming 2021 year-end special. Ako po si Rose Eclarinal.

    GENE ALCANTARA: Ako po si Gene Alcantara.

    CRYSTAL DIAS: And I’m Crystal Dias.

    ROSE ECLARINAL: Crystal and Gene, belated Merry Christmas sa inyong dalawa. Mabilisan lang, kumusta ang Pasko ninyo?

    GENE ALCANTARA: Ako, sa akin, okay naman. Kami lang pamilya. Although medyo si misis medyo parang naawa siya sa isang kapitbahay namin so inimbita siya for Christmas lunch. Kaya lang medyo takot kami kasi ang bagsik ng Omicron virus, ‘di ba? Pero awa ng Diyos, mukhang okay pa naman kami, three days na. So yeah, pagbati po sa lahat.

    ROSE ECLARINAL: Pagbati sa lahat. That’s good to know. Sa Dias clan and [unclear 3:27] family, kumusta naman? ‘Yan ang nag-aadopt sa ‘min usually pag Pasko kasi malaki ‘yung pamilya ni Crystal. Crystal?

    CRYSTAL DIAS: It was really good. We had—in the morning, my kids opened their presents, they’re very happy with their presents, but for me I’m just really grateful counting the blessings I received this year despite of the pandemic. And we went to the friars so in [unclear 3:55] where we had the Carmelite Church there. So we spent about an hour there in the afternoon, there was nobody there so it was actually an amazing experience. And then in the evening I met my family, the [unclear 4:10] and Sta. Ana families, so we spent Christmas dinner together in my house. So it was wonderful, it was wonderful.

    ROSE ECLARINAL: Okay, thank you, Crystal and Gene. Alam niyo, marami sa ating mga kababayan ang nag-Pasko sa Pilipinas na ang kanilang mga lugar ay hinagupit ng Typhoon Odette sa Visayas, nawalan ng tahanan, ng kabuhayan. Ang iba po ay nawalan pa ng mahal sa buhay. Ang hardest hit areas ng bagyo ay ang provinces of Surigao del Norte, Dinagat Island, and Southern Leyte. Ayon po sa NDRRMC, mayroong tinatayang apat na raang deaths ang naitala, at ngayon po ay mayroon pang tinatayang 2,000 families or individuals ang nasa evacuation centers at humihingi pa rin ng ayuda. Kaya po narito po ang programa natin ngayong araw na ito para i-dedicate po o itutok ang ating hapon sa pagkonekta sa ating mga kababayan at pagdulog po ng tulong.

    Ang atin pong Vice President ay working VP, at kung saan po mayroong kalamidad nandoon siya sa sentro ng aksyon. Mapalad tayo ngayong hapon dahil makakasama po natin si Vice President Leni Robredo. Magandang hapon sa iyo, Ma’am!

    VP LENI: Magandang hapon sa’yo, Rose. Magandang hapon po sa lahat ng kasama natin ngayong hapon.

    ROSE ECLARINAL: Okay, Ma’am, maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa interviewng ito. Matagal na naming hinintay pero may tamang pagkakataon sa lahat ng request and so we have you this afternoon. Ma’am, kumusta po ‘yung Pasko ninyo? Nakapag-Pasko pa po ba kayo?

    VP LENI: Alam mo, Rose, hindi na dahil mula December 17 nasa relief operations na kami until December 24. Nag- nag-break kami ng gabi ng December 24, pero that was also the time na nag-test positive ‘yung isa kong anak. So ano, ‘yung Christmas namin hiwa-hiwalay kami kasi ‘yung anak ko had to go to a facility. ‘Yung dalawa ko namang anak na-expose sa kaniya ay kinailangan mag-quarantine, so hiwa-hiwalay kami during Christmas. And these all happened while ginagawa namin ‘yung relief operations, so kakaiba ‘yung Paskong ito, pero I am glad that all is well kasi just today, my daughter is still in a facility, pero just today, I was told na she tested negative already. So, so at least, at least on the personal front, medyo okay ‘yun. Pero kami, since yesterday, we resumed our relief operations already. In fact tomorrow I’m, I’m again going to—I’m continuing with my provincial visits sa mga areas affected by Typhoon Odette.

    ROSE ECLARINAL: Sorry to hear that, Ma’am, na ano, na nag-aalala kayo sa anak ninyo and then kailangan mag-quarantine ‘yung dalawa pa ninyong anak. Pero sa pamilya po ba ng Robredo, mayroon din po kayong sinusunod na mga traditional na—‘yung sa panahon po ng Pasko? ‘Yung tradisyon ng Pasko sa inyong pamilya?

    VP LENI: Sa- sa‘min talaga, Rose, ibang-iba nung buhay pa ‘yung asawa ko. ‘Yung buhay pa ‘yung asawa ko, ano talaga siya, syempre kumpleto kami, and because ‘yung family ko nasa- nasa abroad, nag-aano kami, nag-a-alternate na paminsan sila ‘yung uuwi, paminsan ako ‘yung pupunta. So, ganoon kami for a long time. Pero ‘yung namatay ‘yung asawa ko, for some reason, parang nag-ano kami, parang nag-vault in, kami ng Robredo family, ‘yung mga sisters-in-law ko, ‘yung mga brother—‘yung family ng brother-in-law ko. So, all Christmases after my husband passed away, magkakasama kami. Either nandito lang kami or nagbibiyahe or nasa bahay kami ng isa sa kanila, pero hindi kami naghihiwalay. Ito lang na Christmas na ‘to ‘yung talagang pinakakakaiba compared to all Christmases, saka siguro ‘yung Christmas last year kasi naka-lockdown. So, pandemic, and ano kami, virtual ‘yung aming Christmas.

    ROSE ECLARINAL: So hindi po kayo nakapagpalitan ng regalo?

    VP LENI: Hindi, hindi. Ano kami, hindi talaga. Walang—walang gift-giving, walang gift-giving kami, Rose, ngayong Pasko kasi lahat minabuti na ‘yung ireregalo ay i-donate na lang. I-donate na lang para sa mga victims ng Typhoon Odette. Kinekuwentuhan ko sila kung gaano kagrabe ‘yung destruction na nakita ko sa pag-iikot ko.

    ROSE ECLARINAL: Okay. So, Ma’am, ang gusto ring malaman nila ng mga nandito, kababayan natin dito sa Europa, alam namin naman na naging mas malapit kayo sa mga anak po ninyo, lalo na nung namatay ang iyong asawa, anong klase po bang magulang o ina si VP Leni? Kayo daw ba ay mahigpit? Kayo ba ay tiger mom? Disciplinarian? Maluwag?

    VP LENI: Ako, tingin ko, combination ng marami. Noong mas maliit pa sila, grade school, high school, mas mahigpit ako. Noong grade school, high school, tutok na tutok ako. Ayun, tiger mom ‘yung tawag nila sa‘kin. Tutok in the sense na kasama ako every step of the way. Ako ‘yung—wala akong, wala kaming driver, so ako ‘yung naghahatid sa kanila sa school, ako ‘yung nagsusundo. Tapos ano sila, may mga extracurricular activities after school. May piano, may swimming, may violin. Ako ‘yung kasama sa lahat, as in nagbabantay ako. Pagdating sa klase, tinutulungan ko sa mga outline.

    So, so, so ako ‘yung ganun. ‘Yung asawa ko ‘yung mas indulgent. Siya ‘yung mas maluwag na tatay. Pero noong nag-college ‘yung mga anak ko, parang nabaliktad na. Noong nag-college ‘yung mga anak ko, mas ano na ‘ko, mas siguro mas kampante na ‘ko na alam na nila kung napalaki sila nang maayos. Nakita ko naman na kahit hindi na ‘ko tutok na tutok, lahat pa din driven, lahat pa din desidido. Ano naman, very, very close kami sa family pero mala- marami ‘yung elbow room nila to find their own path. Ngayon, nagkaniya-kaniya. Walang, walang pumili sa path na tinahak naming mag-asawa, and kampa—ano ako, happy ako na nahanap nila, at least for now, nahanap nila ‘yung kanilang what will make them happy.

    ROSE ECLARINAL: Okay that’s great. So, ngayon po, nabanggit ninyo hindi kayo magkakasama nitong Pasko ano, and ‘di kayo nakapag-celebrate. Ano po ‘yung plano ninyo? Mayroon bang post-Christmas celebration with the family?

    VP LENI: ‘Yun ‘yung hindi pa namin napapagplanuhan, Rose, kasi ang hinihintay—hindi kasi namin alam when my daughter will be out of the facility. Hindi namin alam kung kailan siya bibigyan ng clearance. Hopefully, before the New Year. Hopefully, before the New Year palabasin na siya ng doktor sa facility. Siguro kung, kung makalabas na siya by that time, ano naman, cleared na din ‘yung dalawa kong anak na nag-quarantine. Ilang beses na sila tinest, and as of this morning ay negative, negative na din naman sila. Siguro ‘pag nakalabas sila before the New Year, magkakasama na kami for New Year’s Eve. Pero kami kasi, ako tuluy-tuloy.

    Tuluy-tuloy ‘yung relief operations kasi ang problema ngayon, Rose, with Typhoon Odette, napakalawak nung path. Napakalawak nung path nung typhoon na napakaraming lugar ‘yung affected. So kaila- sobra talagang daming pupuntahan. Hindi gaya siya ng mga past typhoons na ilan, ilang lugar lang na kaya mong puntahan in, in a few visits. Ito talaga, ilang, ilang araw na kong nagbibiyahe, hindi ko pa din nauubos ‘yung mga pupuntahan. And I think, I think, importanteng nakikita din ako kasi nakakapatatag ng loob na may makita sila na government official na nandoon. Parang ‘yung mensahe, “Hindi namin kayo iiwanan.” ‘Yung mensahe, “Andito kami. Tutulungan namin kayo sa inyong mga pangangailangan.”

    ROSE ECLARINAL: Okay. So, you mentioned about the relief operations. Pag-uusapan po natin ‘yan mamaya, Ma’am, sa pagbabalik natin. Pero tapusin ko lang muna ‘yung kuwentuhan natin tungkol sa Pasko at saka tungkol sa pamilya po ninyo. Kung mayroon kayong ibabahagi sa amin na hindi niyo makakalimutang Pasko, apart from this one dahil hindi kayo magkakasama ng pamilya ninyo, maybe ‘yung medyo masaya na hindi niyo makakalimutan with your family, ano po ‘yun?

    VP LENI: Ako, ako, ako, siguro, Rose, walang isa. Pero noong buhay pa ‘yung asawa ko, nakatira kasi kami sa isang apartment compound. Nakatira kami sa isang apartment compound, and ‘yung mga Christmases namin noong nandun kami talagang very memorable kasi hindi lang kami ‘yung nagse-celebrate. Hindi lang kami nagse-celebrate, pero ‘yung neighbors namin, anim na doors ‘yung aming compound, ‘yung neighbors namin kasama namin. Kasama namin ng Christmas, kasama namin ng New Year. Tapos ‘yung parents ko, saka ‘yung in-laws ko, pumupunta din sa amin. Nagjo-join sa amin doon sa apartment compound namin, so joint Christmas and New Year celebrate-. Simple lang, simple lang, walang garbo. ‘Pag nagbabaliktanaw kami ng mga bata, parang ‘yun ‘yung gusto naming baliikan, na parang sinasabi namin sayang hindi na ‘yun naulit kasi ‘yung mga playmates nila doon sa apartment malalaki na din ngayon. Umalis na din, ‘yung parents na lang ‘yung natira, ‘yung mga bata nagwo-work na din somewhere else. So ‘yun ‘yung hinahanap namin, hindi lang ako, pero pati ‘yung mga bata.

    ROSE ECLARINAL: Okay. Ma’am, panghuling tanong for this segment. Ano daw po—ano po ang Christmas wish ninyo? Although tapos na ‘yung Pasko, sige po, ano po ‘yung…

    VP LENI: Ako sa’kin talaga, Rose, na sana makabangon na ulit. Makabangon na ulit ‘yung mga kababayan natin. ‘Yun ‘yung aking Christmas wish. Tapos siguro, siguro on a more personal side, as a mother, wala naman tayong laging hinahangad kung ‘di lagi lang maayos ‘yung mga anak natin, na laging, laging ‘yun, sana healthy, na sana tahimik ‘yung mga buhay. Tapos, na mabiyayaan ‘yung lahat ng compassion kasi ang daming nangangailangan ng tulong ngayon, na makahanap sana ng paraan para kahit papaano may isang buhay na maaakay, na maparamdam sa isang pamilya na aalagaan sila. ‘Yun naman ‘yung wish natin, lalo na sa Pilipinas, kasi as of late parang laging may malakas na bagyo pag December. Halimbawa last year in the middle of the pandemic, sunud-sunod ‘yung Typhoon Quinta, Typhoon Rolly, Typhoon Ulysses. So parang, parang nagiging ano siya, nagiging, nagiging paulit-ulit. So, siguro ‘yung isa ko ding wish, sana hindi na ganito. Sana, sana, pa-Paskuhin naman ‘yung mga kababayan natin kasi nakakaawa na ang iba sa‘tin nagse-celebrate, pero ‘yung iba nawalan ng bahay, nasa evacuation centers, hindi alam kung papaano makakabangon ulit. So, so ‘yun ‘yung mga ano, ‘yun ‘yung mga pinapangarap kong mangyari for the succeeding Christmases.

    ROSE ECLARINAL: Okay, maraming salamat po. Magbabalik ang Juan EU Konek.

    [BREAK]

    ROSE ECLARINAL: Nagbabalik po ang Juan EU Konek. At ngayon makakasama pa rin po natin si Vice President Leni Robredo at nandyan din po si Gene Alcantara at Crystal Dias.

    CRYSTAL DIAS: Hello, Ma'am!

    VP LENI: Hi!

    CRYSTAL DIAS: Glad to meet you po finally.

    VP LENI: Thank you, thank you.

    ROSE ECLARINAL: Okay, Ma'am, kaming tatlo ang magtatanong po sa inyo tungkol po dito sa relief operation sa Pilipinas at siguro sa pagkakataong ito ay ikuwento po ninyo sa amin yung mga, mga nakita ninyo doon sa mga lugar na binisita ninyo sa Visayas. Gusto po namin malaman mula po sa inyo, ano po ba ‘yung extent ng devastation ng Typhoon Odette sa Pilipinas?

    VP LENI: Ano, ano talaga, Rose, ito ‘yung isang typhoon na grabe. ‘Pag sinabi kong grabe, may mga lugar na halos walang nakatayo. I think comparable ito doon sa nakita ko sa Yolanda in 2014, saka sa- ‘yung Rolly last year sa, sa Catanduanes. Ang kaibahan lang nito kasi ang lawak, ang la- sobrang lawak ng area of coverage. Halimbawa, ‘yung- right after the…

    Nangyari ‘yung typhoon, December 16. December 16 until midnight. Pumunta na ako ng Bohol ng December 17. Pagpunta namin ng Bohol, halimbawa, Tagbilaran. Pumunta kami sa Tagbilaran. Ang daming nakababang poste. Hinahanap namin si Governor, si Governor, siya mismo. Siya mismo ‘yung nagki-clearing operations. Ang Loboc ay- ay lubog sa tubig. May mga tao na 24 hours after, nasa bubong pa din. Naghahanap sila ng mga magre-rescue. Tapos ‘yung- ‘yung usual na mga nagre-rescue, parang masyadong, masyado silang kalat in the ma- in the sense na ang daming lugar na nangangailangan ng tulong.

    So, first day nandoon ako sa Bohol, grabe. Second day, Cebu ako. Cebu na ‘yun ah. Cebu na ‘yun, very metropolitan area. Pagdating namin, ang pinuntahan namin walang kuryente, walang signal. Pagpunta namin sa, sa Cebu, nakita namin long lines. Long lines sa, sa water refilling stations, long lines sa ATM machines, long lines sa gasoline stations. Tapos walang, wala pang mga establishments na bukas. Pati ‘yung mga malalaking buildings ay sira.

    Parang first time kong nakita ‘yung Cebu na ganoon. We were planning to go around, pero sa Cebu City lang kami nakapunta kasi sobrang grabe yung nung traffic kasi ang daming mga roads na sarado pa. So, second day ‘yun.

    ‘Yung third day namin, mas grabe kasi yung third day namin, pumunta kami ng Surigao, Surigao City, pumunta kami ng Siargao, pumunta kami ng Dinagat Islands, pumunta kami ng Southern Leyte. ‘Yung pagpunta namin sa Surigao City, wala kaming post na nakitang nakatayo, as in lahat ng electric post nakatumba. 'Yun, pareho din ng Cebu na lahat, pati yung mga malalaking buildings sira. ‘Yu- ‘yu- ‘yung sa, ‘yung sa Surigao, very apparent ‘yung devastation, pero siguro dahil third day na kami pumunta, medyo mas malinis na siya compared doon sa iba. Nakapaglinis na. At inabutan namin si Mayor sa City Hall. Nakapagbigay na ng briefing. Hindi yung first two days na pati yung local officials ay ano pa sila, umiikot pa.

    ‘Yung Siargao ‘yung grabe. Ang nakita kong halos walang nakatayong na, na buildings halos walang nakatayo na bahay, Siargao and Dinagat Islands. I don't know if anyone of you has been to Siargao already kasi tourist destination naman ‘yun. ‘Yung strip ng mga turista na pinupuntahan talaga where the resorts are, wala na ‘yun, as in ubos. Kung mayroon mang nakatayo pa na building, wala nang bubong. Ano na, sira na ‘yung mga bintana. Kung familiar kayo doon sa, sa Cloud 9, ‘yung sa Cloud 9 na surfing site na mayroong, mayroong ano, mayroong parang bridge na mahaba, nawasak ‘yun. Ano talaga, very devastating ang hitsura. Tapos ‘yung mga, ‘yung hinihingi ng mga tao: pagkain, tubig saka phone signal kasi hindi sila nakaka-contact sa mga families nila. Mayroong hindi alam kung okay pa yung pamilya nila o hindi na.

    Pagdating namin sa Dinagat Islands, mas grabe. Ang Dinagat Islands ano siya, near- near Surigao also, pero wala, wala doong, walang airstrip. So, ‘pag, ‘pag pupunta ka either naka-boat ka o naka-chopper. Naka-chopper kami pagpunta namin, pero pagdating namin, nagulat kami kasi wala kaming masakyan. Walang, walang sasak-, walang cars na dumadaan, walang anything. Sabi nung mga tao na nandoon sa landing area, giba lahat. Ta’s until may nakita kaming motorcycle, sinabi nung motorcycle na we can only go around the island using this kasi ang dami pang saradong roads. So sumakay ako sa motorcycle, pero even if I was riding a motorcycle already, gara- parang I had to go down several times kasi may mga lugar na kahit nakamotor ka hindi ka makakadaan. So, alam mo ‘yun? Gra- , but pati ‘yung provincial capitol. ‘Yung provincial capitol which was supposed to be the symbol of government, wasak. Ano talaga, grabe ito. Grabe, grabe yung devastation.

    Pagpunta naman namin sa Southern Leyte, isang lugar lang ‘yung napuntahan namin dahil gabi na. ‘Yung sinasakyan namin walang night flying device. Pumunta lang kami ng Maasin, but we were told na may, maraming mga lugar sa vicinity na grabe din. Hindi namin ‘yun napuntahan, pero ‘yung teams namin ‘yung nakapunta.

    ‘Yung the following day, ‘yung pinuntahan namin Negros. Pumunta kami ng Negros Oriental, Negros Occidental saka Iloilo. Again, because it was the fourth or fifth day already, medyo nakalinis na sila. Pero pinuntahan namin ‘yung mga areas na na-grabe. Halimbawa in, in Negros Oriental, pinuntahan namin Bais and Manjuyod, grabe din. May- mayroon doong isang riverside community na umapaw ‘yung river. Wasak lahat na bahay, lahat ng sasakyan, wasak.

    Pagpunta namin sa Manjuyod, ganoon din, parang humuhupa pa lang ‘yung baha and grabe pa ‘yung putik. Pagpunta naman namin sa Negroas Occidental, we went to… There were a lot of places na grabe ‘yung devastation, but because we can only manage to visit two, pinuntahan lang namin Kabankalan and Himamaylan. Grabe din ‘yung damage.

    So, pagpunta namin ng Iloilo, nag- nag- nag-ano ‘to, nag-turn over lang kami ng relief goods, pero we were not able to go around anymore. Pero in all the places that we went to, mayroon kaming teams na iniwan para yung relief operations ay tuluy-tuloy even during Christmas. And as I speak, tuluy-tuloy ‘yung operations doon.

    Tapos ‘yung 23 or 24, nasa Palawan kami. Pagpunta namin sa Palawan, pumunta kami sa nor- north of Puerto Princesa, northwest of Puerto Princesa. Pumunta kami sa isang, sa dalawang towns: ‘yung San Vicente and Roxas. Grabe din ‘yung devastation. Challenge magpadala ng relief goods doon dahil yung bridges from Puerto Princesa to the north, nagiba lahat. May apat na bridges na nagiba. So, ‘yung mga goods namin, kasi ang airport nasa Puerto Princesa, ‘yung mga goods namin binaba ng Puerto Princesa 'tas nakikisakay kami either sa Navy, sa Coast Guard, na syempre yung capacity ay hindi ganoon kalaki.

    So ano siya, grabe ‘yung challenges ngayon. Grabe ‘yung challenges in the sense na ‘yung logistics mahirap. It was unlike Rolly, and Typhoon Rolly and Ulysses last year, na ‘yung devastated nasa Luzon. Pumunta kaming Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Bicol. Lahat naaabot by land.

    ROSE ECLARINAL: Yes.

    VP LENI: Kaya this time, oo, this time mahirap.

    ROSE ECLARINAL: Because nasa island.

    VP LENI: Yes, nasa island siya ta’s hiwa-hiwalay. And ‘yung logistics talaga ‘yung pinakamahirap. ‘Yung water, ‘yung- ‘yung water ang pinakagrabe, so ‘pag bumabalik ako dito in the evening, I had to call a lot of people: Manila Water, Cebu Pacific, PAL, kasi may mga na-stranded na passengers. So, it was a lot of many different things. Pero ang- ang- ang good side about it is ang Pilipino naman talaga matulungin. So, when we made a call, when we made a call in less than, in less than a day, nagdatingan na ‘yung mga, nagdatingan ‘yung mga relief goods. Mayroong, mayroong cash contributions na partner namin, ‘yung Tanging Yaman Foun- Tanging Yaman Foundation of Ateneo. Sila ‘yung nagma-manage nung cash donations.

    So, nag-concentrate muna kami sa immediate, which is relief, pagkain, tubig. Pero ‘yung second phase namin, ito na ‘yung rehabilitation. So ‘yung cash na matitira sa amin, mas gagastusin na namin siya sa pampabahay kasi ‘yun ‘yung immediate. ‘Yun ‘yung immediate talagang pangangailangan.

    ROSE ECLARINAL: OKAY

    GENE ALCANTARA: Ma’am, matanong ko lang po. Una po, maraming salamat sa mga ginagawa ninyo ‘no, VP Leni, tsaka alam namin ang bilis ng response ninyo at ‘yung reach ‘no. Kaya lang po alam niyo medyo nako-confuse ‘yung mga tao kasi sabi nila ba't ang bilis ni VP Leni at nakakaabot siya kung saan-saan kahit ma- konti lang ‘yung budget ‘no? So, ano po bang ginagawa ng wider government para makatulong sa, sa relief efforts?

    VP LENI: Ako, sa marami namang ginagawa ‘yung agencies natin. In fairness to them, marami ding ginagawa. Pero siguro, sir, siguro ‘yung- ‘yung kung bakit kami mabilis, siguro nakatulong na galing akong Bicol. Nakatulong na galing akong Bicol, so ano na kami eh, halos, halos taun-taon binabagyo kami, especially dati. Binabagyo kami na alam ko na kung ano ‘yung immediate na kailangan. Halimbawa, ‘pag may parating pa lang na bagyo, ready na ‘yung team namin. Nagpo- nagpe-preposition na kami. Tapos, naka- naka-contact na kami ng mga local contacts na pwede naming bilhan sa local para yung immediate na pangangailangan, parang for day one, mayroon na. Hindi pa namin pwedeng ipadala kasi minsan ‘yung bagyo nag-iiba ng course. Nag-iiba ng course ‘yung bagyo. So, ang ginagawa namin, ‘yung mga possible na tatamaan, naghahanap na kami ng mga partners doon na pwede naming downloadan na ng funds na ‘pag- ‘pag tumama dito, mare-release na kaagad ‘yung, mare-release na kaagad ‘yung at least pagkain saka tubig. ‘Yun ‘yung number one.

    ‘Yung number two, siguro din because we have been doing this for the past 6 years already, parang naperpekto na namin, na ‘yung DRR team namin, Disaster Relief and Rehabilitation Team namin, intact, na ‘pag may, ‘pag may tumama dito. Halimbawa ngayon, mayroon kaming isang team sa Cebu, mayroon kaming isang team sa Southern Leyte, mayroon kaming isang team for Surigao and Dinagat, mayroon kami sa Bohol, mayroon kami sa Negros, mayroon kami sa Palawan, and mayroon kami sa Iloilo. So hindi siya masya- decentralized na siya. Decentralized na siya, ta’s ‘yung mga tao namin alam na ‘yung gagawin, na minimum supervision. Parang ano, ‘pag nangyari ito, parang automatic na. Automatic na ‘yung ginagawa.

    Tapos siguro, siguro ‘yung donations din, over the years alam namin kasi na we, we would not have been able to do what we have been doing kung wala sa aming tiwala ‘yung tao. So, so kami naman, pinagpaguran namin ‘yung tiwalang ‘yun. Like, noong una akong umupo as VP, nag-ISO, nag-ano na kami, ISO certified kami. Until now, every year, nase-certify kami. That’s one.

    ‘Yung second, pinagpaguran namin ‘yung aming COA. Pinagpaguran namin ‘yung aming COA audit, na ano, unqualified opinion. For the past three years, kami ‘yung highest, highest na COA audit rating na binibigay. And ito, tingin ko mahalaga siya. Mahalaga siya kasi ‘yung tao nagtitiwala na ‘pag binigay ko dito ‘yung, ‘pag binigay ko dito, siguradong mapupunta kung saan siya dapat makapunta. ‘Pag nagre-receive kaming donations, mayroon kaming resibo. Mayroon kaming resibo nung na-receive namin. ‘Pag naibigay na ‘yun, mayroon din kaming ipinapadalang sulat, na ‘yung donation mong ganito, ito ‘yung nakatanggap.

    Mayroong mga times na halimbawa, kailangan kaming mag-donate ng mga boats. So, nili-link namin ‘yung naka-receive ng boats sa, sa nag-donate ng boat. So, we, we try to be as transparent and as accountable as possible. Mahirap siya in the sense na mas madaling i-account ‘yung pera, pero mas mahirap i-account ‘yung goods na pinadala sa amin. Kasi halimbawa, magpapadala, let’s say isang truckload of rice. ‘Yung truckload of rice kailangan namin ‘yung i- i-repack, ‘di ba, para pagdating sa lugar ready for distribution na. So ‘yung pag-a-account nang ganoon mabusisi.

    Pero siguro dahil ginagawa na namin siya for so long, mahusay na ‘yung opisina mag-respond. Ang- ang isang natutunan ko din from Bicol, na ang pinakaimportanteng presence kasi ‘yung first 72 hours. ‘Yung first 72 hours after tumama ng bagyo, doon pinakamahalaga ‘yung presence kasi ito ‘yung desperate ‘yung tao. ‘Yung ang tao nag-iisip na: May tulong bang dadating? Aasikasuhin ba tayo? So, so ako ‘yung first, hindi lang 72 hours dahil sa- sa lawak ng coverage. It took me – ilan ba? Six days? Six days na araw-araw na lakad, pero siniguro ko to be in as many places as possible.

    CRYSTAL DIAS: Na-observe nga po namin dito sa UK and our kababayans from around the world, your office acted swiftly to be on the affected areas. But my main question po is, paano niyo po napaplantsa, ng opisina ninyo ang (itinerary) ninyo na maayos at nandoon kayo agad sa aksyon? Do you think there’s room for improvement din po within your team?

    VP LENI: Actually, Crystal, that’s the most difficult part. That’s the most difficult part, especially because karamihan sa tinatamaan ng bagyo, walang signal. So ang hirap ng, ang hirap ng ano ‘to, ang hirap ng pag-fix ng itinerary kasi wala kang kausap on the ground. Wala sayong magdi-direct kung- kung saan. So kami, marami kaming pinuntahan na hindi pa handa sa ground. Halimbawa, pumunta kami ng Dinagat Islands, walang nakakaalam na pupunta kami. Pagdating namin, wala ‘yung governor. Wala ‘yung governor kasi ‘yung governor nasa Butuan kasi humihingi ng tulong.

    Marami kaming pupuntahan na nalalaman lang, halimbawa, pagpunta namin sa Bohol. Pagpunta namin sa Bohol, hinanap pa namin si… Sinundo kami ni Vice Governor, pero si Governor, dahil siya mismo, siya mismo ‘yung nag- nagro-road-clearing operations, hinanap pa namin siya. Nandoon siya sa baha. So, mahirap ang itinerary, like, the reason why we went to Bohol first, because it was the first airport that opened. It was the first airport that opened.

    Usually, ang- ang ano namin, usually ang aming decision-making is kung alin ‘yung worst hit, doon kami mauuna. Pero sometimes it is not possible. Sometimes it is- it is not possible, pero, kasi sometimes wala kang landing zone kasi pati ‘yung airport sira. Halimbawa, ‘yung Surigao, we knew that Surigao was badly hit, but we only went there on the third day. On the third day lang kami pumunta kasi that was the day that the airport opened.

    So ano siya, ang, ‘pag disaster operations talaga, ang daming, ang daming blank, blank ano ‘to, blank pages, na dapat willing ka na pagpunta mo baka walang tao. Wala kang taong maaabutan o pagpunta mo hindi naman pala ganoon kagrabe doon o pagpunta mo grabe pala, kulang ‘yung dala mo.

    So ano na lang, ang- ang- ang description namin diyan, ‘yun ‘yung sinasabi ko sa office, na ang description namin, na ‘pag- ‘pag oras ng calamity, lipad ka na. Lipad ka na. Gawin mo na lang… Ang- ang- ang- ang- ang sabi nung isang volunteer namin, ang feeling niya daw, pinalundag na namin siya sa cliff, ginagawa namin ‘yung plane on the way down pa lang. Pero ano kasi, ‘pag maghihintay ka for all the arrangements to be perfect, huli ka na. So, so ito, kung ano lang ‘yung nandiyan, adjust adjust na lang.

    ROSE ECLARINAL: Okay. Ma’am, ayon sa NDRRMC, may 400 deaths po because of the typhoon at mayroon pa pong some 2,000 families or 2,000 individuals na nasa, nasa evacuation centers. And alam po natin na namimigay kayo ng mga relief operations at marami na po kayong na-cover na areas. Marami rin pong curious na kababayan natin, ano daw po ‘yung laman ng mga ipinamimigay na goods ni VP Leni?

    VP LENI: Ako, depende kasi, Rose, depende sa hinihingi ng lugar. Ang pinaka-basic namin laging may bigas. Laging may bigas, may tubig, saka de lata. ‘Yun ‘yung basic, pero depende sa lugar. Halimbawa, ‘pag wala talagang… Halimbawa, ‘yung Catanduanes, ‘yung Catanduanes, ang hiningi talaga doon, trapal. Ang hinihingi sa’min trapal. Ang hinihingi sa’min, kasi wala, wala ding tubig doon, ‘yung- ‘yung malaking galon ng tubig per family, saka maraming bigas. Bahala na sila sa… Ang iba nagsasabi, bahala na kami sa ulam, kailangan lang namin bigas. Ang iba naman, halimbawa, ang iba nagsasabi na okay na kami sa bigas, kailangan namin ng ulam.

    So kami, ina-adjust namin lagi. Ina-adjust namin lagi depende sa hinihingi ng- ng lugar. Halimbawa, ‘yung after ng Ulysses, gumawa kami ng dalawang housing villages dito sa Bicol. Gumawa kami sa… Actually, dalawa na ‘yung gawa. May dalawang ginagawa pa. Ito ‘yung, halimbawa, ‘yung nasa Albay, natabunan ng lahar ‘yung buong village. Gumawa kami ng village for them. Tapos dito sa Camarines Sur, mayrong, mayroong nata- natabunan because of landslide, gumawa din kami. So, depende siya, depende sa kung ano ‘yung kailangan.

    Mayroon din, halimbawa sa, halimbawa sa Yolanda dati, noong tumutulong kami. Hindi pa ako VP noon, Congressman pa lang ako, pero ‘yung foundation na ginawa namin for my husband, ‘yung ini- ‘yung tinutulungan namin mga fisherfolks, so nagbibigay kami ng mga boats.

    Ngayon, ‘yung hinihingi sa’min, mga water- water filtration instruments dahil mukhang matatagalan pang wala silang tubig. So una, tumawag ako sa Manila Waters para mapadalhan sa mga lugar. Pero ngayon, humihingi sa’min communities na, na baka mayroon, baka pwedeng bigyan sila ng mga, mayroon ngayon mga portable na mga water filtration instruments na pwedeng, pwedeng i-share ng number of households, so iniipon namin ‘yun. Marami ‘yung humihingi.

    Nagkaroon kami ng operations with Sen. Frank Drilon. Namigay kami ng mga yero. Nagsimula kami noong Dec. 23, nagbigay ng mga yero, And we will continue, we will continue with rehabilitation already between… Nag-start na kami actually noong Dec. 23, pero tuluy-tuloy… Ang- ang estimate ko, siguro until the first half of- of January, tuluy-tuloy pa din.

    ROSE ECLARINAL: Gene, go ahead.

    GENE ALCANTARA: Okay. So, Ma’am, naipaliwanag niyo kung bakit ang bilis ng mobilization niyo ng, ng staff at tsaka resources, ‘no, to deal with the disaster. Ma’am, alam ko galing na po kayo dito sa UK before, so na-meet niyo na ‘yung Fil comm dito. At sila naman, maraming, may mga nag- nangangalap ng pondo at gustong magpadala ng mga boxes. Ano po ba ang mga dapat nilang ipadala at kanino?

    VP LENI: Again, depende. Ako, ako ang suggestion ko, baka gusto kasi nila direct na sa mga lugar. Halimbawa, maraming mga taga-diyan, ang pinanggalingan nilang lugar ay badly, badly hit. Pwede silang dumiretso na doon. Hanap lang sila ng isang contact person. Pwede siyang organization, pwedeng simbahan, pwedeng, pwedeng LGU. Tapos tanungin nila kung ano ‘yung pinakakailangan. Kasi halimbawa, for us, talagang sinu-suit namin sa lugar kasi ang iba kailangan na kailangan ng damit. Ang iba naman, ayaw ng damit. Ang iba, ang gusto nila gamit sa bahay. ‘Yung iba naman, ayaw. Ang gusto, pagkain. So, so baka, baka better na mag-contact sila sa mga local, local churches or local organizations para ma-suit nila kung ano ‘yung ipapadala, ipapadala nila sa talagang kailangan.

    Ako, I would presume na ang pinakauna kasi, mga first week, ang kailangan talaga pagkain eh. ‘Yung first week, ang kailangan pagkain. Pero going into the second week- week, ano na, housing materials, ano ‘yun, ‘yung mga gamit sa bahay kasi talagang walang natira. Gamit sa bahay, ‘yun, mga damit. Pero better na may local partner. Better na may, ‘yung, ‘yung mga gustong ipadala sa’min, pwede din. Pero ‘yung sa’min, baka, baka para mas may affinity sila, kung nanggaling sila sa lugar na ‘yun, baka pwede silang mag-fund drive para sa lugar na ‘yun.

    Para parang ine-encourage kasi namin ‘to eh, ‘yung mga groups to adopt a community. Groups to adopt a community rather than centralize everything kasi pag sobrang centralized naman, mas mabagal. Mas mabagal kasi isang, isang organization, inaasikaso niya napakarami. Pero kung may local contacts na sila, nakita ko ‘tong, nakita ko ‘to in Catanduanes. Noong na-grabe ‘yung Catanduanes because of Typhoon Rolly, maraming mga groups na mga taga-Catanduanes na nasa abroad na they did, they did their own donation drives. Mayroon isang grupo, nag- nagkalap silang pondo para ipaayos ‘yung simbahan. So, so depende talaga. Depende sa lugar. Depende sa lugar ‘yung pangangailangan.

    ROSE ECLARINAL: Okay. Okay, Ma’am, last question from Crystal and then we will have a break at makakasama po natin dalawa pang Pinoy mula po sa The Netherlands at sa Barcelona, Spain. Go head, Crystal.

    CRYSTAL DIAS: Actually, I’d just like to mention I’ve met VP when she was in the UK.

    VP LENI: Yes.

    CRYSTAL DIAS: I remember in a… We met her in a, in a, in this college.

    VP LENI: Yes.

    CRYSTAL DIAS: [inaudible] That was the first time I met you, Ma’am. What you’re doing is absolutely amazing, by the way. So congratulations to you and your team. But my question po sa inyo, how does your NGO work help you as a VP in, in, in the office as a VP po?

    VP LENI: Napakalaking bagay, Crystal, nung NGO background ko with the work that I’m doing now kasi, kasi with the NG work that I was doing before, immersed talaga ako sa community. Immersed ako. Parang, parang kumbaga, nasa other side of the coin ako dati. Kami ‘yung, kami ‘yung nangangailangan sa government. Kami nag-aasikaso ng mga communities we’re, we’re working with.

    Ngayon na nasa gobyerno na ko, sobrang laking, parang, parang nabibigyan ako ng perspective. Nabibigyan ako ng perspective kung ano bang klase ng tulong ‘yung pinakakailangan. ‘Yung, ‘yung number one sigurong value na dala-dala ko, ‘yung empathy. Dahil I have worked with them for so long, parang ‘yung empathy, naging spiritual muscle siya para sa’kin. Ang gusto ko sabihin na hindi ko siya kailangang aralin. Pero dahil nakasama ko sila nang napakatagal, ‘pag may nangyayari, alam… Hindi ko alam lahat, pero at least ramdam ko. Ramdam ko kung ano ‘yung pangangailangan.

    So noong naging VP na ko, one of the things na ni-require ko sa office, was lahat nabibigyan opportunity para magsilbi on the ground. ‘Yun ‘yung requirement na totoo, na siguro ‘yung assignment mo office work, pero on a voluntary basis, lahat na gustong sumama sa, sa work on the ground, pasamahin. Bigyan ng, bigyan ng schedule, bigyan ng assignment kasi ang feeling ko lang, ‘pag nararanasan mo na kasi, ‘pag binaba mo na ‘yung sarili mo sa actual work in the community, umiiba. Umiiba ‘yung klase ng service na nabibigay mo. ‘Yung sense of urgency, doon nanggagaling, na it doesn’t have to be perfect, pero importante na you’re there. You’re there. Tapos importante na maaga ka kasi dapat, dapat nandoon ka doon sa oras na pinakakinaka- kinakailangan ka.

    So, so, sa tingin ko, ‘yung sense of urgency, ‘yung empathy, ito ‘yung dala-dala ko when I joined government. And ako, I would like to believe na-impart ko din ito. Na-impart ko ito sa mga kasama ko sa Office of the Vice President kasi ‘yung, ‘yun pong success ng office namin, if I can call it that, hindi naman sa akin maa-attribute lang eh. Pero maswerte ako na mara- marami akong katrabaho na ‘yun nga, ‘yung parang automatic na. May tatama nang bagyo, mayroon na kami kaagad thread sa telepono. Halimbawa, nag- nag-announce pa lang na outside of the Philippine area of responsibility pa ‘yung bagyo, inaaral na namin ‘yun. Inaaral na namin ‘yung path. Inaaral na namin saan siya probably maghi-hit. Nagko-contact na kami ng mga locals on the ground.

    Alam mo ‘yun, ‘yung parang it has become automatic to everyone, and it’s not just me. Kahit hindi ako nagsasabi, ginagawa na nila ‘yun. Ginagawa na nila ‘yun because of the lessons. Because of the lessons. And I think that’s, that’s mainly because of the work that I did when I was still an NGO worker.

    ROSE ECLARINAL: On that note, maraming salamat po, VP Leni, magbabalik po ang Juan Eu Konek.

    [BREAK]

    ROSE ECLARINAL: Nagbabalik po ang Juan Eu Konek at ngayong hapon makakasama pa po rin natin si Gene Alcantara at Crystal Dias and of course our special guest, Vice President Leni Robredo. At mayroon pa rin po tayong dalawang Pinoy makakasama naman mula po sa Barcelona, Spain si Ms. Sandra Sotelo-Aboy at mula naman po sa The Netherlands, si Jofelle Tesorio.

    JOFELLE TESORIO: Yes, magandang hapon po, Vice President Leni.

    VP LENI: Hi Sandra.

    SANDRA SOTELO: Happy advance New Year po, magandang hapon po, Vice President Leni.

    VP LENI: Happy New Year, Happy New Year.

    ROSE ECLARINAL: Ok, sino maunang magtanong sa inyong dalawa?

    JOFELLE TESORIO: Mauna na ko Rose, mauna na ko.

    ROSE ECLARINAL: Mauna ka na kasi alam ko nakikinig kayo kanina ng discussion tungkol sa relief operations. Ma’am, si Jofelle po ang pamilya niya ay talagang apektado ng typhoon dahil siya po ay tubong– tama ba, Puerto Princesa, Palawan, Jofelle?

    JOFELLE TESORIO: Yes tama, tubong Puerto Princesa, Palawan. Hindi kami sanay sa bagyo kaya talagang marami po ‘yung na-shock when Odette hit Palawan. Maraming hindi nakapaghanda at maraming salamat po doon sa pagpunta ninyo sa Roxas, Palawan, malaking bagay po ‘yun.

    ‘Yung lugar po ng nanay ko is Barangay Concepcion in Puerto Princesa City. It’s adjacent barangay to Roxas, Palawan, so malaki po ‘yung damage–

    VP LENI: Ah, talaga?

    JOFELLE TESORIO: Opo.

    VP LENI: Malaki talaga.

    JOFELLE TESORIO: So it’s about 70 kilometers away from Puerto Princesa City. So ‘yung four bridges na bumagsak, hindi talaga makakarating doon sa northern barangays, which include Barangay Concepcion. So, around 300 families po ‘yung nawalan ng bahay, including my mother’s place, which–

    VP LENI: Oh my

    JOFELLE TESORIO: –small cottages, na-flatten po talaga lahat ‘yun. So, sabi ng nanay ko, it was really a shock dahil hindi po talaga nila naranasan ‘yun sa Palawan before. Ang tanong ko po dito, VP Leni, ako po personally, I want to organize a sort of private-public partnership na ‘yung rehabilitation na ng– ‘yung i-aadopt na sitio, ‘yung Sitio Karabatan sa Barangay Concepcion, which includes 300 to 500 families. Na, paano ‘yung rehabilitation? Hindi na po tayo pwede mag-build ng pareho rin ng dati. Hindi na tayo pwede mag-rely na magpapako-pako lang tayo ng mga bahay. So ang ine-explore po natin dito ‘yung community rebuilding, ‘yung redevelopment and rehabilitation, sana you have experts and partners sa Office of the Vice President. Pwede po ba ‘yan, VP?

    VP LENI: Yes! Actually, kami, kami, Jofelle, ‘yung ginagawa namin, lagi kami naghahanap ng local partners. Halimbawa, nung nagkaroon ng Marawi siege, nagpagawa kami ng Angat Buhay Village in Marawi. ‘Yung partner namin doon ay Xavier University. Kinuha namin Xavier University kasi ayaw namin na parang nag-build lang ng bahay. Dapat kasi may social preparation, may pag-asikaso pati ‘yung livelihood, etc. Same dito, ‘yung kinukwento ko kanina na mayroon kaming pabahay na ginawa sa Guinobatan, Albay for those affected by lahar. Ang partner naman dun Bicol University. Dito naman sa Lupi, Camarines Sur partner namin University of Nueva Caceres.

    Pero hindi siya– ang gusto ko sabihin while ‘yung partnership importante, ‘yung pinakaproblema namin sa rebuilding, ‘yung karamihan kasi na-aaffect nasa coastal areas. And ‘yung nasa coastal areas marami ‘yung hindi nila pag-aari ‘yung kanilang lugar. Ang iba, pag-aari nila, ang iba, hindi. Karamihan hindi. Pag hindi nila pag-aari ‘yung lugar, paminsan, hindi sila pinapayagan mag-rebuild in the manner na gusto natin. Kasi syempre, ‘yung gusto natin sana, pag nag-rebuild tayo, pag tinamaan ng bagyo, hindi na siya magigiba.

    Gusto sabihin, hindi na siya light materials, mas maayos na siya, pero nagagawa lang natin ‘yung mas maayos na rehabilitation ‘pag may lupa na available. Halimbawa ‘yung sa Guinobatan kaya namin ‘yun nagawa, because the LGU provided for the relocation site. Sa Lupi naman, kaya namin ‘yung nagawa, kasi the LGU provided for the relocation site. Pero may mga coastal communities dito na ang nabibigay lang namin ‘yung nipa shingles, nabibigay lang namin coco lumber, kasi ‘yun lang ‘yung allowed. “Yun lang ‘yung allowed dahil either nasa danger zone or hindi nila pag-aari ‘yung lupa. And ‘yung may-ari ng lupa hindi siya pumapayag na– hindi siya pumapayag na mas permanent na structure ‘yung ilagay.

    Doon kami mas namomroblema. Kasi, kahit mo siya natulungan mag-rebuild, ‘pag mayroon– gayo dito sa Bicol, ‘pag mayroon na namang malakas na bagyo, sila pa din ‘yung mawawalan ulit ng bahay, so parang sayang lang. So ngayon, ang hinihingi nung ibang mga, halimbawa sa, some parts of Siargao, na siguro nakatira sila sa danger zones, ang hinihingi nila trapal. Ayaw sana natin ‘yun. Ayaw sana natin ng trapal kasi alam natin na hindi naman sila safe noon. Pero sometimes it’s the only thing that’s allowed, because strictly speaking, they’re not allowed to stay there. So ‘yun talaga ‘yung mga– ‘yun ‘yung mga na-eencounter namin– sorry, ‘yun ‘yung mga na-eencounter namin na difficulties.

    ROSE ECLARINAL: Ok, Jofelle, you want to…

    JOFELLE TESORIO: Yes, ‘yung follow up ko lang na question kasi papalapit na rin ‘yung election, ano. So, how do we institutionalize that? Paano pag halimbawang hindi tayo pinalad, mag-eexist pa rin po ba ‘yung team to help us with this sustainable, long-term rehabilitation? At sino po ‘yung pwede nating ma-contact ngayon to coordinate, sa office ninyo,with this kind of smaller rehabilitation adopting a smaller, vulnerable community, Vice President?

    VP LENI: Ako naman, ako naman, Jofelle, I’ve been doing this even before I was VP. So, mayroon kaming foundation, mayroon kaming foundation, Jesse Robredo– Jesse M. Robredo Foundation na sinetup for my husband. In fact, when Yolanda struck, ‘yung foundation ‘yung pumunta sa– pumunta sa Samar to help. Pero ako, ang hope ko na ‘yung susunod na Vice President, itutuloy ‘yung mga sinimulan namin, kasi naka-set up na siya eh. Naka-set up na siya, ‘yung mga tao trained na, na ang kailangan na lang talagang gawin, ituloy.

    Kasi ano naman eh, ‘yung pagkatapos naman ng term ko, ako lang ‘yung aalis. All the rest, except siguro for a few na mga confidential positions. Pero all the rest, nandiyan. So ‘yung mga taong maiiwan sa opisina are very, very good people na kahit wala ako, ‘yung work that we have been doing the past six years, tuluy-tuloy pa ‘yun. Pero ito lang, Jofelle, siguro, just to share with you, kasi ‘yung– ‘yung public-private partnership na ginagawa namin sa opisina under Angat Buhay, hindi naman ‘yun existing noong pumasok ako. In fact, we launched it only October 2016.

    A large part of it, ‘yung mga– halimbawa ‘yung mga academe, mga simbahan, mga eskwelahan– mga businesses, development agencies, madali naman silang tumulong. Ang kailangan lang talaga ma-establish mo na pagkakatiwalaan ka. So, so kami naging mahirap lang siya in the first year. Kasi, syempre nag-eestablish ka pa lang. Nag-eestablish ka pa lang. So kami very concerned kami with– very concerned kami with ano ito, ‘yung transparency. Very concerned kami with accountability, kasi ‘yun lang ‘yung aming kapital eh.

    Pero after the first year na satisfied na sa amin ‘yung mga partners, naging ano na siya, naging madali na siya. So ako, ang suggestion ko with Barangay Concepcion, baka pwede kayong maki-partner either sa church or sa simbahan– ay– or sa paaralan. We did– we did COVID response operations in Palawan. Kasi nag-SOS sa amin ‘yung Palawan. Kasi ‘yung nangyari sa Palawan, mayroon siyang pera, pero wala na siyang makuha na mga frontliners. Wala nang available na frontliners.

    Mayroon siyang pambayad ng doktor, mayroon siyang pambayad ng nurses. Kulang ‘yung ospital niya pero nag-convert na siya ng hotel. So ang ginawa namin, pumasok kami, sinet up namin doon. Ang partner namin academe saka mga civic organizations. Partner namin doon ‘yung Rotary saka partner namin ‘yung JCI. Rotary and JCI, plus dalawang academic institutions. Napatakbo namin ‘yung programa. Wala sa aming taga-Palawan, pero because of our partners, nagpadala lang kami ng isang team doon, pero gumana ‘yung programa.

    So, I think with Barangay Concepcion, it would not be a problem. It would not be a problem kasi alam ng tao the need is there. And madaling mag-tap– we can help you, we can help you look for local partners. Baka among our partners mayroon kaming pwede i-link with you.

    ROSE ECLARINAL: We’ll ask for the ano, some contacts ma’am para kay Jofelle later. Ok, from the Netherlands ay dako naman tayo sa Barcelona, Spain. At ang tanong po ni Sandra Sotelo-Aboy. Go ahead, Sandra.

    SANDRA SOTELO: Hello po, Ma’am. Ito po ang ilang concerns ng Filipino community rito sa España regarding po sa bayanihan efforts para sa mga nasalanta ng bagyo. Kasi marami pong mga kababayan at saka mga Spanish nationalities, Spanish friends, na gusto tumulong. Paano raw po ba makapagpapadala ng pera diretso sa mga naapektuhan ng bagyo? Hindi raw po kasi functioning ‘yung Western Union na ‘yun ang usually ginagamit dahil hindi nga functioning sa Philippines o doon sa affected area. At saka marami din daw pong scam kaya medyo takot sila magpadala just to anywhere. So paano po sila makapagpadala directly doon sa naapektuhan ng bagyo?

    VP LENI: Ako, hindi ko alam na hindi ngayon nagpa-function ‘yung Western Union. So, magtatanong ako, Sandra, magtatanong ako kung ano ‘yung best, best na facility na pwedeng gamitin papasok dito sa Pilipinas from Barcelona. Ii-inform ko kayo, inform si– siguro Rose, kasi I have contact with Rose. I will inform you kung ano ’yung mga pwede. Pero ako, ang suggestion ko is to partner with a reputable local organization.

    Kasi ang ayaw din natin na nag– ang ayaw din natin na, kasi ngayon marami ngayon fundraising. Syempre ang gusto natin din hindi tayo mapahiya. Hindi tayo mapahiya na ‘yung binigay natin– binigay ng friends natin, mapapapunta doon sa talagang nangangailangan. So ‘yung sa kin, partner with a reputable organization. Ako, I can ask the office to send you a list and contact numbers kung sino ‘yung mga kilala namin na mga reputable organizations on the ground. Pero ako, ang suggestion ko diretso na. Diretso na sa community na tutulungan para wala nang masyadong bureaucracy.

    Kasi ang problema din kasi, halimbawa, pag pinadaan sa amin, ok naman ‘yun. Sigurado ‘yung makakarating, pero siguro not as fast. Not as fast kasi ang inaasikaso namin, many different– many different ano ito, many different places. Pero kung halimbawa, ipapadaan sa amin, pero may specific nang papupuntahan, madali ‘yun for us. Madali ‘yung for us kasi ang gagawin lang namin ita-tap namin ‘yung local partners. Pero ang suggestion ko nga is to find a local partner. We will– I will ask the, no later than tomorrow, I will ask the team to send you a list if you’re looking for local partners. Pero kami ‘yung best bet namin usually sa mga lugar, lalo na kung first time pa lang kami pumupunta, academe. Kasi ‘yung audit mechanisma ng academe maayos. Tapos ‘yung church, saka local organizations of good repute. Usually mga civic clubs ito, mga civic clubs like Rotary, JCs, 'yun.

    Ang problema din kasi kung diretso sa LGU, ang dami din nilang inaasikaso. So ‘pag diretso sa LGU baka masasama siya doon sa bigger fund na hindi siya–kung mayroon kayong tinatarget na particular community baka mahirapan ma-direct doon. So I suggest diretso na.

    ROSE ECLARINAL: Okay. Sandra, may follow-up question ka pa?

    SANDRA SOTELO: Yes po. Thank you po, Ma'am. Mayroon pong Pinoy dito sa Spain na taga Bacolod ang kanyang pamilya, 'yung ate niya, sa Murcia, Murcia daw ang town. Nabuwag ang bahay tapos may nasugatan. Wala pa ring kuryente tapos sa January pa raw magkakaroon. Tapos pati kalsada hindi pa rin clear, na-experience daw nila magbuhat ng motor at mga kahoy para lang makadaan sila kasi sa city sila pumupunta para mag-charge, mag-charge ng cellphone or whatever. Kaya 'yung pagpapadala nila ng pera din from here dahil nga wala pang kuryente, they had to make it go through to Palawan. So I'm sure naman mayroon diyang Western Union kapag may kuryente na, so ang hinihiling po ay baka po matulungan po niyo sila na magkakuryente na saka yung pagki-clear ng daan.

    VP LENI: Actually, ma'am, ano, ngayon ang ginawa ko habang nasa Bohol ako, 'yun 'yung first na pinuntahan ko, mayroon kaming partner ang pangalan niya PHILRECA, 'yung PHILRECA is the association of electric coops all over the Philippines. Ang ginagawa nila, sinimulan nila tong gawin noong Typhoon Rolly and Ulysses pa last year. Ang ginagawa nila 'yung lahat ng mga members nila na wala doon sa affected areas, dinadayo nila 'yung mga affected areas para tumulong na, para tumulong na.

    Pero 'yung kuryente sobrang hirap talaga, ma'am, dahil una ang coverage nga ang laki. Pangalawa, depende sa lugar, grabe talaga 'yung natumbang poste. Grabe 'yung natumbang poste na kailangan muna nila 'yung patayuin, kailangan nilang i-rewire bago pwedeng i-on 'yung kuryente.

    Yung Murcia mayroon kaming project sa Murcia so tatanungin ko 'yung team namin on the ground kung ano ba talaga 'yung ano 'to, ano ba talaga 'yung target na magkakaroon na ng kuryente. 'Yung sabi sa amin, sa mga mas metropolitan daw na cities before the New Year magkakaroon na. In fact, I think many parts of Cebu mayroon na ngayon. Ang tingin ko din sa ibang mga lugar na hindi masyado, mayroon na, pero doon sa mga nagrabe, ano talaga 'yun, medyo grabe 'yun.

    So itatanong ko ma'am kung ano talaga 'yung sitwasyon sa Murcia. Saan ba ko pumunta? Nalito na ko pero mayroon akong pinuntahan, Siargao yata siya, pero mayroon akong pinuntahan na ang hinihingi na tulong ng mga communities, generator. Hinihingi nilang tulong generator kasi ang pinakaproblema, kung walang kuryente naaaffect ang tubig. Karamihan walang drinking water kung wala ding kuryente. Walang charge 'yung mga cellphone. So ang mayroon ngayong mga generator, mga barangay hall. Mayroong generator ang mga barangay hall, so hindi lahat ng barangay hall mayroon pero ang ibang mga mas progressive na o mas may pera siguro parang ganoon, may generator. So lahat ng tao, doon nakiki-charge. So pag pumupunta ka sa barangay hall ngayon, grabe 'yung taong nakapila, lahat nakiki-charge. So I think isa sa mga pwedeng itulong kung mabigyan 'yung community na kahit ilan lang na generator para pwede siyang pagsaluhan, makakatulong din siya na magkaroon ng drinking water 'yung community kung mayroong generator sila.

    SANDRA SOTELO: Thank you po ma'am. One more question.

    ROSE ECLARINAL: Go ahead, Sandra.

    SANDRA SOTELO: Here in Barcelona, marami pong mga kababayan ang nawalan ng trabaho tapos na-depress kaya may mental health issues. Given that hanggang June na lang po ang term ninyo as Vice President at saka ng ating President, whatever the results of May 2022 elections, ano po ang mga balak niyong itulong sa mga OFW sa natitirang panahon na yan gayong ang dami dami pong problema sa Pilipinas ngayon?

    VP LENI: Ako marami, ma'am, marami talaga. Unang-una, naglagay na kami sa opisina namin ng Mental Health Program. Mayroon po kaming Mental Health Program under Bayanihan E-Konsulta na pwede po siyang ma-access kahit na OFWs. Mayroon pong Facebook Page 'yung Bayanihan E-Konsulta. Pwede po silang mag-register doon tapos mayroon tayong Mental Health Program o kahit po anong sakit kasi marami tayong volunteer doctors, ginagawa po through Facebook nililink 'yung mga patients to doctors na we have on-call. So, pasabi po sa kanila na anyone of them na kinakailangang may makausap na doktor, mag-register lang po sa Bayanihan E-Konsulta. 'Yun 'yung number one.

    Number two, ngayon po parati kaming, parati naming kausap 'yung mga industries na 'yung tinitingnan natin papaano ba natin bubuhayin 'yung economy natin saka mga local industries na 'yung working abroad hindi na siya, parang ginagawa mo 'yung working abroad kasi gusto mo, hindi dahil wala ka nang choice. 'Yun 'yung ating pinakasadya na ang iba nating mga kababayan kahit ayaw iwan 'yung pamilya, wala na siyang ibang option kung hindi umalis. So umaalis, 'yung social cost napakalaki, hindi lang sa kaniya, pero pati sa pamilyang iniwan niya. So kami tinitingnan namin ngayon, ano ba 'yung mga industries na mag-ge-generate ng maraming trabaho locally na 'yung mga kababayan natin ang nawalan ng–ang bumalik na OFWs sa Pilipinas by the hundreds of thousands during the pandemic. So papaano 'yung mga trabaho noon? So kami ito po available siya sa lenirobredo.com, pero nandoon 'yung aming jobs plan. Ang tawag namin dito Kabuhayan Para sa Lahat. Mayroong naka-specify doon kung ano 'yung plano.

    'Yung number one na plano ibalik 'yung tiwala sa pamahalaan para 'yung investors magbalikan. 'Yung pangalawa ano ba 'yung mga promising na mga industries na mag-gegenerate ng maraming trabaho na 'yung mga kababayan natin hindi na kailangan umalis? 'Yung isa diyan maritime, 'yung isa, halimbawa, 'yung BPO industry, ka-meeting ko po 'yung mga head ng mga BPO industries in Cebu, kinukuwento nila na sobrang dami nilang jobs available pero kulang 'yung Pilipinong nagku-qualify. Ang kwento nga sa min mag-rerecruit daw sila, may iinterviewhin sila 50 na tao, ang makukuha lang nila isa. Pero 'yung job available, wala lang nag-ququalify, sayang ang opportunity. And 'yung dahilan niya kung bakit hindi nagku-qualify, kasi kulang ng skills. Kulang ng speaking skills, ng english skills, kulang ng computer skills, na pwede sana itong ma-resolve ng education. ‘Pag aasikasuhin natin 'yung ating education minamatch na natin 'yung ating education sa trabaho, marami sanang pagkakataon.

    Halimbawa, kanina, 'yung sa maritime na sinasabi ko, grabe 'yung nakukuha natin na income from our seafarers pero ‘pag tiningnan natin 'yung datos, karamihan sa mga seafarers natin hindi naman sila mga opisyal kung hindi mga regular seafarers lang na ‘pag inasikaso natin 'yung ating training sa kanila na mag-opisyal sila, mas malaki sana 'yung sahod na ma-rereceive nila tapos pag nagkaroon na ng ship na flag carriers 'yung Pilipinas eh di dito na sana siya, dito na 'yung point of origin niya, 'yung logistics sa Pilipinas maaayos, maraming trabaho 'yung mabibigay, maraming negosyo 'yung magbubukas. So ito maraming opportunities tayong tinitingnan, maraming opportunities na tinitingnan na tingin natin pag nag-concentrate tayo sa job-generating na mga industries like manufacturing, etc, etc, mas maraming trabaho 'yung mabibigaw sa kanila lalo na 'yung nawalan ng trabaho.

    Doon naman sa mga OFWs na nasa abroad o kahit mga Pilipino na hindi na sila considered na mga OFWs dahil matagal na sila doon. Ano na sila, doon na talaga sila residents, ito 'yung pagsisiguro lang na 'yung access sa government services ay nandiyan. 'Yung pag- actively, pagpasok sa bilateral at multilateral na agreements with the host countries para siguruhin na 'yung working conditions ng mga Pilipino ay protected. Just last week I was in a meeting with the Ambassador of Saudi Arabia, 'yun 'yung pinaguusapan namin na dapat mas marami pa na mga bilateral at multilateral contracts ang mapasok just to ensure na protected 'yung ating workers.

    'Yung pandemic only exacerbated 'yung mga marami na mga problema and kailangan talaga mas mabilis din 'yung pagtugon natin and nahihirapan na bilisan 'yung pagtugon dahil global, global 'yung naging problema, hindi lang sa atin. So kahit 'yung ibang bansa are also facing the same–siguro not in the same magnitude, pero also facing the same problems that we are facing as far as employment is concerned, as far as 'yung mga negosyo is concerned. Dito sa Pilipinas ang daming nagsara na negosyo, so ang sa’kin din 'yung gobyerno dapat mabilis siya sa pag-retrofit ng mga programa gaya po ng opisina namin, nung nag-pandemic mabilis naming na-retrofit 'yung aming budget na mas marami na kaming matutulong sa medical. Mas marami na kaming matutulong sa sustainable livelihood and training programs, kasi 'yun yung pangangailangan rather than insist on 'yung bureaucratic na mga kaganapan na pre-pandemic, kailangan madaling nabe-bend, pangit siguro 'yung term na bend pero madaling nakaka-adjust saka adapt kung ano 'yung pangangailangan ng panahon. Pero pasabi na lang, Sandra, na 'yung sa mental health and all other concerns, they can always access. Anyway, ano naman siya, anyway online siya so they can always access Bayanihan E-Konsulta. It's a Facebook page na pwede sila.

    ROSE ECLARINAL: Okay, inabot na po tayo ng higit isang oras kaya Jofelle, Sandra, Crystal, and Gene, siguro kung may isa kayong mabilisan, mga one-liner message for the VP or sa mga nanonood sa atin, please go ahead. Jofelle.

    JOFELLE TESORIO: Yes, maraming salamat VP sa agarang aksyon at talaga pong pandemya at kailangang-kailangan ng mga kababayan natin 'yun so tuloy-tuloy niyo po 'yan. Maraming salamat po.

    VP LENI: Thank you, Jofelle.

    ROSE ECLARINAL: Sandra?

    SANDRA SOTELO: Yes, Ma'am. VP Leni, thank you very much po sa mga tulong ninyo at saka sa explanation niyo nakatulong po para maintindihan namin talaga kung bakit ang mga steps ninyo–kung saan talaga kailangan at saka kung saan kami talaga pwede mag-approach. Mabuhay po kayo.

    VP LENI: Thank you, Sandra. Ingat kayo.

    ROSE ECLARINAL: Crystal, you have to unmute if you have anything to say?

    CRYSTAL DIAS: Yes I'd like to say po madame VP Leni, thank you very much for all the work you've done for our kababayans in the Philippines, especially in this awful time with the typhoon, you're there to help our kababayans. You are one of a kind, you are an empowered woman and keep up the good work po.

    VP LENI: Thank you, Crystal, nice to see you again.

    ROSE ECLARINAL: Gene?

    GENE ALCANTARA: So, madame VP Leni, actually ako magpapasalamat din ako kasi sa totoo lang inspirasyon kayo ng maraming mga Pinoy at sana magpatuloy ang inyong ginagawa at lalo na sa darating na taon dahil napakaimportante na makita nila na may integridad ang mga Pinoy, Pinay at may pagmamahal sa bayan, may pagmamahal sa kapwa, at matino ang pagpapatakbo sa pamahalaan. So, mabuhay po kay. God bless you.

    VP LENI: Thank you, Gene. Thank you.

    ROSE ECLARINAL: Ma'am, mabuhay po kayo maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng panahon sa amin for this interview at 'yun pong pagbabahagi po ninyo ng mga ginawa po ninyo during the typhoon, malaking tulong po ito sa amin dahil alam naman ninyo na limitado ang mga impormasyon na nakukuha namin, especially 'yung mga kababayan natin na gusto nilang to connect with their families. Nabanggit nga po kanina hindi sila maka-connect, hindi sila makatawag sa kanilang mga pamilya, so malaking tulong po ito sa ating mga kababayan dito sa Europa. Maraming salamat po. God bless you, VP Leni. More power.

    VP LENI: Maraming salamat din. Maraming salamat sa inyong lahat. Ingat kayo lagi.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Dec 29, 2021