This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at Siayan National High School, Zamboanga del Norte

    Turnover of girls’ dormitory and other learning equipment

    Siayan National High School, Siayan, Zamboanga del Norte

    REPORTER 1: Good afternoon, Ma’am. Ilang schools na po iyong natulungan po ng ating Office of the Vice President?

    VP LENI: Iyong pinaka-una naming partnership with Yellow Boat of Hope Foundation, sa Kabasalan—Kabasalan, Zamboanga Sibugay. Tapos itong sa Siayan, second dorm na ito, kasi iyong nauna boys’ dorm, ito iyong girls’. Mayroon na kami sa Sumilao na girls’ dorm; paumpisa na iyong boys’ dorm. Mayroon din isa sa Balangkayan saka sa Salcedo, pareho sa Eastern Samar. Halimbawa, iyong sa Balangkayan, ang inumpisahan namin, multicab muna. Nag-try kami ng multicab na sinusundo iyong mga batang malalayo iyong inuuwian. Ang laking tulong niya, pero maraming mga kabahayan iyong hindi nararating kasi wala nang mga daan. So nag-decide pa din kami na gumawa din ng dorm. Ano iyon, ready na for turnover.

    So siguro in the next few weeks or so, itu-turnover na din namin. Pero tinitingnan pa talaga namin iyong mga lugar na similarly situated, na— Siguro narinig niyo iyong conversation namin kanina. Marami sa kanila gigising 3 o’clock in the morning; kapag 4 o’clock, ang ibang malalayo talaga, maglalakad na. Tapos makakarating dito halos alas-siyete na ng umaga. Tapos kapag hapon ganoon ulit. Marami iyong— Grabe iyong epekto nito sa dropout rate, dropout rate ng lalo sa high schools. Mas better iyong grade school kasi mas marami siya so mas accessible. Pero iyong mga high schools talaga, dahil kaunti, ang laking epekto sa dropout rate. Halimbawa, iyong una kong punta dito sa Siayan, may mga nakausap tayo na, halimbawa, iyong isa 22 years old na pero Grade 9 noong time na pumunta kami dito—Grade 10 na daw ngayon. Ang kuwento niya, kaya siya dropout nang dropout, kasi sobrang layo. Saka iyong nilalakaran, hindi talaga siya daan na maayos. Talagang nagta-traverse sila ng mga bukid, nagko-cross ng mga ilog. Talagang sobrang hirap, lalo na kapag bad weather.

    So ito, kahit paano, nagpapasalamat tayo sa partners. Ayan, nandiyan iyong Yellow Boat of Hope saka BEAGIVER. Pero nagpapasalamat din tayo sa LGU, kasi ang laking bagay ng tulong ng LGU. Hindi natin madadala ito sa— Hindi natin madadala dito kung hindi cooperative saka hindi helpful iyong LGU. Saka siyempre iyong host na… host na school. Kasi mayroon ding responsibilities iyong host na school. Halimbawa, sila iyong magha-hire ng, ano ito, dorm parent na mag-aasikaso, kasi hindi puwedeng wala dahil mga bata pa iyong nakatira. Sila iyong nagme-maintain. Iyong pang-araw-araw na mga kailangan, iyong school iyong nag-a-assume. So hindi natin ito madadala kung hindi willing iyong school to host. Kaya ano naman ito, collaboration. Parang iyong role dito ng Office of the Vice President, kami lang iyong… kami lang iyong nagdala, together noong mga partners. Gaya ngayong umaga, nag-turnover din tayo ng mga equipment. Iyong isang klaseng equipment, iyong mga power tools na magagamit ng mga senior high school students. Galing iyon sa Bosche. Tapos iyong mga kitchen equipment naman, dahil may culinary track tapos walang gamit, galing naman sa Ramesh Trading—na talagang solid partner ng aming Angat Buhay program, nagbibigay talaga ng mga equipment doon sa mga malalayong schools na may culinary track pero walang gamit.

    REPORTER 1: Ma’am, any plans po for 2022?

    VP LENI: Mahirap magtingin ng 2022 kasi ang dami pang puwedeng mangyari. Marami pang puwedeng mangyari. Basta tayo, sige lang. Iyong lesson sa atin ng history, in a span of a year, ang daming pagbabagong nangyayari, so basta tayo, pinag-iigihan natin iyong trabaho.

    Kami naman, kami sa opisina, halos half of the week nasa probinsya kami. Gaya ngayon, pagkaalis namin dito, lilipat kami ng Kabasalan. Ang pupuntahan naman namin doon iyong isang fishing community na gumawa na very inspiring na kuwento tungkol sa protection ng environment. So bibisitahin namin iyong kanilang proyekto, kasi gusto namin sana ma-replicate sa ibang mga fishing communities iyong mga ginawa doon. So ang daming inspiring stories sa mga lugar na malalayo.

    Halimbawa, dito sa Siayan, medyo matagal-tagal na iyong partnership namin—hindi lang dito sa school na ito, pero sa iba pang mga— Halimbawa iyong programa ng LGU—nandiyan si Mayor—iyong programa ng LGU sa mga kababaihan, sobrang ganda. Kung naaalala natin, iyong Siayan was the poorest municipality from 2003 yata to 2009. Pero nakita natin iyong power ng kapag maayos iyong pagpapatakbo ng LGU, kapag nakuha iyong cooperation ng community, iyong turnaround ang laki. Kaya dito nakita natin, iyong mga kooperatibang ginawa sa mga barangay, kahit marami iyong… maraming iyong kahirapan dito dahil sa topography, dahil mahirap magtanim, iyong creativeness—creativity—na ginagawa ng LGU, kahit paano nabago talaga iyong mga buhay. Kaya kami naman, ganoon iyong hinahanap namin na partners: iyong mga mahihirap pero nakikita namin na talagang ume-effort iyong mga tao saka iyong local government unit na mabago. Mahirap kasi magdala ng tulong kapag hindi tinutulungan iyong sarili, ‘di ba?

    REPORTER 2: Ito po, Ma’am, ito po malapit-lapit: Kakaupo lang po ng majority po sa atin sa Congress at sa Senate po ay mga kapartido po ni Presidente Duterte. Tingin niyo po, pananaw niyo po, puwede bang mabuhay iyong gusto nilang federalism or cha-cha?

    VP LENI: Parating posible iyon pero kung ang pagbabasehan natin iyong SONA, parang hindi siya nasa top priority ng Pangulo. Walang— Hindi kagaya noong mga naunang SONA na nababanggit siya, iyong SONA ngayon walang mention ng federalism, walang mention ng charter change. So ang mensahe sa atin noon, hindi siya priority.

    Pero kung ang tanong siguro kung posible, parati namang posible, kasi ang reality naman talaga—lalo sa House of Representatives—kung ano iyong gusto ng Pangulo, iyon iyong nangyayari. Ano tayo, hopeful na iyong mga bagay na kailangang pagtuonan ng pansin, mapapagtuonan ng pansin. Halimbawa, kami— Halimbawa, ako, personal, masaya ako na na-mention iyong National Land Use Bill, kasi ang tagal na natin iyong hinihintay. In fact, noong miyembro ako ng Congress, isa ako sa mga principal authors, pero hindi nakakalusot. The mere fact na minention ng Pangulo sa SONA, baka sakaling makalusot ngayong 18th Congress. Halimbawa iyong Coco Levy Fund na-mention; hopeful din tayo na baka sa tinagal-tagal ng paghihintay, maisakatuparan na din ngayon. Mahabang diskusyon iyong ginawa tungkol sa korapsyon. Umaasa tayo na— Masaya tayo na may recognition na grabe pa din iyong korapsyon, kasi iyon iyong first step, iyong recognition na grabe pa din. Sana… sana talagang mahinto na, kasi iyon talaga iyong number one na driver ng, ‘di ba— iyong katiwalian, number one driver ng mga communities na hanggang ngayon naghihirap pa din. So marami tayong gustong nabanggit sana, pero hindi nabanggit. Pero doon na muna tayo magdu-dwell sa ano ba iyong binigyan ng diin, at gaano kahalaga para sa atin.

    REPORTER 2: Nabanggit din po ang death penalty. Sa pananaw po ninyo?

    VP LENI: Isa iyon sa kinakalungkot natin, kasi for a very long time, kontra talaga tayo sa death penalty. Hindi lang ito for the sake na kokontra, pero kung naaalala niyo, nagkaroon na tayo ng death penalty before, and iyong datos magpapakita na hindi siya naging deterrent. Hindi siya naging deterrent sa pag-commit ng crime. Iyong pinaka-mahalaga sana, maayos iyong justice system, na iyong pinakamahalaga na na-i-implement nang maayos iyong mga batas. Iyong mga penalties na binibigay ng batas, sana totoong na-i-impose sa mga nagkasala. Iyong paniniwala natin, hindi talaga—hindi paghahatol ng kamatayan iyong magiging solusyon para hindi na mag-commit ng kasalanan.

    REPORTERS: Thank you po!

    VP LENI: Salamat sa inyo!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 26, 2019