This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Senate Finance Committee hearing for OVP’s proposed 2020 budget

    Senate Finance Committee hearing for OVP’s proposed 2020 budget

    Senate of the Philippines, 16 September 2019

    REPORTER 1: Ma’am, willing sila na i-increase iyong budget ng OVP. Magkano sa tingin niyo iyong dapat na idagdag sa budget ng Office of the Vice President?

    VP LENI: Kailangan ko itanong sa… kailangan ko itanong sa staff kung ilan talaga iyong kailangan ng aming policy unit. Kasi mayroon kaming existing policy unit, pero wala talaga siyang budget, so maraming hindi nagagawa dahil sa kakulangan sa resources. Kung lalagyan iyon ng budget, mas marami kaming magagawa. Iyong policy kasi, mas makakatulong iyon sa amin sa pag-develop noong mga communities kung nasaan kami, kasi talagang madaming research na kailangan, ang daming mga kailangang pag-aralan para mas maging effective iyong delivery ng services. So malaking tulong siya.

    REPORTER 1: So wala kayong estimate ngayon?

    VP LENI: Ngayon wala pang estimate, kasi first time na na-bring up sa amin na puwedeng pondohan iyon. Dati kasi, parang, kaniya—parang sarili lang na sikap, na mayroong unit pero walang pondo. Iyong tao namin doon, ang head namin consultant, ang mga staff niya job order. So ngayon, kung mapondohan siya, at least makakapag-hire kami nang maayos, at iyong operations niya puwede na siyang may sariling pondo.

    REPORTER 1: Sa House ba, Ma’am, nag-offer din ng increase for that?

    VP LENI: Hindi. Hindi nag-offer.

    Malaking bagay na nabibigyan tayo ng pagkakataon na i-explain kung ano iyong ginagawa natin, kasi kapag na-a-appreciate naman iyong ginagawa natin, iyong initiative na dagdagan, nanggagaling na sa Senado. If you will recall, nag-start kami, wala naman kaming pondo for programs, pero noong nalaman ng Senado din last year na marami kaming ginagawa pero umaasa lang kami sa private funding, sila na iyong nag-offer na dagdagan. So nadagdagan kami ng P200 million last year. Ang laking bagay noon sa programs namin, kasi marami kaming—lalo na kapag disasters, na hindi agad-agarang makakahingi ng tulong sa private [sector], iyong mayroon kaming sariling pondo, marami talaga kaming nagagawa, lalo na doon sa mga sobrang kailangang mag-respond kaagad kami.

    REPORTER 2: Ma’am, iyong sa naging remark ni Sen. Drilon, na pareho kayo ng sitwasyon ni former President Diosdado Macapagal?

    VP LENI: Siguro similar kami in the sense na pareho kaming walang Cabinet post. Pero iyong kaibahan siguro, iyong mga areas kasi kung nasaan kami, ito iyong mga areas na sobrang lalayo, ito iyong mga areas na sobrang mahirap puntahan, at ito din iyong mga areas na kaunti iyong tao—kaunti iyong tao kasi sobrang lalayo niya. So kung politika iyong iisipin ko, dapat wala ako doon. Kung politika iyong iisipin ko, dapat iyong mga programa namin nandoon na lang sa heavily populated areas, kasi doon ako makakakuha ng boto. So tingin ko makakasama for our program na ang isipin ko na iyong 2022, kasi kung iisipin ko 2022, hindi na ako pupunta sa mga areas namin, kasi parang cost-benefit, lugi na kaagad kasi ang lalayo nga tapos hindi siya heavily populated areas. So baka mas mabuting huwag munang isipin iyong 2022, kasi otherwise kawawa naman iyong mga tinutulungan namin na areas.

    REPORTER 3: But are you considering treading the same path as former President Macapagal?

    VP LENI: Mahirap kasing— Mahirap sabihing “considering” dahil iyong trajectory ko naman sa politika, walang pinlano. Iyong sa akin lang, parating bukas sa kahit anong possibilities, pero kailangan lang gawin iyong dapat gawin. Sa akin kasi, mahirap na planuhin siya kasi kapag pinlano siya, parang iyong lahat na ginagawa ko, ang iniisip ko na iyong saan ba ako makakakuha ng maraming boto. Parang kontra kasi siya sa ginagawa namin. Kontra siya sa mga ginagawa namin kasi talagang iyong mga pinupuntahan namin na mga lugar, hindi siya vote-rich, dahil ang sinusubukan naman namin mag-fill in ng gaps, na iyong mga lugar na bihira… iyong accessibility sa government programs mahina dahil malayo din sila. So kung iisipin ko na iyong ruta ko for 2022, tingin ko maaapektuhan iyong ginagawa namin.

    REPORTER 1: Ma’am, any concern po doon sa possible na magkaroon ng decision iyong PET?

    VP LENI: Actually kami, if you will recall, mga last month nag-file na kami ng motion for the PET to decide. Kasi sa amin, makakabuti para sa amin na mag-decide na agad. Matagal na naming hinihingi na mag-decide na agad, kasi… kapag wala pa kasing desisyon, nagkakaroon lang ng platform para gumawa ng mga hindi tamang balita, gumawa ng mga haka-haka na hindi nakakatulong. At least kung may desisyon na sana, matutuldukan na, matutuldukan na iyong lahat na pangamba. Matutuldukan iyong lahat na pag-aalinlangan kung ano ba talaga iyong nangyari noong 2016. So for us, kapag natuldukan na ito, mas buwelo na din kaming gawin kung anong gusto naming gawin, kasi ngayon nauunahan kasi kami ng propaganda. ‘Di ba ang tawag nga sa akin “fake VP”, kung ano-ano. Pero kapag natuldukan na ito, at least tapos na sana.

    REPORTER 4: Ma’am, in relation to that po, ano po iyong komento niyo doon sa pasaring po ni President Duterte na papalitan daw po niya kayo ng any outstanding government personnel na isa sa mga in-award-an niya?

    VP LENI: Parang hindi naman siya… parang hindi siya first time na sinabi. Pero hindi naman kasi siya nakakatulong sa usapin, so sa akin, hindi ko na lang papatulan. Gawin na lang iyong dapat gawin. Iyon nga, wala kaming masyadong pondo para… para i-broadcast iyong aming ginagawa. So iyong sa amin—paminsan na-a-accuse pa kami na walang ginagawa—iyong sa amin, gawin na lang kung anong dapat gawin, and hopefully in the end, parati namang ma-a-appreciate ng tao kung ano iyong ginawa mo given the limited mandate and resources that you have.

    REPORTER 2: Ma’am, mali rin daw po iyong sinabi niyo na, kumbaga, kinriticize niyo iyong mga pulis sa sinabi niyang puwede silang tumanggap ng gifts? Insignificant amount lang naman daw po iyong sinabi niya.

    VP LENI: Actually hindi ko naman kinriticize iyong pulis. Ang sinabi ko lang, iyong lahat na—ang mga batas kasi natin, siya mismo iyong nagsasabing bawal. ‘Di ba mayroon tayong Republic Act 6713, Section 7 yata, very specific na sinasabi niyang bawal. Mayroon tayong 1976 pa na Presidential Decree, na until now siya pa din iyong sinusunod, na ang sinasabi bawal if by reason of the office. Iyong mga hindi lang ibinabawal na mga gifts, iyong mga customary between family and friends na hindi naman by reason of the office. Pero kapag by reason of the office, lahat yata ng batas nagsasabi talagang hindi puwede. Mayroon tayong indirect bribery sa Revised Penal Code. So hindi siya… hindi siya—hindi ko siya gawa-gawa, pero nasa batas. Hindi ako iyong nagsabi na bawal, pero ang sinasabi ng batas, bawal. So ang sinasabi ko lang naman, kailangan naming sundin iyong batas.

    REPORTER 5: Ma’am, are you following po iyong sa Senate hearings doon sa GCTA and BuCor?

    VP LENI: Yes.

    REPORTER 5: Kasi bine-blame ngayon si Senator De Lima and former Secretary Mar Roxas for this. Should they be given a fair chance to defend themselves?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, dapat ang tanong: ano ba iyong dahilan kung bakit nagka-loko-loko iyong application ng GCTA? Is it because of the law o dahil ba ito sa implementation ng law? Mayroon silang sinasabi na dahil iyong IRR ng batas hindi kasali sa exceptions iyong heinous crimes. Pero kung maaalala natin, a few years ago, iyong DOJ—parang iyong OIC nga noon, si Justice Caguioa pa—nag-issue siya ng memorandum circular na was an attempt to fill in kung ano iyong pagkukulang ng IRR. So ang tanong ngayon, kaya ba makakalabas sina Mayor Sanchez sana dahil ba doon sa batas o dahil sa implementation ng batas? Eh ngayon lumalabas na sa hearings na napakarami iyong allegations of corruption. So dapat sana iyong sentro ng hearing, iyon. Sana iyong sentro ng hearing, tingnan ano ba iyong mga korapsyon na nagaganap at bakit siya nagaganap? Mahirap na ilihis ito kasi kapag nalihis siya sa tunay na pangyayari, baka paulit-ulit na mangyari ulit, na iyong focus nandoon na sa sino iyong gumawa ng IRR, hindi na doon sa sino ba iyong mga involved sa korapyson kaya nangyayari iyong mga ganitong pagkakataon.

    Kasi para sa akin lang, ang sama noong mensaheng binibigay: na kung mayaman ka, you can get away with anything; kung mahirap ka, sorry ka na lang. So, dapat sana iyon iyong i-cure na, parang, collateral damage nitong mga nangyayari sa Bureau of Corrections.

    REPORTER 1: So dapat mabigyan ng chance sina De Lima and Roxas to defend themselves sa hearing mismo?

    VP LENI: Saka— Hindi lang mabigyan ng chance, pero kung talagang may pagkukulang iyong batas, i-correct. Pero sana, hindi mawala iyong investigation doon sa allegations of corruption, saka iyong sa bakit nangyayari ito sa pag-implement ng batas.

    REPORTER 6: Ma’am, despite the DFA making public the statements of the President with his Chinese counterpart, Xi Jinping, in his recent China visit, do you still think, Ma’am, na nakulangan kayo sa ginawa niya? He raised the arbitral award, he also pointed out freedom of navigation, and he insisted that the award is final. Para sa inyo, kulang pa?

    VP LENI: Iyong sa atin kasi, nagre-react lang tayo doon sa statement na for the joint exploration to happen—iyong 60-40 na hatian—kailangang i-set aside iyong arbitral award. Doon tayo nagre-react. Ang sinasabi lang natin, puwede namang mag-enter into agreements na hindi kailangang i-set aside iyong issue ng sovereignty; hindi kailangan i-give up kung ano iyong mga karapatan na mayroon tayo.

    Iyong problema lang talaga, may kalituhan—may kalituhan kasi iyong sinabi ni Presidente, parang sinasabi ng spokesperson na hindi naman ganoon iyong gustong sabihin. So ang sinasabi lang natin: ano ba talaga iyong—ano ba talaga iyong gustong sabihin? Ise-set aside ba o hindi? Kasi kung papakinggan natin—ako, binabase ko kasi napanood ko mismo, nabasa ko iyong transcript—in no uncertain terms sinabi niya na kailangang i-give up iyong arbitral award. Doon tayo kumokontra. Na sinasabi natin na hindi kailangang i-give up. In fact, si DFA Secretary [Teddy Locsin] mismo nagsabi na hindi kailangang i-give up; si former [Foreign Affairs] Secretary Albert Del Rosario nagsabi na hindi kailangang i-give up for us to be able to enter into agreements on joint exploration with other countries.

    OVP: Okay. Thank you, Ma’am. Thank you, Senate media.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 15, 2019