This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at Vaccine Express - Pasig

    Interview with VP Leni Robredo at Vaccine Express - Pasig

    Manggahan High School, Pasig City

    REPORTER: Vice President, kumusta naman po so far itong Vaccine Express na ginagawa n’yo? Are there plans na ma-extend pa ito or gawin din sa mga ibang LGU pa?

    VP LENI: Tuloy-tuloy naman kami. Sa lahat ng LGUs na nagsi-seek ng aming assistance, open kami each and every time. Ang pinaka-problema lang namin, wala kaming vaccine supply, so ang napo-provide lang talaga namin, ‘yong sistema, ‘yong mga volunteer doctors, nurses, medical students. In fact, noong Friday, nasa San Fernando, Pampanga kami. Tapos this coming week, nasa San Pedro [Laguna] ulit kami for the second dose. Tapos pupunta kami ng Capas, Tarlac para ma-vaccinate ‘yong mga Aetas—this coming week ‘yon. Itong week na nakaraan, may two days kami sa QC (Quezon City), tapos ‘yon nga, ‘yong San Fernando, Pampanga.

    REPORTER: Ma’am, ano ‘yong nagiging advantage nito, na nakikipagtulungan kayo sa mga LGU, especially now na hirap ngayon sa mga tao ‘yong mga LGU right now?

    VP LENI: Karamihan kasi sa mga LGUs, ang problema talaga nila hindi lang supply kundi vaccinators. Kasi ‘di ba ‘yong LGUs, tuloy-tuloy kasi, every day mayroon silang vaccination. So kinukulang talaga sila ng tao. Kinukulang sila ng tao. So kapag pumupunta kami, sobrang nai-increase ‘yong capacity nila, dumo-doble. Halimbawa, noong pumunta kami sa Naga saka sa Iriga, kahit tuloy-tuloy naman ‘yong bakuna nila, ‘yong two days na nandoon kami, almost 7,000 ‘yong nabakunahan. Kung wala kami, nag-a-average lang sila ng mga 500 a day.

    REPORTER: Kailangan talaga nila… Ma’am, hingi lang ako ng comment n’yo sa ibang isyu sa COVID-19. I don’t know if you heard, but ‘yong DILG po kasi, parang nasabi na doon sa mga tatanggi na magpa-swab, puwede po silang makulong o makasuhan. Do you agree sa ganitong approach? 

    VP LENI: Ako, I have always been very vocal na positive reinforcement sa akin kaysa punitive eh. Tayo kasi, parang nagiging default ng pamahalaan na “kapag hindi kayo sumunod, kukulungin kayo, huhulihin.” Sa akin— Mas effective para sa akin ‘yong positive reinforcement, pag-i-incentivize. Halimbawa kami, kapag nagsu-Swab Cab kami, ramdam talaga namin ‘yong resistance magpa-swab. Pero kailangan mo kasing maintindihan bakit may resistance. May resistance kasi natatakot sila na kapag nag-positive sila, hindi sila magtatrabaho, so wala silang pakakainin sa pamilya during the time naa naka-quarantine sila. So kami sa Swab Cab, ang incentives namin, kapag nagpa-swab ka, mayroon kang food pack; kapag nag-positive ka, bibigyan namin ng food supply good for two weeks ‘yong pamilya mo. So nagpapa-swab sila, kasi ‘yong worries nila na-a-address.

     

    Pero kung huhulihin natin, ikukulong natin, parang kinompound pa natin ‘yong dati ngang problema na nila, ‘di ba? Kasi kung ayaw nilang magpa-swab tapos kinulong natin—eh ang dahilan nga kung bakit ayaw nila magpa-swab kasi hindi makakakain ‘yong mga pamilya nila eh. So ako, lagi akong for incentivizing kaysa punishing.

     

    REPORTER: Kumbaga para mas ma-encourage sila lalo?

     

    VP LENI: Totoo. Saka kasi kailangan intindihin nila—intindihin natin—bakit ayaw. Iba naman ‘yong ayaw lang kasi matigas ‘yong ulo—bihira naman ‘yon eh. Karamihan talaga sa ayaw, may dahilan, so dapat ma-address natin ‘yong dahilan.

     

    REPORTER: Ito, Ma’am, hingin ko na lang rin po ‘yong ano n’yo: Kahapon meron po kasing nag-rally sa may Manila—I think sa Roxas Boulevard—they’re advocating na huwag nang gumamit ng face masks. So noong nagpunta po sila noong nag-rally sila doon, talagang wala silang suot na face mask, no face shield. Pero hindi naman sila nahuli ng mga pulis or anything.

     

    VP LENI: Ako kasi, napakalaki ng controversy about face mask saka face shield. ‘Yong face mask, all over the world, ‘yong lahat na medical experts nagsasabi na napakahalaga talaga ng face masks. Ako mismo, personal ‘yong aking nararamdaman na halaga ng face mask, kasi halimbawa ako, since last year—naka-face mask na tayo for one and a half years, ‘di ba—never pa akong nagkasipon, nagkaubo. Grabe ‘yong toncilitis ko; parang sa akin, dahil grabe ‘yong tonsilitis ko, parang every year nagkakaroon ako ng attacks—ngayon, more than a year hindi na. Ako, ina-attribute ko ‘yon sa pag-wear ng face mask.

     

    ‘Yong face shield malaki ‘yong controversy sa atin, kasi lumalabas na parang tayo lang yata—kung hindi ako nagkakamali, tayo lang ‘yong bansa na nagre-require ng face shield. So ako, kahit hindi ko din alam kung ano ‘yong—siyempre hindi naman ako medical expert eh—sumusunod ako. Kaya meron akong dalang face shield, sumusunod ako. Pero ‘yong pakiusap lang sana natin, sana pakinggan… sana pakinggan ‘yong divergent voices. Kasi kung lumabas na hindi naman pala kailangan talaga ‘yong face shield, huwag na tayong gumastos for face shields. Gastusin na lang natin sa mas mga importanteng bagay, like gamot, ‘yong mga hospital equipment, ‘yong mga oxygen tank. Kasi kung nanonood tayo ng Senate investigation, nakikita natin bilyon-bilyon ‘yong ginagastos natin. So dahil limited ‘yong resources natin, sana mapunta siya sa mga bagay na talagang kailangan.

     

    REPORTER: Ma’am, speaking of the Senate investigation, ano: How do you think it is helping na nagsasagutan si Pangulong Duterte and si Blue Ribbon [Committee] chairman Sen. Richard Gordon?

     

    VP LENI: Kapag ang discussion kasi binababa sa level na personal, hindi siya nakakatulong. So sa akin, may mga isyu na inihain sa Senado, ang pinakamagandang pangontra nito, sagutin. Kasi kung hindi totoo, at least nakikita natin na ‘yong lahat na sides napapagbigyan. Pero kung merong mga… ano ito… merong mga complaints, tapos ang sagot personal, insulto, hindi siya nakakatulong—nakaka-aggravate pa siya. ‘Di ba? So sa akin, siguro remind lang natin ‘yong mga namemersonal: Nasa gitna tayo ng pandemic eh, and kaya mahalaga ‘yong investigation na ito kasi ‘yong iniimbestigahan, ‘yong pera sa pandemic. Kasi kung totoo ‘yong mga paratang na grabe ‘yong korupsyon at the height of the pandemic, hindi ‘yon forgivable, kasi ang dami na nating mga kababayang namatay. So para sa akin, nakakalungkot na nangyayari ito during the pandemic, pero it is becoming clear na mahalaga ‘yong investigation, kasi para ma-prevent—kung meron talagang mga nangyaring korupsyon, para ma-prevent ito from happening again. Pero sana, sana ‘yong debate tungkol sa facts of the case, hindi ‘yong kung ano-ano, hindi ‘yong insulto sa personal.

     

    REPORTER: Okay, Ma’am, last na lang ha, politika. I know ilang beses na itong naitanong sa inyo, Ma’am, but what would really push you para mag-run talaga for presidency for 2022?

     

    VP LENI: Ako naman, wala namang nagbago sa sinabi ko eh. Parati ko namang sinasabi— Kasi kung ako ayaw ko talaga mag-run, hindi ko na hihintayin itong panahon na ito, last year pa sinabi ko na na “huwag n’yo na akong tingnan kasi hindi talaga ako tatakbo.” So dito, ‘yong dinedesisyunan natin, hindi kung gusto ko o ayaw ko, pero kung ano ‘yong makakabuti para sa bansa.

     

    Kasi halimbawa, ako, I have been exerting all efforts to unify everyone. Kung ako naman ‘yong piliin, tatakbo ako. Pero kung hindi ako ‘yong piliin, pag-iisipan natin kung ano ‘yong implications kung tatakbo pa din ako. So ‘yong sa akin, sana lang maintindihan— Kasi paulit-ulit ko naman siyang sinasabi, paulit-ulit din ‘yong tanong. Na kahit supporters namin, ‘yon din ‘yong sinasabi, na “Sige na, tumakbo ka na.” Sa akin… Sa akin, ano naman eh—

     

    REPORTER: So Ma’am kasi ilang linggo na lang October na, start na rin ng filing ng candidacies. So any time soon, hindi n’yo pa nakikita talaga kung kailan magkakaroon ng possible—

     

    VP LENI: Every day ‘yon ‘yong tinatrabaho ko ngayon. Ayaw ko lang na i-reveal ‘yong mga detalye ng mga usapan, kasi wala naman… parang wala naman akong liberty na i-reveal ‘yon, in deference din sa mga kausap. Pero sa akin, hindi naman ako kailangang kumbinsihin eh. Hindi ako kailangang kumbinsihin, kasi sa akin nga, kung ako ‘yong magiging dahilan para hindi na tumuloy ‘yong ganitong klaseng administrasyon, ako ‘yon. Pero kung hindi ako ‘yon, huwag tayong sarado. Kasi gaya ng sinabi ko kanina sa radio program ko, naiintindihan ko naman ‘yong supporters, ‘di ba. Kaya nga “supporters”, kasi ang pakiramdam nila ako ‘yong most qualified. Pero alalahanin natin na ‘yong supporters ng ibang contenders ganoon din, ganoon din ‘yong paniniwala nila, na ‘yong sinusuportahan nila ‘yon din ‘yong most qualified. Kung magha-hardline tayo doon, wala tayong unification na pag-uusapan.

     

    Ang pakiusap ko lang, ano ito eh, ang issue dito is much bigger than all of us. So sana willing lang ‘yong lahat na buksan ‘yong sarili para sa bansa natin.

     

    REPORTER: Anything else, Ma’am, na you want to add or clarify na hindi ko po naitanong?

     

    VP LENI: Sa akin lang, mas reminder lang ulit. Mas reminder lang ng mga kailangang gawin. Pakiusap siguro sa mga offices na iwasan ‘yong in-office transmission. Pakiusap din sa mga households na kung merong mga frontliners—lalo na kung may labas nang labas ng bahay—pati sa loob ng household maging maingat, kasi ang dami ngayong household- saka in-office transmission. ‘Yong pag-iiwas na pagkain nang sabay-sabay. Huwag lang masyadong complacent, kasi grabe talaga ‘yong kaso ngayon.

     

    REPORTER: Thank you so much, Ma’am!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Sep 19, 2021