This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo by One Media TV48 Naga

    One Media TV48 Naga

    Naga City, 17 August 2019

    Host: Bong Villacruz

    BONG VILLACRUZ: Good morning, Bicolandia! Good morning, mga tugang! Tayo po ay live dito sa Studio 2 ng One Media TV48. Of course, “Sabado Buzz with Bong V.” Ito na po ang ika-12th episode ng ating program dito po sa One Media TV48 Naga. And tayo po ay napapanood sa, of course, TV48-Naga and sa FB ng One Media TV48, and simulcast, broadcast sa 105.5 IdolFM Naga. And tayo po ay nagagalak and happy na ang atin pong ano ngayon, guest, ay ang ating Vice President ng Republic ng Pilipinas po, Vice President Maria Leonor Robredo. [laughs] Nag-complete name pa. VP Leni, good morning, Ma’am.

    VP LENI: Good morning, Bong! Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga.

    BONG VILLACRUZ: Ma’am, ngayon po ay ikino-commemorate natin, commemoration of the death anniversary ng atin pong mayor and former DILG secretary Jesse Robredo. Kumusta po si Ma’am Leni?

    VP LENI: Okay naman, okay naman, Bong. Seven years na.

    BONG VILLACRUZ: Opo.

    VP LENI: Kanina, bago ako pumunta dito, mayroon iyong third batch ng [Young] Leaders for Good Governance, isa siyang programa ng Jesse M. Robredo Foundation para ma-propagate iyong memory ni Jesse. Isa lang itong paraan para sa amin na naisip na iyong brand of leadership saka governance niya, kahit wala na siya, naipagpapatuloy pa din. Kanina sinamahan ko sila sa Jesse Robredo Museum pero iyon iyong final day ng kanilang three-day na, parang, training program, kung saan inaral nila iyong mga programa dito sa Naga na sinimulan ni Jess.

    So iyong seven years, halos doon binuhos. Para sa aming pamilya, paano ba mapo-propagate iyong kaniyang alaala, iyong kaniyang legacy. Palagay namin walang better way than ipakilala kung anong klase ng governance saka anong klase ng leadership iyong kaniyang in-espouse.

    BONG VILLACRUZ: Then ano po ang mga line activities for this commemoration of Sec. Jess?

    VP LENI: Actually simpleng simple lang ngayon. Iyong mga activities na malapit sa kaniyang puso. Gaya nga ngayon, natapos iyong good governance training. As we speak now, mayroon ding Jesse Robredo Cup. Alam niyo naman na very active iyong asawa ko sa swimming; iyong mga anak namin, in fact, lahat sila dumaan din diyan. Ngayon, marami tayong bisita galing sa labas ng Naga na nagpa-participate, mga batang nagpa-participate dito sa Jesse Robredo Cup. Ano ito, today and tomorrow.

    Tapos bukas, mayroon lang simpleng Misa sa Jesse Robredo Museum, tapos mayroong, parang, art exhibit. Ang nag-participate dito iyong mga artists from Naga. Ito iyong kanilang mga, parang, collection ito ng mga artworks nila tungkol sa asawa ko. Tapos pupunta kami ng Albay tomorrow, kasi mayroon din doon na simple commemoration for Jesse, after noong mga activities dito sa Naga.

    BONG VILLACRUZ: Aside from Naga City, Ma’am, ano iyong iba pang mga related events commemorating Jesse Robredo?

    VP LENI: Sa Maynila mayroong series. Bukas mayroong Mass sa UP, mayroong 9 o’clock Mass sa UP. Pero parang ilan iyan na mga events, gaya noong—kahapon ba iyon?—the other day, nag-launch iyong Jesse Robredo Foundation ng Gawad Jesse Robredo Award. Ito iyong award sa mga mayors na similar iyong paniniwala sa governance sa asawa ko. Ni-launch siya kasi gagawin siya for the first time. Iyong awarding gagawin sa January, pero iyong launch niya, iyong pagpapakilala noong competition, ginawa noong the other day.

    Tapos mayroong mga series—halimbawa, sa UP Manila, nag-donate iyong Jesse Robredo Foundation ng mga braille… iyong mga… alam niyo iyong mga exhibit sa museum? Mayroon na siyang mga braille plates. Kasi kung naaalala mo, Bong, noong nabubuhay pa siya, isa sa mga pinakamalaking advocacies niya iyong para sa PWDs, lalo na iyong para sa mga visually-impaired. So ito, activity din.

    Mayroong mga reading sessions, mayroong mga sessions sa mga bata. Ang lahat dito, ang nanguna iyong Jesse Robredo Foundation.

    BONG VILLACRUZ: Ma’am, I think nandito po ang ating mga student leader from NCF. Ano po iyong puwedeng i-share natin na ma-inspire iyong ating mga youth of today? Iyong mga nagawa ni Sec. Jesse as mayor, as leader?

    VP LENI: Ako, bilang tao… bilang tao, kilala niyo naman siya. Kilala niyo siya nang mabuti. Talagang importante sa kaniya iyong sa lahat, disiplina. ‘Di ba, disiplina sa sarili. Parati niya iyong inuulit sa City Hall, sa mga anak namin, na hindi kailangan na sobrang husay mo, hindi kailangan iyong sobrang talent, pero kapag may disiplina ka sa sarili, magagawa mo kung ano iyong gusto mong gawin. At tingin ko iyon iyong ipinakita niya. Iyong disiplina sa sarili, ipinakita niya sa paggising nang maaga, maaga sa opisina, araw-araw nasa City Hall. Parang… Parang hindi kasi siya usual, lalo na noong panahon niya. Lalo na noong panahon niya, na iyong mga local officials pumapasok kahit anong oras nila gustong pumasok. Tapos iyong asawa ko, very particular sa mga oras. Alam mo naman iyon, Bong. Talagang siya kapag oras ng opisina, nasa opisina dapat. Masigasig dapat sa trabaho. Masipag. Parati niya iyong inuulit-ulit: na mas talo ng sipag iyong talent. Parati niyang sinasabi na between somebody na napaka-mahusay saka somebody na masipag, parating talo ng masipag iyong mahusay. So iyon iyong in-instill niya na value sa sarili.

    Pero sa governance… hindi na kasi siguro inabot ng mga audience natin ngayon, pero nag-mayor kasi siya right after the EDSA Revolution, at iyong inabutan niya na klaseng governance, ibang klase—iyong patronage napaka-uso, iyong palakasan sa promotion saka sa hiring, iyong walang… iyong mga institutions hindi very strong. Naaalala ko, noong bagong pasok iyong asawa ko, hindi pa noong uso iyong mga bundy clock. Noong naglagay siya ng bundy clock, nagalit iyong mga empleyado—

    BONG VILLACRUZ: Nilalagyan ng asin.

    VP LENI: Oo. Oo, tama. [laughter] Hindi ko iyan… hindi ko iyan nakukuwento, pero nangyari iyon na may empleyado na nahuli kasi nilalagyan ng asin iyong bundy clock para masira. Hindi sanay iyong tao, eh. Parang iyong pag-uugali, hindi sanay na rigid. Pero siya, ginawa niya iyon. Pero paggawa niya noon, doon kasi nag-umpisa kung paano naging mahusay iyong Naga. Kung naaalala mo, Bong, pati iyong pagkuha ng basura, talagang may oras. Hindi puwedeng may street light na hindi sumisindi, kasi kapag may hindi suminding street light, para sa kaniya failure of governance iyon, kasi reflective siya sa gobyerno. Halimbawa nag-bagyo, para sa kaniya, kahit malakas pa iyong hangin, kahit malakas pa iyong ulan, naglilinis na siya, kasi ang gusto niya paggising ng mga tao, malinis na kaagad. Kasi ang feeling niya, kapag gumising iyong tao na madumi pa iyong city, reflective iyon sa klase ng leadership saka sa klase ng governance.

    So sa kaniya, very… very strong siya on symbols. Pero very strong din on hindi lang symbols pero making sure na iyong tao empowered. Siguro iyon iyong pinaka-kaibahan ng Naga sa ibang local government units. Sa kaniya, nag-umpisa noong pinakamaliit na bagay, sinasangguni sa tao. Kaya doon nag-umpisa iyong People’s Council, ‘di ba. Dito lang sa Naga nangyari na mayroon tayong People’s Council. Iyong representatives sa People’s Council umuupo sa lahat na mga komite ng City Hall, bumoboto, nakakapag-participate. So tingin ko, iyon iyong pinaka-legacy—iyong transparency sa transactions ng gobyerno, iyong para sa kaniya magtitiwala sa iyo iyong tao, magko-cooperate iyong tao kung palagay ng tao karapat-dapat kang tiwalaan. So big siya doon, big siya ng accountability. Na para sa kaniya, kapag may nangyaring masama, dapat accountable iyong nakaupo; hindi puwedeng ipapasa iyong blame sa iba. Tapos ine-equip iyong tao na— Kung naaalala mo, Bong, noong mayor siya, lahat na binabayaran ng City Hall, lahat na binibili, nakapaskil, nakapaskil sa public boards. Kahit Biogesic, kahit pako, nakalagay kung magkano iyong bili ng gobyerno. Para sa kaniya, deterrent ito sa corruption. Para sa kaniya, nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na makapag-participate kasi alam nila kung ano iyong nangyayari. So iyon siguro iyong pinaka… pinaka-aral from him.

    BONG VILLACRUZ: Thank you very much, Vice President Leni, and sa lahat po na nanonood sa atin sa One Media, and of course sa 105.5 IdolFM Naga. Tayo po ay napapanood din via Facebook Live sa ating Facebook page. Sa atin pong pagbabalik, iba pang mga issues na itatanong natin sa atin pong Vice President Leni Gerona Robredo. Sa atin pong pagbabalik. [END GAP 1]

    BONG VILLACRUZ: Balik po kita sa satuyang program, “Sabado Buzz with Bong V.” And siyempre kaibanan ta an satuyang Vice President kan nacion kan Pilipinas, Vice President Leni Gerona Robredo. And of course, an satuya pong sarong isyu na pinag-uulayan, both national issues and local issues, an satuya pong pag-ban kan mga provincial buses digdi po sa Naga—not only here in Naga, pero sa buong Pilipinas po—ang isyu po tungkol sa hindi pagpapapasok ng MMDA sa EDSA, Ma’am, ng ating provincial buses. Ma’am, ano po ang stand natin dito tungkol sa usaping ito?

    VP LENI: Actually, Bong, matagal na iyang usapin. Kahit noong nasa House of Representatives pa lang ako, mayroon nang ganoong proposal, at in-oppose namin iyon vigorously. Dati hindi tinuloy. Akala namin talagang nag-die down na, hanggang binalik ulit ngayon.

    Iyong sa amin lang, hindi namin naiintindihan kung bakit ito iyong ginagawang solusyon sa traffic sa EDSA. Kasi kung titingnan mo iyong statistics, iyong provincial buses kumpara sa mga private cars, sobrang kaunti. Talagang iyong bulk ng traffic ng EDSA, hindi naman mga bus, pero mga sasakyan. Iyong mga bus, contributory, kasi marami din pasaway. Pero iyong pagtanggal ng… pagtanggal ng terminal sa EDSA, hindi iyon iyong solusyon.

    Iyong sa amin, okay na magbigay sila ng mga window, okay na i-ban nila at peak times. Pero kung iba-ban mo totally, parang masyado siyang anti-poor, kasi sino ba iyong mga nagbu-bus? Iyong mga nagbu-bus iyong walang sariling sasakyan, ‘di ba? Sino ba iyong magbu-bus papuntang Maynila galing sa probinsya? Iyong hindi kaya iyong pamasahe ng eroplano. So talagang iyong dini-discriminate mo, iyong mga wala… mga walang pera. Halimbawa, iyong mga— Gaya sa atin, kung mag-bus tayo papuntang Manila, ibababa tayo Sta. Rosa o somewhere in Laguna. Anong gagawin natin? ‘Di ba sasakay ulit tayo—either sasakay ulit tayo ng bus o sasakay tayo ng Uber. Napakamahal. So iyon, talagang sobrang discriminatory siya. Halimbawa iyong mga galing sa North, hindi na sila makakapasok, hanggang sa may boundary na lang sila ng Bulacan. Pero iyong papasok— Ang mabuti sa isang bus, marami na ang sakay. Pero kung iyong mga sakay doon, kaniya-kaniyang kuha pa ng taxi, ilang taxi na iyong papasok?

    So para sa akin, hindi pinag-aralan. Hindi ko nakukuha iyong logic. Ang sa akin, okay na i-ban siya at certain times, pero hindi total.

    BONG VILLACRUZ: Kasi iyan iyong magiging hindrance ng mga kababayan natin, especially dito sa Bicol region.

    VP LENI: Saka parang sinasabi mo na kapag may sasakyan ka, may privilege ka; kapag wala kang sasakyan, ikaw iyong magtiis. Parang mali. Kasi ang role ng gobyerno, gawing—parang i-tilt iyong balance. Ang role ng gobyerno, gawing mas burdensome sa mga mayroon at pagaanin sa wala. Pero ito, ang ginagawa baligtad. Parang iyong dati nang mayroon, iyon pa iyong pinapagaan, iyong mga wala iyon pa iyong pinapabigat. So baligtad.

    BONG VILLACRUZ: Okay. Ma’am, ang atin pong Department of Health, nag-declare po ng national dengue epidemic sa pag-increase po ng kaso ng dengue sa Pilipinas. Ano po ang hakbang na ginagawa ng Office of the Vice President upang maibsan ang lumalalang dengue sa ating bansa?

    VP LENI: Kami kasi, Bong, wala naman kaming mandato. Wala naman kaming mandato para kami iyong mag-aksyon diyan. Iyong sa amin lang, mayroon kaming Angat Buhay program, na isa sa mga key advocacy areas talagang health—pagtulong sa mga communities na iyong mga kababayan natin doon mabigyan ng better access to health. Pero itong dengue outbreak, function ito ng Department of Health.

    Kung naaalala ko, noong nagkaroon ng Dengvaxia scare, parang masyadong pinoliticize, ‘di ba? Masyadong pinoliticize. Pero iyong Department of Health secretary noong kasagsagan pa noong scare, nagsabi na na maniwala tayo sa mga research, sa mga, ano ito, mga opinyon ng mga eksperto, kasi sila iyong nakakaintindi, hindi naman tayo. Kahit ako, Bong. Wala naman ako sa posisyon para magsabing huwag tayong matakot sa vaccina… sa Dengvaxia vaccination, kasi wala naman tayo sa posisyon. Pero iyong sa akin lang, mayroon nang dalawa na organisasyon ng mga doktor sa Pilipinas—ito iyong organisasyon ng mga pediatricians at organisasyon ng mga pediatric infectious diseases experts—na nagsasabi na ibalik natin iyong Dengvaxia, kasi kapag hindi natin ito ibabalik at hindi siya accessible sa tao, parang… lalong… lalong dumadagdag iyong risk na magkaroon ng… magkaroon ng dengue iyong mga kababayan natin. Iyong sa akin, Bong, iyong access, eh, saka iyong information. Turuan iyong mga tao kung ano iyong epekto nitong vaccination na ito, sino ba iyong makikinabang. Kasi mayroon silang sinasabi na ang mas makikinabang nito, iyong dati nang nagkaroon; iyong mga hindi pa nagkaroon, hindi ganoon iyong… hindi ganoon iyong pakinabang sa kanila. Eh ‘di turuan iyong tao. Pero gawin siyang accessible, huwag ibawal. Kasi iyong mga eksperto na iyong nagsabi. Sino ba naman tayo na magsabi na mali sila?

    Pero para pulitikahin natin iyong isyu, tingin ko iyon iyong pinakamalaking disservice sa ating mga kababayan—na dahil gusto mong idiin iyong ibang mga opisyal ng dating administrasyon, parang ang ginamit mo na iyong mga kabataan na otherwise would have benefited from it. So iyon iyong nakakalungkot doon, na mayroong mga nagga-grandstand para sa sariling interes at para lang may idiin. Pero at the expense of whom? At the expense of the children. Kasi noong hininto— Tingnan natin ngayon kung ano iyong stats ng— Dito sa Bicol region napakataas. Pero hindi tayo iyong pinakamataas. Iyong pinakamataas, Western Visayas, pero mataas pa din [dito sa atin]. So ano iyong available na remedy? Wala na tayong preventive na measure, lahat na lang tayo curative, ‘di ba? Dapat sana iyong preventive aspect, iyon iyong mas… iyon iyong mas pahalagahan, kasi bakit natin gugustuhin na magka-dengue pa iyong mga bata saka tayo mag-a-aksyon?

    BONG VILLACRUZ: Actually nga, Ma’am, sa ating datos na binigay, almost 4,000—4,241 na ang kaso ng dengue dito po sa Pilipinas and dito po sa Bicol, nasa 40 na ang namatay and mostly dito sa Camarines Sur.

    VP LENI: Actually, kung hindi ako nagkakamali, 600-plus na iyong namatay sa buong Pilipinas—at wala itong pinipili. Mayaman man o mahirap, talagang… talagang vulnerable na magkaroon ng dengue. Pero iyong sa akin lang, sana iyong paghanap ng solusyon, ilabas iyong politika, kasi kalusugan ito ng ating mga anak.

    BONG VILLACRUZ: Pero Ma’am, sa inyong Office of the Vice President, ano ang puwedeng— Especially itong mga kababayan natin na mga Bicolano na na-ano na sa dengue, ano ang puwedeng ibigay—

    VP LENI: Kami, mayroon kaming medical assistance, na in fact, marami kaming tinutulungan dito na mga dengue patients. Pero sa akin kasi, hindi iyon iyong solusyon, eh. Iyon, kaunting tulong lang iyon. Kailangan natin ng isang national policy, ‘di ba? Kailangan natin ng isang national policy na paano ba natin i-e-eradicate ito, na year-in and year-out ito na iyong problema natin? Hindi puwedeng, parang, whimsical iyong paghanap ng— ‘Di ba? Parang kung sino iyong nakaupo, may kaniya-kaniyang… may kaniya-kaniyang solusyon. Dapat iyong mga eksperto, umupo tapos sabihin, “Ito iyong solusyon. Ito iyong gawin natin.” Pero huwag gamitin sa politika.

    BONG VILLACRUZ: Okay, okay. So mabalik po kita, mabalik po tayo sa mga patalastas natin. And siyempre po, dito po sa One Media TV48 Naga, “Sabado Buzz with Bong V.” [END GAP 2]

    BONG VILLACRUZ: Mga tugang, balik kita po sa satuyang “Sabado Buzz” program digdi po sa One Media TV48 Naga, and tayo po ay napapakinggan sa 105.5 IdolFM Naga. And of course, we would like to acknowledge the presence of our station manager and the president of the Naga College Foundation, President Mario Villanueva. And of course, the whole faculty and staff and students of the Naga College Foundation. And at this point in time, Ma’am, nandito si Adonis Aguilar Jr., iyong mga magku-question from our live audience.

    MODERATOR: Thank you very much, Bong. Magandang umaga po, Madam Vice President. Pasensya na po hindi ako masyadong managalog. [laughter] Kaunti lang. Anyway, welcome po sa One Media TV48 Naga. And before siguro po magpunta ako sa mga students na magku-question, we would like to acknowledge iyong mga board of trustees na nandito din po, iyong mga faculty, and iyong mga student leaders. Nandito po sila. And before that, kunin ko po ang opportunity na si Sir Mario muna ang mag-give ng message para pag-welcome sa inyo po dito sa Naga College. Sir Mario po, and then—

    MR. MARIO VILLANUEVA (NAGA COLLEGE FOUNDATION): Vice President, maraming salamat po sa pagpapaunlak—alam kong busy na busy kayo—to visit our One Media. We have just been in operation for less than two months. At napakaganda niyo pong inspirasyon sa kabataan, but mostly our thanks for continuing the legacy of your husband, kumpare po ng father ko. And rest assured po, the whole Naga community, Naga College Tigers Community, will be supporting your advocacies. Salamat po.

    VP LENI: Thank you. Salamat.

    MODERATOR: Thank you very much, Mr. President. He’s our station manager and managing director and the president of the Naga College.

    Punta na po tayo sa question. We have here— Sige, magpakilala and anong course and saan connected. Go.

    AUDIENCE MEMBER 1: Good morning po, Ms. Vice President. I’m the editor in chief of the publication of the Naga College Foundation, and here’s my question: What among your accomplishments are you most proud of, considering that you have been in the administration for three years, and you are not part [inaudible], and most of the Filipinos do not know about your accomplishments?

    VP LENI: By accomplishments, you mean over the past three years?

    AUDIENCE MEMBER 1: Yes po.

    VP LENI: Ako siguro, iyong Angat Buhay. Even before my inauguration as Vice President, we already planned on reinventing our office into a more advocacy-friendly office. Kasi kapag tiningnan natin iyong ating batas, iyong ating Constitution, ang mandato lang ng Vice President dito sa Pilipinas, succession. So gustong sabihin, kapag— Wala siyang— Kahit tingnan mo iyong budget niya, wala siyang budget for programs; ang budget niya, for the operations of the office, for salaries, pero wala talagang pang-programa. Ang sabi ko sa… ang sabi ko sa staff before we started was we cannot allow six years to go by na ang ginagawa lang namin ceremonial functions. By ceremonial, iyong iimbitahin ka as Vice President, magsasalita ka, magge-grace ka ng mga events, magre-receive ka ng mga ambassadors. iyon lang. Pero iyong sa akin, to make the office more relevant, mas gusto ko tumutugon siya sa pinakamalaking problema sa bansa natin. And ano ba iyong pinakamalaking problema? Poverty.

    So nag-umpisa kami ng Angat Buhay. It’s an anti-poverty program. Pero dahil wala kaming pera of our own, pinosisyon namin iyong opisina as a sort of a conduit, parang tulay. Kami iyong naghahanap ng mga communities na nangangailangan, and iyong mga pangangailangan ng mga communities, hinahanapan namin iyon ng mga private partners. We started with 50 communities; now, we’re in 193, and we were able to help about 400,000 people already. Ang pinupuntahan namin iyong pinakamahihirap na communities sa buong Pilipinas. Ito iyong mga communities na malalayo, mahihirap puntahan, hindi nakaka-access ng maraming tulong from government. So we fill in the gaps. Para sa akin, iyon iyong accomplishment—hindi lang ako, pero iyong opisina namin—that I’m most proud of, because we didn’t allow our limitations to hinder us from the work that we’re doing.

    Tingin ko lesson din iyon sa lahat na most of the time, iyong mga limitations, iyon iyong humahasa sa atin to innovate. Kasi siguro kapag napakaraming pera ng opisina, parang… parang matter-of-factly lang iyong pagtulong, ‘di ba? Pero kami, dahil wala kaming pera, talagang ang kakapal na ng mukha namin maghanap ng… mag-source ng pera. Pero at the same time, nahahawa mo iyong iba na mga private organizations na tumulong. Kasi ang experience namin, kapag dinala namin sa community— Kasi hindi kami tumatanggap ng pera; ang ginagawa namin, maghahanap kami ng gustong—

    Halimbawa, when we went to Agutaya, iyong sa Palawan. Walang kuryente iyong buong isla. Nakahanap kami ng dalawang partners na in-energize nila iyong community. More than 400 households may kuryente na ngayon, solar. Kapag dinadala namin iyong partners sa community, nakikita nila iyong iba pang mga problema, and more often than not, iyong original pledge nila dinadagdagan nila. Halimbawa, itong 400 households na ito, nag-start ito 50 to 100 lang iyong i-e-energize. Pero dahil pagbaba nila nakita nila iyong pangangailangan, talagang nagdadagdag—tapos naghahanap pa sila ng mga kaibigan na tutulong din.

    So right now, we have about 300-plus, 400-plus na partners, na tumutulong doon sa mga communities. So, para sa akin, proud ako doon, kasi kahit wala kaming pera, may nagagawa.

    AUDIENCE MEMBER 1: Thank you po.

    MODERATOR: Thank you very much, Ms. Judy Anne. Isa na lang, Madam Vice President. We have the president of the Central Student Government, Jeff [inaudible].

    VP LENI: Girl power pala dito. [chuckles]

    AUDIENCE MEMBER 2: Hello po, Madam Leni. My question is… In your recent speech during the Pride March, we noticed that you have stated your support for the LGBTQ+ community. My question is: What are your insights, or what can you say, about the case of Gretchen Diez, a transgender woman in handcuffs after using the women’s restroom?

    VP LENI: Ako, para sa akin, that should not have happened. Pero baka kinailangang mangyari para mamulat iyong mata ng iba na iyong mga problema ng LGBTQ [community] exist. Kasi iba… iyong iba parang nagbubulag-bulagan, na hindi nila… hindi nila tinatratong mas seryoso iyong problema na diskriminasyon in our midst. Iyong nangyari very unfortunate—as I have said, it should not have happened. Pero baka maging daan iyon para ma-realize ng marami nating mga kababayan na iyong diskriminasyon, talagang nangyayari. Na mayroon tayong mga kasama na dapat sana ine-enjoy iyong karapatan na ine-enjoy natin, pero hindi na-e-enjoy dahil sa diskriminasyon. And I think responsibility nating lahat na i-ensure na iyong equality in the eyes of the law, saka equality in the eyes of the people nandiyan.

    Sa akin, nag-strike sa akin na may statement si Aiza Seguerra, may statement siya about… after nangyari iyon kay Gretchen, na sinabi niya na, “Ngayon makakapagsalita na kami na talagang nangyayari iyan sa amin.” Kinukuwento niya na siya, kapag nag-a-attend siya ng mga meetings, ng mga seminars, in public places, hindi siya umiinom kasi natatakot siyang mangailangan siyang mag-CR at i-discriminate siya sa pagpasok sa banyo. Alam mo iyon?

    Parang… parang hindi natin nare-realize na nangyayari ito sa mga kababayan natin, na dapat sana hindi. Pero tayong hindi nadi-discriminate, tingin natin hindi mahalaga iyong isyu. Kaya para sa akin, time na to pass the SOGIE Bill. Time na for everyone to acknowledge, ‘di ba—time na for everyone to acknowledge na maraming diskriminasyon na nangyayari in our midst, at hindi tayo kailangang magbulag-bulagan.

    Natutuwa ako ngayon na mas… mas open, mas malakas iyong loob ng LGBTQ [community] para lumabas at ipahayag iyong nararamdaman. Kasi ito naman iyong gusto nating empowerment, ‘di ba? Hindi lang ng LGBTQ, pero ng mga mahihirap, ng mga magsasaka, ng mga urban poor—ang gusto natin mabigyan ng boses. Kasi kapag hindi nabibigyan ng boses, hindi nako-consider iyong… hindi nako-consider iyong pinagdaraanan na kahirapan ng ordinaryo nating mga kababayan. So sa akin, iyong hope ko, na sana itong incident na ito, no matter how unfortunate, maging daan para finally ma-realize ng ating mga lawmakers na it’s about time na ipasa natin. Kasi ito, anti-discrimination bill ito. It’s about time na ipasa na. Ang tagal na nitong nakabinbin. In fact, when I was a member of the 16th Congress, I was one of the co-authors of the SOGIE Bill. So sana, because of that, maipasa na siya.

    AUDIENCE MEMBER 2: Thank you very much po.

    MODERATOR: Okay, Bong, iyan ang—[laughter]—iyan ang mga tanong mula sa Naga College Foundation, at siyempre nandito si station manager and managing director, Sir Mario Villanueva. Back to you.

    BONG VILLACRUZ: Okay, thank you very much, Don, sa saimong report. [laughs] And Ma’am, medyo malapit na ang 2022, and marami na pong mga nagtatanong: Ano na po ba talaga ang, ano, ang plano ng ating Vice President ngayong papalapit na ang eleksyon? Tatakbo ba kayong President ng ating bansa, Madam Vice President?

    VP LENI: [chuckles] Ito, Bong, buti tinanong mo, kasi iyong mga statements ko dito, madalas na nami-misunderstand. Iyong parati kong sinasabi, anything is possible. Kasi iyong 2022 is three years away. Pero para sa akin, para sa amin na mga public officials ngayon, kapag ang inisip na namin iyong 2022, wala na, magiging… magiging irrelevant na iyong ginagawa namin, kasi iyong iniisip na namin iyong eleksyon.

    Halimbawa, ako, ang pinaka-programa ng opisina namin, Angat Buhay. Ang pinupuntahan namin iyong pinakamalalayo, ang hirap puntahan, pero pagpunta mo kaunti iyong tao. Halimbawa, example ko iyong Agutaya, iyong sinasabi ko kanina. Para marating namin iyon, magfa-fly kami to Coron; pagdating sa Coron, magbo-boat 10 to 16 hours. Pagdating mo doon, mas malaki pa siguro iyong Concepcion Pequeña sa dami ng tao. So kung ang iniisip ko iyong eleksyon sa 2022, hindi na ako pupunta doon, kasi magsasayang ako ng oras, magsasayang ako ng oras na kakaunti lang naman iyong tao.

    May mga communities kami na aakyat ka ng bundok. Halimbawa, the other day nasa South Cotabato ako, pinuntahan namin malalayong communities—sa Tampakan, sa Polomolok, Lake Sebu. Mayroon kaming communities na kailangan mong maghabal-habal para marating mo. Pero kakaunti iyong tao doon. Kung 2022 na iyong iisipin ko, hindi na ako aalis sa Manila, ‘di ba? Hindi na ako aalis sa Manila, kasi iyong tao lahat nasa Maynila, eh. Hindi na ako magsasayang ng oras, lahat kong gagawin nandoon na.

    So para sa akin, dapat iyong 2022, pag-usapan kapag malapit na. Kasi ang kasaysayan naman natin, nagpakita na destiny ang presidency. Hindi ka makaka-prepare enough for it. Mula umpisa, hanggang noong pinakahuling presidential elections, nakikita natin na ang daming taong nag-prepare, ang daming talagang handang-handa sila, pero hindi sa kanila iyong binibigay. So para sa akin, useless na paghandaan iyong presidency. Kasi kung para sa iyo, ibibigay iyon.

    Sa akin, Bong, alam mo naman, iyong pag-run ko for Congress, hindi ko naman iyon pinaghandaan, hindi ko naman— Noong buhay pa iyong asawa ko, kapag niyayaya akong magkandidato, parati kong sinasabi, “Over my dead body.” Pero nangyari. Iyong vice presidency, hindi ko naman iyon pinagplanuhan. Sino ba naman mag-i-imagine na tatakbo ako? Pero nangyari. Kaya para sa akin, destiny, eh.

    BONG VILLACRUZ: Mangyayari iyan. [laughter]

    VP LENI: Ano iyon, eh, mangyayari iyon kung nakatakda para sa iyo.

    BONG VILLACRUZ: Yes po… Ma’am, alam namin po na marami kang mga commitment ngayon, so final statement po sa ating mga kababayan dito po sa Bicol, sa Naga City, especially malapit na po ang Peñafrancia Fiesta. Our Vice President, Maria Leonor Gerona Robredo.

    VP LENI: Siguro, unang una, message sa Naga College Foundation, kasi nandito tayo, nandito iyong ating presidente, nandito iyong board of trustees, nandito iyong NCF family. Siguro in behalf of the people of Naga, iyong aming taos-pusong pasasalamat because of the contributions that you have been giving to the community. Iyong nanay ko, Bong, was part of the NCF family before. Bahagi siya ng Naga College Foundation family. The Villanueva family are close family friends of ours—and iyong contribution sa community, hindi matatawaran. So itong pag-establish ng One Media… One Media TV is another contribution to the community. Natutuwa ako na naisipan… naisipan niyo na maging bahagi ito ng institution, kasi ito iyong platform kung saan mave-ventilate niyo iyong… iyong… ‘di ba? Lalo na ngayon, itong age ng fake news, sana iyong istasyon niyo maging instrument na nagpapahatid ng katotohanan. Kailangan natin iyong mas maraming mga tao na willing mag-invest, kasi alam ko hindi naman siya… hindi siya… hindi siya—ano ito—hindi siya magiging source ng kita, kasi iyong investment niya talagang malaki. Pero ginawa niyo pa din. So iyong sa akin, iyong pagpapasalamat na you’re willing to invest in order to contribute to the community.

    Tapos sa atin namang mga kababayan, huwag sanang mawawalan ng pag-asa, huwag mawawalan ng— Kasi paminsan, kapag maraming masasamang nangyayari, parang… parang nagiging hopeless, ‘di ba, ang sitwasyon. Pero sana maisip natin na iyong lahat na ginagawa natin, parati siyang nagko-contribute, kahit hindi natin nararamdaman ngayon iyong epekto ng ginagawa natin. Pero parati siyang nagko-contribute sa product at the end. Iyong kasaysayan naman natin pinakita na ang kasamaan hindi nagtatagal. Parating at the end of the day, kabutihan at katotohanan iyong namamalagi. Kaya sana huwag tayong mapapagod. Sana huwag tayong mapapagod kahit feeling natin minority tayo. Sana huwag tayong mapapagod na makipaglaban para sa tama, makipaglaban para sa totoo. Kasi maraming taong umaasa sa atin.

    Sa mga estudyante, inaasahan tayo ng mga pamilya natin. Sana hindi… hindi masayang iyong sakripisyo ng mga pamilya natin sa pagpadala sa atin dito sa paaralan. Sana paglabas natin, maging productive members of the society tayo, dahil kailangan tayo ng ating mga kababayan.

    So iyon siguro, Bong. Saka congratulations, Bong! Congratulations, Don! Marunong magpili iyong One Media TV ng mga tao. [chuckles] Kaya congratulations. Sa inyong lahat, magandang umagang muli and advance happy fiesta! [applause]

    BONG VILLACRUZ: So mga tugang, iyan po an satuyang Vice President, Maria Leonor Gerona Robredo, and nakapanayam po natin, of course, dito sa One Media TV48 Naga. And sa lahat pong nag-aantabay sa 105.5 IdolFM Naga… In behalf of our station manager, Sir Mario Villanueva, and the whole NCF family, and of course ang aming staff po—staff and crew ng TV48 na walang tulog, si Irene and si Julie and si Chief Ed, si Bryan, si Mike, and Aldrin, and siyempre si Macky, and siyempre lahat po ng OJT. Si Ma’am Ehla and the Office of the Vice President dito po sa Naga City, thank you very much po sa pag-ano natin… sa pag-accommodate sa aming istasyon. Ma’am Babet Lavadia, thank you very much, Ma’am. Sa susunod pong episode ng aming “Sabado Buzz with Bong V.,” thank you very much, Bicolandia!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 18, 2019