This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Multisectoral Meeting and Dialogue in Pampanga

    Multisectoral Meeting and Dialogue in Pampanga

    San Fernando City, Pampanga

    REPORTER 1: Iyong pagdalaw niyo po ngayon, is it really to campaign for the Otso Diretso slate?

    VP LENI: Kabahagi na iyon. Iyong pag-iikot ko, alam niyo naman na since nagsimula ako sa panunungkulan ko, talagang dalawa, tatlong araw sa bawat linggo, nasa communities talaga ako. Pero since ngayon ay election season, ite-take advantage ko na iyong pagkakataon na pinapakilala iyong mga kandidatong pinapaniwalaan natin na makakasilbi sa atin nang tunay. Kaya ito sana din iyong pagkakataon. Gaya kanina, nasa Nueva Ecija ako, ngayon nandito ako sa Pampanga. Pagkakataon na din para ipakilala iyong mga kandidatong tinutulungan namin, iyong Otso Diretso. Pinapa… Ine-explain natin sa kanila kung gaano kahalaga noong eleksyon—ng bawat eleksyon—kung gaano kahalaga iyong bawat eleksyon, kasi pagkakataon natin ito na makapagboto ng mga taong makakapagsilbi sa atin nang maayos. Kaya iyong ating parating pakiusap, sana sineseryoso iyong bawat eleksyon. Pangalawa nating pakiusap, sana hindi lang popularidad iyong gawing mahalaga, pero sana pag-aralan iyong lahat na nagpiprisinta ng sarili nila at humihingi ng ating tulong. Parati kong sinasabi, kapag panahon kasi ng eleksyon, lahat mahal iyong mahihirap, lahat handang magsakripisyo, pero iyong parati lang nating pakiusap, tingnan nasaan ba sila noong wala pang eleksyon? Ano ba iyong mga tinatayuan nila kahit walang kampanya? Kasi iyon iyong tamang sukat kung iyong kanila bang pina-promise sa mga tao ay magagampanan nila. Nasa… siyempre nakadepende iyon kung nasaan sila, may eleksyon man o wala.

    REPORTER 1: Wala ho ba talaga, Ma’am, na naka-schedule na kasama na mga kandidato?

    VP LENI: Mayroon naman. Mayroong mga— Iyong talagang mga rallies saka mga political sorties, magkakasama kami. Pero ito, ito kasi sinasabay ko lang iyong pagpapakilala sa kanila. Ito iyong parati kong ginagawa na, parang, multisectoral consultations, na mula 2016 talagang ginagawa.

    REPORTER 2: Ma’am, pasensya na, naitatanong, nabanggit na rin ni Among Ed na 2022, posible ba na Robredo vs. Sara Duterte?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, iyong pagiging pangulo, destiny iyon. Walang— Iyong kasaysayan natin, nagpapakita na hindi ito napapaghandaan. Maraming nagbalak, pero kapag para sa iyo ito, magiging sa iyo; kapag hindi talaga ito para sa iyo, kahit anong gawin mo, hindi sa iyo ibibigay. Iyong sa akin lang, magiging masama para sa akin kung ang iisipin ko 2022, kasi ang dami kong ginagawa bilang Pangalawang Pangulo. Mayroon akong Angat Buhay. Kapag 2022 iyong iisipin ko, ang parati ko nang konsiderasyon iyong eleksyon. Kapag ang konsiderasyon ko eleksyon, parati na sigurong magiging requirement ko, dapat pupuntahan namin na mga community maraming botante, dapat iyong pupuntahan naming community hindi sayang sa oras. Hindi ko na mapupuntahan iyong mga adopted communities namin, kasi iyong mga adopted communities namin, kadalasan ito iyong farthest, ang dami ditong hindi botante. Ito iyong mga kulang ng political awareness, pero nangangailangan ng tulong. Kapag ang iniisip ko na iyong pagkakandidato ko, tapos na itong lahat. Parang mawawala iyong Angat Buhay.

    REPORTER 3: Locally, Ma’am, kumusta na po iyong estado ng Liberal Party, especially dito sa Pampanga? Matatandaan natin San Fernando, last-minute parang may deciding day pa kung sino iyong magiging standard-bearer for mayoral position.

    VP LENI: Dito naman— Hindi lang sa Pampanga, sa maraming bahagi ng Pilipinas, marami talagang nawala na mga dating mga Liberal Party, na nawala na sa Liberal Party. Parang ayaw ko i-single out iyong Pampanga kasi very common iyong sitwasyon.

    REPORTER 3: But what’s the status, Ma’am, sa kampanya po?

    VP LENI: Sa Pampanga, mayroon pa ding mga natirang kaunti.

    REPORTER 3: Intact pa rin po ba?

    VP LENI: Hindi na intact. Hindi na intact iyong Liberal Party dito sa Pampanga. In fact, kung titingnan natin iyong program kanina, pinapakilala iyong kakaunting natira sa Liberal Party. Pero parati kong sinasabi, while very unfortunate ito—unfortunate in the sense na naging kalakaran na ito sa atin, na every presidential elections, kung sino iyong presidenteng lumalabas, iyong halos karamihan sa mga pulitiko lumilipat sa politikal party niya, na tingin ko hindi siya healthy. Tingin ko hindi siya healthy para sa bansa natin. Pero, parang, on the flip side, baka blessing in disguise din? Baka blessing in disguise, kasi baka pagkakataon din to reassess kung saan papunta iyong party. Measure din siguro ito. Siguro iyong natitira at a time na mahirap for us, ito iyong natira dahil sa paniniwala. At iyon naman iyong kailangan natin na mga members: iyong naglalagi sa party not because of political considerations, pero dahil shine-share niya iyong values ng partido.

    REPORTER 4: VP, last week lang po nag-ano dito, nag-formal launch dito ang Hugpong. May high hopes pa rin po ba tayo sa Pampanga? Kasi parang marami pong taong um-attend at suportado po sila?

    VP LENI: Ako kasi, hindi siya sa tao na nag-a-attend. Iyong nakita naman natin over the years, na iyong mga rallies hindi siya sukatan, dahil alam natin kung ano iyong nangyayari sa rallies. Pero ako, kaya ako hopeful, hindi dahil sa akin, hindi dahil sa leaders, pero hopeful ako dahil ang ino-offer namin na mga kandidato, talagang bukod-tangi. Iyong sa akin naman, mabigyan lang sana ng pagkakataon na makilala sila—whether Liberal Party o hindi, alam ko na sa kanila boboto dahil mabubuting tao at mahuhusay na tao iyong ino-offer namin sa publiko. Ako, very hopeful ako na kapag pinag… kapag nag-exert lang kami ng effort na ipakilala sila, tingin ko iyong tao boboto pa din sa tama, boboto pa din— Parang, iyong good side ng tao, siya pa din iyong, parang, mamamalagi. Kaya ako, optimistic ako about the 2019 elections despite the results of the surveys, kasi may panahon pa naman, eh. Ako, at this time, noong kandidato ako, nasa bottom din ako ng surveys at wala ding nag-aakala na I had a chance at it. Pero dahil sa sipag, dahil naipahayag iyong mensahe nang maayos, nakilala din ng tao. Iyon iyong hino-hope natin na mangyayari din sa ating mga senatorial candidates.

    REPORTER 5: Ma’am, iyong reaction po sa rice tariffication law?

    VP LENI: Iyong rice tariffication law, iyong paliwanag nito, kapag ito ay ipinasa, mas bababa iyong presyo ng bigas. Ito naman iyong paliwanag noong mga advocates. Pero ako kasi, medyo kinakabahan—kinakabahan ako sa safety nets, kinakabahan ako na baka hindi ma-implement nang maayos iyong proteksyon para sa ating mga magsasaka. Kaya iyon naman iyong sinusulong natin ngayon, iyon iyong ating kinakampanya. Na sana, unang una, ayusin iyong IRR, iyong implementing rules and regulations, siguruhin na iyong mawawala sa mga farmers, mayroon tayong pampalit—mayroon tayong pampalit na subsidies saka assistance, para maihanda iyong ating mga magsasaka. Tapos ayusin iyong implementation. Kasi kapag hindi natin naayos iyong IRR, kapag hindi natin naayos iyong implementation ng safety nets, kawawa iyong ating mga magsasaka.

    Iyong worry ko lang, kasi nagkaroon tayo ng problema sa pag-implement noong safety nets natin doon sa TRAIN Law, nagkaroon nang grabeng delay iyong pag-implement. Sana hindi iyong mangyari dito sa rice tariffication.

    OVP: Okay? Thank you, Madam Vice President!

    VP LENI: Maraming salamat!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 17, 2019