Multisectoral Dialogue — Nagcarlan, Laguna
REPORTER 1: Ma’am, bakit natin napili iyong Laguna as isa sa mga pupuntahan na provinces for campaign?
VP LENI: Iyong Laguna kasi, ever since naman, nakikita namin kung paano siya bumoto. Talagang ito naman iyong tingin namin mabibigyan ng pagkakataon iyong mga kandidato natin na makilala. Iyon naman iyong pinakasadya ng lakad natin, na maipakilala lang iyong mga kandidato, kasi naniniwala naman tayo sa kanilang kakayahan. Pero sa akin, pagpapaguran na mapaalam sa mga tao kung sino-sino itong ipinepresenta natin sa kanila.
REPORTER 1: Ma’am, iyong ano, iyong Otso Diretso, hindi talaga sila magkakasama na nagka-campaign. Bakit po ba?
VP LENI: Actually, sila, magkakasama sila. Magkakasama silang magkampanya. Siguro iyong nahihiwalay lang iyong dating kilala—si Secretary Mar, si Senator Bam—kasi kapag kasama iyong mga kilala ng mga hindi-kilala, parang iyong atensyon nandoon sa mga kilala. So talagang may, parang, may extra na… parang may extra schedule iyong anim, kasi iyon iyong kailangang mag-double-time magpakilala.
Iyong ako, talagang most of the time hiwalay ako sa kanila, kasi iyong sa akin, talagang volunteer na parang parallel effort, para makatulong lang. Kasi ang laki ng ground na kailangang i-cover. Alam namin na mababa pa iyong awareness—at least noong anim—so talagang mag-a-ano kami, magdo-doble kayod para ipakilala sila.
REPORTER 1: Sa first visit natin, Ma’am, tingin ba natin positive na iyong magiging outcome?
VP LENI: Oo naman. Ang pinakamahalaga iyong makilala lang sila, eh. Kasi ako naman, naniniwala ako na kapag iyong tao nabibigyan ng pagkakataon ng pagkakataon na makilala kung sino iyong pinepresenta sa kanila, pipiliin pa din nila kung sino iyong maayos, kung sino iyong palagay nila magiging maayos na kinatawan. Iyong paminsan lang kasi, iyong mga gaya ng mga kandidato namin na hindi pa masyadong kilala, hindi nabibigyan ng pagkakataon. So iyong sa akin, gawin lang iyong lahat para maipakilala sila sa mas maraming tao. Medyo kapos kami sa panahon, kaya medyo double-time, pero tingin ko worth naman the effort.
REPORTER 2: Ma’am, comment lang, iyong sa narco list pa rin: mukhang desidido si Presidente na i-release. Ano pong masasabi niyo, lalo na iyong sabi ni Secretary Panelo na galing sa wiretapping iyong information?
VP LENI: Ako kasi, ‘di ba bawal iyong wiretapping? Bawal sa batas natin iyon. Kaya iyong sa akin, kung may enough evidence galing sa kanila, bakit hindi sila kasuhan? Kasuhan sila sa korte para may pagkakataon sila na depensahan iyong sarili. Mahirap iyong trial by publicity, kasi ano iyong assurance natin na tama iyong information? ‘Di ba noong nakaraang dalawa’t kalahating taon, maraming pagkakataon na binabawi iyong sinasabi, kasi hindi pala na-vet nang maayos. So ito, may mga mabibiktima na mga inosenteng tao.
Iyong sa akin, ang pinaka-tama talaga— Siyempre, ayaw natin na mag-elect tayo sa public office ng mga narco politicians, pero kasuhan na sila ngayon. Iyon pala, may ebidensya laban sa kanila, bakit ayaw pang kasuhan? Bakit ita-trial by publicity?
REPORTER 2: So okay lang, Ma’am, na kasuhan kahit ngayong election period?
VP LENI: Oo naman, sa akin okay kasuhan. Kasi kung mayroon namang ebidensya, bakit hindi kasuhan? Para warning din siya sa tao, pero hindi tayo nagiging unfair, kasi at least kapag kinasuhan sila, may pagkakataon silang depensahan iyong sarili. Ito kasi, kapag trial by publicity, wala kang pagkakataon depensahan iyong sarili mo.
REPORTERS: Thank you, Ma’am!
– 30 –