This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Ka Pepe Diokno Human Rights Awards 2019

    Ka Pepe Diokno Human Rights Awards 2019

    De La Salle University, Manila

    REPORTER 1: Ma’am, good morning po. Ma’am, I’ll go right ahead to the question: Ma’am, hihingi lang po kami ng reaction doon sa policy ng Duterte administration on Chinese workers po, Ma’am?

    VP LENI: Iyon kasi, parang may mali somewhere. ‘Di ba tayo— Parang ang sinasabi niya kasi, huwag na nating… hayaan na natin iyong mga Chinese workers dito, kasi mayroong 300,000 na Filipinos doon. ‘Di ba dapat iyong policy natin, how to keep the Filipinos here at home? Bakit hindi natin ayusin na magkaroon ng good working conditions iyong mga Pilipino dito, para huwag na silang umalis at mawalay sa pamilya?

    Parang mali yata na hinahayaan natin silang umalis para may space para sa mga Chinese workers. Para sa akin, mayroong isang patently wrong doon, kasi dapat iyong pinaka-goal ng gobyerno, paano ba natin mapapabalik iyong ating mga workers para hindi na sila humiwalay sa kanilang mga pamilya.

    REPORTER 2: Ma’am, comment po on the alleged death threats sa isa po nating awardee, kay Bishop Ambo, kaya daw po siya hindi naka-attend this morning?

    VP LENI: Iyong culture of impunity, grabe na. Halimbawa, nasa Cebu ako a few days ago, iyong mga nakausap ko na mga local officials, mga ordinaryong tao, iyon din iyong pinag-uusapan—lahat mga death threats. So iyong tanong, bakit, paano ba tayo nakarating sa ganito? Hindi— ‘Di ba, nauna tayo sa patayan dahil sa war on drugs. Sumunod iyong patayan ng mga local officials. Sunod iyong mga patayan ng mga judges saka mga fiscals, ng mga abogado. Tapos ngayon, mga bishops naman. Kailan ba ito mahihinto? At bakit pinapayagan natin itong kulturang ito na siyang manaig sa atin?

    REPORTER 3: Ma’am, iyong comment lang po doon sa sinabi ni President Duterte na Catholicism may end 25 years from now?

    VP LENI: Hindi na lang siguro ako magko-comment, kasi marami naman siyang binitawan na salita na “will end in 3 months, will end in 6 months,” so baka later on sabihin, bawiin ulit. So siguro mas tuonan na lang ng pansin ano iyong gagawin ng pamahalaan sa mga problemang bumabagabag sa ordinaryong Pilipino ngayon.

    REPORTER 1: Ma’am, sinabi niyo kanina sa speech niyo po, bumalik na iyong “past trauma” pre-1986 Revolution. Ma’am, can you elaborate on it, Ma’am?

    VP LENI: Kasi tingnan natin iyong mga balita ngayon. Kapag nagbasa tayo ng diyaryo, pinag-uusapan iyong pagha-harass sa mga members ng media na nagkakaroon ng lakas ng loob na i-call out iyong pamahalaan. Iyong pinag-uusapan, iyong threats na mawalan ng scholarships iyong mga estudyante. Iyong pinag-uusapan, iyong threat na ipapakulong.

    Iyong pinag-uusapan, mga patayan. Parang time warp tayo, nandoon ulit tayo sa panahon noong dictatorship. Iyong mga pinag-uusapan ngayon, iyon din iyong pinag-usapan many years ago, at akala natin hindi na babalik iyong ganitong kultura sa atin, pero bumalik na naman.

    REPORTER 1: Ma’am, bumabalik o bumalik na po tayo?

    VP LENI: Bumalik na.

    REPORTER 3: Ma’am, your reaction on the proposal to remove the special working permit to Chinese nationals?

    VP LENI: Iyong sa akin, hindi naman natin binabawalan iyong ibang mga, parang, citizens ng ibang bansa na magtrabaho dito. Pero very specific kasi iyong batas natin. Ang batas natin, ang priority iyong mga Pilipino. Puwede tayong kumuha ng workers galing sa ibang bansa kung walang Pilipino na kaya iyong trabaho niya. So ang unang tanong, iyong trabaho bang ginagawa nila dito, hindi ba iyon kaya ng Pilipino? Kasi kung kaya ng Pilipino iyong trabaho nila—ang taas ng unemployment natin—bakit hindi i-prioritize iyong mga Pilipino? Kung mangangailangan ng special skills na hindi kaya ng Pilipino, saka siguro, pero dapat iyong pinu-pursue natin na path, na kailangan mag-train na ng mga Pilipino sa paghahanda sa ganoong klaseng specialized na trabaho.

    REPORTER 1: Ma’am, follow-up lang po doon sa sinabi ng Palace that they will go after illegal Chinese workers or any other nationality?

    VP LENI: Siguro tingnan natin kung anong gagawin nila.

    OVP: Okay, thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 25, 2019