This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo on the Istorya ng Pag-asa Special Edition

    Istorya ng Pag-asa Special Edition

    Commission on Human Rights, Quezon City

    ABS-CBN: Ma’am, bakit may special edition ng INP? Saka kahit wala na kayo sa ICAD, mukhang drugs pa rin?

    VP LENI: Actually, gaya ng sabi ko kanina, iyong idea to have a special edition tungkol doon sa recovering saka sa recovered na drug dependents, 2017 pa namin pinag-iisipan. Hindi lang magkatagpo-tagpo. Pero noong naging ICAD co-chair ako, doon namin dinesisyunan na ituloy na talaga ito para ipakita na una, iyong kahalagahan na may nagbibigay ng pag-asa. Pangalawa, iyong value ng community-based drug rehabilitation. At pangatlo, para makiisa doon sa mga pamilya na nawalan, kasi napakahalaga na maramdaman nila na hindi sila nakakalimutan at nandito iyong pamahalaan para siguruhin na iyong hustisya makakamtan.

    ABS-CBN: Iyong ulat ba, kailan? Ano iyong ine-expect natin?

    VP LENI: Iyong ulat, hinihintay lang natin matapos iyong SEA Games. Matatapos siya on Thursday. Pero nasa Basilan at Marawi kasi ako, so most probably sa Monday gagawin, dahil wala ako the rest of the week dahil Mindanao iyong aming visit. Most probably Monday, ano? Monday mangyayari.

    ABS-CBN: What can we expect, Ma’am? May figures, mga— Anong information can we expect?

    VP LENI: Ito, actually report siya doon sa 18 days ko sa ICAD, ano iyong ating mga recommendations. Ito, moving forward, ano iyong nakita natin na kailangang i-improve, ano iyong nakita natin na kailangang palitan, ano iyong nakita natin na tingin natin dapat gawin para lalong mapa… para mapabuti iyong kampanya kontra sa ilegal na droga. Ano ito, mas recommendatory. Ito, iyong pinakaplano talaga nito gagawin after ako natanggal, pero ayaw kasi nating sabayan iyong SEA Games, so gagawin natin pagkatapos ng SEA Games.

    GMA NEWS ONLINE: Ma’am, comment lang po since International Human Rights Day, what can you say about the state of protecting human rights in the country, backdrop iyong ongoing pa rin na drug war? Are we better? How would you describe it?

    VP LENI: Ako kasi, kapag usapin ng human rights, dapat hindi tayo nakukuntento. Dapat parati tayong… parati tayong iyong desire na pag-igihin iyong ginagawa, parating nandiyan. Parating naghahanap ng mga paraan kung paano mapoproteksyunan iyong ating mga kababayan. Ayan, katabi ko si Chair Chito.

    Sa usapin ng drug war, napakalaking hakbang na iyong celebration namin ng International Day of Human Rights, ginawa dito at sinabayan nitong launch ng Istorya ng Pag-asa special edition, kasi ito naman iyong nagko-convey ng message na sa iba’t ibang mga sektor, iba’t ibang mga stakeholders, na sa usapin ng karapatang pantao, dapat iyong pamahalaan nandiyan para proteksyunan iyong bawat mamamayan.

    Doon naman sa nalabag iyong karapatang pantao, dapat iyong pamahalaan din iyong mag-a-assure sa bawat isa na iyong hustisya nandiyan para sa kanila.

    Doon naman sa nagpakita ng pag-asa, doon sa mga nagpakita na mayroong mabuting paraan para gawin iyong kampanya laban sa ilegal na droga, iyon iyong hinilight natin ngayon. Gusto nating i-highlight para ipakita sa tao na mayroong paraan na makatao, mayroong paraan na makatarungan, at iyong mga fineature natin dito, sila iyong pinakahalimbawa noong paraan na iyon.

    OVP: Okay, last question. Greg Gregorio, TV5?

    TV5: Ma’am, there were ICC reports daw po of rape and other abuses in the middle of drug war under this administration. May mga ganoon din po ba kayong nakita during your stint sa ICAD?

    VP LENI: Ako, kahit wala pa ako sa ICAD, maraming mga reports na dumadating. In fact, wala pa ako sa ICAD, iyong mga pamilyang nandito, tinutulungan na natin. Tinutulungan na ng aming opisina. At iyong tulong na iyon, nasa ICAD man ako o wala, patuloy. Patuloy na naghahanap ng katotohanan, patuloy na naghahanap ng hustisya, patuloy na naghahanap ng paraan para iyong mga nawalan, kahit papaano, gumaan iyong kanilang dala-dala. Kasi karamihan sa mga nawala, mga padre pamilya na naghahanapbuhay, so iyong mga nanay—ako, nanay din ako; single mother din, na hindi ko kailangang pagdaanan iyong pinagdaanan nila. Kaya ramdam— Kung sa akin nga mahirap na, lalo na sa kanila. So sa akin, iyong paghihikayat sa ating mga kababayan na… maramdaman na responsibility nating lahat na tumulong, lalo na iyong mga mas privileged, na responsibility na tumulong doon sa nagdadaan sa mga mahihirap na… iyong mga mahihirap na sitwasyon. Na ang tulong ng bawat isa, kapag nakagaan lang sa isang buhay, sapat na. So ito, nakita natin ngayong umaga, sila iyong mga widows, iyong ibang orphans nandito. Iyong pagpapaalala lang sa kanila na hindi sila nakakalimutan, malaking bagay na para sa kanila.

    CNN PHILIPPINES: Ma’am, follow-up: Do you see lapses on the side of the administration to give justice to those?

    VP LENI: Ako, sa akin, ano na lang, hintayin iyong ulat sa bayan, kasi we tried to be as comprehensive as possible, given the very limited time na binigay sa atin. Mayroong mga… mayroong mga bagay na wala tayong personal knowledge—na ang paghihikayat naman… ang paghihikayat na mabigyan ng hustisya, parating nandiyan whether may posisyon o wala. Pero iyong sa atin lang, hindi lang naman sa usapin ng drug war, pero sa kahit anong usapin na may nalabag iyong karapatang pantao, iyon naman iyong parati nating ninanais: na iyong pamahalaan mag-take ng responsibility para siguruhin na iyong hustisya nabibigay sa kanila.

    GMA NEWS: Ma’am, sorry, sorry. Ma’am, doon po sa ulat ng bayan na ito, ano po ba iyong aasahan ng tao? Ito po ba ay explosive? Ito po ba ay mayroon kayong na-discover na hindi dapat ma-discover? Ano po, Ma’am, iyong dapat antabayanan sa ulat ng bayan na ito?

    VP LENI: [chuckles] Ako, sa akin, baka nakakalimutan natin na 18 days lang ako nasa posisyon. Iyong 18 days na iyon, ang sinubukan natin, i-organisa, i-organisa iyong nakalatag na kampanya—hanapan ng sistema, hanapan ng paraan kung para maging effective at efficient. Ako, iyong “explosive” kasi masyado iyong cinematic. Iyong sa atin, ang aasahan rekomendasyon, rekomendasyon para mapabuti. May mga nakita tayong pagkukulang, at iyong magiging rekomendasyon natin, kung papaano ma-correct iyong mga mali, at papaano ma-correct iyong mga pagkukulang.

    GMA NEWS: Isa pa.

    VP LENI: [laughs]

    GMA NEWS: Mayroon po bang dapat matakot? May katatakutan po ba sa report na ito?

    VP LENI: Wala naman— Walang dapat matakot. Walang dapat matakot. Ako— Medyo nakakatawa nga na parang iyong anticipation, nananakot ako. [chuckles] Wala naman tayong tinatakot. Iyong sa atin lang, mas rekomendasyon, para ipakita ko naman na hindi ko sinayang iyong 18 days na binigay sa akin. Nakita niyo naman kung paano ako nagtrabaho. Pero hindi ito pananakot, kasi iyong pananakot, para lang iyon sa mga may kasalanan. Ano naman ito— Sa akin, iyong aasahan mas moving forward, mas recommendatory.

    ABS-CBN: Ma’am, may natuklasan— Sabi niyo may natuklasan kayo, eh. Wala namang dapat matakot doon sa natuklasan?

    VP LENI: Marami namang— Sa pang-araw-araw naman natin, marami tayong natutuklasan. Ito, natutuklasan na mga kakulangan. Natutuklasan na mga kakulangan, natutuklasan na dapat hindi, palitan ng iba. Basta ito, sa akin, expectation lang, ang hinahanap natin solusyon, hindi problema. Ang hinahanap natin papaano mapapabuti—papaano mapapabuti, papaano ma-i-improve, papaano tayo magmu-move forward.

    OVP: Okay? Thank you, Madam Vice President!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    -30-

    Posted in Transcripts on Dec 09, 2019