This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Giving of Valentine’s Day Roses

    Giving of Valentine’s Day Roses to City Hall Employees

    Naga City Hall

    REPORTER 1: VP, unahin ko po muna ngayon na Valentine’s Day. Kumusta po iyong kalagayan ng inyong puso ngayon?

    VP LENI: Ang puso ko, parating punong-puno. Every Valentine’s Day kasi, iyong inaalala natin iyong tradisyon na sinimulan ng asawa ko dito. Ginawa niya iyon in all the years na mayor siya, kaya noong nawala siya, pakiramdam namin ng mga anak ko, kailangan naming ipagpatuloy iyong tradisyon, kasi iyon iyong gusto niyang mangyari. So every Valentine’s Day, nagkakaroon kami ng pagkakataon na umuwi talaga para gawin iyong dati niyang ginagawa.

    REPORTER 1: Inimbitahan niyo po ba, VP, si Senator Bam?

    VP LENI: Oo. Actually, iyong invitation ko, para sa kanilang lahat. Kung sino pa iyong naiwan dito sa Naga, inimbitahan ko to join me, pero mukhang si Senator Bam na lang iyong naiwan; iyong iba pumunta na ng Albay.

    REPORTER 1: VP, dahil nauuso po ito ngayong Valentine’s Day: ano po ba iyong puwede nating gawin to address teenage and unplanned pregnancy?

    VP LENI: Actually, mayroon kaming existing na programa sa opisina, ang tawag sa programa, “Babaenihan.” Programa namin ito with UNFPA. Ito, mas education siya, mas education para sa mga kabataan. Mas pagbibigay ng platform saka pagbibigay ng forum sa mga tanong, iyong mga issues, iyong mga concerns ng mga kabataan, lalo na ng mga kabataang babae, para mayroong nilalabasan. In fact, nagkaroon na kami ng run dito sa Pili. Iyong mga kausap natin iyong mga teenage mothers, na iyong pinakadahilan: una, para malaman kung ano iyong factors na, parang, contributory; pangalawa, kung ano iyong mga kahirapan na pinagdadaanan ngayong mga nanay na sila. Kasi mayroong mga bata na as young as 14, ano na, nanay na. Parang, bata pa siya, pero may bata na din siyang inaalagaan. So kailangan talaga ng support system na malakas.

    REPORTER 2: Ma’am, in relation sa Valentine’s: Pinakaimportante mong Valentine’s message kay President Duterte?

    VP LENI: Ito talagang si Danny. [laughs] Iyong sa akin naman, hindi lang siguro mensahe para sa Pangulo, pero mensahe sa lahat nating mga kababayan na mga Pilipino: na tayong medyo mapalad, tayong medyo mapalad iyong kinalalagyan, dapat ginagamit natin iyong blessings na nakukuha natin para makatulong sa iba, para maiahon iyong iba sa kahirapan. Sa pag-ikot namin sa mga communities, parang, kapag nakikita natin iyong suffering, naiisip mo bakit ganito ka-grabe iyong, parang, gap between doon sa mahirap saka mayaman? Maraming mga taong walang kinakain, maraming mga tao na para lang makapag-aral, iyong sakripisyo na pinagdadaanan. Pero iyong iba namang mapalad, hindi thankful sa kung ano iyong mayroon sila. So siguro iyong mensahe na ito, para sa ating lahat: na sana iyong kaunting kapalaran na nakuha natin, gamitin natin para makatulong sa iba.

    REPORTER 1: VP, paano niyo po ba napalaki nang maayos sina Aika, Tricia, at Jillian, na umabot sa ganitong point na wala pa rin silang mga… ‘di ba? Kumbaga na-maintain nila, na-sustain nila iyong ganoong… despite the pressure, sa pagiging—

    VP LENI: Sandali lang… Baka may emergency? Patabangan ta… Patabangan ta, baka kaipuhan ning—kaipuhan ning sasakyan? (Pakitulungan, pakitulungan. Baka kailangan ng—kailangan ng sasakyan?) Ah, sa City Health? Okay… Sorry, ah, sorry.

    REPORTER 1: Sige po, VP.

    VP LENI: Sakuya— Ay, Tagalog?

    REPORTER 1: Tagalog po.

    VP LENI: Sa amin kasing mag-asawa, nakita niyo naman iyong kung paano lumaki iyong mga asawa—ay, mga anak—iyong mga anak ko dito sa Naga. Tutok talaga kami, kahit kami nasa pulitika, kahit iyong asawa ko nasa pulitika, pagdating sa bahay normal na normal iyong buhay. Nag-exert talaga ng effort para hindi makaramdam na iba sila o makaramdam na mas maayos sila kaysa sa iba. Iyong effort na pinapaintindi sa kanila na mas malaki iyong responsibilities nila kaysa sa iba. Saka iyong ano talaga, iyong pagpapa— Sa mga magulang kasi, madali lang mangaral, pero ang mga anak talaga, sumusunod sa kung ano iyong nakikita. Kaya tingin ko, parang ano din ito, lesson sa lahat na mga magulang, na kahit mangaral tayo nang grabe, kung ang nakikita ng mga anak malayo doon sa mga pinapangaral natin, hindi pa din tayo susundin. Kaya siguro, ano naman ito, araw-araw, araw-araw struggle para sa mga magulang. Wala namang perpektong magulang. Parating may kulang, parating may maling ginagawa. Pero iyong aware lang na… aware lang tayo parati na may consequence iyong lahat na kamalian natin sa pagpapalaki ng mga anak. Kasi kapag lumaki iyong mga anak na hindi maayos, maaapektuhan in a very negative way iyong mga kasama niya din.

    REPORTER 2: Ma’am, your reaction sa delay ng approval ng national budget?

    VP LENI: Iyong sa akin, nakakalungkot na hanggang ngayon hindi pa din napipirmahan iyong budget. Pero mas nakakalungkot na hanggang ngayon, mayroon pa ding mga sinusubukang ilusot na matagal na panahon pinagdebatehan na. Matagal na panahon nirereklamo na natin iyong pang-aabuso sa paggastos ng pondo. Matagal na panahon sumisigaw tayo ng transparency saka accountability, eh 2019 na, parang iyon pa din iyong problema natin, so parang hindi tayo natututo sa mga kamalian ng nakaraan. Iyong sa akin lang, pinaka-deterrent talaga sa corruption iyong transparency. Pero the fact na may mga senador, o may mga congressman, na nagsasabing maraming itinatago na budget, cause for alarm iyon. Sana sa lalong madaling panahon maipasa na iyong budget. Pero iyong naipasa sana nang budget, replete na iyong mga pang-aabuso na nirereklamo natin for a very long time.

    REPORTER 3: Ma’am, last night, Palace issued a statement saying that the arrest of Maria Ressa “has nothing to do with freedom of the press,” “no one is above the law.” Your thoughts on that?

    VP LENI: Madali lang naman kasing sabihing walang koneksyon, pero tayong observers, alam natin na mayroon. Unang una, sini-single out. Iyong sa akin lang, bakit iyong nakakaramdam ng ganitong klaseng harassment, iyong mga tao o institusyon na naglalakas ng loob na kumontra? Bakit iyong naglalakas ng loob kumontra, lahat na diperensiya hinahanap sa kaniya?

    Iyong sa atin, hindi naman natin sinasabi na kung nagkakamali, huwag punahin. Pero iyong sa atin— Halimbawa, may pagkakamali iyong Rappler, ayusin iyong to make them accountable, hindi iyong lahat na klaseng harassment… Naaalala natin, nagsimula ito sa mga tax cases, tapos iyong kanilang registration sa SEC, tapos ngayon naman cyberlibel. Very obvious, very obvious iyong harassment.

    Ito, nakakalungkot na nangyayari pa din sa atin after ng Martial Law, after noong dictatorship. Kasi iyong pakiramdam natin, dapat sana iyong nangyari noong panahon ni Marcos, malaking aral na iyon para sa ating lahat, na hindi na natin hahayaang mangyari ulit. Pero bakit iyong nangyayari ngayon, ito din iyong nakita natin na, parang, pangsusupil ng freedom of the press?

    Sana, sana iyong mga members ng media, hindi matakot, dahil lahat tayo umaasa sa media. Lahat tayo umaasa na iyong ibibigay ng media sa atin, fair saka balanced na reporting. Sana iyong… sana iyong pag-sample sa ibang members ng media, hindi maging deterrent para gawin pa din natin iyong trabaho natin.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 13, 2019