This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the CP Cares PH Christmas Party

    Cerebral Palsy Community, Awareness, Rehabilitation, Empowerment, and Support Philippines, Inc. (CP Cares PH) Christmas Party

    The Ampitheater, Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, Quezon City

    ABS-CBN NEWS: Ma’am, kaunting kuwento lang po ano po iyong—paano po kayo nagkakilala nitong grupo na itong CP Cares?

    VP LENI: Naging ugali kasi namin sa office na mag-outreach program sa mga ospital, sa mga ward ng mga ospital. Ginawa na namin ito sa mga several na hospitals. Itong grupong ito na-meet namin noong nagpa-Christmas party kami sa mga bata sa PCMC. Pero noong Christmas party kasi for the most part, parang nakipagkuwentuhan ako sa mga magulang at kinuwento nila sa akin kung gaano kahirap for them na i-sustain iyong treatments dito kasi marami silang mga emergency—iyong mga hindi nakakahinga, iyong mga nacho-choke, kahit iyong mga kaunting mga problema kailangan nilang dalhin sa ospital tapos karamihan sa kanila nakatira [sa] malalayo. May mga taga-Bulacan, may taga-Nueva Ecija, tapos sila-sila nagtutulungan. Iyong nakatira dito sa Maynila kahit sobrang hirap, tine-take in nila iyong mga ibang mga magulang na taga-labas para lang mas mapagaan. Mayroong mga malalaki na iyong mga anak, mabibigat na pero mga kinakarga nila kasi wala namang ibang means.

    So naiisip namin na gawing isa sa mga advocacy namin; naghanap kami ng mga partners. May isa kaming nahanap—ANCOP USA. Dati nang partner ng aming Angat Buhay program. Noong pinresent namin sa ANCOP USA iyong mga problema nila, nagbigay iyong ANCOP ng individual na mga nebulizers at saka iyong mga hip seats, iyong kinakabit sa katawan na puwede siyang pangmalaki na bata pero hindi na kailangang kargahin. So halos… halos [lahat] iyong mga members nabigyan na sila pero marami pa ring kailangan.

    So itong grupong ito, on a very regular basis, nagmi-meet sa opisina namin. Talagang nagbigay kami ng space for them na makapag-meet. Siguro kung mayroong mga every other month, nandoon sila para sa mga iba’t ibang activities nila.

    Pero ito, iyong gusto namin mas maipakilala pa sila sa iba pang mga grupo. Gaya ngayon, iyong pinaplano namin ngayon magkaroon na ng parang schedule with Physicians for Peace para iyong mga nangangailangan ng mga wheelchairs masukatan, kasi hindi sa kanila puwede iyong ordinaryong wheelchair dahil sa kakulangan nila ng control sa katawan. So iyon iyong… iyon iyong sine-schedule namin na masukatan iyong mga nangangailangan para ma-customize sa kanila iyong mga wheelchairs.

    Iyong pinaka-problema kasi sa cerebral palsy, parang habangbuhay iyong treatment. Hind siya pareho noong sakit na pagkatapos mo siyang magamot, tapos na. Ito, ano talaga ito, eh, pang-habambuhay. Mayroon na ring mga magulang na natulungan namin sa kabuhayan. Kasi iyong pinaka-problema nila, kailangan nilang maghanapbuhay pero kailangan din nilang tutok sa kanilang mga anak. So kapag mga nakausap mo sila, marami sa kanila iyong bago pumunta sa ospital mayroon nang mga paninda, at iyong mga paninda nila ibebenta nila sa ospital, iyon din iyong pambayad nila sa gastos papunta. Marami sa kanila nakakakuha naman ng mga discounts sa ospital o ang iba naman, libre. Pero iyong gastos ng pagpunta, talagang sobrang… sobrang hirap for them.

    So ito, nag-yayaya pa kami ng mga grupo. Iyong naimbita namin ngayon iyong MULI, partner namin sila sa Metro Laylayan activities namin. Kasi hinahanap sana namin iyong mas sustainable na kahit wala na kami, patuloy pa rin na may tumutulong sa kanila. Marami naman iyong… marami naman iyong mga groups na nag-signify na. Kailangan lang talagang parang idugtong-dugtong iyong tulong na kailangang ibigay. Iyong JCI Manila, nandito. Naghahanap din sila ng paraan kung paano tumulong. So nag-usap-usap kami na magkakaroon kami ng parang… parang coordination meeting para magbigayan ng assignments kung papaano.

    Pero ito kasi talaga, iyong sakit na kapag mayroong isang may cerebral palsy sa family, iyong commitment na kailangan from the parents, from everyone in the family, wagas.

    ABS-CBN NEWS: Iyon nga po, magulang din kayo, Ma’am, paano niyo nakita iyong pinagdadaanan ng isang magulang na may ganito pong, kumbaga, hindi ordinaryong dalahin?

    VP LENI: Kasi halimbawa tayo, tayong mga magulang, wala naman tayong anak na may cerebral palsy, dati nang mahirap. Pero kapag nakausap mo sila on an individual level, iyong struggle nila talagang sobra. Halimbawa, mayroon ditong isa—nandiyan siya ngayon—tatay siya. Tatay siya, iyong asawa niya wala na, taga-Bulacan sila. Iyong anak niya, 12 o 13-year-old na babae. Every time na may emergency o kailangan mag-therapy o kailangan mag-check up, kailangan niyang dalhin sa Manila. Nag-aabang siya ng bus karga niya iyong… karga niya iyong anak niya na malaki na. Nakikipagsapalaran sila, naghahabol ng bus, grabe na iyong gastos papunta pa lang. Pagdating dito, gumagawa siya noong mga ballpen na may decoration. Gumagawa siya ng mga ballpen na may decoration. Sa ospital, nilalako niya habang karga niya iyong anak niya para lang may pambayad siya. Tapos pag-uwi niya, nagtitinda pa siya ng kung ano-anong luto doon sa kanila kapag gabi para lang may pantustos sa maintenance medicines ng anak.

    Pero iyon iyong hindi natin nakikita: iyong everyday struggle ng anak na may cerebral palsy. Madalas pa—iyong mga madalas na ma-encounter nila iyong nacho-choke, iyong problema sa lungs. Ito, ito, sobrang… kapag wala silang… wala silang gamit sa bahay, iyong mga ganoon na puwede na sanang i-first aid, kailangan pa nilang dalhin sa ospital. Ang gastos grabe. Kahit pamasahe na lang sobrang gastos.

    So ito, ang ganda din nitong CP Cares kasi kapag napansin natin sila, sobrang grabe iyong problema nila pero masasaya sila. Masasaya sila na mayroong nasasandalan na mga kasama, na kahit kaunting tulong mo, sobrang appreciated nila. Pero iyong frustrating din sa parte ko saka sa parte rin noong nasa opisina namin, kahit nakakatulong kami, parang hindi talaga sapat para maibsan iyong kahirapan nila.

    So iyong sa atin lang, hinihikayat sana natin iyong may magagandang loob, kahit hindi ipadaan sa amin, kahit dumiretso sila sa CP Cares, sobrang laking bagay. Kaunting… kaunting pagtulong lang kahit sa kabuhayan ng mga pamilya, malaking bagay na.

    ABS-CBN NEWS: Ma’am, shift lang ako, Ma’am. Isang may dalahin ngayong magpa-Pasko din iyong mga tinamaan ng bagyong Tisoy. Tumama po sa lalawigan niyo. Ano na po iyong tulong na nabigay po natin sa kanila?

    VP LENI: Nandoon na iyong aming teams; mayroon nang relief operations. Paalis ako mamaya. In-identify na namin iyong mga worst hit. Iyong mga worst hit talaga, Albay, Sorsogon, Masbate, lalo na iyong mga coastal areas. Pero parang unprecedented yata iyong dami ng bahay na nagiba. Halimbawa, for Sorsogon alone, libo iyong totally damaged na pinaka-kailangan talaga housing materials. Tapos iyong mga pananim na nasira, sobrang grabe. Kaya iyong nangangailangan talaga ngayon ng tulong, iyong mga magsasaka na naubos lahat tapos iyong mga nawalan ng bahay.

    Iyong mga Bicolano naman very resilient dahil all our lives, nakikibaka na kami nang ganito. Pero medyo malala kasi ito, iyong Tisoy. Medyo over the past several years isa na ito sa pinakamalakas na tumama kaya iyong damage talaga sa mga bahay, grabe.

    Marami na din iyong tumutulong. Sa opisina namin, mayroon kaming mga partners na tumutulong. Halimbawa, iyong Latter-Day Saints. Parati iyong sobrang bilis tumulong, at maraming mga private organizations. Pero hinihikayat pa rin natin iyong karamihan na kapag mayroon naman silang kahit extra nila, ipantulong sa pagkain. Nangangailangan doon, bigas. Maraming mga lugar sa amin wala pang kuryente, walang—baha pa, walang signal ng telepono, so mahirap talagang makahingi ng tulong sa labas. Puwede sa aming ipadaan o puwedeng ipadaan kahit kaninong organization na tumutulong doon. Pero, iyong devastation grabe.

    ABS-CBN NEWS: One last, Ma’am: positive tayo sa Pasko natin? May ganito at mayroong sinalanta ng bagyo, hopeful pa rin tayo?

    VP LENI: Ako, very hopeful pa rin ako kasi iyong Pilipino naman nasubukan na. Nasubukan na sa gitna ng napakaraming unos, parating bumabangon muli. Pero iyong sa akin lang, siguro… siguro pagpapaalala lang sa lahat na iyong mga mas masuwerte, sana… sana i-take on natin iyong responsibility na tumulong sa iba. Iyong pagtulong naman, hindi naman kailangang malaki. Kahit isang pamilya lang iyong matulungan, isang buhay lang iyong matulungan, ang laking bagay na. Kasi parang symbol din iyon ng pagpapasalamat natin sa mga graces na dumating sa atin—iyong pagtulong sa iba.

    ABS-CBN NEWS: Thank you po.

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 06, 2019