This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Angat Buhay Women’s Entrepreneurship Bootcamp (AB WEB)

    Angat Buhay Women’s Entrepreneurship Bootcamp (AB WEB)

    Sequoia Hotel, Diliman, Quezon City

    ABS-CBN NEWS: Ma’am, kumusta iyong event kanina? Ilan po ba iyong mga women entrepreneurs natin? Or mga—ano po bang… What do we expect from them, Ma’am?

    VP LENI: Ito, iyong grupo ngayon, bootcamp siya ng mga na-train na namin sa Visayas at Mindanao. Nagkaroon kami ng training sa Mindanao, sa Zamboanga; nagkaroon din kami ng training sa Bohol for the Visayas women. Pero ito, iyong hinanap namin na participants dito iyong mayroon nang napag-umpisahan, mayroon nang ginagawang maliit na negosyo pero tingin namin worth na tulungan dahil sa skill, dahil sa ganda ng produkto. So noong first… first leg namin sa Zamboanga and Bohol, nagdala kami ng mga experts na hindi lang expert sa kaalaman pero experts din sa pagnenegosyo.

    So ngayon, nasa—40 sila lahat—ngayon ang… nasa stage na sila na tinutulungan namin sumali sa mga trade fairs, kinakabit namin sila sa mga institutional buyers. Since last Christmas, marami sa kanila iyong nag-handle na talaga ng mga bulk orders na tingin namin, ito iyong susi para mas maging sustainable iyong ginagawa at matulungan iyong community.

    Itong bootcamp, dinala namin sila dito sa Manila para maikot nila iyong mga negosyong nag-uumpisa na kagaya din nila. So iba’t ibang negosyo iyong pinuntahan nila at mga negosyong tingin namin puwedeng mag-source ng raw materials from them.

    Ito, very optimistic kami na ano na sila, nandoon na sila sa stage na hindi pa namin papabayaan dahil nasa stage na sila na kaya na nilang i-expand iyong kanilang negosyo. Pero ang gusto namin ditong ipakita, na hindi enough iyong mga trainings na ginagawa kasi halimbawa, maraming… maraming government offices na nagbibigay ng trainings, maraming LGUs nagbibigay ng mga trainings, pero dapat kasi hindi siya natatapos sa training. Dapat talagang malaki iyong handholding na ginagawa para iyong training ma-translate sa hanapbuhay talaga.

    So iyong trainings, tutulungan natin silang magkaroon ng… makapag-umpisa. Pero tutulungan din natin sila kung paano maabot iyong mga market, at ito iyong, in essence, ito iyong pinaka-programa namin.

    ABS-CBN NEWS: So parang may mga follow-up bootcamp para masundan sila, Ma’am?

    VP LENI: Kailangan kasi tuloy-tuloy. Kailangan iyong handholding matagal until ramdam namin na puwede na silang mag-umpisa. Ayaw namin na iyong parang after the training, nakapag-negosyo nang kaunti tapos wala na kasi wala nang market. Ang gusto namin, na mabigyan sila ng pagkakataon maka-break sa market para iyong asenso, hindi lang sa pamilya nila pero pati sa community.

    So ito, mayroon silang commitment: kapag okay na sila, ite-train din nila iyong mga members of the community, mga kababaihan. So sila, ino-organize namin iyong organisasyon on the ground para ma-organize iyong community at ma… ano ito, maituro din nila iyong mga nalalaman nila dito.

    Okay, thank you.

    Posted in Speeches on Dec 06, 2019