This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Ahon Laylayan Koalisyon – Cebu Planning Session

    Ahon Laylayan Koalisyon – Cebu Planning Session

    Cebu City

    REPORTER 1: Ma’am, sinabi niyo na po, hindi masyadong madami ang kaalyadong pulitika—pulitiko—dito po sa Cebu, so gaano po kahalaga iyong tulong from the sectors and the volunteers here in Cebu, the most vote-rich province in the country?

    VP LENI: Ako, napakahalaga ng tulong ng sektor, kasi kahit naman kaming mga pulitiko, sila iyong aming nilalapitan. Kaya iyong sa akin lang, kapag naipakilala namin iyong aming mga kandidato nang maayos, alam namin na tutulungan sila. Kaya iyong effort talaga na ine-exert namin ngayon, maipakilala iyong mga kandidato. In fact, iyong nakakataba ng puso, kasi ang daming nagko-contact, ang daming lumalapit sa amin, ang daming pumupunta, na nagvo-volunteer para sa Otso Diretso. Kaya sabi ko nga, iyon iyong pagpapakita na talagang iyong inihahain namin sa kanila, karapat-dapat na mga kandidato.

    REPORTER 1: Pero Ma’am, sustainable po ba na we’re banking heavily on volunteers? I guess the question really is, how do you make sure that they help in the campaign hanggang umabot po sa Mayo?

    VP LENI: Ako kasi, nasubukan ko na ito ilang eleksyon—mula pa noong eleksyon ng asawa ko, iyong eleksyon ko noong 2013 sa Kongreso, iyong eleksyon ko sa 2016—wala talagang masyadong resources kumpara sa iba. Pero malaking bahagi ng kampanya iyong mga volunteers, kasi lumalabas, mas desididong magtrabaho. Iyong sa akin naman, realistic naman kami. Alam namin na mahirap, alam namin na dahil walang resource. Halimbawa, iyong airtime na kailangan sila ipakita, mahirap iyon. Iyong pag-mobilize ng tao, mahirap iyon. Pero tingin ko, kahit mahirap iyon, nako-compensate siya ng passion ng mga volunteers na hindi na umiinda ng oras saka ng pagod. In fact, nakita na namin iyon several times dito lang sa Cebu, kaya nakakataba ng puso, kasi kahapon pa, ang dami nang— Kahapon pa nandito na ako, at ang dami ko nang nakakausap at sila iyong naglalakad. Mayroon akong mga kaibigan na isang grupo ng mga abogado, na sila dinevote na nila iyong after-office saka weekends nila na umiikot sila sa mga communities, umiikot sila sa mga villages, para lang ipakilala iyong mga kandidato. Iyong sa akin, iyon iyong hindi mababayaran, eh. Hindi mababayaran, hindi masusuklian iyong ganoon na klaseng dedication.

    REPORTER 2: Ma’am, I’ll just shift to another topic. Pasensya na po, alam ko po nasagot niyo na ito many times, ano. Pero have you had the chance to talk to Among Ed, and maybe talk to him to clarify kung ano iyong hini-hint niya na possible VP Leni and Mayor Sara Duterte face-off in 2022?

    VP LENI: Sinabi ba iyon ni Among Ed? [laughs]

    REPORTER 2: He hinted medyo on it.

    VP LENI: Kasama ko si Among Ed sa San Fernando—noong Monday?—noong Monday. Hindi naman namin iyon napag-usapan. Pero I think kung mayroon mang ganoong nasabi, siguro galing din iyon sa mga balitang lumabas noong araw na iyon. Iyong sa akin kasi, unang una, papasok pa lang tayo ng midterm elections. Kung titingnan natin iyong kasaysayan ng mga eleksyon natin, at kasaysayan ng kampanya, ang dami pang puwedeng mangyari sa isang taon. How much more iyong tatlong taon? Huwag na tayong lumayo masyado, tingnan na lang natin iyong nangyari noong 2016 elections. In one year, sobrang grabe iyong nangyari: iyong mga frontrunners noong 2015, na akala natin unbeatable, hindi din nagtagumpay. Gustong sabihin, marami talagang mga bagay na dependent siya sa napakaraming factors—hindi lang sa desisyong magkandidato. Pero parati ko itong sinasabi: tingin ko iyong presidency saka vice-presidency, destiny iyon, eh. Gaya sa akin, wala naman akong balak na tumakbo for a national post, parang last minute naitulak sa sitwasyon, nagtagumpay. Marami namang matagal na naghanda, pero hindi nagtagumpay.

    Kaya iyong sa akin, parang useless na paghandaan siya nang maaga, kasi marami pang puwedeng mangyari. Tapos, lalo sa akin, na mayroon akong trabaho na ginagawa—mayroon akong Angat Buhay, mayroon akong Istorya ng Pag-asa—tingin ko kapag ang iniisip ko na iyong 2022 elections, hindi ko na magagampanan nang maayos iyong mga adbokasiyang itinutulak ko ngayon, kasi parati ko nang iniisip iyong botong kapalit. Ano siya, salungat siya sa ginagawa namin. Halimbawa, iyong mga communities na in-adopt ng Angat Buhay, ito iyong mga malalayo na communities na hindi naman mga vote-rich. So kapag inisip ko na iyong 2022 elections, gusto bang sabihin iiwan ko na iyong communities na iyon at pupunta na lang ako sa mga vote-rich na lugar? Tingin ko unfair sa mga umaasa sa amin.

    REPORTER 2: But if your destiny leads you there, hindi sarado iyong pintuan niyo sa possibility?

    VP LENI: Ako kasi, iyong experience ko, sinaraduhan ko na nang ilang beses iyong pulitika, pero naipasok pa din ako dito. Kaya tingin ko kapag destiny, kahit anong gawin mo, hindi mo naman mahaharangan. Tingin ko iyong mas importante iyong kapag tumanggap ka ng isang obligasyon, panindigan mo. Gawin mo iyong lahat mong makakaya para magampanan mo iyong role mo nang maayos.

    REPORTER 2: Ma’am, sorry, habol lang po: President Duterte promised a “bloodier” drug war—mas paigtingin ang mga drug operations, pag-aresto. Nakapasok na daw kasi sa bansa iyong mga drug cartel. So is that— Iyon pong ganoong point, iyong mga drug cartel nakapasok na, mas extensive— Your thoughts, Ma’am?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, ang sagot ko diyan, matuto tayo sa nangyari over the last two and a half years. Ang daming buhay iyong ibinuwis, hindi naman natin na-resolve iyong problema sa droga. Hindi ba malaking proof ito na hindi naman violence, hindi naman pagpapatay, iyong makakaresolba ng drug war? Gaya ng sabi mo nga, ang dami ngayong pumapasok na droga from international cartels. Bakit hindi iyon iyong pagtuunan natin ng pansin? Hindi iyong pinapatulan natin iyong mga maliliit, na iyong mga maliliit na mga gumagamit, dapat sana tingnan natin iyon na biktima. Ang dapat sanang parusahan natin, iyong mga nagdadala ng mga droga dito sa Pilipinas. Ang tanong, bakit ba nakakapasok? Kasi kahit anong pagpatay iyong gagawin, hanggang may nakakapasok na droga, problema pa din iyong droga.

    REPORTER 2: The President signed Extended Maternity Leave, Ma’am. Okay ba iyon?

    VP LENI: Matagal nating in-advocate iyong extension ng maternity leave. Malaking problema ng mga kababaihan iyong walang napapag-iwanan ng mga anak nilang mga babies pa, dahil kailangan nilang bumalik sa trabaho. Iyong extension ng maternity leave, napakalaking tulong ito, lalo na sa ordinaryong nanay na walang capacity na mag-hire ng yaya, walang capacity na mag-hire ng kasambahay. At least maiiwanan niya iyong kaniyang anak na medyo malaki-laki na. Kaya ito, mahaba-habang pinush ng maraming advocates, at nagpapasalamat tayo na, finally, ngayon ay batas na siya.

    REPORTERS: Thank you, VP!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 20, 2019