This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at Pili, Camarines Sur

    26 November 2016

    Pili, Camarines Sur

    Q: Ma’am, Tagalong lang po. Ano po iyong reaction natin sa mga tanong sa Congress tungkol kay Sen. Leila de Lima?

    VP LENI: Ako, unang una, iyong probe itself wala tayo doong question kasi it is within the mandate of the House of Representatives at ng Senado na gumawa ng mga probe in aid of legislation.

    Pero medyo nakakalungkot kasi iyong mga… ako kasi, hindi ko siya napanood sa TV kasi punong puno din ang schedule ko pero pag umuuwi ako binabasa ko din ang mga transcripts, parang wala na siya…

    Parang nag exceed na siya sa bounds sa mandate. Maraming tinatanong na wala namang relevance sa kung ano man iyong gustong legislation na gustong gagawin.

    Parang ang purpose niya ay para hiyain si Sen. De Lima. Ang tingin ko, kailangan i-express natin ang ating pag kundena ng mga ganitong bagay kasi mag-cecreate ito ng chilling effect to whoever na mag-express ng pag-kontra, parang ang dating sa akin parang wina-warn na pag ginawa mo ito, mangyayari din ito sa inyo.

    Ako, interesado tayong malaman ang katotohanan at tingin ko, si Sen. de Lima, kailangan sagutin ang mga accusations sa kanya. Pero may paraan din doon eh, hindi ganito.

    Kaya ito ang kinakalngkot natin. Sana ang integrity ng institutions pinapangalagaan ng mga tao sa institusyon na iyon.

    Kasi pag na-crush iyong integrity nito, parang ano ito eh, iyong democratic institutions natin, ito ang pinaghahawakan natin.

    Q: Nagkausap ba kayo ni Sec. de Lima recently?

    VP LENI: Hindi recently, tingin ko naman kaya niya, noong ginawa niya ito, handa naman siya sa anong repercussions. Palagay ko, kailangan niya din sagutin ang kailangan sagutin.

    May accusations na tumanggap ng drug money, sa tingin ko, kailangan niyang sagutin. May accusations na ginamit ang influence para sa… diba? Kailangan niyang sagutin.

    Pero iyong slut shaming, unang una ang niyuyurakan hindi lang si Sen. De Lima pero lahat tayong kababaihan.

    Q: Iyong pinagtanggol kayo ni Gen. Bato during the press con, may reporter na tinanong si Dayan kung mayroon bang plot na i-tag po kayo sa issues na ito. What was your reaction po?

    VP LENI: Ako, nagpapasalamat naman tayo, marami sa aking accusations na nakakatawa na ayoko na patulan. Noong una, may boyfriend, buntis, ngayon linked na sa drugs.

    Sabi ko, ano pa kaya ang susunod? Ngayon nagpapasalamat tayo, una, balita natin si Dayan ay sinabi din na never kami nag-meet. Talaga namang never kami nag-meet.

    Itong Espinosa, ngayon ko lang iyan nakita. At nagpapasalamat tayo na kinlaro ni Gen. Bato na wala naman akong–Alam ninyo naman siguro na nandito sa atin na napakalayo sa katotohanan.

    Q: Ilang families ang-ano ang assurance na minimal displacement lang?

    VP LENI: 1,427 families ang affected nito. Nag-usap na lahat ng ahensyang kabahagi ng LIAC, iyong Local Inter-Agency Council na iyong mga dapat hindi na galawin dapat hindi na galawin. Marami na itong kaakibat.

    Hindi matatapos ang problema sa pagbigay sa kanila ng kanilang pinagtitirikan kasi after ma-secure natin ang kanilang tinitirhan kailangan ma-secure din natin ang kanilang sinasaka.

    Pero iyong kabutihan nito, kasi ang mga involved, except for a few parcels of land, iyong mga involved ay iyong mga government agencies din. So government to government na lang ang arrangements.

    Q: After the November 8 incident po na may sinabi si President Duterte about… it, kumusta na po ang relationship ninyo?

    VP LENI: Mabuti naman, actually nagkaroon na ng NEDA board meeting after the Nov. 8 meeting, that was after Tacloban, that was after I issued a statement, kasi if you remember I issued a statement.

    Doon, nagkita kami parang he made light of the statement, parang hindi naman siya… Ano naman kami ni Presidente, we have a good working relationship.

    Ang kabutihan lang, kahit very vocal ako about certain issues, sinabi niya na naiintidihan niya and he does not take it against me.

    Q: PNR, Ma’am, Duterte approved-

    VP LENI: Oo, nandoon ako. Iyon iyong sinasabi kong NEDA board meeting, na in-approve iyong PNR. Nandoon si Gov. Bichara, in-approve doon at pareho ang aming concern kasi 170B approved na size ng tracks pareho pa din, pero ang explanation ng Department of Transportion at ng NEDA, pa-approve na natin ito na from narrow gage gagawin na siyang standard.

    Kasi sinasabi ko na parang dalang-dala na tayo sa narrow-gage, ilan na iyong nagsubok, ilang pera na ng government ang nilagay diyan only for it to break down again at some point in time.

    Pero mayroon tayong assurance kaya sabi ni Sec. Tugade noong meeting, pag ginawa itong narrow-gage most probably 200B iyong proyekto.

    Actually iyon iyong single largest na proyekto na in-approve namin noong NEDA board meeting. Kabutihan ito kasi isa sa Asst. Sec. ni Sec. Tugade, si Cesar Chavez, na isang Bicolano.

    Nag-usap na din kami, hiniling ko sa kanya na sabi ko, ASec. Cesar, tutukan na natin ito, kasi chance na natin ito na pareho tayo nandito. At marami naman tutulong, si Cong. Gabby sa House, iyong dati kong bill, ni-refile nila.

    Ano ito, may recognition ng need. If you recall, na-approve na siya noong last administration pero na-approve siya patapos na kaya kailangan siyang ipa-reapprove for 2017.

    Q: ISFs along the rails of PNR…

    VP LENI: Nag-meeting na kami, nag-report na sa akin si USec Angel kasi siya um-attend ng meeting for us, gagamitin natin ang mass housing sa tabi ng riles kasi napakahirap na tanggalin sila kasi babalik sila eh.

    Kasi nililipat sila sa isang lugar na wala namang access sa hanap buhay. Ngayon gusto natin i-survey, gagawan ng mass housing, by the riles.

    Q: Thank you!

    Posted in Transcripts on Nov 26, 2016