This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Omasenso sa Kabuhayan Farm Visit and Turnover of Assistance for Farmers

    Omasenso sa Kabuhayan Farm Visit and Turnover of Assistance for Farmers

    Ocampo, Camarines Sur

    ABS-CBN NEWS: Si purpose na lang po kan pagbisita ta digdi? Tagalog, Ma’am.

    VP LENI: Ah, Tagalog… Nandito po ngayon sa Brgy. Villaflorida sa bayan ng Ocampo, na actually nasa taas na siya ng Mt. Isarog, para sa turnover ng financial assistance galing sa aming opisina, dahil mayroon tayo ditong 11 na farmer groups na nabuo dito sa Ocampo sa ilalim ng ating Omasenso sa Kabuhayan program. Iyong financial assistance na ito is meant to help iyong mga pangangailangan ng mga farmers. Ito, basically, mga vegetable farmers na tine-training natin at nili-link natin sa markets. Mayroon na tayong mga institutional buyers na nag-commit na bibili ng produkto nila, pero kulang pa talaga sila sa gamit, kulang pa sa kaalaman, so iyon iyong ipo-provide ng aming office para later on tinutulungan na silang sila iyong maging negosyante, magbenta ng kanilang mga produkto, kasi for a very long time, iyong mga farmers parang lumalabas, parang mga farm laborers, kasi binibili ng mga negosyante iyong mga gulay nila nang napakamura, pero ibinebenta nang mahal. So ngayon, tinuturuan na natin sila paano ba na hindi na sila mangangailangan ng mga middlemen; sila na mismo iyong tuturuan natin, i-e-equip natin ng skills para sila na iyong nagne-negotiate with the institutional buyers.

    OVP: Next po, Ma’am, si Sir Mike from GMA.

    GMA NEWS: Ma’am, three years sa office ninyo, nangalahati na tayo sa term ninyo. Ano pa po ang nais nating gawin? How do you assess yourself, performance? Marami pa po ba tayong dapat gawin? Do you think it’s a short time? Ano pa po ang mga nais nating gawin?

    VP LENI: Sobrang dami pa ng… sobrang dami pa ng kailangang gawin. Sobrang dami pa ng mga communities na kailangang tulungan. Sobrang kulang ng panahon, kulang na kulang iyong resources. Kulang din iyong mandato namin. Pero kami naman, for the past three years, nagtrabaho kami despite the limitations. Tingin ko pagdating sa pag-maximize ng opportunities, nagawa namin iyon. Pero sa lawak kasi saka sa dami ng tutulungan at sa enormity noong problema talaga noong mga pinakamahihirap na communities. Parang siyempre parati naming ninanais na sana mas malaki iyong mandato mo, sana mas madami kang resources. Kasi kahit ito, gaya ng sa farmers, sa kaunti na tulong, nata-transform talaga iyong buhay nila. So iyong sa akin lang, less than three years iyong naiiwan sa amin, para kaming naghahabol—naghahabol na at least pagdating sa finish line, mas marami kaming… mas marami kaming buhay na nabago.

    OVP: Last question, Ma’am, from Kevin Alba, Bombo Radyo.

    BOMBO RADYO: Vice, may proposal itong si Cong. Siao na sana daw lahat ng mga government officials ay mag-commute para makita nila kung mayroon ba talagang problema, o kung mayroon ba talagang crisis sa transportasyon. Ano pong masasabi niyo doon?

    VP LENI: Maganda iyong ideya, kasi parati naman nating sinasabi na it is only when ini-immerse natin iyong sarili natin sa pang-araw-araw na buhay ng mga kababayan natin, na nade-develop natin iyong empathy—nararamdaman natin iyong pinagdadaanan nila araw-araw. Kapag napagdaanan kasi natin iyon, iyong sense of urgency na may gawin tayo as public officials, nandiyan. So talagang nakakatulong na dapat hindi high horse, hindi iyong sense of entitlement. Kaya nga ako, na-e-eskandalo ako kapag nasa highway na may mga public officials pang may mga nanghahawi at may mga wang-wang. Na kayo nga, nasa sasakyan na kayo, kinakailangan niyo pa bang may mga hagad? Kinakailangan niyo pa bang iparamdam sa tao na “kami importante, kayo hindi”?

    Pero tingin ko kapag naramdaman nila na ganito pala iyong pinagdadaanan—hindi lang one time, pero regular thing—talagang mararamdaman nila na dapat talaga silang may gawin. Dapat talaga kaming may gawin dahil ito iyong pang-araw-araw na buhay ng mga kababayan natin. Sa opisina lang namin, halimbawa, mayroon kaming mga staff na umuuwi sa Cavite araw-araw. Iyong kuwento nila, talagang alas-tres ng umaga, gising na sila para mahabol nila iyong shuttle bus. Mayroon na iyong shuttle bus, ha, na pino-provide ng opisina namin. Ang shuttle bus kinakailangan umalis sa Cavite ng 4:30 [ng umaga] para maiwasan iyong traffic. Alas-sais, o a little past six, nasa opisina na sila. Dahil maaga din silang nag-i-start, maaga din sila nakakauwi. Pero nakakarating sila sa bahay nila, 8, 9 o’clock ng gabi. ‘Di ba, anong klaseng quality of life iyong araw-araw na pinagdadaanan ng mga ordinaryong mga mamamayan?

    Ako, agree ako na hindi lang one time, hindi lang para ma-experience, pero dapat on a regular basis, nararamdaman [ng mga government officials] iyong kahirapan.

    BOMBO RADYO: Vice, follow-up lang: naramdaman ba natin iyong sincerity ni Sec. Panelo noong nag-commute siya?

    VP LENI: Siguro naman… siguro naman sincere si Sec. Panelo. Tingin ko imposibleng hindi mo maramdaman iyong hirap kung pinagdaanan mo. Pero iyong parati lang natin sinasabi, na siguro masuwerte iyong iba, na hindi mo iyon araw-araw ginagawa. Pero ano pa kaya iyong— Kasi iyong kaniya yata, if I am not mistaken, more than three hours iyong biyahe niya. One time lang iyon. Paano na iyong mga kababayan natin na araw-araw kailangan pagdaanan iyon? Tingin ko naman, dahil sa kaniyang experience, siguro naman naramdaman niya iyong urgency. Iyong pagsabi na walang krisis ay baka naman mabago iyong statement na iyon.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat sa inyo!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 16, 2019