This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni in Naga

    11 February 2017

    Q: Ma’am Leni iyong sa earthquake po ngayon sa Surigao, any message po tungkol doon? VP Leni: Kausap na ng Office namin si Governor Sol Matugas, may kinakausap din tayong mayors, kinukumusta natin. Ang report nila safe naman sila, pero may apat na namatay tapos about a hundred na injured. May mga tao sa evacuation centers. Noong papunta kami rito, nag-mimeeting iyong NDRMMC. We expect to get more updates from them. Maghihintay tayo. Iyong Opisina namin pinahanda na natin just in case may mga tulong na kailangan. Pinagdadasal na natin na wala na itong aftershocks. Kasi iyong reports talaga, maraming nasirang mga buildings, iyong airport, hindi maka-lang ang mga eruplano kasi nasira iyong runway. Iyong nearest airport na puwedeng magamit ay Butuan which is 3 hours away. May mga bridges na nasira, mga establishments na nasira. So ngayon, naghihintay pa tayo ng reports on the ground.

    Q: Any plan po na pumunta roon? VP Leni: Nagpaplano ako either Tuesday or Wednesday sana. Pero maghihintay tayo ng updates from Governor Sol. Kung palagay natin makakatulong tayo, pupunta tayo. On Monday kasi mayroon akong event sa Kalinga at saka sa Apayao na separate. Naghihintay lang kami ng confirmation pero siguro Tuesday.

    Q: Local issue, Madame. Iyong mga regional offices to transfer to Legazpi. VP Leni: Ako pinag-usapan namin iyan ni Mayor John kahapon. Baka magsusulat din ako na ii-oppose ito. Kasi iyong concentration ng lahat ng opisina sa Legazpi, hindi rin siya sang-ayon sa direksyon ng gobyerno since 1986 na i-decentralize talaga. Ayaw natin na na-concentrate lang sa isang lugar iyong lahat ng opisina kasi ito rin iyong nag-spu-spur ng development. Unang-una, mayroon nang pagtingin dito sa mga probinsya natin na masyadong concentrated sa Legazpi. Iyong sa atin nga hindi lang ma-retain dito sa Naga iyong iba, pero iyong sa ibang probinsya, mabigyan ng pagkakataon na may mga opisina sa kanila. Kasi ito rin ang mag-de-decentralize, mag-iinvite ng mga parang spurs of growth sa region. Kaya formally, susulat tayo na i-ooppose ito.

    Q: Iyong sa local peace talks. VP Leni: Ako parati namang lahat ng usaping pangkapayapaan ay pabor tayo. Nalulungkot tayo na may withdrawal ng ceasefire. Palagay natin, important step ito ng gobyerno na mag-e-engage na lahat ng partido na mahalaga sa mag-pupush ng kapayapaan sa atin. Iyong sa akin lang, kahit may ganitong setback, sana hindi masarado iyong pintuan ng gobyerno at iba’t ibang grupo na magpatuloy pa rin maghanap ng paraan para isulong ang peace talks.

    Q: Sa DOE naman po, iyong hydro-renewable project sa Mt. Isarog at iyong isa naman po, protected area ang Mt. Isarog, po bawal daw po ang NHA doon. VP Leni: Ako last week, sumulat ako, nagpadala ako ng formal letter kay Secretary Gina Lopez sa DENR na tinatatanong ito. Para siyang letter of complaint, at the same time, letter of inquiry kung ano talaga ang nangyayari. Kasi ngayon hindi pa klaro kung ano iyong mga bagay. Kasi ang pagkaintindi ko, iyong pinapakitang permit noong nag-bu-build ng hydro is a 2009 permit. Balita ko rin ay iyong permit na iyon, iyong ECC niya ay may validity for five years. Kung totoo iyon, dapat sana nag-lapse na siya. Baka may iba nang parameters. Pero maghihintay tayo ng reply from DENR. Iyong sa akin lang, noong last akong umuwi may isa rin akong issue. Iyong sa Calabanga, mayroon doon na communities na for the first time, binaha na sila. At mukhang iyong salarin sa baha, mayroon doong bundok, ito sa Brgy. Sigobo, mayroon doong bundok na paubos na dahil sa quarry. Na-cancel ang flight namin sa Pili Airport, dumiretso kami ng Legazpi, pagdating namin sa Bao, mayroon ding dalawang hills na natapyas na rin sa quarry. Ito rin iyong isang point of inquiry. Hindi ko pa napapadala iyong formal letter kasi kinukumpleto natin iyong information. Pero tingin ko isa itong bagay na sagutin. Parang hindi natin pinapangalagaan ang kung anong nandito sa atin in the name of negosyo. Sa atin lang, kailangang harapin ito. Kaya iyong sulat natin sa DENR asking to explain. Kaya siguro dapat iyong local government units na may restrictions din doon sa kanya-kanyang, halimbawa sa Calabanga, tinanong natin iyong barangay captain, sabi nila walang permit iyon. Walang permit na hiningi sa barangay so ang tanong natin kung may hininging permit sa munisipyo the same with Bao. Iyong sa mini-hydro ang alam ko part siya ng Goa. Until na hindi natin makuha iyong kasagutan, parang magbigay ng comment kaya sana masagot din tayo sa lalong madaling panahon.

    Posted in Transcripts on Feb 10, 2017