This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni in Marawi State University

    Meetings with Ernst & Young Scholars and Ahon Laylayan Koalisyon – Lanao del Sur Women Sector

    Marawi State University, Marawi City

    OVP: Ma’am, first question po from Radyo Pilipinas po.

    REPORTER 1: Ma’am, live po tayo ngayon sa Radyo Pilipinas – Marawi. Unang una po, Ma’am, why we are here now at ano pong dala nating magandang balita sa mga IDPs sa Marawi City?

    VP LENI: Ano naman po, I’m here on a very regular basis, iba-ibang dahilan. Itong particular visit na ito, pagdating ko kaninang umaga, dumiretso ako sa Angat Buhay Village sa Area 7 sa Barangay Sangonsongan, kasi mayroon kaming dinala na mga tulong from partners. Iyong pinakaunang tulong, mga IKEA home furnishings. Ito ay nakuha natin because of the Embassy of Sweden, dahil iyong huli nating pagbisita sa Area 7, iyong ating Angat Buhay Village, marami pa iyong mga nangangailangan ng gamit pambahay. So 2 tons worth of home furnishings ito. Partner natin iyong AirAsia kasi tinransport nila iyon [nang] libre, saka iyong RAF International Forwarding Services, na tinulungan tayong mag-transport. Iyon iyong una.

    Pangalawa, nagdala din tayo ng livelihood assistance sa dalawang grupo ng mga kababaihan. Iyong isa, iyong Barangay Dayawan Weavers Association. Iyong pangalawa iyong dressmaking cooperative sa Barangay Sagonsongan. Iyong tulong naman galing sa Rotary Club of San Juan del Monte. Iyon iyong first na lakad.

    Iyong second na lakad, dito sa MSU. Mayroon kasi tayong program with Ernst & Young. Iyong Ernst & Young iyong one of the biggest accounting firms all over the world. Nagkaroon tayo ng 17 scholars from MSU noong August. Iyong 17 scholars, dinala natin sila sa Ernst & Young sa Manila, nag-internship sila doon with allowances, libre lahat pati tirahan. Ngayon, tapos na iyong internship, may commitment ang Ernst & Young na kapag na-comply na nila iyong requirements, o-offer-an sila ng trabaho. Tapos we’re expanding the partnership to include not just the students of accounting, pero iyong mga students from the other departments also. So kasali doon iyong IT, kasali iyong HR, kasali iyong admin.

    Ito, itong meeting with the women sector, ito iyong patuloy na paghanap natin ng solusyon kung paano natin effectively masusulong iyong advocacies ng women sector dito sa Marawi. Iyong sa akin lang— Nag-organize tayo ng Ahon Laylayan Koalisyon last April. Ito iyong mga kababaihan doon sa Ahon Laylayan Koalisyon. Ito iyong commitment ng opisina namin na tumulong mag-strengthen ng organization, kasi tingin natin na it is in that strength na papakinggan tayo at magkakaroon tayo ng espasyo dito sa binubuong BARMM government. So hopefully everything will go well.

    After this, mayroon tayong meeting sa City Hall. Pagkatapos ng meeting sa City Hall, mayroong groundbreaking sa isang barangay for the construction of a school building para sa mga early education students.

    REPORTER 1: Okay, Ma’am. Ma’am, isa po, follow-up lang po: Nasabi po kanina iyong about sa scholarships sa Ernst & Young. Mayroon bang chance iyong mga estudyante na mag-aral from private schools and other schools in Marawi City, na maging bahagi sila sa scholarship na iyan?

    VP LENI: Ang partnership po kasi as of now is with MSU. So siguro in the coming months, we can explore partnerships with other schools. Pero ito kasi, iyong partnership is between Ernst & Young and MSU—kami lang iyong nag-bridge noong partnership. Pero we can suggest na siguro kapag ano na, kapag nakabuwelo na, ibukas na din para sa ibang paaralan.

    REPORTER 1: Thank you, Ma’am.

    VP LENI: Thank you.

    REPORTER 2: Ma’am, follow-up: Ma’am, magkano po iyong amount doon sa goods na binibigay natin doon sa Sagonsongan, both from IKEA and from ano?

    VP LENI: Actually, hindi namin tinanong iyong amount. Hindi namin tinanong iyong amount kasi iyong donation talaga was in the form of goods. Madalas naman ganiyan. Hindi kami tumatanggap ng cash donations. Kung mayroong cash donations, naghahanap kami ng private partner. Halimbawa, iyong village, iyong Angat Buhay Village, ano iyon, 7.5 million [pesos] na cash donation, pero ginawa naming partner iyong Xavier University, para iyong Xavier University iyong tumanggap noong donation tapos gumawa ng social preparation on the ground. Mas gusto namin na goods iyong pinapadala para hindi din magkaproblema iyong opisina; ayaw namin ma-involve unduly sa either misappropriation—misappreciation noong pagbigay. Pero ito, 2 tons worth of house furnishings ito. Nandoon na ngayon; as we speak dini-distribute na. Iyong sa San Juan del Monte, the same, ito ay mga tela saka mga gamit pantahi para doon sa dalawang organisasyon.

    REPORTER 2: But the number of households, Ma’am?

    VP LENI: Iyong number of households is 72, as of now. Seventy-two para doon sa IKEA. Doon sa… ano ito… sa San Juan, sa Rotary Club, dalawang organisasyon.

    OVP: Next po from Inquirer.

    REPORTER 3: Ma’am, good morning.

    VP LENI: Good morning.

    REPORTER 3: Ma’am, may desisyon na ang Malacañang that martial law in Mindanao will be lifted as early siguro by end of December. And dito sa Marawi, may itatayo na second military camp, I guess, as approved na rin. Would you like to have a reaction?

    VP LENI: Iyong sa akin, as far as iyong martial law is concerned, tingin ko iyon iyong area na military iyong magme-make ng recommendations, kasi marami silang information na hindi naman accessible para sa atin. Marahil iyong recommendation nakabase sa information na nandiyan sa kanila. Kasi it’s the same process na iyong idedeklara pa lang iyong martial law, ganoon din, wala tayong access sa information kung bakit kailangan ideklara. So in the same manner na iyong desisyon ng pag-end ng martial law, marahil mayroon silang access sa information na hindi na kailangan. Alam ko iyong sentiments ng iba, na gusto—ang iba gusto nila ipagpatuloy dahil iyong pakiramdam mas… ano ito… mas protected. Pero iyong sa akin kasi, it’s not for me to decide, eh. Tingin ko iyong desisyon ng Pangulo, nakabase din sa kung anong information na available.

    REPORTER 3: If you may comment, Ma’am, assuming na tomorrow lifted na ang martial law, ano suggestion mo to Malacañang na while martial law will be lifted pero secure pa rin ang civilian communities, lalo na dito sa Marawi at Lanao del Sur?

    VP LENI: Ako, sa akin kasi, iyong security is not just the function of the military and the government alone. Kailangan talaga iyong strong participation of the private sector. Kasi iyong tingin natin, iyong relationship ng private sector with the military and the government, iyon iyong makakasiguro na ma-secure iyong ating lugar. Kasi halimbawa, iyong information kadalasan nakukuha iyong ng militar sa private sector.

    Iyong sa akin, naramdaman na natin iyong effects noong giyera, at responsibility ng bawat isa na kung mayroon siyang nalalaman, sisiguraduhin na nakakaabot siya sa mga awtoridad, para nagagawan ng masusing preparation. Ito, iyong sa akin, iyong security is as much the responsibility of everyone as it is the responsibility of government and the military. Pero of course iyong sa atin, parati nating hinihiling na parating… parating hindi kampante.

    REPORTER 3: Ma’am, mag-push through iyong military camp, second military camp will be—

    VP LENI: Ako, hindi ko kasi alam iyong detalye noong second military camp, so hindi muna ako magko-comment kasi— Approved na ba iyon?

    REPORTER 3: Approved na.

    VP LENI: Hindi ko pa— Aalamin ko muna iyong detalye.

    OVP: Next po, Ma’am.

    REPORTER 4: Ma’am, reaction lang po doon sa water concessionaires na pinagbabayad ang gobyerno ng 7 billion?

    VP LENI: Parang ngayon hindi na ganoon, kasi iyong mga water concessionaires nagbigay na ng statement na hindi na sila sisingil. So hindi na— Kung hindi na sila sisingil, that is to the benefit of the public, kasi ganoon naman eh: iyong pera ng gobyerno, pera iyong ng taumbayan. Kaya it is to our advantage kapag hindi na singilin; wala nang— Kasi nag-start lang naman ito because of the decision of the arbitration body na magbayad. Pero nanggaling na sa kanila, despite the decision of the arbitral body, na hindi na sila sisingil. So ano iyon, advantage for all of us.

    REPORTER 4: Pangalawa, Ma’am, ano daw iyong na-discover mo doon sa drug czar na 18 days?

    VP LENI: Magkakaroon ako ng press briefing on Monday. Hindi ko na papangunahan. Magkakaroon ako ng press briefing on Monday. Pero ang sinasabi ko lang, na there is nothing to be afraid of, kasi ang recommendations naman, parating ang dahilan niyan kung paano pagbubutihin iyong nangyayari ngayon. Walang kailangang maging defensive, kasi dapat bukas tayo sa mga suggestions. Kasi iyong suggestions naman, iyon iyong nakakabigay-daan para mas mapabuti iyong ginagawa. So hindi dapat pag-awayan, kasi the mere fact na binigyan ako ng 18 days, ang ma-a-assure ko lang, na hindi ko sinayang iyong 18 days na iyon.

    OVP: Okay po? Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Okay, salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 11, 2019