This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the “Kababaihan sa Banwaan, Padangaton” Joint Women’s Month Celebration

    “Kababaihan sa Banwaan, Padangaton” Joint Women’s Month Celebration

    Tigaon, Camarines Sur

    UNTV: Ma’am, reaksyon po sa naging desisyon ng Pangulo na iurong ang peace talks sa NDF? Anong masasabi niyo? Sang-ayon po kayo sa naging desisyon niya, Ma’am?

    VP LENI: Ako kasi, parang mahirap magsabi kung sang-ayon o hindi kasi wala ako sa lugar para… parang, wala ako sa lugar para… wala sa akin iyong lahat na information. Sa akin, parati akong dapat hindi tayo humihinto sa paghahanap ng paraan para magkaisa tayo lahat. Mahirap mag-comment doon sa sinabi ni Pangulo kasi hindi ko alam kung ano iyong motivation bakit nasabi niya iyon, pero whatever the motivation is, sana hindi tayo nagsasawang maghanap ng paraan para maghanap ng kapayapaan para sa ating bansa.

    UNTV: Ma’am, how about doon sa kasong ipinasa ni Rosales (sic) tungkol sa ICC, Ma’am? What will be your reaction about that?

    VP LENI: Ako, actually, natuwa ako noong nakita ko iyong ginawa, kasi parang dumating kasi tayo sa punto na parang nawawalan tayo ng pag-asa—sinasakop tayo nang sinasakop, tapos nawawalan tayo ng pag-asa, na wala tayong magagawa. At least ito, mayroong mga naglakas ng loob na i-bring to the attention of authorities iyong pagsabi na mali na ba talaga iyong ginagawa o hindi. Kasi, ‘di ba, nanalo na tayo ng kaso sa Arbitration Tribunal, tapos mayroon tayong general feeling na walang nangyari doon sa kaso. Itong ginawang ito, parang dinugtungan ulit iyong pag-asa sa ating mga puso, na mayroon pa naman pala tayong lakas na labanan iyong isang malaking entity kagaya ng China. Kaya iyong sa atin lang, nagpapasalamat din tayo kay Secretary Del Rosario saka siyempre kay Ombudsman Carpio Morales, sa pagbibigay ng ganoong pag-asa sa ating lahat.

    UNTV: Ma’am, nagkita kayo ni Pangulo kahapon. Ano pong masasabi niyo? Anong pinag-usapan niyo?

    VP LENI: Parati namang very cordial. Parati namang very cordial iyong pagkikita namin. Parang wala pa naman akong naalala na instance na hindi naging cordial iyong conversation.

    ABS-CBN: Vice, iyong sa recent survey po, iyong performance or masasabi nating position ng Otso Diretso, nasa baba po. Ano pong reaksyon natin dito?

    VP LENI: Actually, nag-improve kami. Actually, malaki iyong improvement, kasi noong nag-umpisa kami, talagang kulelat iyong anim dahil hindi pa mga kilala. Ngayon, kahit wala pa iyong anim sa, parang, winning streak, mayroong… dramatic na iyong itinaas. Kasi nag-umpisa kami na mga dalawa o tatlo, halos zero iyong awareness sa kanila. Ngayon, tumaas na. Iyong very encouraging lang, kasi nakita sa figures na mataas iyong conversion—mahina iyong awareness, mataas iyong conversion—so, parang, hopeful naman kami na mayroon pa tayong mga less than 60 days para maghabol. Sana iyong nangyari sa akin, ganoon din iyong mangyari sa kanila, na iyong natitirang kaunting oras, nahabol naman. Sa amin, instead na ma-discourage, mas lalo kaming na-encourage sa numbers.

    ABS-CBN: But do you agree with Sir Alejano’s statement po na nagkakaroon ng mind-conditioning iyong pagre-release ng ganoong surveys?

    VP LENI: Parati naman. Parati namang may epekto iyong surveys. Parating may epekto ang surveys, kasi during the last few elections, nakikita natin na parang may tendency na mag-bandwagon effect. Pero sa akin kasi, hindi naman nangyari iyon. Iyong sa akin kasi, kulelat din ako sa surveys. Naalala ko—nakita ko nga sa Facebook—siguro at about the same time last year, pang-apat pa ako o pangatlo. Tapos nahabol naman. At about this time last year, parang iyong approval rating ko, mga 20 percent. So nahabol naman. So ako, hopeful pa din ako na may pag-asa pa.

    ABS-CBN: Vice President, your message ngayon pong Women’s Month?

    VP LENI: Iyong sa akin, magandang sine-celebrate iyong Women’s Month kasi pagpapaalala ito ng kalakasan ng bawat babae. Lalong lalo na itong event na ito, na mayroong mga lalaki. Parang pinapakita na iyong mga lalaki, supportive sa mga causes na pinapakipaglaban ng mga kababaihan. Pangalawa, na hindi naman kailangang nagko-compete iyong babae saka lalaki; dapat nagko-complement sila with each other. Pero okay iyong sinabi kanina ni Mayor, kasi iyong emphasis nila iyong livelihood. Ako, ever since iyon iyong pinapakipaglaban ko, na para magkaroon tayo ng real empowerment, iyong economic empowerment ng mga kababaihan, napaka-importante. So iyon siguro iyong pinaka-mensahe ko, na iyong sa pagnanais na tulungan iyong babae na maitaas iyong kanilang antas, kaming mga public officials, dapat aware na to a very large extent, iyong mga ginagawa namin na policies saka mga activities, iyon iyong makakabigay ng buhay sa mga kababaihan, para ma-achieve nila iyong kanilang mga pangarap.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat, salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Mar 22, 2019