This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at Compostela Valley

    6 December 2016

    Q: Nasabi ninyo po kanina Ma’am na imumungkahi ninyo sa NHA iyong tubig at ang kuryente. Paano po natin siya mamomonitorin pagkatapos, kung totoo ba talaga na mangyayari at itutupad ito, Ma’am?VP Leni: Kasi, alam ninyo, nasa batas ito eh. Nasa batas na bawal mag-relocate kung hindi pa maayos and tubig at kuryente.Pero it seems na over the years, ano siya eh, iyong kanyang parang pag-comply diyan sa requirement na iyon, basta mayroon koneksyon, okay na iyon sa kanya, kahit hindi pa hanggang bahay, kahit kulang pa ang supply ng tubig.Kaya ang pag board meeting namin sa NHA, sinabi ko, ibahin na namin ang lahat na parameters. Ibahin natin. Pag sinabing mayroong tubig, mayroong kuryente, siguraduhin natin na level three, hanggang sa bahay na talaga.

    Kasi ang ganito, kanya-kanyang pakabit, pag kanya-kanyang pakabit parang may diskriminasyon eh. Kasi may mga housing projects akong napuntahan, magkakatabi silang bahay, iyong iba may kuryente, ang iba wala, parang hindi siya maganda.

    Kaya ang aking mungkahi, isali na lang sa cost ng bahay, ang cost ng pagkakakabit ng kuryente at tubig.

    Q: Doon po sa maraming dapat gawin, may paghinayang po ba na, doon sa resignation ninyo po?

    VP Leni: Oo, malaki. Actually, malaki ang paghihinayang.

    Parang, ang description ko, para akong nanganak, na iniwan ko kaagad iyong aking anak.

    Pero hindi naman kasi, sana, hindi din ako pagbawalan tumulong pa din, kahit hindi na ako ang head, kahit iyong pagtulong ang pagbigay lang ng suggestions.

    Napakalaking bagay kasi, iyong five months kasi, ginugol ko talaga sa pag-inspect, sa pag-aral, at ang dami nating nakitang room for improvement.

    Pinag-usapan naman ito during the board meetings with shelter agencies.

    Kaya ang pakiusap lang natin is, siguro, one of these days, makikipagmeet din tayo kay CabSec Jun Evasco.

    Sinabihan ko na ang opisina na bumigay ng terminal report, para ang lahat ng mungkahi namin maipasa din namin.

    Q: Ma’am kailan na ang visit ninyo?

    VP Leni: Wala pa siyang naseschedule, pero pinakiusapan ko ang office na kung puwedeng i-request na bukas, pagdating.

    Para ano naman, para makapag-umpisa na din, kasi parang hindi din ma-aafford ng housing sector na matagal ang bakante.

    Pero ang pakiusap ko lang, sana tutukan. Parang hindi siya pwedeng just one of the duties kasi full time ito eh.

    Ako nga, iyong may OVP saka ang may housing, hirap pa din ako, mga 2-3 days a week nasa housing ako.

    Pero sana matutukan. Kasi andaming puwedeng gawin, andaming problema, pero pag binigyan siya ng focus, walang imposible.

    Q: Ma’am can we get your reaction lang po doon sa statement ni Senator Bongbong Marcos yesterday saying that kayo daw po yung nagnakaw ng Vice Presidency and that you thwarted daw the will of the people?

    VP Leni: Parang between the two of us, ewan ko, between the two of us kung sino ang may mas may history ng pagnanakaw. Hindi yata ako.

    Q: Madame VP, ito pong pagbiyahe ninyo ngayon na we presume na maaaring masundan pa, are you prepared na sa pag-position bilang constructive opposition, ay maaaring mag-spill ang effect nito sa mga supporters ninyo?

    VP Leni: I think I was very clear about this also yesterday, na sa akin, ang pag-oopposition kasi, mas mabuting mag-oppose doon sa mga bagay na, palagay natin, hindi maganda.

    Pero ang mga bagay naman na maaayos, I think still deserves our support.

    Kasi pag kahit kasi ang maaayos, kontrahin namin, sarili na lang namin ang iniisip noon eh, hindi na ang bayan.

    Eh ang sa akin lang, e-encourage ko pa din. Hindi pa kami nakakapag-meet as a party, pero kung nag-meet kami, iyon din ang mensahe ko para sa kanila.

    Na mas mabuti, doon sa mga bagay na tingin namin hindi maganda, palakasin namin lalo ang aming boses.

    Pero doon sa mga bagay naman na, tingin namin, makakabuti naman, huwag na kaming humadlang.

    Bagkus suportahan pa iyon. Kasi iyon nga, pag lahat na lang namin kinokontra, tingin ko hindi na iyon para sa bayan.

    Q: Sec. Abella says the President feels uncomfortable. Pero he was explaining last night, hindi naman kayo pinaaalis sa Gabinete, hindi lang kayo pina-aattend.

    VP Leni: Ang sa akin kasi, kahit hindi ako paalisin sa Gabinete, kung ako kasi ang Housing secretary, I have to have the full trust and confidence of the President.Mahirap ang pinagdududahan ako. Mahirap din na hindi ako papadaluhin sa mga Cabinet meetings. Kasi ang Cabinet meetings iyon ang opportunity namin na i-discuss ang mga polisiya ng gobyerno at convergence ng efforts ng mga agencies.

    Lalo na ang Housing. Kami as an agency cannot stand on our own.

    Kaya nga sinasabi ko napaka defective ng structure. Kailangan namin ng tulong ng iba’t ibang ahensya. Specifically DENR, DA, DAR, DILG, sa tubig at kuryente.

    Parang hindi kami bibigyan ng pagkakataon maki-engage sa ganoon, mahihirapan. Parang dahil gusto ko lang mag-stay, isinasakripisyo ko ang buong sektor.

    Hindi naman iyon tama. Gusto kong mag-stay, ayaw ko sana itong iwan kasi ito iyong napamahal na sa iyo. Sabi ko nga parang anak na iniluwal.

    Pero parang ipinilit ko naman ang aking presensya sa isang atmosphere na ganito, iyong sinasakripisyo ko na ang sektor.

    Q: Sec. Abella na hindi komportable si President sa pag-engage ninyo in some political action.

    VP Leni: Hindi ko alam kung anong political action iyan. Sa aking pagkakaalam, wala pa naman akong political action na dinadaluhan.

    Ang Liberal Party has not met yet as a Party. Mayroong mga small groups na mga socials, pero as a Party to discuss policies hindi ko alam kung ano iyang nire-refer niyang political action.

    Q: For the record, sumali po ba kayo doon sa any of the actions sa paglilibing kay dating President Marcos.

    VP Leni: Hindi ako sumali doon. Ang dinaluhan ko lang iyong okasyon sa Bantayog ng mga Bayani and hindi iyon aksyon laban sa administrasyon.

    Actually nandoon ako kasi inimbihatan ako ng pamilya ni Letty Jimenez-Magsanoc kasi isa siya doon sa mga ino-honor.

    Tapos kami ni Senator Kiko nag-decide kami na magkita doon kasi isa din sa mga ino-honor si Jovito Salonga na siya ang Chairman Emeritus ng Liberal Party.

    So nandoon kami para makiisa. Makiisa sa mga pamilya noong iba sa mga pinapangaralan. I don’t think it was a political action.

    Q: May ginamit na word iyong ipokrita, any reaction po?

    VP Leni: Hindi ko na sila papatulan. Tingin ko ang tao naman alam kung sino ang mas papaniwalaan, ako o sila.

    Q: Sa sabi po ni President Duterte na ang mga oposisyon maghintay na lang sa 2017, reaction po?

    VP Leni: 2017? Hindi ko alam kung ano ang gustong sabihin. Baka siya ang tanungin natin kung ano ang gusto niyang sabihin.

    Q: Standing against the return of another dictator. Speaker Alvarez said you are behind the oust Duterte plot.

    VP Leni: Wala namang ganoon. Sa tingin ko sa lahat ng nakakakilala sa akin, halimbawa iyong partido nga namin, mayroon akong reluctance to take on the leadership.

    Tingin ko, wala akong ganoong political skill.

    Ang alam ko iyong mga mass actions ngayon, expression ng outrage doon sa klase ng paglilibing na ginawa ng pamilya Marcos.

    Hindi naman iyon oust Duterte movement.

    Ako siguro kung wala ako sa Gabinete ni Pangulong Duterte, gusto ko ding lumahok sa mga mass actions na nagpapakita ng outrage sa pamilya Marcos.

    Pero hindi ko nga iyon ginawa dahil nasa Gabinete ako ng ating Pangulo.

    Posted in Transcripts on Dec 06, 2016