This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni in Brgy. Culiat, Quezon City

    Visit to Brgy. Culiat, Quezon City

    ABS-CBN: Ma’am, kumusta iyong drug situation dito sa barangay, and iyong meeting niyo na rin po?

    VP LENI: Ito, sinadya namin na bisitahin ito, kasi nabalitaan namin iyong very dramatic iyong transformation ng barangay. Kilalang kilala iyong Barangay Culiat before na sobra talaga iyong drug affectation. In fact, nakilala siya na hindi napapasok ng authorities kasi talagang grabe. Pero pinakita kasi both ng city saka ng barangay kung ano iyong ginawa nila para ma-turn around iyong sitwasyon nang walang namatay. So dito, pinag-aralan natin ano iyong mga factors na nag-bring about noong success dito sa Barangay Culiat, kasi ang gusto sana natin, gawin siyang modelo doon sa mga barangay na similarly situated sa kaniya dati, pero mapakita na posible pala—posible palang ma-turn around. Ang pinaka-lesson niya talaga, ano ito, eh, iyong parating sinasabing “it takes a village”. Hindi talagang puwedeng local government lang iyong gumagalaw. Ano talaga siya— Halimbawa si Vice Mayor Gian, siya iyong head noong CADAC; talagang iyong city nagba-budget talaga siya para sa mga anti-illegal drugs program. Iyong barangay, grabe iyong ginagawa. So iyong commitment ng barangay, grabe. Tapos iyong partnership with the private sector, iyong partnership with the PNP. Iyong kabutihan dito, kasi ang claim nila wala ditong namatay kasi from step one, nag-uusap na kaagad iyong city, iyong PNP, saka iyong barangay. So walang Tokhang na nangyari na walang presence iyong barangay officials. Walang bumababa sa mga bahay na hindi dumadaan sa city saka barangay officials. So iyong kagandahan ng partnership, siya talaga iyong… siya talaga iyong nakapa-turn around. At tingin ko, kaya hinihingi namin iyong tulong nila na mag-mentor, para iyong ibang mga lugar na hindi pa na-a-achieve iyong pagiging drug-free, matuto sa lessons na nangyari dito sa Culiat.

    ABS-CBN: Ano pong pinag-uusapan? Like pinag-uusapan ihinto? Ano pong example iyong binigay nila exactly?

    VP LENI: Kasi sila, mayroong— ‘Di ba gagawa ng listahan? Sa kanila, before gumawa ng listahan, magkakasama na—magkakasama na iyong barangay, magkasama na iyong city, magkasama na iyong PNP saka PDEA. Pinag-uusapan na nila iyong ano iyong— Para isa lang iyong listahan, hindi gaya ng nangyayari sa karamihan na mayroong kaniya-kaniyang listahan. Dito, from the very start, harmonized na. Pagpunta nila sa mga bahay to do the scanning, to do the interviews, magkakasama sila. So ito, ang vetting nangyayari from the ground—hindi iyong may kaniya-kaniyang listahan nagsa-submit, tapos paminsan nag-i-involve pa ng, alam mo iyon, iyong turuan na walang basis. Pero sa kanila— Ito nga tinatanong ko kay Vice Mayor Gian, paano ba ginawa ng Quezon City na malinis iyong listahan niya? Pero iyong city, nag-ano kasi talaga siya, nag-invest. Iyong Quezon City, mayroon siyang central database na mayroong biometrics, mayroong pictures pa, Vice Mayor?

    VICE MAYOR GIAN SOTTO: Yes po.

    VP LENI: Mayroong pictures na hindi nagdodoble-doble. Kapag may umaalis na, o mayroong na-rehab na, o may nag-relapse, naka-monitor lahat. Tingin ko ito iyong crucial, eh, na kaya from Day 1, talagang sobrang importance iyong binibigay natin sa data. Kasi iyong data iyong nagga-guide, eh. Iyong data iyong nagga-guide sa lahat na nagtutulong-tulong, para ituro iyong nasaan iyong problema, nasaan iyong nagiging successful. Pati iyong plea bargaining sa kanila, wala silang masyadong problema; ang court kausap ng city government. So ito, pinakita ng example ng Barangay Culiat at ng Quezon City Government na kapag iyong level ng commitment ng LGU nandoon talaga, maiiwasan iyong mga problema.

    GMA NEWS: Ma’am, nasaang stage na po kayo noong consultation niyo? And do you see it wrapping up soon and coming up with recommendations?

    VP LENI: Ako, iyong recommendations, marami nang recommendations na nakalap. Pero tingin ko kasi iyong consultations, magiging ongoing ito, eh, kasi maraming aral—maraming aral iba’t ibang lugar. Halimbawa iyong Navotas, iyong pinuntahan natin, while maraming aral na nakuha tayo from the NADAC, tinuro din nila kung saan iyong mga problem areas. So iyon din iyong natutunan natin. At kinausap ko nga iyong ibang officials ng Barangay Culiat kung puwede nilang ma-mentor din iyong Market 3 ng Navotas, kasi halos pareho iyong sitwasyon. So ito, tingin ko iyong consultations tuloy-tuloy. Gaya kahapon, nasa Bataan ako; on Monday iyong kakausapin ko din iyong rehab center sa CamSur saka sa Albay. So ano siya— Pupunta ako sa Negros Occidental. Pinapakinggan talaga iyong maraming mga examples. Kaninang umaga, nandoon iyong CADAC ng General Santos City, kasi ano sila, eh, Galing Pook awardee iyong kanilang anti-illegal drugs program. So ito, continuing na learning exercise for us, pero hindi gustong sabihin na iyong recommendations mangyayari lang sa dulo. Kasi every chance we could get na natututo tayo, meron tayong recommendations. Gaya ngayong hapon, very productive iyong hapon namin kasi ang dami naming natutunan.

    GMA NEWS: Nakailang report na po kayo sa Pangulo tungkol dito?

    VP LENI: Nakadalawa na, and before…siguro by Monday or Tuesday, pangatlo.

    RAPPLER: Ma’am, ano po iyong nakikita nating challenges in encouraging other LGUs to replicate iyong ginagawa po dito sa Culiat? We understand po not all LGUs kasi may resources like Quezon City, so ano po iyong mabibigay rin nating recommendations to answer these gaps?

    VP LENI: Ako, mahalaga kasi na naiintindihan nila na posible. Tapos mahalaga rin na nadodocument natin iyong gains saka iyong best practices. Kasi mas madali na sa ibang lugar na gawin iyong programa pag meron nang example.

    VICE MAYOR GIAN SOTTO: Saka iyong ugnayan.

    VP LENI: Iyong ugnayan, iyon ang pinakamahalaga dito sa Quezon City. Iyong ugnayan, hindi lang ng simbahan, pero iyong iba’t ibang grupo at finormalize nila, ‘di ba Vice, iyong mga ugnayan nila, meron sila lahat ng MOA with all the partners para institutionalized kung ano iyong mga terms ng ugnayan. Sobrang nakakatulong siya kasi nado-document, mayroong accountabilities, mayroong mga commitments. Tingin ko mahalaga iyon.

    RAPPLER: Ma’am in collating the data sa mga ginagawa natin, will you be adopting old policies or will you be creating new ones based on the data you gathered?

    VP LENI: Ako, maraming i-a-adopt na dati, pero marami ring babaguhin. Iyong mga maaayos, ipagpapatuloy natin. Papalitan natin o ire-rehash natin iyong iba. Halimbawa, iyong Philippine Anti-[Illegal] Drug Strategy, bago ako pumasok, mayroon na noon. Siya iyong parang overarching na framework for the anti-illegal drugs program. Pero noong pumasok ako, marami akong mga recommendations na pagbabago, at iyong DDB, instantly, talagang nag-act on our recommendations. Ngayong araw, nandoon iyong mga private groups na mayroon ring mga community based rehab programs. Nandoon sa opisina ngayon, at mayroon kaming ginagawang workshop na iko-collate namin iyong lahat ng mga aral saka mga best practices rin nila. Tapos iyong suggestion ko, ipasok sa sistema. Hindi iyong private, may kaniya-kaniyang ginagawa. Dapat pareho dito sa Quezon City na kung mayroong private groups na gustong tumulong, mas mabuti na naka-integrate siya sa gobyerno. Pumasok na lang sa mga partnerships para merong standard na sinusunod. Kasi kung kaniya-kaniya, parang iba-iba eh. So sa akin, i-pursue iyong mga tried and tested. Ito iyong parati nating sinasabi na evidence-based. Iyong mga nasubukan na, puwedeng iyon ang i-pursue. Pero hindi natin sinasaraduhan iyong pinto sa mga bagong mga initiatives. Gaya dito sa Quezon City, ang dami nang nagawa ng city, pero iyong Barangay Culiat, ang dami niyang mga initiatives na galing talaga sa barangay. At napakahusay ng pagkagawa. Pinapakita na, iyong parati nating sinasabi na ang laban sa ilegal na droga, hindi ito laban ng pulis lang. Hindi ito laban ng gobyerno lang, pero laban ito ng buong community. Pinakita iyon dito sa Barangay Culiat.

    OVP: Okay. Thank you, Madam Vice President!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 21, 2019