This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of VP Leni at BALO-I Evacuation site

    Office of the Vice President

    26 June 2017

    Al Markazie Islamic Institute, National Highway Zapacan, Balo-i, Lanao del Norte

    Q: Hi ma’am, kamusta? Ma’am, just quickly, can you tell us what you’ve observed so far to your second visit to war torn basically area of Marawi crisis? VP Leni: Dito, kahit marami iyong, marami iyong kabigatan, maayos na maayos. Ah maayos in the sense na yung kalagayan ng mga pamilya, kahit medyo congested, malinis iyong lugar. Iyong pag intervene natin so far okay naman, except for a few na mayroong mga sakit. Uhm, mayroon doon dadalhin kami ngayon sa ospital kasi apparently uhm, nag di-dialysis siya at may na-missed na siyang apat. Ah, lumaki na iyong tiyan, mayroong, mayroong diabetic, mayroong dalawang new born na dito na ipinanganak. Uhm, kausap natin iyong, iyong mga tao, steady supply naman iyong mga pagkain. Nagpapasalamat tayo sa mga volunteers kasi maayos na maayos iyong pamamalakad. Iyong mga bata kinausap natin, hindi pa sila nagaaral pero sabi natin ipapadala na natin iyong kanilang mga gamit. Kailangan as soon as possible pumasok na sila. Pero nagpapasalamat talaga tayo sa DSWD, nagpapasalamat tayo sa maraming volunteers sa, sa pag asikaso talaga dito. Si Mayor nandiyan saka iyong buong pamayanan ng munisipyo, asikasong asikaso nila iyong ating mga evacuees. Malaking tulong talaga iyon.

    Q: Ma’am, the conflict is not yet over, as you know, mga 4-5 barangays pa po yung pinaka critical areas have not yet been seen. Do you fear that, you know, we have yet to see? VP Leni: Iyon iyong, iyon, uh tayo naman lahat nagdadasal na sana matapos na agad at iyon iyong, iyon yung takot sa, na itinatanong sa atin na ine-express nga mga nandito, kelan ba matatapos. Iyong kinakamusta natin while sinasabi nilang maayos iyong kalagayan nila dito, talaga iyong dasal na makabalik na doon, uhm nag-aalala sila kasi marami daw sa mga bahay nila nasunog na, nagaalala na baka wala na silang babalikan. Kaya the soonest sanang matapos ito, iyon iyong pinaka best para sa kanilang lahat.

    Q: Ma’am you weren’t here on the first week of the siege mismo, mayroon bang nakita na kayong improvement or mayroon pa bang kulang in terms of ano po, the treatments sa mga evacuees? VP Leni: Iyong tingin natin mas, mas orderly na ngayon. Noong pag punta kasi natin, pumunta ako on a Monday. In less than a week, noong pumutok iyong kaguluhan, nun parang marami pa iyong pagkabalisa pero ngayon iyong questions nila sa akin noong una akong pumunta pareho pa rin. Kailan ito matatapos? Mayroong mga bata na nawawalay sa kanilang magulang na hindi nila alam kung nasaan iyong magulang nila. Mayroong, mayroong lalaki doon na hindi niya alam kung nasaan yung asawa niya. Iyong uncertainty siguro iyong mabigat para sa kanila.

    Q: And it’s hard for you to answer? VP Leni: Mahirap sagutin eh. Kapag kinakamusta ko, maayos ba? Sufficent ba iyong pagkain? Iyong damit nila kahit wala silang nabitbit, ah may nagbibigay, hindi nila iyon problema. Ang pinaka problema talaga, iyon iyong tanong nilang lahat sa akin, kailan ba ito matatapos? Wala tayong masagot.

    Q: Ma’am, how much longer do you expect the fighting to go on? When is the government hoping to end this? VP Leni: Siguro iyong sagot, wala sa akin. But uhm, I cannot answer for you because we really do not know. All of us are hoping that the fighting will soon end. So that the people can go back to their respective homes.

    Q: Ma’am, what do you think that the government needs to do to end this siege? VP LENI: I think the government has been doing everything that it can. We can only hope that this will end soon. Because that is the question that all the evacuees have been asking us. “When can we go back to Marawi? When can we go back to our respective homes?” It is a question that we cannot answer definitely.

    Q: Ma’am, can you tell them what the costs of setting up these evacuation centers and of rebuilding Marawi City? VP LENI: I think that question should be asked of the different government agencies.

    Q: Ma’am, your assessment of how the military is handling the situation? Not just in Marawi or Lanao del Sur, but in all of Mindanao? VP LENI: Ako, gusto kong maniwala na lahat ginagawa. Mahirap kasi ngayon na wala tayong united front. Dapat more than at any other time sa ating bansa, ngayon dapat tayong magpakita na nagkakaisa tayo. Kaya iyong lahat ng puwedeng ma-contribute ng bawat isa sa atin, dapat ibigay. At nagpapasalamat naman tayo na kahit iyong mga private citizens, marami iyong tumutulong at marami pang tulong iyong kinakailangan.

    Q: Ma’am, what do you mean by wala tayong united front? Asaan po ba iyong disunity? VP LENI: Hindi ko sinabi iyon. Ang sinabi ko, now is the time na dapat magpakita ng united front.

    Q: VP, marami pong nagsasabi kanina na nandito nga sila, walang problema sa pagkain, nandiyan naman, pero ang problema, paano sila makakapagsimula ng livelihood? Iyon po, pati kapital, problema. Ano po ang lunas? VP: Iyon, maraming programa iyong gobyerno doon. Iyong DSWD, mayroong programa doon. Iyong DTI, mayroong programa para sa livelihood nila. Pero tingin ko kasi, pinaka-question sa likod ng isip ng bawat isa, hindi talaga sila makakapag-umpisa hanggang hindi matapos iyong laban. Iyon iyong sinasabi ng halimbawa, may isang pamilya akong nakausap, ang sinasabi niya “Mayroon kaming tailoring, iyon iyong hanapbuhay namin ever since. Pero papaano kami, hindi namin alam kung mababalikan namin siya, hindi namin alam kung makakapagsimula ba kami ulit?”

    Q: I’m sorry, last question. It’s not the first time that a crisis in Mindanao has happened. We’ve seen this before, it’s also not the first time that martial law was imposed. Do you see the need to go beyond a military objective? Perhaps a political objective to solve the problem? VP LENI: Ako talaga, ang paniniwala natin, kailangan seryosohin natin iyong peace process. Iyon iyong hinihingi nila mula pa noon. At dapat maipakita natin sa kanila na seryoso tayo na naghahanap tayo ng paraan para mas permanente iyong solution na hinahanap.

    Q: We’d just like to clarify before we get confused, you’re talking about the MILF peace process, right? VP LENI: Peace process for everyone.

    Q: Peace process for everyone, right? We’re not talking about the Maute group. VP LENI: Hindi.

    Q:Paano po iyong mga families na naiwan pa rin? Na nandoon pa rin sa conflict area? VP LENI: Iyong pinakadesire ngayon, iyong mga nandoon ilabas na. Hanggang hindi pa natatapos iyong kaguluhan, walang kasiguraduhan iyong safety tsaka security nila. At iyon iyong inexpress sa atin ng mga andito na walay sa kanilang family members. Halimbawa, iyong mga bata dito, pinasulat yung greatest fears sa kanila. Marami sa kanila na iyong greatest fear nila Martial Law. Marami sa kanila na greatest fear nila iyong hindi nila makita iyong mga mahal nila sa buhay. Kaya ito iyong dapat mag-exert tayo ng more effort. Na iyong naiwan pa sa loob, sana ma-reunite na sa mga pamilya nila.

    Q: Ma’am, one more question po. [inaudible] –namatay ng dahil sa gutom VP LENI: Kasi hanggang nandoon sila walang kasiguruhan na iyong basic needs nila masasagot dahil kahit available iyong pagkain kung hindi sa kanila mahahatid-

    Q: Ma’am, have you- sa isang pag-aaral… VP LENI: Mayroon. Iyong sinabi sa akin iyong DepEd nagfund na sa mga schools sa Iligan na madagdagan para mag-set up na ng temporary learning centers. Para iyong mga bata na nasa evacuation centers, makaresume na ng pag-aaral. Mayroong mga bata dito na hindi pa nagreresume kasi wala pa silang mga gamit. Kaya iyong sinasabi ko, ipapadala namin iyong mga gamit basta mag-aral na ulit kayo kasi the longer na out of school sila, parang iyong disruption sa pang-araw-araw nilang buhay, lalo ding lumalawig.

    Q: … VP LENI: Sinong gobyerno mayroon? Pero iyong assistance na binibigay talaga sa kanila, hindi financial. Pero iyong mga basic na pangangailangan—pagkain, damit. From our office, mga upuan para sa idadagdag na mga classrooms. Iyong hinihingi nila ngayon mga school supplies, school bags. Marami iyong mga walang tsinelas. Kaya gumawa kami ng listahan ng lahat ng pangangailangan.

    Q: Ma’am, sang-ayon naman po kayo sa nagiging istilo ng administrasyon sa pag-deal with this problem of terrorism? VP LENI: Iyong sa akin nga, hindi perpekto, pero kailangan pagtulungan natin lahat. Hindi pwede na hindi tayo magtulungan. Panahon ito na magkaisa tayong lahat.

    Q: So, ma’am are you saying po na hindi na muna kontrahin and go with- VP LENI: Pagtulungan natin lahat. Iyong sa atin, lahat tayo may responsibilidad na makipagtulungan, rather than criticize tayo ng mag-criticize, magtulungan na lang tayo kasi maraming pangangailangang talagang kailangan sagutin.

    Q: Maraming salamat. Thank you very much.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jun 26, 2017