This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Angat Buhay Youth Peace Advocates Summit Awarding Ceremonies

    Angat Buhay Youth Peace Advocates Summit Awarding Ceremonies

    Gateway Tower, Quezon City

    CNN PHILIPPINES: Ma’am, gaano kaimportante iyong ganitong klaseng mga training po natin sa mga youth?

    VP LENI: Ito, panlima na natin itong Angat Buhay Youth Summit. Iba’t ibang lugar. Una, dito sa Manila. Nagkaroon sa Cagayan de Oro. Nagkaroon sa Cotabato. Tapos nagkaroon for government workers. Tapos ito, for peace. Ito kasi, iyong paniniwala namin, na kahit anong problema, kahit anong gustong gawin, mas mahahanap iyong mga solusyon na mas maganda at mas mabuti kapag mas inclusive saka mas participative iyong proseso. So ito, isang paraan para pakinggan iyong boses ng mga kabataan. Binibigyan sila ng, parang, feeling na kahit bata pa sila, mayroon na silang maiko-contribute sa paghanap ng solusyon, sa finding peace. Nakita natin iyan sa klase ng mga projects na pinitch nila, kasi ito iyong mga proyektong iyong mga… siguro iyong mga taong—mga Pilipinong—nasa edad ko na, hindi maiisip. Pero alam natin na iyong preservation ng peace, for the next generation. So ang pakiramdam natin, dapat pinapakinggan sila para iyong mga programang naiisip natin mas responsive para doon sa mga end na beneficiaries ng programa.

    GMA NEWS: Ma’am, iyong pinitch po nilang mga solutions, are they doable on a national scale?

    VP LENI: Actually… actually doable siya sa particular na lugar na ginagalawan nila, kasi iyon naman iyong pinakasadya—papaano ka hahanap ng solusyon sa lugar na pinanggalingan mo? Siguro iyong iba, depende sa lawak ng problema, doable siya. Pero iyong pinaka-challenge naman dito, iyong walang one-size-fits-all na solusyon, na hinahanap talaga nila iyong partikular na problema at papaano tutugunan, paghahanap din ng partikular na solusyon.

    TV5: Ma’am, gaano po iyong nakikita niyo sa kanila, gaano sila kaaktibo para makatulong dito?

    VP LENI: Ako, sobra, sobra iyong pagkaaktibo. Sila, nag-meet sila five days ago lang. Sila lahat hindi magkakakilala, nag-meet sila five days ago lang. Pero alam mo iyong— Ito kasing summit, parang naging sanctuary nila, na nararamdaman nila na marami pala kami na pareho iyong aspirations at puwede kaming magtulung-tulungan. Tingin ko iyong pagiging aktibo, kapag binibigyan sila ng puwang para mag-participate. Paminsan kasi— Usually, kapag may ganito, iyong start, parating ang pakiramdam nila wala silang boses. So ang mga activities na ganito, pagpaparamdam sa kanila na kahit bata pa kayo, may boses na kayo. At iyong boses niyo papakinggan namin. Kapag ganoon kasing binibigyan sila ng opportunity, mas ganado din silang magtrabaho.

    CNN PHILIPPINES: Ma’am, when will we reap the benefits?

    VP LENI: Ako, mayroon kasing short-term, mayroong long-term. Iyong short-term, kagaya noong mga nauna namin na projects, nangyayari na ngayon. Halimbawa iyong nanalo doon sa Cagayan de Oro run, ano iyon, from Davao Oriental; nag-isip sila ng isang halfway house hindi lang for rebel returnees pero for the families of rebel returnees. Parang ano siya, preparation for reintegration. Ano iyon, immediately after nilang nanalo, sinimulan na kaagad. Ang kabutihan nito, nag-umpisa na kami lang iyong partner, pero noong nalaman noong iba iyong kanilang proyekto, nagkaroon na ng maraming stakeholders. In fact, naging very… very helpful na iyong local government unit. At iyon naman iyong gusto nating mangyari—na to call attention sa mga proposals nila, para pagtulung-tulungan. Halimbawa iyong sa Cotabato, ano iyan, art therapy para sa mga victims ng siege. Pero ito, nalaman din… nakuha iyong attention ng ARMM government, kaya si Gov. Mujiv Hataman noon tumulong. So ito, parang introduction… introduction ng grupo, na ito, “kahit bata pa kami, puwede na kaming maging bahagi ng solusyon”.

    GMA NEWS: Ma’am, itong mga kabataang ito kasi come from places na medyo marami silang problemang hinaharap. How do we mobilize or inspire youth from other places like, say, Metro Manila? Kasi, alam niyo iyon, hindi po nila na-experience iyong, kunwari, Marawi Siege or iyong mga ganoong problema?

    VP LENI: Actually, nagkaroon kami ng— Bawat summit kasi iba-iba iyong theme. Halimbawa iyong ARMM, iyong Mindanao, ito—lahat peace, peace iyong theme. Iyong Manila run kasi namin na nauna, mas empowerment in general, so wala siyang particular na, parang, pagbukas ng mga mata nila tungkol sa problema sa Mindanao. Iyong for government workers naman, iyong katatapos lang last week, iba din iyong theme. Pero tingin namin, para mabuksan iyong mata ng mga hindi taga-Mindanao about the problems in Mindanao, kailangan magkaroon din kami ng run na peace iyong tema, pero open siya for non-Mindanaoans.

    GMA NEWS: Mangyayari pa lang iyan, Ma’am?

    VP LENI: Nasa drawing board na siya. Pero ito kasi, parati kasing naghahanap kami ng partners, kasi hindi kaya ng opisina namin na kami lang iyong mag-run. Parati kaming naghahanap ng partners. Ang inuuna namin, iyong may nahanap na kaming partners. So hopefully, hopefully in the soonest possible time makahanap kami ng partner to be able to run it. Pero iyon na iyong… parang iyon na iyong direksyon, iyon na iyong direksyon ng aming opisina. Halimbawa, sa mga summits naman namin for women, mas economic empowerment iyon, pero itong summits for the youth, mas ano talaga, mas leadership, peacebuilding, saka empowerment. So hopefully iyon na iyong maging sunod.

    GMA NEWS: Ma’am, iyong seed money, hati na iyong office niyo and the foundation?

    VP LENI: Hindi. Iyong seed money, galing talaga sa foundation. Gaya nitong particular na run na ito, iyong Rotary Club saka iyong J. Amado Araneta Foundation iyong magfa-fund. Kami iyong operations, iyong pag-put up noong summit mismo. Iyon iyong sa amin. Parating naghahanap ng partner. Halimbawa, iyong dalawang runs namin sa Mindanao, iyong partner namin doon US Embassy. So iba-iba.

    OVP: Okay?

    VP LENI: Okay? Thank you.

    GMA NEWS: Other issues, Ma’am?

    VP LENI: Hindi na muna…. Nakakahiya sa kanila, eh.

    GMA NEWS: Paglabas ng room, Ma’am. [laughter]

    VP LENI: Sa sunod na lang na araw… Sa sunod na araw. Malapit na din. Malapit na akong— Pinapatapos ko lang iyong SEA Games. Iyong report, soon. Very soon. Pagkatapos—hintayin lang natin matapos.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am.

    VP LENI: Thank you, thank you. – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 01, 2019