This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Ahon Laylayan Koalisyon Provincial Launch in Cebu City

    Ahon Laylayan Koalisyon Provincial Launch

    Cebu City

    REPORTER 1: It’s only two weeks before the elections. Gaano po kaimportante na kumpleto po ang Otso Diretso—and not just in any province, but in the most vote-rich province in the country?

    VP LENI: Ano naman ito, from the very start, ganoon naman iyong plano: na magko-converge sa mga mahahalagang mga lalawigan. Pero most of the time, talagang spread-out iyong plano, kasi talagang kulang na kulang iyong araw para makaikot sa Pilipinas. In fact, ako, bihira akong may makasama sa walo. Most of the time, mag-isa ako na nag-iikot, pinapakilala ko lang sila isa-isa. Pero itong Cebu, from the very start pinlano na kapag nagkaroon dito ng isang event, sasama iyong walo. At nag-work out naman kasi libre iyong lahat today. Iyon naman iyong plano. Magkakasama sila last na kumpleto sa Naga, noong launch, tapos ito ngayon, and most probably iyong susunod on the 8th, dahil iyon iyong last na big event.

    REPORTER 1: Pero, Ma’am, bakit hindi na lang po kumpleto in the remaining days?

    VP LENI: Marami pa kasing hindi napupuntahan. Marami pang hindi napupuntahan, at dahil kinagawian na noong mga nauna, kaniya-kaniyang lakad o paminsan small groups, may mga lugar na napuntahan na ng iba na iyong iba hindi pa din, so— Halimbawa tomorrow, ang iba pupunta sa Bacolod, ang iba babalik sa Luzon, mayroong mga pupunta sa Zamboanga. So ngayon until the 7th ganoon pa din, tapos magko-converge na lang ulit sa May 8.

    REPORTER 1: Ma’am, sorry but I have to ask: Pangatlong visit po natin ito sa Cebu, pero pangatlong beses din po na wala tayong major allies po from LP who showed up. Ma’am, ano po— Example, si Governor Davide, he’s still an LP member. Ano po iyong perspective, ano po iyong assessment dito ng party, and paano po tayo nagre-respond since mukhang wala pong public endorsement from politicians?

    VP LENI: Expected natin iyan from Day 1. Expected natin kasi kakaiba iyong political climate ngayon. At iniintindi natin. Karamihan sa mga events ay initiated by volunteers on the ground, at nagpapasalamat tayo na at least mayroon tayong volunteers na malakas iyong loob na gawin ito. Naiintindihan naman natin iyong mga local officials saka iyong… tumutulong naman iyong iba sa kanila in some ways. Pero ito kasi, political reality na kailangang tanggapin namin. Hindi dapat siya maging source ng samaan ng loob kasi maraming factors iyong contributory kung bakit ganito iyong climate.

    OVP: Next?

    REPORTER 2: Kitakits na lang po sa Bacolod bukas.

    VP LENI: [laughs]

    REPORTER 3: Ay, Ma’am, reaction lang po kasi may statement po iyong Department of Energy na on May 13, okay po iyong supply ng kuryente, pero iyong mga susunod na araw po, sa canvassing, magkakaroon po ng problema po. So what’s your reaction on that?

    VP LENI: Ito kasi, medyo nakakalungkot siya na 2019 na, nagkakaroon pa din ng sitwasyon na ganito: na alam naman natin na kapag summer, talagang tataas… tataas iyong demand para sa kuryente, na dapat matagal na napaghandaan na ito. Ito, nangyari na ito many, many years ago, at nahanapan na natin ng solusyon. So ang tanong, bakit ulit nangyayari ngayon? Ano ba iyong— Nasaan ba iyong problema at nasaan ba iyong pagkukulang? Kasi parang nakakagulat na, parang, at this day and age nangyayari ito, knowing na nape-predict naman natin… parang, early on mape-predict naman natin iyong increase sa supply at kakulangan—increase sa demand at kakulangan sa supply. Ito, ninanais lang natin na, parang, extra effort during—not just during the day of the elections, pero during the day of the canvassing, kasi dependent tayo sa kuryente.

    Dependent tayo sa kuryente kasi automated na, at marami iyong— Iyong transmission ng mga ballots ay nangangailangan ng kuryente. Kaya marami iyong… marami iyong masasakripisyo kapag hindi pinaghandaan iyong days after the elections.

    REPORTER 1: Ma’am, the President recently visited China and they signed a total of 19 business-related deals. Kung matuloy po itong lahat na mga deals na ito, it’s expected to amount to about 12 billion pesos worth of Chinese investments. Ano po iyong tingin po natin dito sa mga China deals ng Pangulo?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, from Day 1, nagde-demand tayo ng transparency. Nagde-demand tayo ng transparency. In fact, pangatlong pagbisita na ito ni Presidente sa China. Mula noong… mula noong pinakauna niyang pagbisita, dine-demand na natin na makita natin iyong kopya ng mga kasunduan na pinasukan. Una, interesado tayong makita iyong terms ng agreement. Pangalawa, siyempre kailangan din natin malaman, iyong mga una bang pinasok na mga agreements, ilan na ba iyong nag-uumpisa na, ilan na ba iyong na-comply? Kasi parang iyong pagpasok sa agreements, iyon iyong easy part, pero iyong pag-comply—at pag-comply sa terms na siguradong advantageous sa ating mga Pilipino—iyon iyong kailangan nating tutukan. Masaya tayo every time na iyong pamahalaan pumapasok sa lalong lalo na sa trade agreements na magbe-benefit sa atin. Pero kailangan lang tayong magbantay. Kasi halimbawa, just a few months ago, naisiwalat na iyong mga confidential terms ng agreement na tila disadvantageous sa atin. So iyong sa atin lang, ano ba iyong nangyari doon sa mga unang pinirmahan, ano ba iyong terms ng agreement na iyon, mayroon bang terms sa agreement na hindi makakabuti para sa ating lahat? So kailangan natin iyong malaman. So ngayon, while natutuwa tayo sa sinasabing benepisyo, kailangang mas maging transparent kung ano iyong detalye ng mga MOU na pinasok.

    OVP: Okay? Thank you, Madam Vice President!

    VP LENI: Salamat!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Apr 28, 2019