Ahon Laylayan Koalisyon Provincial Launch
Cagayan de Oro City
ABS-CBN: VP, first po, iyong reaction niyo po sa satisfactory rating niyo na tumaas ngayon?
VP LENI: Masaya naman. Medyo malaki iyong itinaas ngayon, 15 points. Gustong sabihin, parang nagme-make naman ng mark iyong ginagawa ng opisina namin, kasi from Day 1 naman, talagang umiikot kami sa buong Pilipinas para sa aming Angat Buhay program. Pinupuntahan talaga namin iyong pinakamahihirap na mga lugar. In fact, dito sa may area niyo, marami kaming adopted communities sa Bukidnon, Misamis Oriental, sa Lanao—Lanao [del] Sur saka Lanao [del] Norte. Baka gustong sabihin lang noon, kahit paano nararamdaman iyong ginagawa. Iyong magandang balita naman, parang nagbibigay lang sa amin ng mas malaki pang inspirasyon at pag-asa para lalo pa kaming ganahan na ipagpatuloy iyong aming ginagawa.
RAPPLER: Ma’am, Bobby Lagsa ng Rappler. Ma’am, si Presidente Duterte, time and again, uses iyong allegedly foreign-sourced information, like iyong mga matrixes—the latest of which is iyong a list of Duterte alleging iyong mga journalists, iyong mga lawyers, to oust Duterte. Ito po ba sang-ayon sa batas na nag-a-allow ang Pilipinas, or the Philippine government is now allowing foreign government to spy on its own people?
VP LENI: Iyon iyong nakakatakot. Nakakatakot iyong pahayag ng Pangulo na iyong pinagmulan ng kaniyang source ay produkto ng pag-eespiya ng isang foreign government sa mga Pilipino. Unang una, bawal iyon. Sa ilalim ng batas, hindi iyon pinapayagan. Pero para sa Pangulo, na siya mismo ang magsasabi na galing ito sa pag-eespiya ng ibang bansa, nakakatakot ito, hindi lang sa privacy kundi sa security natin bilang isang bansa. Gustong sabihin mas pinapaboran ba more than the Filipino citizens? ‘Di ba dapat kapag opisyal ka ng pamahalaan, iyong pinaka-pangunahing kailangan mong proteksyunan iyong mga tao, iyong mga Pilipino, dahil ito iyong mga umaasa at humihiling ng proteksyon laban sa iyo. Pero kapag hinahayaan mo na isang foreign government ang, parang, magva-violate ng ating karapatan sa privacy, masamang signal ito.
RAPPLER: Ito po ba ay treasonous or impeachable?
VP LENI: Ito kasi… Hindi ko alam kung ano iyong sagot ng Pangulo tungkol dito, mas mabuting siya iyong tanungin. Kasi baka later on sasabihin na biro ulit ito. Pero kung hindi ito biro, seryosong krimen ito, na pinapayagan mo iyan na mangyari sa ating bansa. Iyong sa atin, parang ngayon kasi napakanipis noong linya between reality saka kung ano iyong hindi totoo. So sa atin, alamin muna natin. Halimbawa, iyong produkto na matrix, ano ba iyong— Na-validate man lang ba iyon? Kasi hindi ito iyong una, hindi ito iyong unang matrix na pinalabas. Kung maaalala natin, may pinalabas din na isang matrix, na iyon, sigurado akong hindi iyon totoo, kasi nandoon iyong pangalan ko at wala akong kinalaman sa kahit anong bagay na magde-destabilize ng pamahalaang ito. Ngayon mayroon na namang bagong matrix, at pareho iyong kuwento: na galing ito sa pag-eespiya ng ibang pamahalaan. Palagay ko kailangang panagutan ni Pangulo kung ano ba iyong totoo—talaga bang hinahayaan niya na gawin ito sa ating mga mamamayan?
RAPPLER: But the mere fact that he accepts such information?
VP LENI: Pinapayagan niya. Kaya nga kailangang klaruhin sa kaniya kung saan ba talaga ito galing. Kasi kung galing talaga ito sa ibang bansa, at galing sa pag-eespiya, krimen ito.
SUNSTAR: Ma’am, launching po ngayon ng Ahon Laylayan, tapos you mentioned na babalik kayo. So ano po iyong maitutulong niyo dito sa Cagayan de Oro saka sa Misamis Oriental?
VP LENI: Ito, matagal na tayong tumutulong, pero iyong Cagayan de Oro kasi, isang malaking lungsod. Karamihan sa mga adopted communities natin, hindi mga lungsod; ang mga adopted communities natin, iyong mga pinakamahihirap na communities na hindi masyadong nakakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Gaya ng sinabi ko kanina, iyong Sumilao isa doon. Maraming mga towns sa Lanao del Sur at Lanao del Norte. Pero iyong lahat na towns na ito, iyong mahihirap na mga bayan. Kasi iyong sa atin, hindi natin kinukumpitensiya iyong pamahalaan, pero tayo iyong gustong mag-fill-in ng gaps—iyong mga pangangailangan na hindi napo-provide ng pamahalaan, tayo ang naghahanap ng puwedeng makapag-provide dito.
Iyong dito sa Cagayan de Oro, iyong pinaka-proyekto talaga natin itong Ahon Laylayan Koalisyon, na tinitingnan natin na dapat magsilbi siyang platform para iyong lahat… parang iyong convergence ng lahat ng mga sektor, para mayroong isang paraan o venue para napapahayag nila iyong mga issues ng bawat sector, gaya ng napakinggan natin ngayong umaga, at para concerted iyong effort na maghanap ng solusyon. Hindi kasi puwedeng parang ingay nang ingay pero walang papapuntahan iyong ingay. Mas mabuti iyong ingay, tingnan kung ano iyong kahalagahan nito. Kapag talagang mahalaga siya, kailangang pagtulungan ng lahat para pakinggan.
RAPPLER: Ma’am, last question po.
VP LENI: Last question, sige.
RAPPLER: Sa Pag-asa po, Kalayaan Group of Islands—iyong Pag-asa, isang munisipyo. Dito po, nandoon ngayon iyong mga fishing militia ng China, escorted by the Chinese Coast Guard. Ito po ay sovereign area, munisipyo ng Pilipinas. Ito po ba ay kawalan ng galaw, kawalan—inaction—on the part of President Duterte to protect Philippine sovereignty? They are already in Pag-asa Island, a Philippine municipality.
VP LENI: From Day 1, ito iyong panawagan natin sa pamahalaan: na tayong mga Pilipino, nilu-look up natin, hinihintay natin iyong pamahalaan na ipaglaban iyong ating soberanya. Ang reklamo ng ating mga mangingisda, sinisita sila every time na nag-a-attempt silang maghanapbuhay sa mga lugar na okupado na allegedly ng mga Tsino. Pero nakikita nila na iyong mga hindi taga-dito sa atin, iyon pa iyong mas binibigyan ng pabor, iyon pa iyong mas malaki iyong kalayaan at karapatan na kunin iyong ating mga resources. Ano iyong mensahe na pinapaabot ng ating pamahalaan?
Kasama ko ngayon si Dean Chel. Si Dean Chel, very active sa pagtulong sa ating mga [mangingisda] para sila na iyong magreklamo. Kasi every time na magboboses tayo, ginagawa itong, parang, mere political issue, or campaign issue, na hindi iyon ganoon. Hindi siya ganoong kanipis, hindi siya ganoong ka-petty. Kasi kapag tayo nagrereklamo, ang nirereklamo natin iyong pagsakop sa ating teritoryo, iyong pag-violate ng ating sovereignty, iyong kawalan ng proteksyon para sa ating mga mamamayan—na dapat sana pamahalaan ang nagpo-provide nito.
Noong nakaraang linggo, kahit paano relieved tayo na umiba na iyong tono ng pamahalaan, nagpalabas na ng formal na pagtututol sa ginagawa ng China. Pero iyong ating hinihingi, sana mas lakasan, sana i-sustain iyong reklamo. Sana maghanap pa ng paraan na ipaabot iyong mensahe na hindi natin ito-tolerate iyan sa atin.
OVP: Thank you very much, VP Leni!
– 30 –