This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the 2nd Omasenso sa Kabuhayan General Assembly

    2nd Omasenso sa Kabuhayan General Assembly

    Naga City

    GMA NEWS: Ano iyong parang pinaka-purpose nila saka ano iyong scope ng ating plano para sa kanila?

    VP LENI: Iyong Omasenso sa Kabuhayan, ang pinakasadya talaga nito, matulungan iyong mga pinakamahihirap na mga farmers. So iyong mga puwedeng sumali lang dito iyong either walang land holdings na sarili, nakikitanim lang, o may kaunti, iyong mga backyard lang. Sila lang iyong mga puwedeng sumali; iyong mga may malalaking land holdings, hindi qualified to join. Pero iyong pinaka-essence ng programa, tutulungan natin iyong farmers ng lahat na kaalaman na makakatulong sa kanila. Tapos tayo iyong maghahanap ng market para sa produkto nila. Kasi iyong existing na nangyayari, before kami pumasok, mayroon silang mga vegetable saka fruit na products, pero ang bumibili nito iyong mga biyahero, iyong bumibili mga kapitalista, binabarat sila. Halimbawa, example, iyong example ko kanina na sinabi ko noong nagsalita ako, iyong dati… itong farmers na tinutulungan namin sa Libmanan, iyong cost of production ng talong, 7 pesos. Dati, noong wala pang Omasenso, binibili ito sa kanila, 8 pesos. So iyong kita nila, 1 peso per kilo. Ngayon na na-link natin sila directly with the market, sila na iyong kausap ng market—wala nang dadaanan na middlemen. Ang bili sa kanila, 22 pesos, 22 pesos per kilo. So iyong kita nila, ‘di ba, 22 minus 7, iyon iyong kita nila, compared to before na piso lang iyong kita.

    Iyong pinakagusto kasi natin dito, alam natin na iyong mga farmers, sila talaga iyong nagpapagod—sila iyong nagpapainit, sila iyong gigising nang maaga sa umaga, tapos sobrang sisipag—pero ang nakikinabang ng kita, iyong mga middlemen, dahil may kapital. So itong sa atin, parang kino-converge natin iyong lahat na tulong. Masuwerte kami dito sa Camarines Sur, kasi very helpful iyong mga agencies—DTI, DA, DAR. Iyong mga resources nila, tinutulong din sa mga farmers natin. Iyong opisina namin, iyong ginagawa lang talaga, kami iyong nag-aasikaso ng marketing, kami iyong nag-aasikaso na mabigyan sila ng kaalaman. May kaunti kaming pondo na binibigay sa kanila para matulungan silang gumawa ng greenhouse, drip irrigation, mga farm equipment. Pero iyong kaalaman, kanila. Gustong sabihin, kahit wala na kami, kaya nilang gawin na itong tuloy-tuloy.

    GMA NEWS: Ang plano nating ito, nationwide?

    VP LENI: Ang plano talaga natin, parang itong Camarines Sur, pilot lang. Ang plano namin, ang isusunod dito Iloilo, kasi iyong Iloilo ay area din namin. Tapos hopefully, after Iloilo, the whole of Panay Island. Tapos ang tinitingnan pa namin, Bohol, Negros, saka Zamboanga, dahil may mga Angat Buhay areas kami doon. Halimbawa Zamboanga, maraming kumpanya sa Zamboanga mga sardines canning factories, so ang kailangan talaga nilang number one doon, mga kamatis. So iyong iniisip namin, puwede naming tulungan iyong mga farmers na ang itanim na kamatis. Actually, nagkaroon na kami ng initial na arrangements with a sardine canning factory na mag… mag… ano ito… magsu-supply iyong farmers sa kanila. Sa Iloilo ganoon din iyong tinitingnan, dahil ang Iloilo booming ngayon, so iyong opportunity tingin ko mas grabe pa nga kaysa CamSur.

    Pero iyong pag-pilot natin sa CamSur, ang na-realize natin, grabe iyong market. At iyong mga market dito, bumibili sila sa labas ng region dahil hindi organized iyong farmers. Hindi naman dahil walang produkto, pero iyong mga farmers kasi hindi organized, at dahil maliliit sila, ang capacity ng bawat isa, kaunti-kaunti lang. So tinulungan natin sila kung paano mag-clustering, kung paano mag-scheduling, kung paano mag-consolidate ng mga produkto. Nangyayari iyong kanilang lahat na ginagawa ngayon, ano lang, text. Ite-text sila ng— Halimbawa LCC, ite-text sila, “ganito iyong kailangan namin for the week.” Tapos iyong mga leaders ng bawat farmer groups, mayroon na siyang thread sa mga members niya: “O, ito iyong kailangan ni LCC,” for example, “ilan iyong made-deliver niyo?” So iyong haggling sa presyo, nangyayari [sa] text. So nakakatulong din iyong technology.

    Pero iyong initial year… initial year ng operations natin, nakita natin na very upbeat na talaga sila. Sobrang inspired sila, kasi nararamdaman na nila iyong pagbabago sa buhay nila.

    GMA NEWS: May demand pa pati, Ma’am.

    VP LENI: Grabe iyong demand. In fact…. in fact ang pinakahirap iyong farmers ngayon, hindi nila… hindi nila ma-deliver iyong hinihingi sa kanila; ang nade-deliver nila portion lang.

    Iyong nahirapan kami, iyong umpisa, kasi iyong mga farmers, mayroon na silang naka-set na “ito iyong sanay kaming mga produktong i-raise.” Lalo iyong mga ano… lalo iyong mga rice farmers. Ayaw talaga ng shift, kasi kinasanayan na nila iyong… iyong pagtatanim ng palay. Pero noong nakita na nila, ito, through our trainings, nakita nila na mas grabe pala—lalo ngayon na bagsak-presyo iyong palay—mas grabe pala iyong promise ng ibang produkto. Unti-unti, nag-shift na sila, at very encouraging iyong resulta.

    GMA NEWS: Lighter mode po tayo, Ma’am.

    VP LENI: Sige.

    GMA NEWS: Ninja cops.

    VP LENI: Lighter ba ‘yon? Parang hindi.

    GMA NEWS: Kasi dito sa atin sa Bicol, sa tingin namin mayroon din…

    VP LENI: Mayroon bang ninja cops sa Bicol?

    GMA NEWS: May mga reports ding ganoon, Ma’am. Malaki din iyong mga drug bust. Pero iyong national scene kasi, medyo nakatutok ngayon sa exposé ni General Magalong, who is very honest talagang pulis na alam naman talaga ng lahat. Ano ba iyong reaction natin sa Office of the Vice President dito sa naging imbestigasyon ng Senate dito?

    VP LENI: Ako, masuwerte tayo na nandiyan si Mayor Magalong. Masuwerte tayo kasi while before marami na iyong haka-haka na nangyayari talaga iyong… iyong ginagawa ng mga ninja cops, parang wala tayong evidence. Pero ito, dating heneral, dating miyembro—dating mataas na opisyal ng Philippine National Police, mataas na opisyal ng CIDG—siya na mismo iyong nagsabi na talagang ito ay nag-e-exist, at may mga matataas na opisyal ng pamahalaan na nagiging dahilan kung bakit patuloy ito na nag-e-exist. Napahalaga noong kaniyang statement, kasi alam naman natin iyong kultura, ‘di ba? Iyong kultura na pino-protect iyong mga kasama.

    Pero ito, pinili niyang— At the expense na magalit sa kaniya iyong mga kasama niya, pinili niyang sabihin iyong katotohanan. Kaya napakahalaga para sa atin na may mga taong ganito, na ito iyong magpapalit ng kuwento: na kahit maraming mga kasamaan na nangyayari, iyong assurance natin mayroon pa ding natitira na isang matapang, isang honest na pulis, na magpapakita na sa gitna ng maraming threat sa… hindi lang sa buhay pero sa reputation and everything, handa siyang isugal iyon para mailabas iyong katotohanan. At sana hindi masayang, sana hindi masayang iyong kaniyang testimony. Sana hindi masayang iyong kaniyang katapangan. Sana dahil sa kaniyang mga sinumpaang salaysay, maging dahilan para mas maging seryoso iyong institusyon na linisin ang kanilang hanay ng mga tao na nagpapasama sa pangalan ng kapulisan.

    Parati ko itong sinasabi: marami akong kilalang pulis, marami akong kilala na matitino at mahuhusay, at nakakalungkot na kapag mayroong mga ganito, nadadamay iyong mga maaayos. So iyong challenge, talagang nasa leadership. Paano sila magre-respond, given na ganito iyong ebidensya na lumalabas? Iyon iyong aabangan natin. Pero sana, sana mag-rise up sila sa challenge na ang isalba nila iyong institusyon, hindi iyong iilang taong nagpapa… nagpapasira sa reputasyon ng buong hanay nila.

    REPORTERS: Salamat, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 05, 2019