This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo Visit to Uswag Iloilo City Molecular Laboratory

    Interview with Vice President Leni Robredo Visit to Uswag Iloilo City Molecular Laboratory

    Iloilo City

    OVP: Ma’am, si Sir Joseph po from Daily Guardian.

    REPORTER 1: VP, ano po iyong purpose ng visit n’yo sa Iloilo?

    VP LENI: Binisita namin iyong mga ongoing projects namin. Iyong Iloilo Province is one of the provinces na pinakamarami kaming binabang projects. Actually, very regular naman ako pumupunta. Hindi lang ako nakapunta during the lockdown, pero before that, bumabalik-balik ako dito on a very regular basis, kasi marami kaming binabang programs.

    Dito sa Iloilo City, tumulong kami sa city sa COVID response. Nagbigay kami ng test kits for both the city and the province before. Tapos ngayon, tiningnan natin iyong ginagawang molecular lab, kasi mayroon din tayong mga tulong na binaba for equipment. So ito naman iyong dinecide namin noong height ng pandemic, na medyo i-shift iyong aming tulong saka response sa mga bagay na related to COVID response sa mga LGUs. So iyong una naming binaba for the [city], 4.9 million pesos, tapos nagbaba ulit kami ng 4.5 [million pesos] for the equipment sa molecular lab.

    REPORTER 1: VP, follow-up lang po doon, ano: Since mayroon pong surge ngayon sa Metro Manila, bakit n’yo po naisipang pumunta dito ngayon?

    VP LENI: Parati naman—from 2016 hanggang ngayon, talagang umiikot ako sa buong Pilipinas. Hindi lang naman iyong Iloilo iyong pinuntahan ko, pero halimbawa during the typhoon, nandoon kami sa Cagayan saka sa Isabela, nandoon kami sa Quezon saka sa Bicol, sa Aurora. So iyong sa amin, hindi naman kami huminto. All throughout the year, umiikot talaga kami kung saan iyong mga programs namin. In fact, iyong majority ng programs namin nasa Mindanao, so madalas din kami sa Marawi, pumupunta kami sa Basilan, pumupunta kami sa Zamboanga, sa Bukidnon. Ano ito, all year round ginagawa namin. Hindi lang namin nagawa noong wala pang mga flights, pero once nag-resume iyong flights, nag-resume din kami.

    Iyong operations naman namin sa Manila, hindi nahinto, tuloy-tuloy—lalo na noong lockdown, lalo noong lockdown, dahil naglagay kami ng mga shuttle services, naglagay kami ng mga dormitories, naglagay kami ng iyong response para sa mga communities na nangangailangan ng pagkain. So ngayon, iyong pagbigay ng pagkain, tuloy-tuloy pa din. Iyong aming livelihood assistance, dati kasi Visayas at Mindanao iyong concentration, pero ngayon iyong focus na din naming Greater Metro Manila Area. So hindi lang NCR pero pati Rizal, Bulacan, Batangas, Laguna, Cavite. So tuloy-tuloy naman iyon.

     

    REPORTER 2: Vice President, any updates sa deliveries ng vaccine for Iloilo and Western Visayas as a whole?

     

    VP LENI: Alam mo, hindi po kami kabahagi noong sa vaccines. Mag-iinvest iyong opisina. Pero iyong initial delivery for Iloilo City was 600-plus vaccines. Ngayon, naghihintay pa ng susunod na delivery, pero mukhang wala pang kasiguruhan kung kailan dadating. Wala pang kasiguruhan kung kailan dadating. Talagang iyong scarcity ng vaccines nandiyan. Sinisiguro natin na iyong mga nasa ospital, lalo na iyong mga nag-aalaga ng COVID patients, sila talaga iyong i-prioritize. Tapos ito, iyong mga LGU officials—gaya ng mga medtech dito sa lab—naturukan na sila. Pero marami pang nangangailangan na hindi pa nabibigyan. So every time may bababa, parang ina-allocate ng gobyerno para sa mga lugar na pinaka-kinakailangan.

     

    Ngayon na may surge, mas naging urgent siya. Ngayon na may surge, mas naging urgent siya, kasi nakita naman natin iyong numbers sa Manila. Nakita natin iyong numbers sa Manila. Medyo alarming siya. In fact, tinitingnan natin iyong parang estimate ng OCTA. Sabi niya, kapag hindi nabago, by the end of the month, baka mayroon tayong 11,000, and by April baka mag-surge pa iyon to 18,000 to 20,000. So ganoon kahalaga iyong vaccines ngayon, kasi iyon talaga iyong isa sa malalaking dahilan—hindi siya iyong only chance natin, pero siya iyong isang malaking dahilan para mabago natin iyong trajectory.

     

    Nakita naman natin sa ibang bansa, gaya ng US, ‘di ba—iyong US, grabe talaga iyong transmission, pero noong nagkaroon sila ng bakuna, at naging mukhang effect naman iyong kanilang roll-out, very dramatic iyong change sa trajectory nila. So inaasahan natin na dito sana sa atin ganoon din.

     

    OVP: Last, si Ms. Tin po?

     

    REPORTER 3: VP Leni, ano pa po iyong future projects n’yo sa Iloilo City?

     

    VP LENI: Right now kasi marami tayong ongoing. Gaya kahapon, nandoon ako sa south. Nagsimula kami ng San Joaquin, lumipat kami ng Guimbal, ng Oton, ng Sta. Barbara, Tigbauan, Cabatuan. Mayroon na kaming existing doon. Ang iba, 2017 pa, 2018 pa namin nababa, pero ngayon ko lang personal na nabisita.

     

    Kanina, galing ako sa Anilao, sa Concepcion, saka sa Carles. Iyong sa Anilao, iyong tulong namin doon, last year pa iyon, pero nandoon na ngayon. Iyong tulong namin doon, parang iyong youth center for Anilao. Nandoon na din.

     

    Sa Concepcion naman, may ongoing feeding program. Actually iyong feeding program sa Iloilo, sinimulan namin 2018. Several municipalities iyong feeding natin. Ito iyong binabalik-balikan ko. Kanina, binigay sa akin iyong numbers. Very encouraging, kasi medyo dramatic din talaga iyong improvement ng malnutrition sa kanila. So sa ano iyon, sa Concepcion.

     

    Sa Carles, ganoon din. Iyong Carles, ang report sa amin, dati Top 3 sa malnutrition, pero ngayon naalis na sila doon sa mataas iyong malnutrition rate.

     

    Malaki pa iyong kailangang trabahuin, pero papunta na tayo doon. Kailangan lang i-monitor. Mayroon kaming metrics na sinusunod, mayroong targets na kailangang ma-hit para masabi natin na successful iyong feeding programs natin.

     

    REPORTER 4: Ma’am, good afternoon po. May plan po ba kayo sa election na tatakbo bilang presidente?

     

    VP LENI: Wala pa. Parang kasalanan isipin iyong eleksyon ngayon, dahil ang daming naghihirap, ang taas ng cases. Parang huwag muna. Marami pang puwedeng mangyari. Marami pang puwedeng mangyari. Parang kapag inisip natin iyong eleksyon ngayon, hindi natin magagawa iyong trabaho natin. Kagaya ako, iyong mga pinuntahan kong mga lugar dito, iyong pinakamalalayo, iyong pinakamalalayo. Hindi naman tayo nagkaroon ng events. Talagang binisita lang natin iyong programs. Siguro kung eleksyon na iyong iniisip ko, magpapatawag ako ng maraming tao para hindi sayang iyong baba. So iyon nga, trabaho muna saka itong COVID response iyong asikasuhin natin.

     

    OVP: Okay po, thank you po.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Mar 16, 2021