This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Visit to Usman-affected Residents

    Brgy. Iraya, Buhi, Camarines Sur

    REPORTER 1: Ma’am, good afternoon po. Jenny po from TV5. Ma’am, kumusta po iyong pag-uusap natin sa mga victims ng landslide?

    VP LENI: Napakahirap dito kasi iyong lugar mismo, ano pa siya, parang natabunan pa ng putik, so napakahirap pa iyong rehab efforts. Kasama ko si Mayor ngayon, si Mayor Margie. Pinag-uusapan namin kung gaano magiging mahirap iyong rehabilitation, kasi nakita natin mataas pa iyong tubig, iyong putik grabe pa.

    Iyong mga namatay, nailibing na. Nailibing na, pero marami kasing— Iyong parehong pamilyang namatayan, sila din iyong may mga injured pa na nasa ospital. Kaya iyong assistance na binigay natin ngayon, while doon siya sa mga namatay, matutulong na din siya para sa mga injured. Tapos naghahanap kami ng mahihingian din ng tulong kasi wala ding pondo iyong opisina. At least man lang makasimula magpatayo ng bagong matitirahan iyong mga nawalan ng bahay. Kasi karamihan sa mga namatayan, sila din iyong nawalan ng bahay, at ngayon nakikitira lang sila. So siguro iyon iyong aasikasuhin. Nakita naman natin iyong sitwasyon dito. Napakahirap pa talaga.

    Nasa Brgy. Iraya tayo. Mayroon pang isang na-grabe din, iyong Brgy. Sta. Cruz, doon sa kabila, na kailangan din ng tulong. Si Kapitan nandito ngayon, tinatanong natin ano pa ba iyong ibang assistance other than iyong cash for iyong mga namatayan.

    Mayroon tayong dalang relief, pero iyong relief kasi, after so many days wala na din iyon. Iyong nakikita ko dito, magiging madugo talaga iyong rehabilitation dahil sa extent ng damage. Nakita naman natin iyong mga bahay, halos kalahati ng buong bahay, natabunan talaga ng putik. Kaya iyon siguro iyong pagtutulung-tulungan, hihingi tayo ng marami pang tulong. Sa mga national government agencies, maraming tulong iyong kailangan talaga ng Buhi. Napapalaban na si Mayor, siguro wala itong tulog nang ilang gabi na. Pero ano talaga, kailangan ng—siguro, particularly DPWH—iyong pagtanggal ng… iyong siltation sa rivers, talagang medyo malaki-laki. Pati iyong pagtanggal ng… iyong mga kahoy galing sa bukid, saka iyong mga bato.

    REPORTER 1: Ma’am, ano iyong magiging action ng government, kasi sinasabi nila itong area na ito, dangerous talaga dahil prone siya sa landslides. Papayagan— Kapag rehabilitation na po iyong pag-uusapan, papayagan pa ba natin silang bumalik pa dito, Ma’am?

    VP LENI: Iyong sa akin, pareho noong sinabi ko sa Sagñay kahapon, kasi iyong sa Sagñay kahapon, iyong sabi, sabi ng DPWH—kasi naabutan natin sila doon—iyong kung saan nangyari iyong landslide, talagang may warning na. In fact nakita natin iyong mga luma pang warning na hindi na talaga puwedeng tirahan. Kaya kung iyong sa akin lang, mas maging maayos lang iyong pag-identify, alin ba iyong mga hindi puwedeng tirahan, ano iyong puwede. Tapos iyong mga hindi puwede, maging istrikto talaga sa enforcement. Kailangan ma-inform iyong mga tao. Halimbawa, ngayon, magre-rebuild sila. Dapat alam nila kung saan sila hindi puwede. Kaya siguro iyon iyong tulong, pagbalik ko sa Naga, iyon iyong tulong na hihingin natin sa DPWH—magbigay ng assistance dito sa Buhi, para ma-identify na once and for all ano ba iyong mga hindi na puwedeng tirahan. Kasi halimbawa, sa… ayan, sabi ni Kap, sa Sta. Cruz, parang 475 iyong residents pa doon. So napakarami noon. Alin ba doon iyong hindi puwede, para kapag nag-rebuild sila, huwag na doon. Gaya ngayon—parang first time, Mayor, ano?—first time ito na ganito iyong extent ng damage. Kaya siguro, iyong maayos na assessment ng agency na may capability na mag-identify. Siguro iyong OCD saka NDRRMC, hingian natin ng tulong ano ba iyong assessment, iyong vulnerability noong lugar? Makakatulong ito sa LGU para mag-enforce doon sa mga lugar na hindi na puwedeng tirahan.

    REPORTER 2: Ma’am, iyong mga families na namatayan, do we need psychological debriefing sa kanila?

    VP LENI: Actually iyong mga nakausap ko ngayon na mga pamilya, parang tulala pa, kasi talaga namang— Halimbawa, iyong isa, seven members of the family iyong namatay. Pareho sa Sagñay kahapon. Sa Sagñay kahapon, doseng anak, walo iyong namatay, iyong dalawa nawawala pa. Iyong mga ganoon. Ang laking psychological na therapy iyong kinakailangan ng family members na naiwan. Pero hindi lang siguro psychological therapy. Pati iyong paano sila magsisimula muli, lalo na iyong mga nawalan ng magulang, iyong anak na lang iyong natira. Iyong iba nga hindi nila alam kung sino… paano sila makakapag-aral muli, saan sila titira. Iyong LGU kasi, talagang ano din sila, ang daming ginagawa nang sabay-sabay. Kaya siguro, nakikiusap siguro tayo sa mga… hindi lang government agencies pero pati mga organizations na nagre-render ng help. Kami, makakatulong kami doon sa psychological therapy, kasi marami kaming mga partners na nagbibigay nito. Pero iyon sigurong mahihingi natin na tulong sa OCD saka sa NDRRMC, iyong ano lang, iyong pagsimula. Dapat i-identify na talaga iyong mga hindi puwede, para kapag nag-rehabilitate naman iyong Buhi, o iyong Sagñay, ano na, sa ayos na lahat, kaysa magre-rehabilitate pala, iyong pinatayuan hindi naman pala puwede. Kaya siguro iyon iyong— Mag-a-assist ako, kahit walang pondo iyong opisina namin para dito. Iyong lahat na relief goods na dala namin, galing iyan sa partners namin, iyong Angat Buhay partners. So iyon din, nangangalap din kami ng mga donations. Pero iyong relief packs kasi, pansalamantala lang ito. iyong mas kailangan na tulong talaga ng bayan iyong rehabilitation phase.

    REPORTER 2: May natanggap na, Ma’am iyong office niyo from the Department of Agriculture doon sa extent of damage sa Bicol or CamSur? May initial data na ba tayo?

    VP LENI: Wala kaming initial data. Napanood ko lang sa news kahapon iyong initial assessment. Pero iyong sa amin lang, mas maganda sana kung coordinated iyong lahat na efforts. Saka iyong ano din, iyong bilis ng pag-aksyon. Kasi gaya dito, kailangan dito bilis ng aksyon kasi wala talagang… ‘di ba? Iyong drinking water magpapadala kami mamaya—dala na ba natin? ‘Di ko alam kung dala na namin ngayon, pero mamaya yata ready na iyong drinking water. Pero ang daming kailangan na immediate. Paminsan kasi darating iyong tulong napakatagal, dahil din sa documentation, pero sana pagtulung-tulungan na, hingiin na kung ano iyong lahat na kailangan, para iyong mga LGU din ma-inform iyong mga tao kung ano iyong kailangan.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jan 02, 2019