This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Turnover of Angat Buhay Village

    Turnover of Angat Buhay Village

    Barangay Sagonsongan, Marawi City

    Q: Hi, VP, good morning po. Kaye Imson from TV5 Manila. Ma’am, first question po: After a year po ng crisis and after a year noong last SONA po ni Pangulong Duterte, I am very well aware na nagpupunta kayo dito to check on the rehabilitation phase?

    VP LENI: Noong bago pa lang iyong crisis, relief operations muna iyon. Iyong katuwang namin noon iyong Xavier University, sina Fr. Bobby. Nag-set up kami ng parang operations sa Xavier University. Iyong mga pinupuntahan namin iyong mga evacuation centers.

    Pero noong summer—I think summer—malapit na siyang matapos, summer of last year, noong nag-one year, parang naghanda na kami for the rehabilitation stage. Iyong ginawa namin noon, imbes na food packs iyong binibigay, kasi marami na ring naibibigay na food packs, sinusubukan naming bigyan na ng livelihood iyong mga nasa evacuation centers. Halimbawa, mayroon kaming dalawang grupo ng mga kababaihan. Iyong isa, galing dito sa Barangay Dayawan; iyong isa nasa evacuation center sa Saguiaran. Binigyan namin ng mga sewing machines saka mga gamit, para habang nasa evacuation centers nakakapag-hanapbuhay na. May mga natutulungan din na traders na nagtitinda.

    Pero after nakuha namin iyong funding for the houses, ito na iyong kinoncentrate-an namin. Xavier University ulit, sina Fr. Bobby, kasi sila iyong may karanasan from Sendong kung paano gagawin. Ayaw naman kasi natin na basta tumayo ng bahay; gusto natin maayos na social preparation.

    Si Mayor napakalaking tulong. Actually donated ng family ni Mayor itong lupa. Saka iyong ano din, iyong pagpili ng beneficiaries, pag-screen, LGU iyong gumawa, sina Mayor.

    Ngayon nag-ikot na kami. Mayroon na tayong 60 houses na tinurn-over. Iyong ating funding from private partners, puwede hanggang 100, so mayroon pang mga 40 houses. Naghahanap lang tayo ng additional na lupa [kung saan] na puwedeng mag-build.

    Binisita natin iyong ilan sa mga bahay. Ano naman, pasalamat sila na mayroon na silang maayos na tirahan kumpara sa evacuation centers, pero nakakadurog pa rin ng puso na pakinggan iyong kuwento ng bawat isa—kung paano medyo masagana iyong buhay nila noong hindi pa nagkakaroon ng kaguluhan, tapos kinailangan nilang iwan lahat para lumikas, tapos ngayon mag-uumpisa sila sa umpisa.

    Tinitingnan natin—nag-usap na kami ni Mayor, ni Fr. Bob—paano pa ba matutulungan pa iyong mga nakalipat dito. Iyong pinaka-concern na talaga hanapbuhay. Maraming mga nakilala tayo ngayong umaga na nakakaawa talaga, dahil malalaki… karamihan malalaking families. Iyong iba may mga babies. Parang iyong nare-receive nila paunti-unti lang, kasi wala masyadong opportunities. Marami sa kanila umaasa pa din sa relief sa kanilang kakainin. So gusto sana natin iyong second stage ng project natin, matulungan natin na makapag-hanapbuhay na iyong mga nandito. Sabi ni Mayor, may market, ano, Mayor?

    MAYOR MAJUL GANDAMRA: Mayroon po.

    VP LENI: May market na ilalagay—

    MAYOR GANDAMRA: Nandiyan na po, Ma’am. Tinatayo na.

    VP LENI: Nandiyan na iyong market. Magandang opportunity iyon para sa kanila na makatinda ulit.

    Q: Pero Ma’am, a year after, wala pa rin iyong rehabilitation. Iyong rehabilitation phase mismo, like sa loob ng most affected area, hindi pa rin siya nagte-take effect. Mayroong pangalawang kumpanya na tinitingnan, which is PowerChina, kasi iyong Bangon Marawi Consortium, hindi sila pumasa sa screening process. So until now, iyong mga remains, remnants, ng nangyaring bakbakan nandoon pa din, at hindi pa rin nasisimulan iyong permanent housing ng government. Which brings me to my question: Ano, Ma’am, iyong assessment ninyo when it comes to how the administration is, you know, addressing to the rehabilitation of Marawi?

    VP LENI: Sa akin, mahirap kasing sabihin kasi hindi naman ako privy sa plano ng administrasyon. Iyong sa akin lang, iyong ginagawa ng opisina namin, kahit anong makakatulong sa efforts ng administrasyon, kahit sa kaunting paraan. Iyong sinabi niyo kanina, iyon din iyong sinabi ng ating mga binisita sa mga bahay nila. Iyong, parang, impatience din na, siyempre, gusto mong makita na may nangyayari na, pero hindi din kasi natin alam kung ano iyong nakakaantala.

    Pero iyong sa akin lang, gaya sa amin, gawin na lang iyong anong puwedeng magawa para makatulong, kasi talagang iyong marami dito na hindi pa sila nabibigyan, at nagpunta lang sila dito para makiusap na sila din sana mai-prioritize na. Iyong mga hinaing na sinabi sa atin kanina, karamihan nanggagaling doon sa mga may hanapbuhay doon sa loob ng Ground Zero, na iyong sinasabi nga nila, parang nawawalan ng pag-asa kasi walang nakikitang, parang, movement. Pero iyong sa akin, alam ko na ginagawa naman ang lahat para asikasuhin iyon. Iyong sa atin na lang, iyong sa atin, kung anong magagawa ng opisina namin para makatulong, iyon iyong gagawin natin.

    Q: Bilang nanay, how do you feel about it, Ma’am, na seeing that after a year, and naririnig ninyo na wala pa rin talagang “movement”—iyon iyong sinasabi ng mga kausap ninyo—how do you feel about it bilang isang ina?

    VP LENI: Gaya nga ng sabi ko kanina, iyong kanina, siyempre sabi ko nga nakakadurog ng puso. Pero iyong sa atin, gagawin na lang natin kung ano iyong puwede nating magawa. Halimbawa, iyong unang bahay na binisita natin kanina, nagkukuwento siya na dati mayroon silang maliit na grocery, dati mayroon silang tricycle na pinapasada, pero dahil sa… dahil sa ano ito, pangyayari, nawala iyon. So kami naman, nag-uusap nga kami ni Mayor paano sila matutulungan. Sabi nga, nag-offer nga si Mayor na mayroon project ang City na magbibigay ng e-trikes—

    MAYOR GANDAMRA: DOE po.

    VP LENI: —so baka puwedeng— DOE iyon ngayon?

    MAYOR GANDAMRA: Yes, Ma’am.

    VP LENI: So puwedeng puwedeng bigyan. Iyong opisina naman namin mayroon ding livelihood component na puwedeng magbigay din. Kasi iyong kabutihan lang nito sa Marawi, halos lahat na nakausap natin, sanay na maghanapbuhay, may mga negosyo dati, so hindi naman sila mag-uumpisa nang walang alam. Pinaka-kailangan lang nila puhunan. So iyong sa atin, kahit halos wala kaming budget for that, marami naman kaming partners na puwedeng tumulong. In fact marami kami ngayong kasama na mga private partners, na parating willing na… parating willing na, parang, magbigay ng assistance.

    So iyon iyong gagawin. Halimbawa, iyong pinakahuli naming nakausap, mayroon siyang dating glass palace, Mayor, ‘di ba? Iyon iyong negosyo niya dati. So ang tanong, paano ba siya makaka-umpisa ulit na nawala lahat? Iyong isa naman doon, walo iyong anak, iniwan ng mag-asawa, mag-asawa na naging traders sa Laguna. So ang in-offer namin na assistance, papapuntahan ko sa Laguna at kukumbinsihin na tulungan na lang sa puhunan, pero baka puwede na dito na lang muna, kasi matanda na din iyong lola na nag-aasikaso [sa mga anak]. So iyon iyong mga tulong na nakikita.

    Ano iyon, hindi siguro siya ganoong kalaki kapag titingnan mo iyong enormity ng problema, pero tingin ko kasi kapag tayong lahat nagpi-pitch in, malaki na din, malaking tulong na iyong maibibigay.

    Q: Kay Mayor po.

    Q: Mayor, isang question lang. May nakausap kami na mga residente. We understand na may mga qualifications that we require from the IDPs sa kanilang paglipat, say, for example, iyong mga totally wala nang babalikan at iyong talagang kapos sa pamumuhay, sila talaga iyong pina-prioritize natin na makalipat sa mga temporary shelters. Pero ang sinasabi nila, “Isa kami doon, pero more than a year after, nandirito pa rin kami sa tent city. Bakit ganoon?” Sabi nila may palakasan daw para sa temporary shelters. Ano po iyong sagot ninyo doon?

    MAYOR GANDAMRA: Gaya po ng sinabi ko kanina, while we are expecting itong mga pabahay na nilagay dito ng Office of the Vice President and Xavier University, Angat Buhay, in coordination with the Local Government of Marawi City and Task Force Bangon Marawi, ang ating paliwanag ho doon, because of the enormity, because of the magnitude, ang laki ng displacement, talaga hong may maiiwan because gradual po ang ating pagpapagawa ng mga pabahay. Like, for instance, itong nagawa dito sa Angat Buhay temporary shelters, 60 po, and we have thousands of households displaced. Hindi po iyon puwedeng sabay-sabay. Kaya po mayroon tayong proseso, mayroon tayong criteria na sinusunod. Mayroon tayong binuo na technical working group, which is composed of different sectors, at isa lang ho dito ang local government.

    Wala ho, I would like to disabuse the minds of our people na wala pong palakasan dito. Talaga hong may maiiwan dito, so you could just imagine the displacement. So magsasalita talaga iyon, but we have to explain to them na mayroon na ho tayong ginagawa ngayon na, gaya ng sinabi niyo kanina, bakit after one year wala pang nakitang kongkreto ang ating gobyerno—mayroon po. Itong mga pabahay ay isa po iyan, at mayroon po tayong ginagawang mga interventions. Like, in terms of livelihood programs, kahapon ay nagkaroon po ng job fair ang DTI and of course DSWD and other line agencies of the government. Ang nakikita lang po natin na hindi pa nagsisimula, iyong infrastructures, especially inside the most affected areas, dahil po sa mga prosesong dinadaanan. Hindi naman po puwedeng sugod nang sugod tayo, because precisely, sinabi mo kanina, iyong unang nag-signify ng intention na i-undertake iyong construction ay hindi nag-qualify doon sa sinusunod natin na standard. Hindi ho puwedeng basta-basta lang tayong pumasok doon, dahil baka sa kalagitnaan ho ay doon natin ma-found out na hindi pala sila capable to undertake the project. Ganiyan po.

    Nandito po ang ating mahal na Vice President. Alam niya ang proseso, at hindi puwedeng basta-basta po tayong pumasok sa ganoong engagement.

    OVP: Next question from GMA.

    Q: Ma’am, ano po kayang posibleng maitulong for pangkabuhayan doon sa mga dito sa Marawi?

    VP LENI: Ito po talaga, iba-iba. Iyong pinaka-gusto sana natin, kung ano na iyong kinasanayan nilang ginagawa. Halimbawa, gaya noong mga weavers natin sa Barangay Dayawan, sila na iyong nagsabi na gusto nilang magtatahi, so iyon iyong tulong natin.

    Dito, pag-ikot namin, iba-iba: mayroong gusto sari-sari store, mayroong—iyon nga kanina iyong sinasabi ko—mayroon siyang glass ware store, mayroong driver ng tricyle. Iyong sa atin, mas mabuti sana kung ano iyong kinasanayan tapos mayroon pa ding market para doon, doon na lang siya tulungan. Kasi parang mahirap na kami iyong magsasabi na, “Ito iyong gawin mo,” pero hindi naman niya iyan alam, o hindi naman iyon iyong kinasanayan niya. Baka mas mahirapan siya.

    So iyong sa atin, tinitingnan natin ngayon—lalo na iyong mga halos walang makain—ano ba iyong immediate na puwedeng itulong sa kanila? Iyong example ko kanina, iyong tricycle driver, iyong sari-sari store owner, iyon matutulungan na kaagad natin iyon. Pero iyong ano talaga, kailangan talaga iyong patuloy na pakikipag-usap sa kanila, para natututukan natin kung ano iyong pang-araw-araw natin. Halimbawa, iyong isa na pinasok namin, may diabetes, hindi siya nagpapa-check-up. Iyong mga ganoon. Kapag nabibisita, nafa-find out mo, so nahahanapan ng intervention.

    OVP: Next, Divina. Next, from Inquirer—Susan.

    Q: Hi, Ma’am. Susan of the Philippine Daily Inquirer. Before iyong question ko kay VP, iyong kay Mayor muna, follow-up question doon sa tanong kanina ni Kaye Imson. Sir, ilan ba talaga iyong kailangan nating bigyan ng pabahay, at ilan na ngayon ang nabigyan?

    MAYOR GANDAMRA: Ang total displacement po, especially iyong mga nasiraan ng bahay sa loob ng Ground Zero, we have no less [than] 14,000 houses ang nasira; hindi ho natin sabay-sabay magawa iyong 14,000 na pabahay na iyon. Maraming iba’t ibang intervention po ang gagawin ng ating gobyerno. Magpapagawa ang ating gobyerno ng at least 4,000 to 5,000 houses. The rest po ay may ibang intervention ang ating gobyerno, like, for instance, iyong ating mga kababayan na dati nakatira sa ibang mga munisipyo, nagkaroon po iyong ating government—Task Force Bangon Marawi, national government—iyong Send Home aid, babalik sila sa dati nilang mga munisipyo. Iyon po ay nagsimula iyon, pero dahil po sa mga kababayan natin na nagsisibalikan, bumabalik sa mga evacuation center, ang sabi ng ating gobyerno itigil muna iyong mga ganoong programa kasi nagkakaroon ng mga duplication, overlapping. And of course, because of the scarcity of the resources ng ating gobyerno, alam naman natin iyon kaya kailangan ng support not only from the national government, but from all sectors of society, even international communtiies are also helping. Gaya po ng sinabi ng ating Vice President, hindi po ito kaya ng isang grupo, bagkus ito ay dapat nating pagtulung-tulungan. Even the IDPs should also learn how to stand, dahil ho hindi sa habang panahon ay aasa tayo sa gobyerno. And that’s the reason why we are teaching on how to parang bumangon ulit. At itong mga livelihood na sinasabi ng ating mahal na Vice President, together with the national agvoverment and of course the local government, ginagawan natin ng paraan. And we are—Sa local government, bumubuo kami ng mga cooperative, at isa dito target namin iyong mga temporary shelters. That’s 21 barangays. So mamaya po ay magbibigay ng support ang national government, through the Department of Agricuture, ang ating mahal na Sec. Manny Piñol, magtu-turn over ng mga truktura nang sa ganoon magkaroon tayo ng suporta doon naman sa ating mga farmers. So iyan po, may ginagawa ang national government sa tulong ng pribadong sektor. Kaya lang po, ang nakikita natin iyong sa hindi nagagawa. So I hope, with the support of the media, we have to convey to the people that we are doing something for the people, at hindi ho tumitigil ang ating gobyerno na mapabilis ang pagbangon ng Marawi City.

    Q: Thank you, sir. Ma’am—

    OVP: Ma’am, sorry, magtu-turnover na po tayo.

    VP LENI: Last na.

    Q: Although usap-usapan pa po, but what is your thought on extending martial law all over the Philippines and beyond December 2018?

    VP LENI: Iyong sa akin, hayaan muna siguro natin iyong national government mag-determine niyan. Parang mahirap kasi sa sitwasyon na ito na magbigay ng saloobin, kasi again, hindi ako privy sa kondisyon dito sa Mindanao. Siguro iyong mas makakapagsabi niyan iyong ating military, kung kailangan pa ba. Kung hindi na kinakailangan, mas mabuting hintuin na; kung kailangan pa, saka pag-usapan.

    Pero iyong gusto nating tutukan, kung paano ba tayo makakatulong, kasi kanina, gaya nga ng sinabi ni Mayor, kahit marami nang ginagawa, marami pa din iyong nangangailangan dahil sa dami talaga, dahil sa dami. Kaya iyong sa atin lang, gusto pa nating hikayatin iyong private sector na maintindihan lang na kailangan pa iyong tulong nila. Kasi marami namang gustong tumulong, iyong iba hindi lang alam kung paano. So iyong sa atin, susubukan natin na lalong i-activate iyong tulong ng private sector, ipaabot iyong kuwento ng mga tao dito, para naiintindihan nila iyong… parang hindi lang iyong balita, pero iyong mukha at kuwento sa likod ng balita, kasi tingin ko kapag narinig nila iyong mga kuwento ng bawat pamilya, hindi nila matitiis kundi tumulong din.

    OVP: Okay? Thank you, Ma’am.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am.

    VP LENI: Salamat.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 17, 2018