This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at Tabuco Elementary School, Naga City

    Turnover of Classroom at Tabuco Elementary School

    REPORTER: VP, dito po ba nag-aral si Aika noon?

    VP LENI: Oo, dito siya nag-pre-K. Si Aika, dito nag-daycare, dito siya nag-pre-K, kasi nakatira kami sa harap lang. So hindi lang si Aika; pati si Tricia, nag-umpisa dito, tapos lumipat sa Dayangdang Daycare. Tingin ko okay naman iyong ating public school system, at kaming mga government officials, mas mabuti kami iyong unang nagpo-promote ng public school system.

    REPORTER: Ano po ba ang kailangang gawin sa public schools?

    VP LENI: Iyong pinakaproblema talaga ng pampublikong paaralan, iyong physical facilities. Malaki na iyong ini-improve niya over the years—naaalala ko, noong time na, siguro, mga many years ago, iyong suweldo ng mga public school teachers hindi pa commensurate sa suweldo sa private [schools], pero ngayon, mas okay na siya. So dahil mas okay na siya, iyong expectation natin, mas mahuhusay na mga teachers iyong makukuha. Pero kahit kasi mahusay iyong teachers, kung hindi sapat iyong facilities, nagsa-suffer pa din iyong education ng mga bata. Halimbawa, dito sa distrito natin, sa 3rd District, marami pang mga lugar na, ano talaga, na sira na iyong classroom, ginagamit pa kasi walang ibang pampalit, hindi pa nako-close iyong backlog. Iyong time ko noong ako ay nasa Congress, kinausap ko nang ilang beses na iyong DepEd, nagsa-suggest ako ng ibang formula para maayos iyong inventory nila. Malaki na din iyong ini-improve over the years, pero iyong pinakaproblema talaga, mas malayo iyong schools sa centers, mas maraming pangangailangan, kasi siguro hindi nakikita. Kaya pinakamahalaga na sana iyong local officials, proactive—na kahit hindi sila kabahagi noong school system, sila iyong, parang, nagdadala. Sila iyong naglalapit sa schools, para ilapit iyong schools sa national government agencies.

    REPORTER: VP, maiba po tayo, ano. Iyong rehab po sa Manila Bay, iba-iba po iyong nagiging reaksyon doon. Kayo po, ano po ba iyong tingin niyo?

    VP LENI: Ako, tama na nagbibigay iyong pamahalaan na ito ng importansya sa pagre-rehabilitate, hindi lang ng Manila Bay, pero marami pang ibang mga—halimbawa, Boracay, Palawan. Tama iyon, at tayo, naa-appreciate natin, kasi nagpapakita iyon ng political will. Pero sana sa pagsusulong nito, parang, iyong buong picture iyong tinitingnan. Unang una, iyong ano talaga iyong epekto sa environment, ano iyong pangmatagalan na tulong nito sa tao? Iyong pagbuhay ng mga malapit doon, sana sila iyong nabibigyan ng, parang, priority dahil sa rehabilitation. Sinasabi ko ito kasi halimbawa iyong sa Boracay, napakaganda iyong ginagawa—napakaganda iyong ginawa pero may mga na-displace na, parang, hindi na-prepare. Iyong iba kasi, parang expected mo naman na madi-displace, pero sana na-prepare na mayroong kapalit na hanapbuhay.

    REPORTER: Mayroong casino daw na ilalagay doon?

    VP LENI: Iyong kuwento na mayroong casino, until now kuwento pa din kasi hindi naman natin nakikita na nag-o-operate. Dine-deny din naman ng pamahalaan na nag-issue iyong pamahalaan ng permit to operate. Pero same concern dito sa Manila Bay: napakaganda na nire-rehabilitate, pero parang may mga kaakibat naman siya na reclamation, na sana pag-aralan nang maayos, sana pag-aralan nang maayos kung ano iyong pangmatagalang epekto nito, hindi lang sa kalikasan, pero sa Metro Manila in general, kasi napakasiksik na, napakasiksik na ng Manila. Makakabuti ba ito sa atin?

    Iyong sa akin lang, sana hindi reactive iyong pagsalubong natin ng mga problema. Sana iyong ganitong effort na i-rehabilitate, gaya ng nasabi ko, napakagandang hakbang, pero sana iyong lahat na maaapektuhan ng pangmatagalang epekto nito, mapag-aralan.

    REPORTER: Sa Wednesday po, magkakaroon ng proclamation rally?

    VP LENI: Gusto po nating imbitahan iyong lahat na nanonood sa atin ngayon—dito sa Naga, sa lalawigan ng Camarines Sur, at sa Bicol Region—sa Wednesday po, ito iyong 2nd day ng official campaign period. Nandito iyong aming mga kandidato para sa Senado, iyong Otso Diretso. Ito po, napakahuhusay na mga kandidato. Pinag-isipan, pinagpaguran iyong pagpili. Hindi sila masyadong mga kilala.

    Pero iyong sa akin kasi, tama lang na dito sa atin iyong, parang, kickoff, kasi iyong Naga, over the years, nagpakita ng talino sa pagpipili ng mga namumuno sa kaniya. Parati ko itong pinagmamayabang kapag nag-iikot sa buong Pilipinas, na dito sa atin, hindi dito totoo na kailangan may pera ka para manalo ng eleksyon. Dito sa atin, kahit walang pera, may pag-asang manalo. Dito sa atin, kung sino iyong bumibili ng boto, siya iyong hindi nananalo. Dito sa atin, hindi natin pinapayagan na magkakamag-anak iyong kumakandidato—lalong maraming kamag-anak, lalong hindi nakakalabas dito sa loob ng Naga. At sana iyong maturity sa pagboto na iyon, mahawa natin iyong ating mga karatig-munisipyo, kasi sa pagkakaroon ng empowered na electorate, doon napipilitan iyong pamahalaan na humusay. Kahit saang ikot ko sa Pilipinas, parati kong sinasabi na, “Ibahin niyo kami sa Naga. Ibahin niyo kami sa Naga, kasi doon sa amin, ang mga tao, hindi nadadala sa pera. Doon sa amin, iyong mga botante hindi nabibili.” Sana ipakita natin iyan sa Wednesday, pagpunta ng ating mga kandidato na wala mang pera, hindi man kilala, pero iyong track record ipinakita na na napakahuhusay talaga. Sana ipakita ng lugar natin na gaya noong umpisa, talagang napakahuhusay nating pumili ng mga kandidato.

    REPORTER: Okay, VP, last po: Ito po, may kasong inihahanda kay Pangulong Aquino, right? Noynoy. May epekto po ba ito sa laban ng Otso Diretso?

    VP LENI: Iyong sa atin kasi, parang mahirap magbigay ng pahayag na wala pa naman iyong dokumento. Mayroong mga conflicting na statements iyong mga miyembro ng komite sa House of Representatives. Parang gusto kong mag-comment kapag nandiyan na iyong committee report. Kasi allegedly mayroon nang committee report, nagrereklamo iyong ibang committee members na hindi sinama iyong kanilang mga saloobin. Gusto ko siyang hintayin. Gusto kong hintayin na magkaroon bago tayo mag-react, kasi baka mag-react tayo na mali naman iyong details.

    REPORTER: Thank you, VP!

    VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 08, 2019