This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the OVP Bridging Leadership Program Graduation and Awarding Ceremonies

    OVP Bridging Leadership Program Graduation and Awarding Ceremonies

    Q: Ma’am, una muna, itong awarding. Paano niyo nakikita na iyong sinimulan po ni Sec. Jesse ay ito na, namumunga na, at in fact, mayroong ganitong programa para mas lalo nating, kumbaga iyong legacy, maituloy ng ibang LGU?

    VP LENI: Ito kasi, maraming bagay kung bakit natin ginagawa iyong Bridging Leadership Program. Una, magkaroon ng haven iyong mga local government officials na matino at mahusay. Kailangan kasi, parang, mayroon silang bahay kung saan nase-celebrate iyong kanilang galing at natutulungan sila kapag mahirap iyong panahon. Pangalawa, para mag-train ng mga bagong breed ng mga local officials na iyong may mga mahaba nang karanasan, ma-train iyong mga bago. Pangatlo, parang ano kasi siya, parang nagkakaroon ng inventory ng mga best practices na puwedeng pinagkukuhanan ng inspirasyon ng iba’t ibang mga LGUs. Ito, pagsusulong ng paniniwala ng yumao kong asawa, na kailangan talaga iyong mga opisina na kagaya namin, ini-incentivize iyong mga mahuhusay, dahil sa ganitong paraan lalo silang nabibigyan ng lakas para ipagpatuloy iyong ginagawa. Dahil sa mundo ng pulitika, parang napakadali to lose track of what is right and what should be pushed. Parang ito, pagbibigay-pugay doon sa mga nasa tamang landas, at parang tap siya sa likod na sinasabi na “Tama iyong ginagawa mo, ipagpatuloy mo pa iyang ginagawa mo.”

    Q: Ito, Ma’am, ma-i-institutionalize? Tuloy-tuloy po ito?

    VP LENI: Tuloy-tuloy po ito. Iyong partner natin dito, Seaoil Foundation, at iyong initial na usapan namin one year na run, pero kahit sila na-inspire sa kinalabasan. Iyong ating institutional partners, sila iyong nagse-serve na mentors ng mga local government units na, parang, nagga-guide kung paano lalong paayusin iyong dati na nilang ginagawa, at paano matuto galing sa iba.

    Q: Okay, Ma’am, maiba po tayo: Unang araw po ng kampanya. Paano po ito naiiba? Kasi I’m sure mangangampanya po kayo para sa Otso Diretso, pero ito po kasi, sitting Vice President po kayo. Ano po iyong pulso niyo, paano niyo po nakikita iyong hirap o iyong gaan or whatever itong kampanyang ito?

    VP LENI: Ako, mahirap itong kampanyang ito. Mahirap in the sense na iyong ino-offer namin sa mga tao, mga taong hindi masyadong kilala. Pero iyong hirap kasi na iyon, iyon din iyong lakas—lakas na kahit hindi sila kilala, alam namin na deserving talaga. At iyong aral na napulot ko sa sarili kong kampanya, na wala namang imposible basta pagtrabahuhan, para nag-a-appeal sa good sense pa din ng bawat isang boboto, na ang eleksyon, pagkakataon na itama iyong kamalian. Ang eleksyon, panahon na i-celebrate iyong kabutihan. Kaya itong ino-offer namin sa kanila na mga kandidato, iyong amin lang pakiusap, pag-aralan—pag-aralan kung sino sa kanila—dahil alam namin na kung pinag-aralan kung sino sa kanila, sila iyong tutulungan. Iyong sa akin lang, marami tayong reklamo sa mga hindi magagandang nangyayari, pero ito kasi, kabahagi tayo nito. Nasa kamay natin iyong pagpipili ng tama at mali, at iyong eleksyon ang pinakamalaking pagkakataon para gawin natin iyong tama.

    Q: Okay, thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 11, 2019