This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Otso Diretso Proclamation Rally

    Otso Diretso Proclamation Rally

    Naga City

    REPORTER 1: Vice, good evening, Ma’am. Ma’am, your reaction lang po sa pagkakaaresto po kay Maria Ressa tonight?

    VP LENI: Nakakalungkot kasi ito, isa na namang yugto na nagpapakita sa atin kung gaano iniipit iyong mga naglalakas-loob na makapagsalita laban sa mga polisiya ng administrasyon. Ito, napakalaking… napakalaking dagok sa press freedom. Napakalaking warning na binibigay, sa anyone na magkakaroon ng lakas ng loob na magpahayag ng kanilang saloobin, ay napaparusahan.

    REPORTER 2: Vice President, noong Jan. 6 po, naglabas ng article ang Politiko na online site, and ang nilabas po nila ay tungkol sa pag-wary niyo sa nationwide river dredging project—

    VP LENI: Ano iyon?

    REPORTER 2: Nationwide river dredging project po. Tungkol po sa pag-wary—

    VP LENI: Ano iyon?

    REPORTER 2: Tungkol po sa pag-wary niyo—

    VP LENI: Tungkol sa pag…?

    REPORTER 2: Tungkol sa wary niyo po—

    VP LENI: Ah, wary! Akala ko quarry. [laughter]

    REPORTER 2: Wary po sa nationwide river dredging project—

    VP LENI: Mali iyong news article. Iyong news article, nagsasabi na kontra ako sa river dredging. Hindi ganoon iyong aking statement. Iyong aking statement, iyong nakaraang administrasyon, wary sila sa mga river dredging project dahil napakalaki ng korapsyon dito. Pero ang sinabi ko doon, kinakailangan dito sa atin na magkaroon ng dredging ng Bicol River, kasi iyon iyong pinakamalaking dahilan kung bakit baha tayo nang baha.

    REPORTER 1: Ma’am, your reaction po doon sa turnout ngayon despite the rain?

    VP LENI: Masaya. Napakasaya kasi kaninang bumuhos iyong malakas na ulan, nag-worry ako na baka magsiuwian iyong mga tao, lalong-lalo na kasi marami iyong matatanda. Iyong nakakataba ng puso, kasi dito sa Naga, hindi kailangang magbayad o maghakot ng tao para may mag-attend ng rallies. Dito, ang tao, kapag naniniwala sila, nakikiisa sila. At ngayong gabi, iyong turnout ay nagpapakita na maraming nakikiisa sa ating paniniwala, maraming interesadong malaman kung sino iyong mga kandidato—kasi ako, sigurado ako, given the maturity ng electorate dito sa Naga, kapag nakilala nila iyong aming mga kandidato, hindi lang sila boboto kundi ikakampanya pa sila.

    REPORTER 1: Ma’am, Naga is your bailiwick, but how do you plan to replicate this kind of success in other key cities that are voter-rich?

    VP LENI: Iyong sa atin, hindi natin tinitingnan iyong voter-rich, eh. Iyong sa atin, we do what we can. Iyong sa akin, every chance I could get na maipapakilala iyong ating mga kandidato, gagawin ko. Fully aware ako sa mga kahirapan. Maaari na hindi kasing dali mag-gather ng crowd kumpara dito sa Naga, pero dahil kasi naniniwala ako sa mga kandidatong piniprisinta namin, hindi ko iindahin iyong hirap at pagod. Gagawin ko iyong lahat para lang mapakilala sila.

    REPORTER 1: Ma’am, last from my end: Samira Gutoc earlier said na some LGUs turned down iyong mga requests ng Otso Diretso to hold sorties. Ano iyong runaround natin dito?

    VP LENI: Hindi lang iyon ngayon, pati iyong sa trabaho ko sa Office of the Vice President, maraming mga kahirapan sa pagkuha ng cooperation. Hindi lahat na LGUs—mayroon lang ilan—na may takot na magpakita na nagko-cooperate sa amin. Iyon, naiintindihan natin—naiintindihan natin, pero nalulungkot pa rin tayo. Nalulungkot tayo na kahit sa trabaho namin nilalagyan ng pulitika. Iyong ngayon kasing kampanya, expected mo na matatakot iyong mga local government units magpakita na kahit mag-accommodate lang. Kaya nagpapasalamat tayo sa malakas iyong loob kasi kaunti na lang iyong ganoon.

    REPORTER 1: So Ma’am, paano po iyong…. Paano mo ina-address iyon?

    VP LENI: Iyong— Ako, iyong kampanya ko, hindi naman local government officials lang iyong susi. Iyong pinakasusi talaga iyong taumbayan. Iyong sa akin, mapaalam mo lang sa taumbayan kung sino ang mga kandidato, confident ako na dadalhin nila iyan.

    OVP: Ma’am, last question—

    REPORTER 3: Ma’am, sorry po, paulit noong tanong, pero your comment on the arrest warrant filed against—issued to—Maria Ressa because of cyberlibel charges?

    VP LENI: Iyong sa akin, nakakalungkot. Dine-denounce natin in the strongest terms, na sa panahon ngayon, iyong political harassment dahil sa pagpapahayag ng saloobin, dahil sa pagpapahayag ng pangongontra sa ibang mga polisiya, nagiging dahilan para supilin iyong freedom, hindi lang ng members ng media, pero ng mga tao na naglalakas ng loob. Si Maria Ressa, pinakita iyong tapang. Noong mga nakaraang taon, mga nakaraang araw, mayroong mga panahon na parang siya na lang iyong boses na naririnig natin dahil lahat natatakot. Pero iyong tapang na pinakita niya, nagbibigay-inspirasyon sa marami pa na worth the fight iyong ginagawa. Kaya sana, sana iyong kaniyang arrest ay hindi magdagdag ng takot sa ibang nais magpahayag ng kanilang saloobin.

    REPORTER 2: Among the projects po or programs of Otso Diretso, ano po sa tingin niyo iyong pinaka-priority?

    VP LENI: Lahat kasi priority, kasi iyong walong kandidato ng Otso Diretso, mayroong kaniya-kaniyang mga advocacies. Halimbawa si Senator Mar, ekonomiya; si Senator Erin, agrikultura; si Senator Bam, edukasyon; Senator—si Atty. Chel Diokno, justice system. Lahat sila, lahat may pinaglalaban, kaya walang mas matimbang kaysa sa isa. Kasi kaya iyon iyong consideration natin [sa] pagpili sa kanila: na sinisiguro natin na iyong lahat na mahahalagang mga bagay, lahat na mahahalagang mga adbokasiya, mayroong magcha-champion.

    OVP: Ma’am, last na lang, Raymund—pahabol.

    REPORTER 4: Ma’am, mayroon pa po kayong next destination, na kasama kayo accompanying the slate?

    VP LENI: Ako naman, iyong slate, mayroon na silang fixed na schedule. Ako, whenever my schedule will permit, sasama ako. Pero ako, gagawa din ako ng sariling lakad. Marami din naman akong mga— Marami akong ginagawa, kahit wala pang kampanya, marami akong ginagawang mga projects, lalo na sa pinakamahihirap na lugar. At every chance I could get, ipapakilala ko sila.

    REPORTER 4: Ma’am, kasama sila at hindi sila kasama?

    VP LENI: Siguro most of the time hindi sila kasama, kasi mayroon na silang campaign schedule. Pero ako, every chance I could get—whether konektado iyon sa trabaho ko o hindi—gagawin ko para maipakilala sila.

    REPORTERS: Okay, thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 12, 2019