This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo

    Interview with Vice President Leni Robredo

    Visit to Quezon

    Sentro Pastoral, Bishop’s Palace, Lucena City, Quezon

    OVP: Okay na? Ready. Si ano muna, si Gwen Moreno of Pinoy Bandera.

    PINOY BANDERA: Magandang hapon po sa inyo, Vice President Leni Robredo. Gwen Moreno ng Pinoy Bandera Regional Newspaper po. Madam Vice President, sa palagay niyo po ang magiging lamang [niyo] sa inyong makakatunggali sa pagka-presidente ng ating bansa?

    VP LENI: Number one, ako ang pinaka-masipag siguro. Masipag talaga ako mag-ikot. At hindi ako nag-iikot ngayong eleksyon lang. Hindi ako humintong mag-ikot. Wala pa ako sa politika, iyong buhay ko nasa communities na talaga. So iyong aking politika ay hindi lang naman pagkampanya, pero ang aking politika—kahit wala ako sa politika o nasa politika ako, iyong paninilbihan sa communities ay hindi nahihinto.

    OVP: Okay po. Miriam Imperial from DZLQ.

    DZLQ: Isang magandang hapon po, Vice President! Tanong ko lang po, tayo po ay may kinakaharap na malaking problema, ang ating bansa. If ever po kayo ay maluklok bilang presidente ng Pilipinas, sa palagay niyo ano po ang magiging solusyon niyo?

    VP LENI: Alin pong problema?

    DZLQ: Tulad po sa pandemic?

    VP LENI: Ah, pandemic. Mga dalawang linggo na po ang nakakaraan, nilabas po namin sa publiko iyong aming comprehensive na plano laban sa pandemya. Hinati po namin ito sa tatlong areas. Iyong pinaka-una ay health. Pangalawa po ay hunger—nandoon na po iyong poverty. At pangatlo po ay education. Nasa website po namin, lenirobredo.com iyong detalye nitong programang ito. Nagkaroon din po kami ng press conference about this two Mondays ago. So sa amin po, iyong detalye nito ay makikita sa website namin. Mahaba po at comprehensive iyong plano.

    Pero iyong sa amin po, kapag kami binigyan ng pagkakataon, iyon iyong una naming tutukan sa first 100 days. Na number one, ma-control iyong pandemic. Hindi po gustong sabihin na mababa iyong kaso ngayon, kailangan na tayong magkampante. Sisiguraduhin natin na hindi na tayo magkakaroon ng mga surges gaya noong mga nakaraan. Iyong pangalawa na mas importante din, sisiguraduhin namin iyong masasamang epekto ng pandemic ay malulutas natin—sa ekonomiya, sa employment, sa gutom, sa edukasyon. Iyong pag-aayos ng ating healthcare system, pagbibigay ng malaking—pagbibigay ng nararapat na benefits para sa ating mga healthcare workers, pagsisiguro na iyong ating mga ospital ay kumpleto sa gamit, pagsisiguro na iyong ating mga health centers ay makakatugon sa mga primary na pangangailangan pagdating sa kalusugan, pagsisiguro na accessible iyong bakuna at saka swab tests. So ito po iyong mga una nating bibigyan ng pansin kapag tayo ay nakaupo na.

    OVP: Okay. Anjo Alimario, CNN.

    CNN PHILIPPINES: Hi, Ma’am. Still on the Ayungin Shoal incident. Last night, China released a statement saying na tayo pa raw iyong nagte-trespass sa kanilang waters and I know you’ve been advocating for a stronger stance invoking our rights and invoking our sovereignty. Also, Ma’am, kumustahin ko lang din iyong meeting niyo with the former military generals. You’re crafting your own national security agenda. Can you give us some preview on that?

    VP LENI: Ako, ang Ayungin Shoal kabahagi ito ng Kalayaan Group of Islands. Hindi naman debatable kung kanino ito, eh. Hindi naman siya debatable na tayo iyong may sovereign rights dito. Hindi siya debatable na bahagi siya ng ating EEZ. Iyong sa akin, puwedeng magsabi ng contrary opinion iyong iba pero hindi na ito subject sa debate kasi nakataga ito sa bato. Na ito iyong matagal na nating ina-advocate, na kailangan mayroon tayong stronger stance pagdating sa pag-deal with questions on West Philippine Sea kasi mayroon tayong pinanghahawakan. At ang pinanghahawakan natin ay iyong ating panalo sa arbitral tribunal.

    Iyong sa akin, iyong pangalawang tanong, na-discuss namin iyong West Philippine Sea. Na-discuss namin iyong mga dumadagdag na external threats sa atin at ito ay kabahagi siya ng pag-craft ng ating national security policy. Kabahagi noon iyong pagre-refocus ng AFP sa primary na mandato niya. And iyong primary na mandato talaga ng AFP iyong siguruhin na protected ang ating bansa sa external threats. At ito, iyong nangyayari ngayon sa West Philippine Sea ay ito iyong pinakamalaking halimbawa ng escalating na external threats na mayroon tayo.

    OVP: Saleema, GMA.

    GMA NEWS: Ma’am, last night si Presidente po mayroon pong sinabi about a certain presidential aspirant na allegedly nagko-cocaine at isang anak mayaman. Ang tanong po niya, “what has he done? He is a very weak leader except for the name.” May ganoon pong sinabi. You were head of ICAD, Ma’am. Ano po bang dapat gawin ng gobyerno rito at ano po iyong reaksyon niyo na may isa nga pong presidential aspirant na allegedly ay gumagamit po ng ilegal na droga?

    VP LENI: Ako, number one, siguradong hindi ako iyon. Number two, ayaw kong pumatol. Ayaw kong dagdagan. Iyong sa akin lang, kung mayroong ebidensya, kailangang ilabas. Kung mayroong ebidensya, kailangang kasuhan kasi ito iyong nakasaad sa ating batas. Hindi dapat ito dinadaan sa ganitong paraan. Iyong sa akin, I am sure iyong presidente mayroong access sa maraming information na lahat tayo walang access. So siya iyong makakasagot kung ano iyong mga pruweba tungkol dito. Pero para patulan pa, hindi na. Sigurado lang akong hindi ako iyon.

    GMA NEWS: Ma’am, drug testing sa mga presidential aspirants. Sinabi niyo na dati na pabor kayo rito.

    VP LENI: Pabor ako rito at dapat hindi siya nakaplano, dapat biglaan para hindi napapaghandaan.

    GMA NEWS: Ma’am, bakit po importante na magpa-drug test, para po sa inyo, iyong mga kumakandidato po?

    VP LENI: Papaano kasi natin malalabanan iyong droga kung wala tayong moral authority para labanan ito? Kailangan iyong tao magtiwala sa amin. Hindi natin malalabanan iyong korapsyon kung ang nakaupo ay hindi malinis. Kaya kung lalabanan natin iyong droga, pinaka-una dapat iyong nagko-call the shots ay malinis.

    OVP: Okay?

    REPORTERS: Thank you!

    VP LENI: Thank you!

     

    - 30 -

     

    Posted in Transcripts on Nov 19, 2021