This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo

    Interview with Vice President Leni Robredo

    Visit to Nueva Ecija

    Luzviminda Events Place, Cabanatuan City, Nueva Ecija

    OVP: Quiet lang para magkarinigan tayo. Ready na? Julie Reyes? Si Julie? Ryan Rivera, DWJJ.

    DWJJ: Ma’am, kumusta po pagpasyal natin dito sa lalawigan ng Nueva Ecija? Tayo po ba ay na-attract sa lalawigan ng Nueva Ecija?

    VP LENI: Actually na-overwhelm ako sa reception ng mga taga dito kasi di ko inaasahan na ganito kadami iyong volunteers natin. Kanina pa doon sa mga unang pinuntahan hanggang sa daan maraming nag-aabang so gulat kami. Alam namin na may volunteers pero hindi namin alam na ganito sila kasigasig at ganito sila kadesidido. So ano siya, pleasant surprise.

    OVP: Julie Reyes? Mayroon? Nandito na po?

    REPORTER: Hi. Pwede po kayang pakibanggit ulit natin iyong ating handog sa mga kapwa magsasaka dito sa lalawigan?

    VP LENI: Iyong ano po?

    REPORTER: Iyon pong ating program para sa agrikultura.

    VP LENI: Mayroon po tayong several na farmer groups na nabisita na dito. Iyong pinaka una po naming nabisita dati pa iyong Kalasag farmers sa San Jose pero kami iyong nag-aral sa kanila. Mayroon silang programa sa Jollibee—Jollibee Foundation—na parang Farmer Entrepreneurship Program na ginaya po namin doon sa amin sa Camarines Sur at marami kaming natutuhan na maraming benefits iyong nabigay sa aming mga farmers. Noong 2017, binisita din natin iyong mga kalamansi growers dito sa Cabanatuan. Ni-link up natin sila sa Philmech kasi iyong pinaka-desire nila parang magkaroon ng kalamansi processing plant na kahit maliit lang for the cooperative para iyong value added sa kanilang mga produkto ay makadagdag sa kanilang kita. Ito po natapos iyong kanilang feasibility study last year. Ngayong year nakakuha ng pledge from DA na tutulungan sila para ma-put up iyon. Pero kanina binisita ko sila, sabi nila kulang pa kasi ang pinledge ata ng DA hanggang doon lang sa parang tatlong machineries ata iyong kailangan nila, isa lang iyong na-pledge. So kami po nag-promise kami na tutulungan namin—tutulungan namin with DTI, tutulungan namin with DOST at saka iyong opisina namin mismo tutulong. So sa farmer iyon, nag-download din tayo ng P8 million sa dalawang hospital dito sa Nueva Ecija para to—bahagi siya ng aming Medical Assistance Program na in-expand natin lalo na noong nagka-pandemic. Pero in the last year or so iyong pinaka frequent na tulong natin dito sa Nueva Ecija, mga 28 na batches ng PPE sets iyong binigay natin sa iba’t ibang mga, hindi lang hospital, pero pati mga LGUs, at saka iyong mga rural health centers. Iyon iyong binigay natin aside from PPE sets, mga medical supplies para lahat ito pandemic related.

    OVP: Gerard, TV 5?

    TV5: Hi, Ma’am! Bale, of course we’re aware naman po doon sa nangyaring eksena sa COMELEC noong Saturday and just now po nabanggit po ni Spokesperson Harry Roque na hindi raw po maglalaban sa parehong puwesto iyong mag-ama so most likely si President Duterte is running for the Senate. Ano po iyong thoughts niyo on that?

    VP LENI: Sa akin kasi, expected. Kami, noong kami nag-file ng aming candidacy, kabahagi na siya sa expectation na siguradong may Duterteng magfa-file either for president or vice president. Pero iyong sa amin lang, dahil expected siya, hindi naman talagang maaapektuhan iyong aming lakad. Karapatan naman nila. Karapatan nila mag-desisyon para sa kanila. Sa amin, tuloy lang kami. Tuloy lang kami. Mas focused kami sa aming mga activities lalo itong pagpapasalamat sa ating mga supporters, na hindi magpapaapekto sa galaw ng ibang mga kandidato.

    TV5: Thank you.

    OVP: Adrian Ayalin? Anjo daw muna.

    CNN PHILIPPINES: Ma’am, recently, Governor Chiz called on candidates to disclose their SALNs and sign a bank waiver to all candidates to show credibility and integrity. I know, Ma’am, your office has been releasing your SALNs. Ma’am, gaano ba kahalaga iyong pagpapakita ng SALNs at bank waivers? And will you also issue the same challenge to other presidentiables?

    VP LENI: Oo naman. Actually, ako matagal ko nang—I have always been very vocal na dapat iyong SALN should be made public. Kasi in the first place, kaya siya required—kaya siya required kasi ito iyong pamantayan at saka ito iyong pruweba kung iyong mga kandidato o mga public officials na binoboto natin, malinis iyong kanilang record, walang tinatagong yaman. Iyong kanila bang mga pag-aari ay commensurate sa income na natatanggap nila. Kapag tinatago ito, papaano malalaman ng taumbayan? Kaya iyong sa atin, ilang beses na tayong nagsalita na dismayado tayo sa desisyon ng Ombudsman mula pa several years ago na pinapahirapan iyong anyone na nagre-request nito. Kami sa opisina namin, totoo na naka-file ito sa Ombudsman pero siyempre may kopya kami. Anyone na mag-request, basta mag-comply lang sa requirements namin, we issue as soon as possible. Ang panawagan natin na dapat iyong ibang mga kandidato at saka public officials ganoon din kasi iyon naman iyong dahilan kung bakit required siya under the law.

    OVP: Adrian, Ma’am.

    ABS-CBN: Ma’am, iyong sa survey nilabas na rin kasi ng Stratbase iyong kanilang resulta ng survey. Anong masasabi niyo na nag-number two na kayo?

    VP LENI: Again, pleasant surprise para sa amin kasi kami noong pumasok kami, noong nag-file ako, aware kami kung ano iyong standing. Aware kami noong aking standing. Parang noong 2016 na nag-umpisa tayo sa bottom, na mayroon tayong mga targets na paunti-unti na tumataas iyong ating numbers. So noong nakita natin iyong latest surveys, ngayon na pangalawa na ako, napakagandang balita. Napakagandang balita kasi hindi natin inaasahan na this early, this early magna-number two na ako. Iyong una, akala namin mga next year pa, mga January o February kasi nag-umpisa nga ako napakababa. Pero the mere fact na pangalawa na ako, siyempre very well taken ng aming campaign team.

    ABS-CBN: Ma’am, pero medyo malaki iyong lamang. Paano iyong magiging approach niyo in the next few days?

    VP LENI: Iyong sa atin kasi understandable iyong lamang dahil more than six years na naghahanda iyong kalaban natin. Tayo, nag-decide tayo ng 11th hour pero the mere fact na mayroon lang tayong one month since the decision na gumalaw, tapos ganito na iyong tinaas, nagpapakita na kailangang maging very hopeful kasi hindi nga inaasahan iyong pagtaas. Hindi kami gulat—hindi kami gulat sa numbers kasi alam namin kung ano iyong binubuhos para makuha iyong standing ngayon. Pero gaya ng mga nakaraang eleksyon, sobrang aga pa nito. Sobrang aga pa para sabihin na ito na iyong frontrunner kasi alam natin na between now and the official campaign period, iyong galawan ng ranking ay very fluid pa.

    OVP: Jojo de Guzman, Big Sound FM.

    BIG SOUND FM: Ma’am, pagkaraan ng almost six years na maayos niyong pagganap as Vice President, if ever maging presidente kayo, ano sa tingin niyo ang pinaka-appropriate na Cabinet position para sa isang susunod na vice president?

    VP LENI: Ako, depende kasi kung sino iyong vice president. Siyempre ang ibibigay natin na Cabinet—ang i-o-offer natin na Cabinet position, iyong commensurate sa kaniyang expertise at saka sa kaniyang experience. So depende kung sino iyong manalo, doon din natin ibabase. Doon natin ibabase kung ano iyong i-o-offer natin na Cabinet position.

    OVP: Okay, Ma’am, last two questions.

    GMA 7: Pinapatanong lang po, ano, si Ian po sa GMA News. Si Parlade tumakbo bilang presidente kasi dalawa iyong reason niya. Isa doon iyong nagiging circus daw po iyong panguluhan dahil kung sino-sino na raw iyong tumatakbo sa administrasyon. And then sinasabi rin niya na may mga taong gustong ipa-abolish ang NTF-Elcac, including iyong mga senador at sinabi rin po niya iyong pangalan niyo.

    VP LENI: Hindi ko naman kontrolado iyong kaniyang plano. Karapatan niyang tumakbo. Ako, hindi ko na—hindi na ako magko-comment doon kasi kami naman focused sa aming lakad at saka takbo.

    OVP: Last two questions? Jordan Ilustre?

    BIG SOUND FM: From Big Sound FM. Ma’am, kayo raw ay pro-communist. Ano po ang comment niyo rito?

    VP LENI: [laughs] Kaya sinasabi natin na sobrang delikado—kaya sinasabi natin na sobrang delikado kapag ang isang government agency ay nagre-release ng mga statements na walang basehan. Kasi hindi nila nare-realize na ine-endager nila iyong buhay ng mga binibigyan ng paratang na wala namang basehan. Kung ang isang government agency ay mas responsable—mas responsable sa mandato at saka datos niya, wala tayong kailangang ipangamba. Pero kung may mga nagli-lead sa isang government agency na ganito ka-irresponsible sa pagparatang, eh dapat talaga tayong mag-isip many times over.

    BIG SOUND FM: Ma’am, kasama po ang anti-insurgency sa inyong mga resolusyon?

    VP LENI: Oo naman. Ilang beses ko na itong nasabi na ang insurgency ay isang seryosong bagay na kailangang tutukan ng pamahalaan. Pero ang paniniwala natin, mareresolbahan lang iyong insurgency kapag ang gamitin whole-of-government approach. Hindi puwedeng mas militaristic lang iyong paraan para ma-resolve ito. Kasi again, iyong kasaysayan natin nagpakita na hindi ito iyong solusyon. Ang solusyon nito talagang tumbukin iyong pinaka-root ng problema para ito ay mahinto.

    OVP: Last question kay Jordan.

    REPORTER: Ma’am, magandang hapon po. Importante po sa mga rice farmers iyong issue ng rice tariffication. So ano po iyong take niyo po rito?

    VP LENI: Sa akin, matagal na nating hinihingi—matagal na nating hinihingi iyong pag-review nito, lalo na iyong nag-spike talaga iyong inflation. Nag-spike iyong inflation tapos nakita natin kung ano iyong damage na nabigay nito sa ating mga magsasaka. Hindi lang sa ating magsasaka pero sa ibang mga apektado dahil sa import liberalization na parati nating hinihingi na sana iyong pag-import ay gagawin kapag kailangan na. Na dapat hindi ito nagiging dahilan para kinokompetensya iyong ating local producers. Na dapat binibigyan natin ng level playing field iyong ating mga local farmers na alam natin na kaya hindi sila nakakapag-kompetensya sa presyo ng mga ini-import, kasi iyong pinanggalingan na mga bansa, grabe iyong government subsidy na tinatanggap nila. So para sa akin, dapat iyong gobyerno tutukan papaano ba natin matutulungan iyong ating local producers para unang-una, maproteksyunan sila. Pangalawa, masiguro na makakapag-kompetensya sila sa presyo na level iyong pinanggagalingan. Kasi kung ang mga magsasaka natin walang subsidy galing sa pamahalaan, iyong iba mayroon, siyempre mas mababa iyong presyo nila. So para sa akin, kailangan talagang i-reassess. I-reassess papaano ba natin ito—papaano ba natin masisiguro na bababa iyong presyo para sa mga consumers na hindi naman nadedehado iyong ating local producers.

    OVP: Okay?

    REPORTERS: Maraming salamat, VP!

    • 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 15, 2021