This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the MetroLaylayan Visit in Tondo, Manila

    Metro Laylayan Visit – Manila

    Brgy. 58, Zone 5, Pritil, Tondo, Manila

    REPORTER 1: Ma’am, kumusta po iyong pagbisita niyo dito, and ano po iyong mga problema na nakita niyo na puwedeng tugunan?

    VP LENI: Maayos iyong pagbisita natin. Nagpapasalamat tayo kay Cong. Manny (Lopez) saka sa staff niya, saka kina Kap, sa mainit na pagtanggap sa atin. Nasabi ni Cong saka ni Kap iyong problema nila dito; isa ito sa pinaka-depressed na lugar dito sa Maynila. Iyong pinaka-problema talaga nila dito iyong population density dahil maliit iyong land area, napakarami iyong residents. Mahirap talaga iyong pagbaba ng medical—hindi lang medical pero lahat na social services, dahil ang isang household, napakaraming pamilya iyong kasama. Halimbawa, iyong pinasok natin kanina, 16 silang magkakapatid. Iyong bawat isa mayroon na ding sariling pamilya, sa isang bahay nakatira. Sabi ni Kap saka ni Cong, parang natural… regular na ganoon iyong sitwasyon dito, kaya mahirap iyong pagpaabot. Bago tayo pumunta dito, pina-assess na natin, kaya iyong dala talaga natin mga trabaho. Marami din dito iyong hanapbuhay pagtinda ng luto na ulam, mga karinderya, kaya nagdala din tayo ng tulong, training para doon, hahanapan natin ng partnership para tulungan silang mapalago iyong hanapbuhay. Pero number one talaga na kailangan dito iyong hanapbuhay, dahil marami iyong mararami iyong mga anak. Tinatanong ko nga si Cong. Manny kanina kung, parang, mahirap manilbihan sa isang lugar na napakarami iyong tao, kasi very limited talaga iyong galawan. Pero ano naman, nagdala tayo dito ng partners, marami tayong partners na kasama. Hopefully umpisa pa lang ito. In the next months or so, iyong partnership mapalago, lalo na doon sa mga nagka-karinderya. Ano po, Kap? Lalo po sa mga nagka-karinderya, sana matulungan natin sila. Tapos iyong mga walang trabaho, sana kahit paano nakatulong iyong ating job fair ngayon. Ito naman iyong ginagawa natin sa mga mahihirap na lugar dito sa Metro Manila. Iyong dinadala natin na klaseng tulong iyong hanapbuhay talaga.

    REPORTER 2: Ma’am, good morning. Ma’am, DOLE granted a ₱25 wage hike to Metro Manila workers. Ma’am, do you think that’s enough to cushion the impact of inflation, considering, Ma’am, last month it remained steady at 6.7%?

    VP LENI: Ako, paniniwala ko it is never nearly enough, pero malaking tulong na. Mas mabuti na iyon kaysa sa wala. Hindi siya sapat dahil iyong itinaas talaga ng mga presyo, more than sa itinataas ng suweldo. Pero ₱25 a day, malaking bagay na iyon sa ordinaryong manggagawa. Pero siguro isipin din natin, paano ba matutulungan iyong mga walang regular na sahod? Kasi marami din iyong naapektuhan ng inflation, hindi talaga regular iyong hanapbuhay, hindi sila iyong sumasahod araw-araw. So iyong pinaka-tanong, paano ba sila maaabot? Kung naaalala natin, mayroong safety nets iyong TRAIN Law para doon sa mga walang regular na sahod. Iyong ₱200 a month, iyon iyong matagal na nating hinihingi sa pamahalaan na balikan sana, i-revisit, una, iyong listahan, kung tama pa ba iyong 10 million na tutulungan; pangalawa iyong amount, iyong ₱200 a day, tama pa ba, considering na nakuwenta iyon bago pa nagkaroon ng inflation. So kung sabayan sana ng pag-revisit nito iyong pagtaas ng suweldo dito sa Metro Manila, malaking bagay na.

    REPORTER 3: Ma’am, iyong paglalagay ng mga sundalo sa Bureau of Customs, ano ang tingin niyo doon? May mali po ba doon?

    VP LENI: Iyong pinakamali kasi, labag ito sa Konstitusyon. Labag sa Konstitusyon na iyong mga civilian na mga duties, militar iyong mag-a-assume, considering na iyong militar may… parang ano na sila… hands-full na sa sarili nilang obligasyon. Kung bibigyan pa sila ng additional na trabaho, na hindi naman iyon iyong training nila, mali talaga siya.

    Iyong pangatlo, may dahilan kasi kung bakit labag siya sa Konstitusyon. Kaya siya labag sa Konstitusyon kasi klaro sa Konstitusyon na iyong pamahalaan natin is a civilian government. Kaya nga iyong commander-in-chief ng Armed Forces iyong Pangulo, na isang civilian official, para i-stress iyong anong klaseng pamahalaan mayroon tayo. Kapag hindi natin sinunod iyong Konstitusyon, binabalga din natin iyong mga dahilan kung bakit ito nakalagay diyan. Iyong sa akin lang, iyong hinihingi sana natin, i-assess iyong sistema—bakit ba patuloy iyong korapsyon sa Bureau of Customs? Ilang beses na nagpalit ng tao, pero hindi pa din nasosolusyunan iyong korapsyon. Baka iyong sistema iyong mali. Iyong sa akin, hindi enough para palitan iyong mga taong humahawak, pero tingnan bakit ba iyong sistema ina-allow iyong ganitong klase ng korapsyon na mangyari? Iyong isang kailangan tingnan, makakabuti ba na i-privatize, hindi lang iyong Customs, pero iyong marami pang ibang serbisyo ng gobyerno? Kasi baka mas efficient iyon. Hindi natin sinasabi na iyon iyong solusyon, pero iyong pinapakiusap lang natin, bakit hindi… bakit hindi lawakan iyong pag-analisa kung bakit nangyayari ito? Kasi tingin talaga natin, iyong pagtalaga ng mga militar, hindi iyon iyong solusyon. Iyong solusyon talaga, maglagay ng isang sistema na mahirap iyong korapsyon to thrive.

    REPORTER 4: Ma’am, iyong sa fare, iyong sa fare hike, Ma’am, iyong sa ₱10 sa jeep?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, parang double-edged sword siya, ‘di ba? Iyong ating mga drivers saka operators nagrereklamo kasi sobrang taas ng gasolina, hindi sapat iyong pamasahe. Pero kapag tinaasan mo naman iyong pamasahe, iyong riding public maaapektuhan. Malaki sanang bagay iyong Pantawid Pasada kung maayos iyong implementation nito. Again, pareho noong safety nets, pakiusap sana natin, i-revisit. Una, i-revisit iyong sino ba iyong nasa listahan ng mga bibigyan ng tulong. Kasya pa ba iyong nasa listahan? Iyong isang pinapakiusap natin, pati nga iyong mga mangingisda isama, dahil dependent talaga sila sa gasolina. Iyong pangalawa, iyong amount ng Pantawid Pasada—kasya pa ba, o akma pa ba iyong amount, considering na hindi natin nag-predict iyong kataasan ng presyo ng gasolina? Tingin ko iyon iyong… mas iyon iyong tingnan, kasi baka tinutulungan natin iyong isang sektor, mas malaki iyong naaapektuhan.

    OVP: Ma’am, last question po.

    REPORTER 2: Ma’am, last question. Ma’am, ano lang, for light story: Ma’am, bakit paborito iyong basahin palagi iyong “Digong Dilaw,” Ma’am? Last year binasa niyo rin sa CamSur.

    VP LENI: Iyong sa CamSur actually, first time ko nakita iyon. Naaliw ako kasi, parang, iyong irony, saka iyong… [chuckles] representation… Pero ngayon, hindi ako iyong pumili. Binigay lang sa akin noong… Iyong Dubredo Army, actually, iyong pumili ng story. Dapat sila iyong magbabasa, kaya lang noong pumasok ako hindi pa sila nakakabasa, sa akin ipinasa. Pero maganda naman iyong kuwento. Napakalaki noong aral para sa mga bata.

    REPORTER 3: Ma’am, nag-steady sa 6.7 iyong inflation natin this October? Ano po sa tingin niyo?

    VP LENI: Kahit kasi paano, malaking assurance na sa atin na— Hindi pala assurance. Malaking bagay na hindi na siya tumaas, kasi over the past few months, hindi lang siya tumataas, pero iyong pagtaas niya, beyond our prediction. Kapag ganito iyong nangyayari, hindi nakakahabol iyong safety nets ng pamahalaan. The fact na na-peg siya sa 6.7, sana… iyong ating wish, na sana bumaba pa ito. Sana bumaba pa dahil iyong presyo ng gasolina naman, ‘di ba, may rollback na in the coming days. So sana, sana bumaba siya. Kasi iyong pinakamahirap talaga nito, iyong pinakamahihirap talaga iyong apektado.

    OVP: Okay, thank you, Madam Vice President.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 05, 2018