This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo The Mangahas Interviews (GMA News)

    Interview with Vice President Leni Robredo

    The Mangahas Interviews (GMA News)

    [intro/OBB plays]

    MALOU MANGAHAS: Madalas siyang target ng mga tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte, at hanggang ngayon, may ilan pa ring kumukuwestiyon sa kaniyang pagkapanalo bilang Bise Presidente. Sa kabila ng kabi-kabilang patutsada, paano ginagampanan ni Vice President Leni Robredo ang trabaho? At tatakbo nga ba siya bilang pangulo sa May 2022 elections?

    Iyan at iba pang issues, sasagutin ni Vice President Leni Robredo dito sa The Mangahas Interviews.

    [transition]

    MALOU MANGAHAS: Magandang araw po, Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo! Salamat po sa pagtanggap ng aming imbitasyon sa The Mangahas Interviews.

    VP LENI: Magandang umaga din, Malou. Thank you for having me.

    MALOU MANGAHAS: All right. Ma’am Leni, tila hanggang ngayon eh kasama pa rin at palaging nasa puso at dibdib n’yo si Secretary Jesse Robredo, ano po? Kinuwento n’yo sa amin iyong kuwintas.
    VP LENI: I am never outside the house without this. Actually, kahit nasa loob ng bahay, ako saka iyong mga anak ko, suot lagi.

    MALOU MANGAHAS: Ano po iyon ba? Para alam ng mga tao. Kasi mukhang palagi sa lahat ng mga litrato n’yo, kasama n’yo iyong kuwintas na iyon.

     

    VP LENI: Iyong kuwintas kasi mayroong part ng ash, ashes ng asawa ko na nandito. Actually, Malou, noong ginawa namin ito, nagkaroon pala ng parang policy iyong simbahan na dapat nakalibing iyong ash. Talagang pinakiusap namin ito sa simbahan. May kinausap kaming pari, humingi kami ng... humingi kami ng permission na maglagay ng kaunti— Kasi alam mo naman iyong circumstances ng death ni Jesse, ‘di ba? Parang sobrang sudden, na hindi kami nagkaroon ng time to prepare. So para sa amin, parang ito iyong comfort, ito iyong source of comfort, na kahit ang bilis noong pagkawala niya, kasama pa din namin siya. So ako saka iyong tatlo kong anak are never without this.

     

    MALOU MANGAHAS: All right. At malamang ay kinokonsulta o tinatanong n’yo sa mga sitwasyong gipit, ano po?

    VP LENI: [laughs] All the time. All the time.

     

    MALOU MANGAHAS: Okay, punta tayo sa “sitwasyong gipit”: ang alitan ninyo ni Pangulong Duterte. Bakit po ba pikon sa inyo si Pangulong Duterte?

     

    VP LENI: Ako, tingin ko kasi, Malou, hindi siya sanay na napupuna. Hindi siya sanay na may sumasalungat, kaya every time na mayroong pumupuna o sumasalungat, umiinit iyong ulo niya. Pero para kasi sa akin, alam ko na iyon, gusto ko din namang iwasan, pero hindi naman puwede sa mga importanteng issues hindi ako magsasalita. So ako, kahit alam ko na iyong reaksyon, ginagawa ko pa din, kasi para sa akin, inelect naman ako pareho niya, mayroon akong mandato na i-represent hindi lang iyong bumoto para sa akin, pero may mandato akong i-represent iyong tao. So para sa akin, karapatan ko lang din saka responsibilidad ko na pinapahayag iyong mga saloobin ko sa mga bagay na mahahalaga.

     

    MALOU MANGAHAS: Okay. Punta po tayo sa partikular niyang mga puna. Kasi sabi nila, sa isang machong pangulo, tila nakakalalaki kayo.

     

    VP LENI: [laughs] Ano naman iyon, Malou... Ako, sa totoo lang, sinusubukan ko naman— Sa mga maliliit na bagay, sinusubukan kong huwag nang masyadong mag-create ng controversy. Pero halimbawa ngayon, iyong bakuna, imposible naman na hindi ko— Parang mali, mali na hindi ko sasabihin iyong aking mga puna, kasi from the very start, ang dami ko nang suggestions. At iyon nga, hindi iyon puna, Malou. Iyon ay suggestions. Kapag galing sa akin, laging... laging hindi welcome. Pero paminsan kasi, Malou, nangyayari talaga na kung sinunod lang iyong suggestions natin, hindi sana ito mangyayari. So sa akin... para sa akin, responsibility iyon—responsibility na sinasabi ko iyong mga tingin kong mali, sinasabi ko iyong mga tingin kong, iyon nga, iyong kailangan kong i-suggest. Para sa kabutihan naman ng lahat eh.

     

    MALOU MANGAHAS: Okay. Ang sabi ng Pangulo, kayo daw ay puro daldal at puro puna, kulang sa gawa. Tama po ba iyon?

     

    VP LENI: Ako— Hindi ko naman dedepensahan iyong sarili ko, Malou. Ako... siguro sa mga nakakaalam naman ng ginagawa ng opisina namin, napakalayo noon sa katotohanan. Hindi lang since the pandemic started, pero kami, since 2016, hindi kami huminto. Since 2016, pumupunta kami sa pinakamalalayo, pinakamahihirap na communities, para punuan iyong mga pagkukulang. Iyon naman iyong ginagawa namin. Bawat sakuna nandiyan kami—kadalasan kami iyong pinakauna na nasa ground. Kaya iyong pagdepensa na kung wala kaming ginagawa, hindi ko na iyan gagawin, kasi iyong mga nakakakita ng ginagawa namin, alam kung anong ginagawa namin.

     

    MALOU MANGAHAS: Okay. Ewan ko po kung nasasaktan kayo, pero sabi ng Pangulo, kayo daw ay “trying to be relevant.” “You have an angelic face but an evil mind.”

     

    VP LENI: [laughs]

     

    MALOU MANGAHAS: Bakit ho ang taas ng crescendo ng galit ng Pangulo?

     

    VP LENI: Parang ano nga... Sabi ko nga, Malou, parang silver lining iyon. At least inadmit niya na “angelic face” tayo.

     

    Pero sa akin kasi, Malou, ayaw ko kasing mag-stoop down sa ganoong level of discussion. Karapatan naman niyang isipin kung ano iyong— ‘Di ba? Karapatan niyang sabihin kung ano iyong nasa isip niya. Para sa akin, unbecoming iyon. Pero sa akin, hindi iyon mahalaga eh. Hindi mahalaga iyong mga sinasabi niya. Hindi na nga ako nasasaktan, Malou. Hindi ako nasasaktan. Nalulungkot siguro. Nalulungkot na iyong mga discussions na kailangan sanang mataas—iyong discussions sa policies, kailangan sana maayos, pero parang binababa siya sa level na bastusan, na tingin ko hindi natin ito kailangan. Kaya para pumatol sa ganoong klaseng usapin, tingin ko nagsasayang ako ng oras.

     

    MALOU MANGAHAS: Okay. Mayroon ho bang pagkakataon na kayo ay nagkasundo? Kung inyong aaralin, saan ba nagsimula itong alitan?

     

    VP LENI: Ako, Malou, kung naaalala mo... Ako, I think, even after the elections, mayroon nang ganoon. Kasi noong nanalo na kami, Malou—after I was proclaimed already in Congress—sumubok akong kumuha ng appointment sa kaniya, para lang to give my respects. Kasi alam ko na iyong mandato namin, dapat nagwo-work together kami.

     

    Pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Sumubok ako nang ilang beses humingi ng audience sa kaniya, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon. In fact, noong inauguration, if you recall, nagpe-prepare na—iyong protocol ng Malacañang dati, nagpe-prepare na ng joint inauguration, kasi iyon naman iyong tradition. Tapos a few days before the inauguration, sinabihan kami na ayaw akong kasama. So nagkaroon kami ng sarili dito sa opisina. So iyon, indication na iyon.

     

    Pero parang a few days after noong inauguration, nagkita kami sa isang event sa AFP. Noong nagkita kami, sinabihan ko siya. I was very respectful. Sinabihan ko siya na, “Mr. President, I have been trying to get an appointment with you kasi gusto kong mag-courtesy.” Tapos tinawag niya, naaalala ko, si Senator Go. Sinabi niya, “O, humihingi pala ito ng appointment. Set the appointment.”

     

    So pumunta ako. Pumunta ako after a few days. Okay naman. Okay naman. Iyong mga pinag-usapan namin, iyong aming partnership as President and Vice President. Naging okay iyong aming usapan. And then after that— Naaalala ko ito, Malou, pumunta ako ng Lanao del Norte. Nandoon ako kasi mayroon kaming community na tutulungan doon, farming community. Biglang pinatawagan ako ni Presidente, and he offered me a Cabinet position.

     

    So after noon, nasa HUDCC ako. And noon kasi, Malou, nag-uumpisa na iyong mga extrajudicial killings. And I have been very vocal against them. Very vocal ako. Pero nasa Cabinet pa ako noon. In fact, naaalala ko, in one Cabinet meeting, sinabi ko sa kaniya na nagpapasalamat ako na iyong pagiging vocal ko about extrajudicial killings, hindi niya minasama... hindi niya minasama at hindi iyon naging hadlang sa pagwo-work together namin. And positive naman iyong response.

     

    So noong biglang hindi na ako pinapa-attend ng Cabinet meeting, nagulat ako doon. And later on, nalaman ko na iyong report yata sa kaniya, sumama ako sa isang rally sa EDSA—which was not true at all. So iyon iyong pinagsimulan. Iyon iyong pinagsimulan.

     

    And since then, ano naman, hindi naman ako huminto sa aking opposition against the extrajudicial killings. Maraming mga issues, Malou, eh, pero iyong war on drugs, I have been very vocal about that. Naiinis siya doon. Naiinis siya, and every time na siguro I strike a nerve, tinitira tayo.

     

    Pero sa akin— Para sa akin, unfortunate pero handa naman akong... handa naman akong ganu’nin, if only for the fact na naipapahayag ko iyong palagay kong tama, iyong aking saloobin. So sa akin, from then on, nasasanay na ako na nasa receiving end ako ng pambabastos, nasa receiving end ako ng unfair na mga salita. Parati ko na iyong ine-expect every time I open my mouth and, iyon nga, pumupuna. I expect nang ganoon iyong reaksyon.

     

    MALOU MANGAHAS: Pero ang budget po ng Office of the Vice President sa nakaraang limang taon, under Duterte, ay tila pinakamaliit. Hindi ho ba ito paninikil sa inyo?

     

    VP LENI: Actually, Malou, parating binabawasan iyong proposed budget namin, pero kapag dumadating kami sa Kongreso, parating tinataasan. So para sa akin, ano naman— Kami kasi, Malou, natuto kami dito sa opisina to work with what we have. Mas marami kaming magagawa kung mas marami iyong budget namin, pero kami, parati kaming—sanay na kami mag-tighten ng belts namin. Sanay kami na kung anong ibigay sa amin, iyon iyong gagamitin namin nang maayos. Na kahit kakaunti iyong binibigay sa amin, sinusubukan namin na i-stretch iyon para iyong gusto naming mga... iyong mga advocacies na gusto naming itulak ay nagagawa pa din namin. Na-create namin iyong Angat Buhay program na partnership ito with the private sector, so iyong hindi kaya ng budget namin, nagagawa namin because of this partnership.

     

    So kami naman... kami naman, kung ano iyong ibigay, iyon iyon. Lagi kapag dumadaan sa Budget, iyong nasa NEP, laging binababaan iyon. Pero ang experience namin each time, tinataasan siya—kadalasan sa Senado. Kadalasan sa Senado at during the discussions. Tinataasan ito during the budget hearings. Parating may recognition iyong Senado sa klase ng trabahong ginagawa namin. So lagi na kapag nagba-budget hearings, tinatanong kami, “Ito lang ba iyong budget n’yo? Dapat bigyan kayo ng mas marami.” So kami naman, parati kaming grateful.

     

    MALOU MANGAHAS: Okay. So puwede pa ho bang magkasundo? Kasi parang kayo iyong magkaiba talagang habas talaga, ano po?

     

    VP LENI: Ako, obligasyon kasi namin, Malou, magkasundo. Obligasyon namin magkasundo. Pero kapag iyong obligasyon na iyon, hindi naman na parang binababa mo iyong paniniwala mo. Para sa akin, dapat sana kami maka-work together despite our differences. Pero parang ginawa niya kasi itong imposible, kasi ayaw niya nga na sinasalungat siya. Iyong para sa akin sana, marami namang... marami namang mga presidents and vice presidents na galing sa ibang partido, pero nakahanap ng isang platform kung paano sila makaka-work together. Sabi ko nga, Malou, malayo pa naman iyong eleksyon. Sana— Ako, nasasayang ako, nasasayang ako doon sa almost five years na puwede sanang nagtrabaho kami together, na kahit iba iyong paniniwala namin nakahanap pa din kami ng platform para magkasundo. Kasi obligasyon namin iyon. Obligasyon namin.

     

    Kaya ako, Malou, makikita mo, every time I am offered an assignment, hindi ko siya tinatalikuran. Noong inoffer sa akin iyong HUDCC, kinuha ko. Noong sinabi niyang umalis ako, umalis ako. Noong inoffer niya iyong ICAD, kahit napaka-toxic noong environment, tinanggap ko. Kasi para sa akin, obligasyon iyon eh—obligasyon na kung binibigyan ako ng pagkakataon to work with him, I will.

     

    MALOU MANGAHAS: Pero tila ho yata hindi niya kayo gusto maging bise presidente, kasi alyado niya sina Imee at Bongbong Marcos. Hindi ho ba iyon ang isang dahilan kaya medyo inis siya sa inyo?

     

    VP LENI: Sa akin naman... sa akin naman, Malou, sinabi na niya iyon ilang beses, ‘di ba? Sinabi na niya iyon ilang beses, na kung si Bongbong Marcos lang iyong vice president niya, sinabi niya pa dati na puwede na siyang mag-step down. Pero wala naman siyang choice eh. Wala naman siyang choice kasi ako iyong hinalal ng tao. And obligasyon niya na makipagtrabaho, makipagtrabaho sa kung sinong hinalal ng tao. Eh ganoon naman talaga. Kahit sa Senado, may mga ayaw kang kasama, pero dahil hinalal sila ng tao, irespeto mo iyong mandato ng tao.

     

    MALOU MANGAHAS: Ito pong usapin ng away-away ninyo ni Pangulong Duterte, parang ano ho, sumaboy na ho doon sa social media—mga dilawan versus iyong Duterte die-hards. Ano hong tingin ninyo: Tunay ba ho itong away na ito, o baka nagkahawaan lang ng alitan?

     

    VP LENI: Ako, tingin ko, Malou, iyong pag-hire ng mga trolls, iyong pag-hire ng mga trolls early on, iyon iyong very divisive na ginawa nila. Kasi sa atin naman, Malou, ‘di ba, maraming presidente na na-elect na ano naman, hindi naman niya nakuha iyong majority votes, kasi kadalasan iyong presidential elections natin napakaraming mga kandidato. So kadalasan hindi naman niya nakukuha iyong majority votes. Halimbawa si President Ramos dati. Kahit iyong kay President Aquino, parang hati din ang tao.

     

    Pero parati kasing ang obligasyon noong nananalo, i-unify niya iyong tao. Parang ngayon hindi iyon nangyari. Ang nangyari tuloy, nagign very divisive iyong leadership. Alam natin na ang dami-daming social media na trolls na obviously binabayaran. Hindi natin alam kung sinong nagbabayad—maraming mga speculations. Pero dapat sana hindi ito hinayaan, kasi ito iyong nag-divide sa ating lahat. Ito iyong nag-divide sa ating lahat kapag ang laban nandoon na.

     

    Para sa akin, Malou, iyon iyong missed opportunity, iyon iyong missed opportunity to unite the people. Na siguro mas nasa mabuti tayong kalagayan ngayon kung ang tao mas cooperative, kung ang tao nagkakaintindihan. Hindi mawawala iyong alitan, pero hindi sa level na masyadong polarized—parang kung dilawan ka, dilawan ka, kung DDS ka, DDS ka. Dapat sana hindi ganoon. Dapat iyong pinag-aawayan iyong issues. Dapat walang linyahan sa kulay, kasi matagal nang tapos iyong eleksyon. Kaya nga six years iyong aming term, para hindi siya masyadong napo-politicize ng parang pasunod-sunod na eleksyon. Pero hindi ito— Iyong opportunity to unite, hindi ginamit. Kabaligtaran iyong nangyari.

     

    MALOU MANGAHAS: Tila ho yata kung toxic iyong mga DDS eh may mga toxic din na dilawan. Kayo ho ba ay may mga troll army din?

     

    VP LENI: [chuckles] Wala tayong pambayad niyan. Wala tayong pambayad niyan, Malou. Napapansin ko, kahit iyong mga supporters ko, lumalaban na. Parang noong first two or three years, walang ganito, pero lumalaban na. Pero hindi siya okay in the sense na mga Pilipino naman tayong lahat, bakit ba tayo mag-aaway, na whether we like it or not, in the succeeding years, tayo din iyong magkakasama? Pero para sa akin, para mag-hire, para mag-hire para manira—tingin ko mali iyon, Malou, eh. Para mag-hire para manira—

     

    Kasi kadalasan naman, kahit before social media, iyong mga politiko naman mayroong communications team. Halimbawa kami, mayroon kaming communications team sa opisina, pero iyong communications team namin, iyong inaasikaso iyong pag-communicate ng aming mga advocacies, pag-report ng mga ginagawa namin. Hindi iyong manira ng ibang tao. Pero ito, talagang, Malou, makikita mo, may devoted talagang army sila para manira. At iyong masama nito, fake news talaga iyong ginagamit. Parang iyong kapital iyong fake information, and tine-take advantage iyong fact na puwede mo kasi itong gawin na anonymous ikaw dahil sa nature ng social media ngayon. Tingin ko hindi siya okay. Hindi siya okay in the sense na nag-aaway-away iyong tao ngayon. Parang kahit anong sabihin noong isa, kontra na iyong isa—and vice versa. So hindi siya nakakatulong talaga.

     

    MALOU MANGAHAS: All right. Punta po tayo sa usapin ng COVID vaccine at iyong tugon sa pandemya. Saan ho ba mali sa proseso? Ano iyong puwedeng improvement?

     

    VP LENI: Ako kasi, kapag tiningnan talaga natin iyong Universal Health Care Law natin, Malou, mayroong tatlong ahensya, mayroong tatlong ahensya na mayroong iba’t ibang mandato pagdating sa usapin ng pagbili ng gamot, pagbili ng vaccines, etc. Iyong isa doon, iyong FDA. Iyong FDA, iyong mandato niya, iyon nga, iyong pagbigay ng license... pagbigay ng license, pagbigay ng EUA, etc. Pero iyong mandato niya, para suriin iyong mga dokumentong sina-submit sa kaniya.

    Mayroon tayo noong—hindi ko alam kung paano i-pronounce—NITAG (ny-tag) or NITAG. Ito din iyong nag-aasikaso ng... Ito iyong nag-aasikaso ng procurement, ito iyong nag-aasikaso ng distribution. Siya iyong gumagawa ng plano kung paano ide-deploy iyong mga binili, paano iyong distribution nito.

     

    Tapos mayroon tayong HTAC—ito iyong Health Technology Assessment Council. Independent ito. Siya iyong mag-go-go beyond doon sa sinubmit na documents. Siya iyong mag-aassess kung iyong mga nabigyan ba ng lisensiya ng FDA, alin doon iyong pinakatamang pagkagastusan ng ating gobyerno, alin doon iyong tamang pag-investan, depende sa available na... depende sa available na literature. Ang FDA kasi, iyong mandato niya titingnan iyong mga sinubmit sa kaniya, pero itong HTAC, siya iyong titingin beyond that. Titingnan niya ano ba iyong mga published literature tungkol sa gamot na ipapasok natin o sa vaccine na ipapasok natin. Siya iyong mag-iimbestiga noon.

     

    Iyong AstraZeneca saka iyong Pfizer, mayroon siyang EUA from FDA, mayroon din siyang positive recommendation from HTAC. Itong Sinovac, mayroon siyang EUA pero wala siyang... wala pa—wala pang positive recommendation from HTAC.

     

    Iyong sinasabi lang natin, Malou, na kung mayroon iyong dalawa, bakit hindi din mag-seek iyong Sinovac noong positive recommendation na iyon, dahil added layer of protection iyon sa ating lahat? Parang ang pagkaintindi ko, Malou, iyong parang debate dito, kung kailangan ba talaga o hindi. Sinasabi ng IATF, sinasabi ni Secretary Roque, na hindi kailangan—hindi ito kailangan kasi hindi naman siya mandatory. Ano lang naman ito, recommendation lang. And kaya mayroon noon iyong Pfizer saka AstraZeneca, kasi iyon ay binili natin, pero itong Sinovac ay donated—at least iyong unang dumating.

     

    Ang point ko lang naman, Malou, kahit pa donated iyan at wala tayong gagastusin, obligasyon natin na bigyan iyong ating mga kababayan ng added layer of protection. Ano ba naman iyong kahirapan humingi ng positive recommendation? Ako, Malou, to be very honest with you, wala akong opposition against Sinovac. Hindi iyon dahil ginawa sa China, ginawa ng 50%, etc., etc., kasi may mga medical experts na nagre-review eh. And para sa akin, kung ang review ng medical experts, puwede iyan sa atin, good enough iyon para sa akin. Pero sa akin, huwag naman na i-shortcut iyong proseso. Kung humingi nga ng positive recommendation iyong Pfizer saka AstraZeneca, bakit hindi magawa ng Sinovac? Eh para sa akin, how long would it take, ‘di ba? Parang one week ba? Alam ko nagmamadali tayo, in fact inip na tayo sa bakuna, pero tingin ko mas malaki iyong responsibility natin na siguruhin na protected iyong ating mga kababayan.

     

    Maraming arguments tungkol dito, like “sa ibang bansa nga, sa ibang bansa nga parang nag-rollout na ng Sinovac,” etc. Pero sa akin, bakit ba tayo may mga batas? Bakit ba cinreate pa iyong HTAC kung hindi din naman siya bibigyan ng respeto na—‘di ba... kung hindi susundin iyong kaniyang mandate? Halimbawa, ngayong linggo, bigyan siya ng positive recommendation ng HTAC, wala na tayong masasabi. Pero the mere fact na ine-exempt siya, na iyong iba hindi naman inexempt, sa akin iyon iyong mali.

     

    MALOU MANGAHAS: Sa tingin n’yo ho ba, may sinabi kayo na transparency issue dito sa Sinovac, isa sa inyong concern, at iyong mga nabakunahan na nag-jump ng line na mga public officials natin, na sabi ninyo na baka dapat imbestigahan. Anong status po noon?

     

    VP LENI: Ako, actually, ang sinabi ko lang naman, Malou, iyong transparency. Para sa akin kasi, we have been in a series of briefings, parang iyong concern ng ibang doctors— Kung naaalala mo, Malou, nagpalabas ng statement iyong isang grupo ng doctors sa PGH. Iyong HPAC—iyong Health Professionals Alliance [against COVID-19], na composed of 170 medical organizations, ganoon din. Parang ang sinasabi niya, Malou, iyong non-disclosure agreement—‘di ba, iyong mga bakuna may non-disclosure agreement—parang ang sinasabi nila, lahat naman mayroon, pero iyong sa ibang bakuna, iyong non-disclosure agreement tungkol lang sa presyo. Kasi magha-haggle ka ng presyo, iyon iyong hindi puwedeng i-disclose. Pero iyong literature about efficacy, about effectiveness, dapat hindi iyon covered ng non-disclosure agreement, kasi kailangan natin iyon. Kailangan alam natin kung ano iyong— ‘Di ba? Ang daming kailangang alamin.

     

    Apparently, iyong HTAC, iyong non-disclosure policy niya, covered pati iyong literature. Ito iyong sabi ng mga doctors na pinapakinggan natin. So para sa akin, kasi every time naman na nagpapabakuna tayo, kailangan iyong informed consent, ‘di ba? Kung hindi mo dini-disclose iyong mga importanteng data about the vaccine, paano ka makakabigay ng informed consent? So para sa akin, mahalaga iyong transparency.

     

    Iyong sa pag-jump naman ng line: sa akin kasi, Malou, kung ang purpose makatulong sa trust sa vaccine, para sa akin okay lang iyon eh. Para sa akin okay lang na— Halimbawa, kaya nga sinasabi ko si Presidente sana, kasi ‘di ba si Presidente very popular; I am sure na kapag siya iyong nagpaturok, karamihan sa mga supporters niya mas confident—mas confident about the vaccine kasi si Presidente nga nagpaturok. So sa akin, kapag iyon iyong purpose, okay lang.

     

    Ang pag-jump ng line, kung ang purpose makipag-unahan lang, hindi ako okay doon. Iyong tingin mo mas importante ka kaysa sa iba, hindi ako okay doon. Kaya nga tayo may prioritization.

     

    And pangatlo, sa akin, Malou, iyong FDA saka NITAG, mayroon na silang statement na parang ino-authorize iyong Sinovac, pero hindi sila nag-a-agree, ‘di ba? Hindi sila nag-a-agree sa kanino ba ito nararapat ibigay? Kasi sabi ng NITAG, kahit kanino. Sabi naman ng FDA, hindi ito puwede sa mga health frontliners na nag-aasikaso ng COVID patients, hindi ito puwede sa mga over 59. So kung itong dalawang regulatory agencies, hindi sila nag-a-agree, mas kinakailangan natin iyong positive recommendation ng HTAC, kasi baka iyon iyong magli-link, iyon iyong mag-aayos ng kaguluhan na mayroon ngayon.

     

    Halimbawa si Presidente, sabi niya hindi siya magpapabakuna kasi sabi ng doktor niya, over 60 already, ano na siya, senior na. Pero ito nga iyong confusion doon, Malou, ‘di ba? Kasi halimbawa, iyong mga bakuna na ginagawa sa ibang bansa, ang inuna nga nila iyong mga seniors. So bakit itong particular na bakuna na ito hindi puwede sa seniors?

     

    Maraming mga questions about it, na para sa akin, hindi siya nakakatulong sa trust natin sa pagbabakuna. Na para nga sa akin, kailangan pagtulungan nating lahat para iyong tao maniwala na iyong bakuna talaga, ito iyong sasagot sa kahirapan na pinagdadaanan natin ngayon. Kapag confusing iyong messaging, hindi siya nakakatulong.

     

    MALOU MANGAHAS: Sabi ng Pangulo, kung may mga puna daw kayo dito sa vaccination protocols natin saka itong COVID pandemic response, eh kumuha daw kayo ng basket n’yo—

     

    VP LENI: [laughs]

     

    MALOU MANGAHAS: —ipakita n’yo kung kaya n’yong bumili ng bakuna sa ibang bansa, at umuwi kayo dito, bibigyan niya kayo ng pera. Anong dating sa inyo noong ganoong komento ng Pangulo?

     

    VP LENI: Ang unang dating sa akin, parang hindi pangulo iyong nagsasalita. Pangalawa, sobrang pikon. Parati naman, Malou, na sinasabi na kapag pikon ka, talo ka. Dapat sa trabaho namin, hindi kami napipikon eh, kasi sa trabaho namin, kailangan iyong tao malayang mag-criticize eh. Kailangan iyong tao malayang magbigay ng suggestions, kasi iyon iyong makakapabuti sa aming panunungkulan. Kapag ayaw niyang punahin, ang maririnig niya na lang iyong lahat na appreciation sa kaniya, mahirap iyon. Mahirap iyon kasi sarado na iyong mata mo sa pagkukulang.

     

    Ito na nga iyong sinasabi natin from the very start, Malou, ‘di ba—talagang mahihirapan tayo kapag hindi tayo maagap. Parang iyong testing din ito eh. Parang iyong testing din ito. Kahit bigyan mo ako ng napakaraming pera, hindi na tayo buwelong bumili, kasi late tayong gumalaw eh. Ako, Malou, from the very start, ito iyong sinasabi ko. Halimbawa, iyong PPEs, nagkakamatayan na iyong ating mga doktor, eh ang bagal nating gumalaw. Iyong testing ganoon din. Iyong pagdesisyong pag-close ng borders—noong una, may outbreak na sa China, debate pa din kasi ayaw i-close iyong borders. ‘Di ba? Nakita naman natin, Malou: iyong mga bansa na napakaagap, sila iyong better-performing pagdating dito sa COVID-19 pandemic. Halimbawa iyong Vietnam, halimbawa iyong Taiwan—hindi nga nila kinailangang mag-lockdown kasi maagap sila.

     

    So ngayon, kahit pa bigyan nila ako ng napakaraming pera, saan pa ba tayo bibili na napaka-late na natin, napaka-late na nating gumalaw? So talagang mahihirapan tayo. May mabibili tayo, pero nakiki... ano iyan... nakiki-jostle na tayo sa ibang mga bansa, na lahat—eh siyempre very important commodity ito. Pero kung umpisa pa lang... kung umpisa pa lang, ginawa na natin ito, baka mas madali for us na magkaroon ng allocation. Pero late nga tayo.

     

    Halimbawa itong indemnity clause na hinihingi sa atin, Malou: Senate na mismo ang nagsabi na February na noong natanggap nila iyong request na magkaroon... na magpasa, ‘di ba, magpasa ng isang batas na nagpo-provide for indemnity fund—na alam natin, ito iyong sinasabi ng lahat, last year pa nasa website na noong mga pharmaceutical companies na nagpo-produce ng vaccine kung ano iyong requirements.

     

    Talagang mabagal tayo, so it’s not as easy as bibigyan mo ako ng pera, bibili ako. Kasi saan ka bibili? Iyon iyong problema, Malou. Kaya sa akin, from the very start, kahit noon pa lang, may news pa lang about the vaccine, iyon na iyong sinasabi natin, ‘di ba? Ako, makulit na ako, sinasabi ko na na gawin na natin. Naaalala ko pa, Malou, ang sagot ni Secretary Roque noon, “Ah, wala, 10 steps ahead na tayo.” Parang, “si Presidente, 10 steps ahead na sa iyo.” Ayon—ito iyong “10 steps ahead” natin.

     

    MALOU MANGAHAS: Matanong ko lang kayo: Ano iyong outlook, sa tingin ninyo, nitong ating pandemic response or recovery period? Ano iyong masasabi n’yo sa mga mamamayang Pilipino na parang inip na, o inis na, o gustong makakita ng liwanag naman. Hanggang kailan ito? Ano iyong masasabi n’yo sa kanila?

    VP LENI: Ako, totoo iyon, Malou. Ang term nila, parang may cabin fever na, ‘di ba? Na sa tagal nang nakakulong sa loob ng bahay, kahit alam pa nila iyong dangers ngayon, gusto na nilang lumabas. Mahirap iyon. Alam naman natin, karamihan naman sa mga Pilipino, very obedient, very obedient doon sa policies na inilagay. Pero ang pinaka-problema nito, Malou, iyong trabaho, iyong trabaho. Ang daming nawalan ng trabaho ngayon. Kung mas mabagal pa— Parang nakasalalay siya sa speed ng paggalaw ng pamahalaan. Kapag hindi niya binilisan, mas maraming tao iyong maghihirap. Ito naman iyon, Malou, eh. Mas maraming tao iyong maghihirap. Mas mara— The longer it takes para iyong ekonomiya natin magbukas, the more difficult it will be para sa ating mga kababayan. Alam naman natin ang unemployment ngayon ang taas-taas. Kahit pa doon sa mga employed, hindi nila nakukuha iyong mga suweldo na dati nilang nakukuha.

     

    Kami nga dito sa opisina, Malou, ni-reorient na namin iyong mga programa namin. Malaking chunk ng aming programa ngayon, nilagay na namin sa sustainable livelihood and training program. Nagbigay kami ng more emphasis— Dati kasi, Malou, Visayas at Mindanao kami kadalasan, kasi iyon iyong malayo, pero ngayon mas malaki na iyong concentration namin sa Greater Manila Area, kasi alam namin na dito talaga pinaka-grabe iyong tama ng pandemic. Pero ang liit lang ng opisina namin, so ang mari-reach lang namin, hindi ganoong ka-extensive. Papaano iyong iba?

     

    So para sa akin, Malou, the longer it takes for government to respond, the more difficult it will be. Medyo nadismaya nga ako, I think mayroon yatang statement—I don’t know if it was the President himself who said that, pero nabasa ko na mayroong statement na 2023 pa tayo makakabalik sa normal. Nakakatakot ito, kasi kakayanin ba nating maghintay until 2023, considering na ang dami na ngayong naghihirap?

     

    So sa akin, bilis-bilisan natin. Bilis-bilisan natin itong vaccines. Bilisan natin dahil dito nakasalalay iyong reopening ng economy. Siyempre kailangan pa din iyong pagsunod sa health protocols, etc., pero ‘di ba, nababasa nga natin— Kaninang umaga, Malou, nabasa ko, I think sa New York Times, na ang estimate nila, by May lahat ng Americans nabakunahan na. Ano iyon, at least mayroon kang tinitingnan. Parang alam mo na ang estimate nila May, mag-buffer ka pa, before the end of 2021, back to normal na sila. Pero tayo, wala tayong ganoon. Hindi nga natin alam iyong timetable. Hindi nga natin alam kung kailan ba dadating iyong mga bakuna. Mayroong dumating, mayroong dumating ngayon, 600,000 doses, pero ilang milyon ba iyong Pilipino? Not enough for us to achieve herd immunity—na alam natin na iyong herd immunity dapat iyong ating goal para makabukas na tayo ng ekonomiya. Kahit anong gawin natin, Malou, kahit anong gawin natin na promote ng ating tourism sites, kapag mataas pa iyong transmission, mahihirapan pa tayo kasi takot iyong tao.

     

    MALOU MANGAHAS: Ito hong isang usapin, ano, na parang itong COVID—who would want to run for president in 2022 kung ganiyan iyong mga mamanahin niyang mga problema. Kayo po ba ay nagpaplano?

     

    VP LENI: [chuckles] Hindi ako nagpaplano, Malou. Alam natin na ako iyong top of mind dahil ako iyong Vice President. Pero para kasi sa akin, Malou, iyong 2022 is a very important elections. Marami tayong democratic institutions na kailangang i-strengthen, maraming mga values na kailangan nating balikan, marami tayong— Parang para sa akin, Malou, iyong character ng Pilipinas ay kailangang ayusin ulit. Kailangan nating i-unify iyong ating mga kababayan na hindi ito nakasalalay sa ambisyon, sa political ambition ng isang tao. Para sa akin, iyong pagpili ng kakandidato, dapat siya iyong may capacity, siya iyong may capacity na magawa itong lahat, kasi ang dadatnan niya ang taas-taas ng ating national debt, nasa hype pa siya ng COVID pandemic, maraming problemang sasaluhin. Hindi siya biro.

     

    Pero having said that, Malou, parati ko namang sinasabing parati naman akong bukas, parating bukas sa kahit anong possibilities—hindi lang for the presidency, hindi lang for national office, pero pati local office. Para kasi sa akin, Malou, siguro dala din ito ng experience ko, kasi dalawang beses na akong nag-eleksyon—iyong una as representative of my district in Camarines Sur, iyong pangalawa iyong nag-VP ako—parating last-minute. Ako, maraming naiinip. Maraming naiinip sa pagdesisyon, pero tayo, gumagawa naman tayo ng mga hakbang para matulungan tayong magdesisyon, pero hindi siya ganoong kadali.

     

    Hindi siya ganoong kadali, kasi unang una, wala naman tayong resources. Sabi ng iba, “noong tumakbo ka nga as VP, wala ka ding resources.” Iba po iyong pag-VP, kasi iyong VP, mayroon tayong presidente na magdadala sa atin. Kaya ito, Malou, kung mag-run ako ng presidente, ako iyong magdadala, ako iyong magdadala ng organisasyon. Kailangan ng resources iyon. Alam mo naman iyong nangyari sa partido namin. Kaunti na lang kami ngayon. Hindi na kami pareho noong 2016, na mayroon kaming buo na organisasyon sa lahat na lugar. Ngayon wala na iyon. Ibang iba iyong circumstances ngayon.

     

    Pero tayo, parati natin iyong pinag-aaralan, parati nating pinagdadasal. Iyong mga preparations na kailangan, ginagawa natin. Pero hindi pa tayo puwedeng magdesisyon. Unang una, kami dito sa opisina, nasa thick kami ng trabaho. Nandoon kami sa rehabilitation phase dito sa COVID-19 pandemic saka iyong mga nagdaan na mga bagyo. Kapag nakita n’yo iyong opisina namin, hindi pa kami normal. We are better than a few months ago, pero parang bodega pa din iyong opisina namin. Ako, baba pa din ako nang baba on the ground, kasi ino-oversee natin iyong lahat na preparations.

     

    Para sa akin lang, Malou, kapag inisip ko na kasi iyong preparations for 2022, iiwan ko ito lahat, iiwan ko ito lahat kasi kailangan akong mag-concentrate sa kampanya. Hindi ko pa iyon kaya at this point. So ako, inaasahan ko iyong mga groups na nagvo-volunteer for us na tulungan kami to do the work.

     

    Pero iyan, it’s always a possibility—but it will be difficult for me to decide at this point.

     

    MALOU MANGAHAS: Okay. Lalo na at muntik na ninyo ding hindi makuha iyong confirmation ng inyong vice presidential victory. Noong lumabas po iyong unanimous decision ng Supreme Court na kayo ang nanalo at pinawalang-bisa ang petisyon ni dating senador Bongbong Marcos, ano iyong pumasok sa isip ninyo? Parang fantastic ba ito o parang miracle? Parang hindi yata inaasahan ng marami.

     

    VP LENI: Hindi talaga inaasahan—kahit kami, Malou. Siyempre we have been hoping for it. Pero noong lumabas siya, ibang iba iyong pakiramdam, kasi siguro ang tagal noong laban. Almost five years iyong laban. Noong nandiyan pa iyong kaso, parang may nakatutok sa likod kong baril, na iyong iba may karapatan na tawagin ako ng “fake VP” dahil ginulo talaga ni Mr. Marcos iyong legitimacy noong eleksyon. So para sa akin, on a personal level, parang sobrang lalim na buntong-hininga—lalo pa kasi unanimous. Lalo pa kasi unanimous. Iyon iyong una.

     

    Pero pangalawa, iyong parang looking back, sobrang nakakalungkot iyong ginawa ni BBM, Malou, kasi parang para lang makuha iyong political ambitions niya, handa siyang sunugin iyong lahat na institusyon—iyong pagtingin sa Comelec, iyong Supreme Court. Parang handa siyang laruin ito lahat. Handa siyang— Wala siyang pakialam kung mawi-weaken itong institutions, para lang makuha niya iyong gusto niya. Iyon iyong nakakalungkot na part.

     

    Kahit after almost five years, para sa akin ang laki pa din na affirmation na hindi kami nandaya. Pero ang nakakalungkot pa ngayon, hindi pa siya humihinto. Hindi pa siya humihinto, sumusubok pa din na guluhin. May mga nagpadala sa akin ng screenshot, mayroon daw sa YouTube na sinasabi na naman na hinarang daw namin iyong pag—hindi masyadong clear—hinarang namin iyong ebidensya. Kapag ganito na hindi ka pa din give up, ang sinisiraan mo iyong Supreme Court. Kasi ipapayag ba iyon, ipapayag ba iyon na may mga ebidensyang hindi makapasok? He was given enough time to present whatever evidence he had. Hindi niya naman iyon nagawa, kasi wala naman talaga.

     

    So sa akin, mixed feelings, pero sobrang saya, sobrang saya noong grupo namin. Lalo na iyong lawyers namin, kasi sila talaga iyong nagsakripisyo. Alam n’yo naman na wala akong resources to mount—to finance my protest. Iyong utang ko nga, iyong aking deposit na bond sa Supreme Court, inutang ko lang iyon. So para sa akin, parang in many levels, sobrang gaan sa pakiramdam. Sobrang gaan sa pakiramdam in the sense na napatunayan na nagsisinungaling siya.

     

    MALOU MANGAHAS: All right. Wala po bang punto na nagkaduda kayo na the Supreme Court—lalo na na labindalawa sa labinlimang huwes ay appointee ni Pangulong Duterte—na baka medyo hindi magdesisyon nang unanimous na pabor sa inyo? Mayroon bang pagkakataon na nawalan kayo ng pag-asa o nagduda?

     

    VP LENI: Ako, Malou, parating iyong takot nandoon. Parating iyong takot nandoon, kasi hindi naman talaga natin alam, ‘di ba? Maraming... maraming nagpapahayag sa atin ng mga kuwento na makakadagdag sa pangamba. Pero ako, Malou, pinagdasal ko talaga iyon. Pinagdasal ko din for the justices to do the right thing. Pinagdasal ko na sana ganoon, sana— Parati kong hinihiling na maging fair lang, maging fair lang sila, na gawin iyong tama.

     

    Hindi ako nawalan ng pag-asa. There was never any point na naging helpless and hopeless ako, kasi sabi ko, Malou, sa sarili ko, ang dami naming kasama na nawawalan ng pag-asa, ang sabi ko, Malou, sa sarili ko, kailangan magtiwala pa din ako sa institusyon. Kailangan magtiwala ako sa institusyon, kasi kapag wala na akong tiwala sa institusyon, ano pa ba iyong pinaglalaban natin? So ako, masaya ako na naging unanimous iyong decision, kasi parang inaffirm din, inaffirm na hindi din ako nagkamali na tiwalaan iyong proseso saka, iyon nga, iyong institution.

     

    MALOU MANGAHAS: All right. Pero mayroon ho ba kayong pangamba na sabi ni Senator Bongbong Marcos eh babalik pa siya sa May 2022? May rematch kaya na maganap?

     

    VP LENI: Karapatan naman niya iyan, Malou. Karapatan niyang gawin kung anong gustong gawin. Kung gusto niyang tumakbo pagkapangulo, puwede niya iyong gawin. Kung gusto niyang tumakbo pagka-vice president, puwede niya iyong gawin. Hindi ko naman iyon kontrolado.

     

    Ako, gagawin ko din iyong para sa akin tama. Ako, parati kong sinasabi sa mga kasama ko na maging bukas tayo. Maging bukas tayo. Ayaw ko din na iyong mga supporters ko, iyong parang... iyong adulation o obsession na ako, kasi para sa akin, Malou, ang pinakaimportante na parati na tanong: Ano ba iyong makakabuti sa bayan? So kung anong makakabuti sa bayan—kung ako ba iyon o somebody else na tutulungan natin—dapat bukas tayo doon.

     

    - 30 -

     

    Posted in Transcripts on Mar 03, 2021