This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Liberal Party National Executive Council Meeting

    Liberal Party National Executive Council Meeting

    Quezon City

    REPORTER 1: Ma’am, iyong doon po sa tatlo, kasi doon po sa survey ng Pulse Asia, ano po iyong masasabi niyong electoral chances po ng LP sa senatorial elections, given po na iyong dominance po ng Duterte alliance po? VP LENI: Kung pagbabasehan kasi iyong pinakahuli na lumabas ng Pulse Asia survey, mayroong kaunti lang na may chance na manalo. Pero ako kasi iyong pinakamalaking halimbawa noon, eh. Napakaaga pa para pag-usapan iyong chances, kasi in the middle of the campaign season, talagang umiiba iyong ihip ng hangin. Nakita natin iyon noong 2016 Presidential and Vice-Presidential Elections.

    Iyong sa akin lang, klaro sa amin na hindi kami magpapadala sa popularidad bilang iyon iyong pinakamalaking batayan para sa pagpili ng kandidato. Klaro sa amin na mayroong, parang, checklist. Saan ba tumatayo iyong nominee na ito sa ilan na mga issues. Kasi mahirap magsama iyong iba’t iba iyong paniniwala; hindi malakas iyong samahan. Mas mabuti pa rin na paniniwala iyong basehan kung bakit kami nagsasama-sama.

    REPORTER 1: Ilan po ang nasa planong listahan ng Senate for LP?

    VP LENI: Iyong una kong nakitang listahan ay 18. Hindi ko alam kung may dagdag pa iyon o may bawas. Hindi pa sa akin formally tinu-turnover. Ang usapan, iyong united coalition—representatives ng iba’t ibang grupo na nandoon—mayroong nag-form ng isang advisory council na sila iyong nagmi-meet regularly. Kung hindi ako nagkakamali, once a week sila nagmi-meet. At iyong shortlist, iyon iyong ipapadala sa akin.

    Hindi pa nase-settle iyong kaunting debate kung pupunuin ba o hindi iyong 12. Marami iyong naniniwala na hindi kailangang punuin iyong 12 just for the sake na pupunuin. Kung palagay namin anim, o pito, o walo, iyong—hindi lang iyong karapat-dapat, pero dapat nandoon din iyong tamang… hindi lang iyong individual na, parang, ingredient, pero iyong balanse ng samahan. Iyon iyong pagdedesisyunan.

    REPORTER 2: Ma’am, you essentially endorsed na po si Samira [Gutoc], but why was she not formally included na po sa nomination sa slate?

    VP LENI: Una, unang-una, hindi pa siya LP. Pangalawa, itong araw na ito pa lang iyong formal na tinanong siya if she wants to consider. Wala pa namang formal—although may mga nag-nominate na ng pangalan niya before, pero wala pang formal na usapan. Actually, ngayong umaga lang, before nangyari iyon, iyong formal na usapan. Nagpahayag naman siya ng interes. Pinahayag niya iyong kaniyang mga… iyong mga balakid. Pero in-assure natin siya na iyong mga nakakaharang sa kaniya ay hindi… hindi iyon iyong basic na magdi-disqualify sa kaniya sa laban. Iyong mga nakakaharang sa kaniya, iyon iyong mga puwedeng hanapan ng paraan.

    REPORTER 2: Ano po iyong mga nakakaharang?

    VP LENI: Una, panggastos. Kasi si Samira ay biktima ng Marawi Siege. IDP din siya. Maraming kahirapan. Pero pinaliwanag natin sa kaniya iyong mga hinahanap natin, at iyong paniniwala natin na nasa kaniya iyong mga hinahanap. Unang una, iyong diversity sa samahan, mahalaga. Gusto naming makahanap ng tamang balanse. Siya, nagfi-fit doon sa balanseng iyon.

    Mayroon pang mga ibang pangalan na hindi pa kasama sa 18, na hindi pa nakakapagdesisyon kung okay sa kanila na isama sila. So marami pang considerations. Medyo inusog kasi namin iyong announcement, kasi October 11 na ngayon iyong first day ng filing. Noong una kasi, October 1 to 5. So dahil inusog naman, it will give us more time na pagdesisyunan.

    REPORTER 2: Kailan niyo po formally i-a-announce, Ma’am, the final opposition slate?

    VP LENI: Mayroong tentative date ngayon, October 8. Hindi ko alam sa advisory council kung iyong October 8 stands, kasi puwede naman naming gawin na October 11 or a few days before October 11. But as of now, October 8.

    REPORTER 3: Ma’am, si Chief Justice Sereno, why is she not included?

    VP LENI: Ito kasing nomination na ini-announce natin ngayon, for the Liberal Party ito. Hindi din naman miyembro ng Liberal Party si CJ Sereno. Nabasa natin iyong kaniyang pahayag na mas inclined siyang hindi tumakbo. Mas gusto niyang maging active sa adbokasiya niya na pushing for moral transformation. Tayo naman, ginagalang natin iyon. Hindi natin alam kung final na iyon. Iyon iyong pahayag niya—na mas interesado siya… palagay niya, mas mabibigyan niyang oras iyong adbokasiya kung hindi siya kandidato.

    REPORTER 4: Ma’am, willing daw pong maki-coalition ang UNA, sina former Vice President Jejomar Binay, sa Liberal Party?

    VP LENI: Iyong sa akin naman, klaro kasi sa usapan na iyong advisory council iyong—parang, may prosesong pinag-agree-han. Iyong advisory council iyong magsasala ng mga pagdedesisyunan. So sa akin, kung nandiyan na iyong kuwestiyon, saka natin pagdedesisyunan. Parang mahirap para sa akin mag-comment na wala iyong iba nating kasamahan, kasi iyong papel ko hindi na lang bilang Chairperson ng Liberal Party, pero iyong Liberal Party bilang isa sa mga miyembro ng koalisyon.

    REPORTER 5: Ma’am, Pulse [Asia] survey, any reaction?

    VP LENI: Iyong sinabi ko na kanina—

    REPORTER 5: Iyong bumaba pero one point.

    VP LENI: Ah, iyong sa akin? Very negligible naman iyon. Iyong margin of error, if I’m not mistaken, is ±2.5? So halos static siya. Iyong sa atin naman, mas tinitingnan natin kung ano ba iyong mga issues surrounding… Hindi naman tayo kandidato, so hindi naman… iba iyong tinitingnan natin ngayon. Tinitingnan natin ano ba iyong mahalaga sa taumbayan. Paano ba nagre-respond iyong tao sa iba’t ibang isyu at paghamon na dumadaan. Mas ginagawa natin itong, parang, barometer. Tingin ko, para sa amin, hindi… iyong absolute numbers hindi ganoon kahalaga ngayon. Iyong mahalaga kung paano.

    REPORTER 5: Nagwo-work po ba iyong paninira, sa tingin niyo? Ibig sabihin hindi kayo naapektuhan noong mga batikos coming from no less than the President?

    VP LENI: Ako, kung naaapektuhan ako na hindi ako nakakatulog sa gabi, hindi. Hindi ako naaapektuhan kasi hindi naman totoo iyong mga sinasabi. At iyong mga lahat na sinabi ng Pangulo tungkol sa akin, parang, parati ding nare-refute later on. Halimbawa, iyong sinabi niyang “hotbed of shabu” iyong Naga, na-prove natin na hindi naman. Iyong sinabi niyang number one iyong Naga sa crime incidence, naipakita natin na hindi naman. Iyong sinabi ng PNP na number five iyong Naga sa ranking ng mga pinakamataas na crime incidence, alam natin na hindi iyon nakabase sa tamang datos. So iyong sa akin nga, kahit wala akong ginagawa to refute, iyong mga circumstances saka mga datos iyong nagpapakita kung ano iyong tama saka mali.

    Siguro iyong epekto lang ng paninira, iyong mga taong hindi nakakakilala sa akin, puwedeng maniwala ng paninira kahit hindi ito totoo.

    REPORTER 6: Ma’am, you said mapanganib po iyong sinasabi ng AFP, linking LP and the opposition groups to destabilization plots. Why do you say that?

    VP LENI: Mapanganib siya kasi alam natin kung anong nangyari noong panahong idedeklara na iyong Martial Law. Parang mayroong setting the stage, eh, na kahit hindi siya nakabase sa tamang impormasyon, ginagawa siya para ma-set iyong stage. Iyon iyong panganib doon, na ayaw nating mangyari iyong nangyari na noong nakaraan, na parang pinaghandaan iyong pagdedeklara ng Martial Law para lang ma-silence iyong opposition, para patayin iyong dissent.

    Noong una kong marinig na dinadawit ako sa alleged na conspiracy with the Communists, parang, natawa lang ako. Pero noong sinabi ng mataas na opisyal ng AFP, ibang usapan iyon. Ibang usapan at maraming tanong—mas maraming tanong—kasi ang unang tanong, ano ba iyong basehan? Kasi kapag sinabi sa atin na ang basehan ay intelligence, may problema iyong bansa natin kasi hindi iyon totoo, eh. Kung sasabihin mong intelligence iyon, gusto mong sabihin iyong impormasyon na pinaghahawakan ng matataas na opisyal ng ating pamahalaan ay hindi totoo? Nalalagay iyong bansa natin sa panganib kung ganoon.

    Maraming… maraming mga—parang mas dumami iyong tanong, mas marami iyong kalabuan. Kasi ako, unang una, sigurado ako na walang ganiyang sabwatan. Klaro parati, malinaw iyong aking posisyon. Ang parati kong sinasabing posisyon, iyong pagkakataon para sa oposisyon, iyong 2019 Senatorial Elections. Sinabi natin na hindi makakabuti sa Pilipinas ang paulit-ulit na… paulit-ulit na kaguluhan, kasi lalong… lalong maghihirap iyong bansa natin. Ngayong grabe na iyong paghihirap na pinagdadaanan natin, lalo pang maghihirap.

    Gusto nating… gusto nating masagot noong nagsabi noong sabwatan na ito na saan galing iyong impormasyon? Kasi ako na magsasabi na kasinungalingan iyong impormasyon na iyon. Walang wala kaming relationship, pag-uusap, with the Communist Party of the Philippines.

    OVP: Okay na? Last question.

    REPORTER 7: Ma’am, mayroon po bang kandidato iyong LP galing sa ibang partido?

    VP LENI: Iyong LP kasi, kailangan iyong… Iyong LP kasi is just one of the groups na magno-nominate. Iyong ating mga ninominate ay mga party members, pero posible na dahil coalition ticket iyong ilalagay, posible na marami doon sa nasa ticket na hindi kabahagi ng LP, kasi dapat kombinasyon ito ng nomination ng iba pang mga nasa coalition.

    REPORTER 8: Ma’am, kino-consider po ba ninyo the former President na isa siya sa senators?

    VP LENI: Hindi. Hindi kino-consider kasi klaro siya from the very start na hindi siya interesado. Parati niyang sinasabi, in private and in public, na wala siyang balak kumandidato.

    OVP: Okay, thank you, Madam Vice President! Thank you, members of the media!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 24, 2018