This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Itogon, Benguet

    Visit to Ground Zero of Itogon Landslide

    Barangay Ucab, Itogon, Benguet

    REPORTER 1: Ma’am, ano po iyong purpose natin sa pagbisita dito sa Itogon, Ma’am?

    VP LENI: Tiningnan lang kung paano tayo makakatulong doon sa mga nabiktima ng landslide. Kanina mayroon tayong meeting doon sa mga evacuees, pinag-usapan kung anong klase pang tulong iyong kailangan. Sinasabi nila na maraming tumutulong sa relief, maraming nagbibigay ng mga damit, pero iyong pinaka-problema talaga nila, kabuhayan saka tirahan.

    Mayroong pondo na inilaan iyong aming opisina para sa livelihood assistance, pero gusto natin mapapunta sa tama. Ayaw natin na livelihood assistance, pero maubos lang sa hindi pangkabuhayan, kasi… Iyon iyong ine-explain ko sa kanila kanina: na mas mabuting pagplanuhan kung saan mapupunta iyong tulong para mapahaba iyong tulong. Iyong pinaka-ayaw kasi natin, na para sana sa kabuhayan pero dahil marami ding ibang pangangailangan, doon nagastos.

    So ngayon, ngayon na pumunta tayo dito sa Ground Zero para magpasalamat sa ating volunteers. Naiwan doon iyong aming staff para tingnan lang sino iyong mga pinaka-nangangailangan. Sabi natin, i-prioritize natin iyong mga walang uuwian na bahay. Kasi as of now, mayroong, parang, 60—dito lang sa area na ito na galing sa Gate 1—60 na nasa evacuation centers. Pero maraming iba na parang nakahanap ng matitirhan na bahay-bahay pero wala pang sariling bahay. So ngayon, iyong ginagawa ng staff namin, dine-determine iyong level ng pangangailangan.

    Wala naman kaming masyadong pondo sa opisina, kaya iyon din iyong explanation natin sa kanila: pandagdag. Marami naman iyong tumutulong, pero iyon nga, siguro mas mabuti na iyong mga tumutulong nag-uusap-usap din, para mapagplanuhan kung paano… una, hindi nagdo-doble para hindi sayang sa resources; sunod, matugunan talaga iyong mga gaps na wala pa.

    As of now, iyon talaga. Iyong worry nila, wala pang relocation site na natuturo. Mayroong mga nag-avail ng Balik Probinsya. Mayroon ding mga gustong mag-avail pero dahil walang kasiguruhan kung may mauuwian na hanapbuhay, nag-aatubili. Sinabi natin kanina na iyon sana iyong pinakamabuti—na bumalik sa probinsya—kasi gaya nito, iyong Itogon, itong site kung nasaan tayo ngayon, hindi na talaga siya safe. Sabi noong ating Municipal DRRM (Disaster Risk Reduction and Management) [officer], dineclare na talaga ito ng MGB (Mines and Geosciences Bureau) na hindi safe for residences. Kaya iyong pinaka-kuwestiyon talaga, saan sila pupunta? May ibinigay naman sa kanila na evacuation center sa isang barangay; kanina ine-express nila na nag-aatubili din sila doon kasi 18 kilometers away, malayo sa paaralan ng mga bata.

    Nag-usap naman kami ni Cong. Teddy Baguilat, kasi karamihan dito mga constituents niya, kung paano mas makakatulong nang maayos. Halimbawa, kung may relocation site, dapat sana may malapit din na paaralan. Siguro i-expand iyong scholarship para doon sa mga may mga estudyanteng mga pamilya. Para lang makatulong.

    Kasi ngayon pinakamahirap sa lahat iyong uncertainty—iyong hindi nila alam kung saan sila pupunta, hindi nila alam kung ano iyong susunod. Kaya siguro iyon iyong pinaka-tulong na gusto nating tutukan ngayon. Iyon namang pagpunta namin, ito iyong initial na tulong, pero titingnan namin under our Angat Buhay program ano pa ba iyong ibang mga tulong na puwede, in partnership with other agencies and siguro sa office ni Cong. Teddy Baguilat.

    REPORTER 2: Ma’am, ano po iyong long-term solution na parang hiningi po noong mga victims sa inyo, Ma’am?

    VP LENI: Iyong sa kanila talaga, permanenteng relocation—iyon iyong number one—kasi hindi din sila makaplano ng hanapbuhay until hindi nila alam kung saan sila mare-relocate. Halimbawa, kanina, may mga nag-express na gusto nilang mag-buy-and-sell ng gulay. Pero until kasi hindi nade-determine kung saan iyong permanent relocation site, mahirap. Mahirap din na maghanap ng permanenteng hanapbuhay. So iyon siguro iyong idi-discuss ko with Cong. Teddy on Monday; kasi ngayon bumalik na siya sa Ifugao, tumutulong din siya sa mga families na namatayan. Pag-uusapan namin, with the agencies siguro, saan ba iyong mga possible na relocation sites, tapos tingnan na iyong relocation site nandoon iyong mga pangangailangan nila. Kasi ang worry natin, kapag tapos na itong lahat, baka dahil walang mababalikan, ma-tempt bumalik. Iyon iyong ayaw natin. Iyong ayaw natin, dahil walang makakapitan, kahit alam nilang dangerous gagawin pa din nila.

    Ngayon kasi, busy pa sa retrieval iyong karamihan, pero I would hope that in the coming week, mas definite na iyong tulong. Ngayon naman, as of today, iyong tulong ng office namin iiwanan na namin, with the hope na kahit paano makatulong iyon na may pag-umpisahan silang hanapbuhay, saka umaasa na kahit paano mapapatagal-tagal. Pero tingin ko kasi hindi iyon enough. Hindi enough dahil, iyon nga, wala ngang kasiguruhan kung saan sila ire-relocate. Mayroon na sa kanila, actually, na in-identify na relocation site, pero iyon nga, dahil malayo sa school, sa hanapbuhay, mahirap.

    REPORTER 1: Ma’am, kung okay lang po, magkano po ba iyong binigay o ibibigay nating assistance?

    VP LENI: Hindi pa natin ngayon ma-determine kasi wala pang exact number ng beneficiaries. Mayroon kaming sinet aside na amount, pero gusto kasi namin na magagamit iyon sa hanapbuhay, kasi livelihood assistance iyon—hindi iyon relief assistance; livelihood. So iyong ginagawa ngayon, ina-identify ilan ba talaga iyong families na nangangailangan. Kasi ngayon may initial sa amin na ibinigay na 60 names, pero noong meeting kanina, apparently much more than 60 iyong nangangailangan. So ngayon, in-assign natin iyong mga leaders, iyong mga purok leaders, mga head ng mga kumpol-kumpol na mga evacuees, para i-assess kung alin doon sa mga nandoon kanina iyong sinasabi nilang walang babalikan na families. So sila actually iyong magde-determine. Pero kami handa na kami.

    REPORTER 1: Tapos Ma’am, last question po: Kasi, ‘di ba, gusto nila na patigilin na permanently, totally, iyong small-scale mining. May say po ba kayo dito? Kasi ito na po talaga iyong pinagkakakitaan nila ever since.

    VP LENI: Parati kasi iyang isinasaalang-alang, iyong safety, ‘di ba? Kasi kung hindi safe para sa kanila, para ano iyong kabuhayan? Kaya iyong sa atin lang, madali lang kasing sabihin na itigil, pero mas mabuti sana isipin paano iyong kabuhayan nila? Kasi hanggang hindi natin binibigyan ng alternative na kabuhayan, mahihirapan iyong mga tao na intindihin iyong dahilan ng pagpapatigil.

    Alam nila na nanganganib iyong buhay nila kung ituloy, nanganganib iyong kalikasan natin, pero marami kasi iyong kumakapit talaga sa patalim dahil sa kahirapan. Dapat iniintindi natin iyon. Sinisiguro natin, siyempre first and foremost, pinaka-mahalaga iyong kaligtasan. Pero sa pag-isip ng kaligtasan, hindi puwedeng sasabihin lang natin na “isarado na, itigil na,” nang walang ibinibigay na alternatibo.

    Kaya iyong sa akin, kaya nga iyon iyong tulong ng opisina namin, iyong pagsisimula ng livelihood. Pero naiintindihan ko rin sila na mahirap magsimula nang hindi nga nila alam kung saan sila mare-relocate. Kaya iyon iyong idi-discuss natin in the coming days with Cong. Teddy, kasi karamihan pala constituents niya sa Ifugao.

    REPORTER 3: Ma’am, may tulong din po tayo sa other Cordillera provinces na naapektuhan?

    VP LENI: Iyong tulong natin doon, relief. Nandoon tayo noong first few days after the… after Typhoon Ompong. Pero ito kasi, iyong opisina kasi namin, maliit lang naman iyong budget. Talagang nagse-set aside kami sa tulong na pangmatagalan. While mayroon kaming sine-set aside for relief, parang mas gusto naming mag-programa doon sa mas pangmatagalan na tulong.

    Inuna natin dito kasi ito iyong talagang, parang walang kasiguruhan, pero gusto nating maabot iyong iba pang mga lugar, more than doon sa relief na pinauna natin.

    OVP: Okay?

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 27, 2018