This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Istorya ng Pag-asa – Capiz Launch

    Filamer Christian University, Roxas City, Capiz

    REPORTER 1: Ma’am, Reggie from ABS-CBN. Kahapon, President Duterte was in Boracay. He’s finally vouching for Mar Roxas po sa… na iboboto po. Any reaction po on this, Ma’am?

    VP LENI: Masayang balita iyan. Masayang balita na in-endorse ni Pangulong Duterte si Secretary Mar for the Senate. Affirmation iyon na very much qualified, walang duda iyong qualifications, dapat talagang tulungan.

    REPORTER 1: You had breakfast earlier today with Mar Roxas, Ma’am.

    VP LENI: Yes, yes.

    REPORTER 1: Any reaction? Nakapag-usap po ba kayo, Ma’am, regarding this?

    VP LENI: Ako— Hindi niya sa akin naikuwento. First time ko actually narinig na in-endorse siya ni Pangulong Duterte.

    Nagpapasalamat ako kay Secretary Mar kasi noong nalaman niya na pupunta ako ng Capiz, pumunta talaga siya para lang ma-meet ako dito. Na-meet ko din iyong halos lahat na local leaders ng lalawigan, at pagkakataon para mapasalamatan ko sila sa tulong na binigay sa akin noong 2016 elections, kasi sobrang taas ng botong nakuha ko dito sa Capiz. Kaya malaking pasasalamat na nakabalik ako, kasi the last time I was here was during the campaign period pa. Kaya nagpapasalamat tayo kay Gov. Tony, kay Mayor Allan, sa lahat na local officials na tumulong. Saka siyempre kay Secretary Mar saka sa kaniyang pamilya.

    REPORTER 2: From RMN-Roxas po. We were talking about Istorya ng Pag-asa. In these hard times po, Ma’am Leni, ano po ang message ninyo para sa mga Capizeño?

    VP LENI: Actually iyong Istorya ng Pag-asa mismo iyong message—na mahirap man iyong pinagdadaanan, parating magpursige, kasi parating may kapalit iyong pagpupursige. Ayon naman iyong pinakasadya natin sa Istorya ng Pag-asa, na magbigay ng inspirasyon para sa mga taong naghihirap. Nagbibigay tayo ng mga examples na mas matindi pa iyong pinagdaanan, pero dahil nilakasan iyong loob, nagpursige, sa dulo naging maayos din. Ito din sa atin, sa ating lahat, ang mensahe din noon para sa mga privileged, na magpasalamat kung ano iyong nasa kanila ngayon, dahil may mga tao na mas mahirap iyong buhay para sa kanila pero naging maayos. Walang dahilan para maging maayos sila.

    REPORTER 3: Ano pa po iyong mga lugar na balak niyo pa pong puntahan para dito sa Istorya ng Pag-asa?

    VP LENI: Actually marami na kaming pinuntahan. Sa Luzon, pumunta na kami ng Baguio, Cavite, Quezon City. Dito sa Visayas, Cebu, Dumaguete, Bacolod, tapos Iloilo, saka dito. Tapos sa Mindanao, pumunta na kami ng Xavier University sa Cagayan de Oro. Marami pang lugar.

    Mamayang hapon, from here, pupunta kami sa Iloilo, kasi ito na iyong second event namin for Istorya ng Pag-asa sa Iloilo. Kasi iyong una naming punta, kaunti pa lang iyong stories na pinresent. Ngayon, sobrang dami na ng ipe-present nilang stories. Iyon naman iyong gusto natin, na mahikayat iyong mga partners natin na maghanap nang maghanap ng mga inspiring stories kasi sobrang dami talaga, kailangan lang i-document, para magbigay ng inspirasyon.

    REPORTER 2: To those who want to have their stories shared dito po sa Roxas, how do they go about it?

    VP LENI: Ishe-share lang po nila sa amin sa Facebook page. Mayroong Facebook page, official Facebook page, iyong office namin, iyong “VP Leni Robredo.” Mayroon ding “Istorya ng Pag-asa” na page. Puwede nilang i-send sa amin electronically para mas mabilis. Pati iyong films. Dahil nag-launch kami ng Istorya ng Pag-asa Film Festival, hinihikayat din namin iyong publiko na mag-contribute ng short stories—three to five minutes lang—ng tingin nilang istorya ng pag-asa.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am.

    VP LENI: Thank you. Salamat sa inyo.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 08, 2018