This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the INP launch in Daet

    Istorya ng Pag-asa Launch Camarines Norte State College, Daet, Camarines Norte

    Q: Good afternoon, VP Leni! Unang una, ano po itong Istorya ng Pag-asa na inyong inilunsad dito sa lalawigan ng Camarines Norte? VP LENI: Itong Istorya ng Pag-asa po, isang project ng Office of the Vice President. Ito iyong aming contribution sa lahat na negativity na nangyayari sa paligid natin ngayon. Naisip lang namin na we have to do something about it, kaya rather than sumakay sa mga masasamang balita, parang para sa amin, iyong ibabato na lang sa masamang balita iyong mga stories of hope ng ating mga Istorya ng Pag-asa. Q: Pagtugon po ito, Ma’am, sa fake news? VP LENI: Tugon sa fake news. Tugon sa pagkakagalit-galit. Tugon sa mga negative. Para sa amin, positive naman. Q: VP, you have just supported President Rodrigo Duterte doon sa pag-declare sa CPP-NPA as a terrorist group. But before that, ‘di ba nagkaroon ka ng coordination, consultation with the military about the RevGov. Mayroon bang impluwensya sa inyo ang assessment ng military, to support President Duterte? VP LENI: Actually… Actually misquoted ako in the sense na ang sinabi ko mas general. Ang sinabi ko, supportive ako sa lahat na mga steps na ginagawa ng administrasyon na ito para panatilihin iyong peace and order, para panatilihin ang seguridad ng ating bansa. Wala naman ako sa posisyon para sabihin na sila ay terorista o hindi. Iyong sa akin lang, sinabi ko na iyong lahat na nampapatay ng sibilyan, naghahasik ng lagim… iyong mga gumagawa ng mga terroristic activities, iyon iyong mga terorista. Pero wala kasi ako sa posisyon para sabihing, “Ito, si grupo ni Pedro ay terorista ito. Ito hindi.” Q: Noong December 2, Madam… Recently mayroong ambush dito. Anong reaction mo doon? VP LENI: Sa akin, pupuntahan ko nga. Pupuntahan ko ngayon iyong biktima ng ambush. Talagang kino-condemn natin iyon in the strongest sense, dahil iyong mga na-ambush, ito iyong mga alagad ng batas na nagpo-protect sa atin. Ito, gumagawa ng trabaho na mandato nila, kaya hindi naman dapat na pinapatay, hindi naman dapat na pinaparusahan kung wala namang kadahilanan. Kaya ito, after nito ay pupuntahan ko iyong families. Q: Ma’am, iyong reaksyon po ninyo sa gusto ni Presidente Duterte na maging federalist government? VP LENI: Iyong sa akin kasi, parati kong tanong— Tayo, bukas tayo sa kahit ano, pero parati kasing sinasabi na iyong federalismo iyong sagot, kaya iyong parati ko namang tinatanong: Ano iyong tanong? Kung ang federalismo ang sagot, ano iyong tanong? Kasi masasabi lang natin na ito iyong nararapat na paraan kung alam natin ano iyong tanong na sinasagot. Pero until hindi natin alam kung ako iyon, parang mahirap sabihin. Iyong sa akin lang, iyong lahat na mga sumusulong ng federalism, handa tayong makinig. Sana iyong mga kasagutan din natin iyong matanong, kasi maraming hindi nakakaintindi kung ano iyong implikasyon nito. Halimbawa, i-declare na iyong porma ng gobyerno natin ay federalism na, ano iyong implikasyon? Halimbawa sa atin, sa Bicol region, kapag nag-federalism, anong gustong sabihin nito para sa atin? Q: [overlapping] VP LENI: Sandali… Q: Masasabi bang kawalan ng direksyon ito ng Duterte administration, itong pagsulong ng federalismo? VP LENI: Hindi naman natin masasabing kawalan ng direksyon. Ang sinasabi lang natin sa mga advocates, sana iyong mga advocates ihain ito sa tamang forum. Halimbawa, ngayon, kung ipapasok ito sa Kongreso, sana bigyan ito ng sapat na panahon para magkaroon ng mga debate, para i-educate tayo kung ano iyong gustong sabihin. Sana hindi ito madaliin. Hindi numero iyong mahalaga dito, pero iyong mahalaga dito ano iyong resulta pagkatapos. Kaya sana mabigyan ng pagkakataon iyong marami sa atin na mapakinggan kung anong gustong sabihin nito. Sa akin nga, isimple na lang natin. Siguro tayong mga Bikolano, itanong natin ano ba iyong magandang maidudulot sa atin ng federalismo? Kasi kung maganda naman iyong maidudulot sa atin, bakit natin haharangin? Q: Ma’am, how about iyong revolutionary government? VP LENI: Ako, kontra ako sa revolutionary government. Nagpapasalamat ako sa ating Pangulo na sinabi na niya na hindi siya magdedeklara, kasi ano ba iyong implikasyon ng revolutionary government? Ang implikasyon ng revolutionary government, tatanggalin iyong Konstitusyon, tatanggalin iyong lahat na institusyon na namumuo dito sa atin. Nakakatakot iyon, kasi magbibigay ito ng floodgates para sa pang-aabuso. Q: [shows VP Leni a photo of Mar Roxas’ son, Paolo, and her daughter, Aika] Ma’am, trending ito sa social media ngayon. Naikuwento na ba ito ni Aika? VP LENI: [laughs] Q: Ano ba ang kuwento behind this picture? VP LENI: Napakachismoso mo talaga. [laughter] Si Aika, nasa Harvard siya. Si Paolo ay nasa Yale. Nagkaroon ng football game iyong Harvard saka Yale sa Yale. Nagkita sila doon. At napakabait daw ni Paolo, kasi si Aika may mga kaklaseng kasama. Tinour ni Paolo si Aika saka iyong mga kaklase sa Yale. Pero si Paolo, napakabata niyan kay Aika. Si Paolo is very, very young compared kay Aika. Ano iyan, magkakaibigan sila ng tatlo kong anak. Napakabait na bata niyang si Paolo. In fact, every time he goes home—naging close sila noong kampanya—every time nandito siya sa Pilipinas, tini-treat out niya iyong tatlo kong anak. Napakabait na bata. Q: Thank you. VP LENI: Intrigero ka talaga. [laughter] Q: Ma’am, maliban dito sa activity na ito, mayroon din kayong dialogue with our urban poor sector? VP LENI: Yes. Papunta po ako doon. Although wala na masyadong time, mayroon na akong staff na pinakinggan iyong concerns ng urban poor sector, pero dadaanan ko pa din sila. Q: Ano po ang puwedeng asahang tulong ng urban poor sector sa inyo? VP LENI: Depende kung ano iyong ipinaabot nila. Kanina pa sila nag-start, nandoon iyong staff. Iyong problema lang ngayon, hindi gaya ng dati na nasa HUDCC pa ako, nasa mandato pa natin iyong mga programa para sa urban poor. Ngayon na wala na, hindi naman gustong sabihin na hindi tayo tutulong. Ngayong wala na ako sa HUDCC, ang gagawin natin magiging messenger tayo. Q: Mensahe niyo lang po sa mga kababayan natin sa Camarines Norte at mga taga-Daet? VP LENI: Nagpapasalamat tayo sa mga kababayan natin dito sa Daet at sa Camarines Norte sa napakainit na pagtanggap. Parati naman iyong pagpunta ko dito, parating masayang okasyon, kasi gaya ng sinabi ko sa aking speech kanina, noong ako ay abogado pa ng SALIGAN, pabalik-balik ako kasi nagte-training kami ng iba’t ibang paralegal groups. May mga labor unions na hinahawakan ako dito. Iyong urban poor isa sa mga sektor na matagal na nating tinutulungan. Kaya parang every time na pumupunta ako, parang homecoming. Parang homecoming siya in the sense na nakikita mo ulit iyong mga dati mong kausap. Kaya maraming salamat sa napakainit na pagtanggap. Q: Ma’am, pahabol po na tanong, baka hindi na po namin kayo makausap mamaya. Bibista po kayo sa mga biktima ng ambush. Ano po ang expected ng pamilya? VP LENI: Hindi yata nila alam na pupunta ako. Nalaman ko lang na iyong biktima ng ambush… Nalaman ko lang kanina na nandito na ako, ang sabi sa akin 5 kilometers away iyong bahay. Sabi ko puntahan na natin kasi malapit lang naman. So tingnan natin kung ano iyong kailangan ng pamilya, at tingnan natin kung paano tayo makakatulong. Q: Okay, thank you po. VP LENI: Thank you! – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 06, 2017