This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo DYFM-AM Bombo Radyo Iloilo

    Interview with Vice President Leni Robredo

    DYFM-AM Bombo Radyo Iloilo

    Host: Bombo John Talento

     

    [Recording began playing abruptly, first question is cut off]

    VP LENI: … from the time na naging Vice President ako. Siguro isa siya sa pinaka most visited ko na province dahil marami kaming projects diyan. Marami kaming projects all over the province of Iloilo. Iba-ibang klaseng iyong projects, meron mga feeding program, merong mga projects for farmers, merong mga community learning hubs. Marami sya from 2016 until now. So talagang pabalik-balik ako. In fact, uhm, nung nagkaroon ng lull during the pandemic, eto lang March of 2021 bago nagka-surge tayo ng end of March, Iloilo iyong last kong binisita. Binisita namin iyong mga community learning hubs natin. So iyong mga programs natin diyan aside from Iloilo City - ang Iloilo City, tumulong tayo sa procurement, tumulong tayo dun sa COVID response. Nagbigay tayo ng mga testing kits, tapos tumulong tayo sa pagset-up nung laboratory. Pero marami tayong programs sa Lambunao, sa San Joaquin, sa Anilao, sa Cabatuan, sa Calinog, sa Oton, Miagao, Pototan, marami, Barotac Viejo, Concepcion, iyong Carles. Ano ito, maraming different programs and most of them are because of private donors. Parang iyong ano lang dito iyong talagang pera ng OVP, halimbawa iyong assistance to farmers na more than P2 million for Cabatuan farmers. Pero karamihan talaga ano, iyong naghahanap kami ng donors para dalhin namin sa iba’t-ibang mga lugar diyan sa Iloilo. Iyong ano pala, iyong pagset-up ng parang youth center sa Anilao, pera din yun ng OVP. Pero iyong opisina naman namin parang nag survive kami na humihingi kami ng tulong from private partners para maidala sa mga probinsya.

    BOMBO JOHN TALENTO: Kahit na with this limited budget, VP, nakakatulong pa rin po kayo no sa nangangailangan?

    VP LENI: Oo hindi naman namin hinayaan iyong kawalan namin ng budget para makatulong. So iyong mga programs na nakakahanap kami ng mga partners, dinadala namin diyan iyong aming partners. Iyong sabi ko nga iyong locally funded projects na - pag sinabing locally funded, parang pera namin, dinownload namin sa local - aside iyong sa Cabatuan farmers, pati din iyong sa Anilao tsaka iyong sa San Joaquin, nagbigay kami ng mga toilets. In fact, binisita ko ito noong last kong pagpunta diyan. Tapos, iyong provision for laboratory equipment sa Uswag Iloilo Molecular Lab, pera din yan ng ano, parang kung hindi ako nagkakamali parang P4.5 million iyong binigay namin sa Iloilo City. Tapos sa Oton naman iyong parang procurement ng transport vehicle para doon sa mga farmers, at saka nag-install ng solar powered na irrigation system parang P2.8 million iyon. Tapos sa Calinog naman, pera din namin iyon, iyong parang processing equipment para sa mga IPs, uh dahil maraming, iyong tatlong GIDA barangays, yun iyong prinovidan. So iyong pera namin, iyong galing sa amin mga P14.3 million lahat pero iyong sa partners mas malaki. Sa partners mas malaki, parang kung hindi ako nagkakamali siguro mga kung meron mga P30 plus million from farmers. Iyon iyong na-download namin diyan sa, nadala pala namin for Iloilo province.

    BOMBO JOHN TALENTO: When we talk about Iloilo at kung maririnig po ninyo iyong pangalan na Iloilo, ano po iyong pumapasok sa isip ni Vice President Leni Robredo?

    VP LENI: Ako, dalawa lagi. Iyong una kung gaano kabait iyong mga tao. Ito, naramdaman ko ito, hindi pa ako politiko. Nag stay ako diyan ng one week noong hindi pa ako politiko, buhay pa iyong asawa ko dahil iyong anak ko nag compete - two weeks pala na magkahiwalay na one week - iyong anak ko nag compete sa isang math competition. Iyong isa national, one week ako diyan. Iyong isa international diyan din diyan din hinold. So wala akong dalang sasakyan, iyong una solo ako, nakatira ako separate na hotel sa anak ko. So umiikot-ikot lang ako sa Iloilo, nagta-tricycle ako, nagta-taxi ako. Iyong very apparent sa akin, mababait talaga iyong mga tao. Iyon ang number one. And number two, ang sarap ng pagkain [laughter]. Parang every time pumupunta ako sa Iloilo, nagge-gain ako ng many pounds dahil masarap talaga iyong pagkain.

    BOMBO JOHN TALENTO: Oo okay so,  siguro ngayon merong mga pagkain na nakahanda para sa inyo dito VP Leni Robredo?

    VP LENI: [laughter] At saka ano din, noong politiko na ako, iyong apparent din sa akin iyong leadership. Iyong leadership ng Iloilo. Actually, nagiging kilala iyong Iloilo dahil sa leadership. Halimbawa si Gov. Toto Defensor, kilala na matino at mahusay na governor. Si Mayor Jerry naman, kilala na very proactive na mayor. In fact, tinitingala ng buong Pilipinas bilang magaling na mayor. Iyong mga mayors natin sa mga municipalities ganoon din. So I think ano sya eh, iyong husay talaga ng Iloilo is a combination of many different things. Ang daming ginawa ang Iloilo na hindi namin nagagaya. Halimbawa iyong paglinis ng river, inaambisyon namin na gawin din doon sa amin. Iyong paggawa ng Esplanade, inaambisyon namin na magawa din sa amin. Iyong loilo yata ngayon ang pinaka-una na magkaroon ng talagang designated na bike lane. Iyon ay matagal nang pangarap, pero parang iyong political will sa Iloilo napaka-strong na pag may gustong gawin, nagagawa. Kasi syempre malaking bagay din iyong leadership ni Sen. Frank. Sen. Frank Drilon was instrumental in making many projects happen in Iloilo. So ano talaga sya, combination of many things na napakaswerte ng mga taga-Iloilo na ganito ang mga leaders. Pero maswerte rin iyong leaders dahil sa mga tao.

    BOMBO JOHN TALENTO: Oo. Bilang isang nanay, ano po si Vice President Leni Robredo at ano po ang i-expect ng mga Ilonggo sa kay Vice President Leni Robredo as a mother?

    VP LENI: Alam mo iyong mga nanay, I am sure you would agree with me, iyong mga nanay kasi sanay sa maraming ginagawa all at the same time tapos nakakatutok sa lahat ng ginagawa. So iyong sipag siguro ng isang nanay, hindi lang ako, pero karamihan sa mga nanay, iyong sipag hindi matatawaran. Iyong pagmamahal sa anak hindi natatawaran, parating inuuna iyong kapakanan ng mga anak more than herself. So iyong pinakita ko naman na leadership mula noong nag-Congress ako, hanggang ako ay nag-VP, ganoon. Ang nanay sa akin, hindi puwedeng ma-shortchange iyong tao na humalal sa akin. Noong VP ako, iyong opisina naman, iyong OVP, maraming nagawa despite ng maraming pangangailangan, despite ng maraming kakulangan. Kasi iyong nanay naghahanap talaga palagi ng paraan. At saka sa akin kasi, paniniwala ko, a huge part of an effective leader iyong nakuha mo iyong tiwala ng tao. Kasi kapag may tiwala iyong tao sa iyo, very cooperative ang tao, eh. Very cooperative, hindi mahirap iyong governance, kasi iyong tao nagte-take part talaga sa governance.

    BOMBO JOHN TALENTO: Given a chance, with all the support naman din po, Vice President Robredo, na mabigyan po kayo ng chance na i-support po kayo ng Pilipino for this 2022 elections, ano po iyong plano po ninyo if ever–alam naman po natin na tuloy-tuloy pa rin itong COVID-19–may gusto po kayong ituloy sa mga programa ngayon? Or kumbaga baka mayroon kayong gusto baguhin sa approach po natin on this COVID-19, Vice President Robredo?

    VP LENI: Ako iyong number one kasing tingin kong kulang talaga dito, iyong tutok. Iyong tutok at saka iyong convergence ng maraming mga agencies. Kasi kapag tiningnan mo iyong agencies ngayon, ang dami namang ginagawa. Pero tingin ko, kulang kasi iyong tumututok na ma-coordinate iyong lahat kaya minsan mayroon tayong pakiramdam na parang sabog iyong implementation. Yun din, iyong sense of urgency kulang, yun nga, iyong focus kulang. Dapat sana kung natutukan natin ito from the very start, matagal na tayong naka-reopen ng economy. Kaya makikita mo ito, hindi siya intriga, pero makikita natin na maraming international assessment na despite the fact na ang dami nating inutang for COVID response, tayo iyong laging pinaka-last na magre-recover. In fact, parang the other day lang naglabas ulit ng assessment ang Bloomberg na pinapakita na tayo iyong least na resilient pagdating sa – because of our COVID response. So ito iyong sa akin, lahat kasi hinged on how successful we are na ma-control iyong pandemic, na ma-mitigate iyong effects nito. So kahit sinong maging susunod na Pangulo kailangan ito talaga iyong focus. Kasi parang hindi tayo makaka-move on hanggang ganito pa rin iyong sitwasyon natin.

    BOMBO JOHN TALENTO: Okay, sige. Anyway, kung may isang malaking proyekto po dito na napakatagal nang gustong-gusto talaga ng mga Ilonggo, but until now hindi pa rin natutupad, mayroong mga promises but hindi pa rin ito nau-umpisahan kumbaga– itong Panay-Guimaras-Iloilo bridge. Given a chance po, ano po kayang chance po nito if ever po kayong mahalal bilang Pangulo, Vice President Robredo?

    VP LENI: Ako sa akin kasi, hindi lang diyan pero sa marami pang ibang mga lugar sa Pilipinas. Kahit doon sa amin sa Bicol, may similar na kahilingan tungkol diyan. Iyong sa akin kasi kailangan iyong pag-allocate ng mga proyekto hindi masyadong maging Manila-centric. Pero titignan na iyong mga infrastructure - kasi ako okay naman sa akin iyong Build Build Build eh, pero iyong sa akin i-prioritize iyong mga infrastructure na magsu-spur ng regional development. Kasi maraming problema sa atin nag-uumpisa dahil hindi talaga pantay iyong distribution ng tao, hindi pantay iyong distribution ng development. So lahat ng infrastructure na gagawin dapat laging may cost-benefit, eh. Sino ba iyong magbe-benefit? Halimbawa, kung itong mga bridges o itong mga roads na gagawin, ang magbe-benefit talaga iyong mga nasa rural areas. Halimbawa, diyan sa inyo, iyong Guimaras, kapag ginawa iyong bridge, ano iyong epekto nito sa economy ng Guimaras? Ano iyong epekto nito sa mga, halimbawa, sa mga magsasaka? Mas magiging madali sa kanila iyong pag-transport ng mga products nila, mas makakapag-compete sila with cost. So laging ganito dapat iyong tinitingnan. Kahit hindi visible masyado iyong – alam mo minsan kasi parang iyong concentration nasa mga sobrang urban areas para maging visible iyong development. Pero sa akin, babaliktarin ko ito. Babaliktarin ko ito in the sense na sisiguraduhin ko na iyong cost-benefit analysis niya, iyong makikinabang iyong mga mas nahihirapan. Sisiguraduhin natin na bigyan ng mas maraming access iyong walang access ngayon, sisiguraduhin natin na mas pantay iyong benefits na makukuha nung mga hindi masyadong nakakatanggap ng mga benefits ngayon.

    BOMBO JOHN TALENTO: Okay. Anyway, siguro marami pa po tayong gustong mapag-usapan but with this limited time po, Vice President Leni –

    VP LENI: Oo, kailangan na naming lumipad para makarating na kami sa Iloilo. Maraming salamat. Maraming salamat sa oras na binigay sa akin ngayong umaga. Ito po si Leni Robredo, basta radyo, Bombo!

     

     

    -30-

     

    Posted in Transcripts on Dec 03, 2021