This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Cagayan de Oro City

    Angat Buhay Youth Mindanao Summit 2018 Gabi ng Parangal

    Cagayan de Oro City

    REPORTER 1: VP, papalapit na po iyong SONA. Confirmed po ba iyong invitation sa SONA, at dadalo po ba tayo?

    VP LENI: Oo, dadalo tayo kasi obligasyon naman natin iyon, saka parati naman tayong interesado sa sasabihin ng Pangulo. Alam natin na—‘Di ba iyong pinakaunang SONA, parang iyon iyong pagse-set ng direction, pagse-set ng targets—iyong mga succeeding na SONA, parang nagre-report iyong Pangulo sa atin, kung ano na iyong ating mga na-accomplish. As a public official, kahit ordinaryong tao, dapat maging interesado sa sasabihin ng Pangulo.

    REPORTER 1: Expectations po natin, VP?

    VP LENI: Iyong expectation ko, maging report siya kung anong nangyari doon sa mga targets na sinet—alin iyong mga na-achieve, alin iyong mga hindi na-achieve, ano iyong mga aasahan natin in the next years.

    REPORTER 1: May specific topic po ba kayo na inaasahang mabanggit ni Presidente Duterte?

    VP LENI: Ako, palagay ko lahat na topic na nagbabagabag sa atin ngayon. Halimbawa, iyong inflation. Iyong—hindi ko alam kung idi-discuss niya iyong TRAIN Law—iyong ekonomiya, iyong West Philippine Sea, iyong peace and order. Siguro iyong status ng anti-drug campaign. Iyon iyong mga expectations natin na sasabihin, kasi hindi lang siya… hindi lang siya iyong bumabagabag ngayon, pero siya din iyong mga targets na sinet ng Presidente noong umpisa.

    REPORTER 1: VP, statement lang, kasi wala pa kaming na-receive na statement after pagkapanalo ni Sen. Manny (Pacquiao) kahapon. Ano pong mensahe niyo?

    VP LENI: Tayo naman, iko-congratulate natin si Senator Manny. Tayo namang mga Pilipino, parating proud [doon sa] iyong pag-represent niya sa Pilipinas. Parati tayong gutom for good news, ‘di ba, at iyong pagkapanalo niya, parang… parang ano siya, rainbow sa mga problemang pinagdadaanan natin.

    OVP: Okay, Joan?

    REPORTER 2: Reaction niyo po doon sa Pulse Asia survey po?

    VP LENI: Masayang masaya. Masayang masaya tayo na malaki iyong increase natin. In Mindanao alone, +17 ako [sa performance rating]. Malaking bagay iyon. Siguro affirmation iyon ng ginagawa natin dito sa mga communities natin sa Mindanao. Sa Metro Manila, +20 ako. Itong Metro Manila saka Mindanao, in the past surveys dito tayo medyo nagkukulang, kaya napakalaking encouragement na malaki iyong jump natin sa bagong Pulse Asia survey.

    REPORTER 1: VP, iyong flagship program po natin na Angat Buhay, how is it doing so far, especially po dito sa Mindanao?

    VP LENI: Ito, exceeding all our expectations, kasi noong ginawa namin iyong Angat Buhay, iyong expectations namin very realistic, in the sense na iyong greater bulk of what we’re doing, iaasa namin sa private partnerships, kasi iyong office wala naman talagang sufficient funds for programs. Pero ang target namin 50 communities ang tutulungan, pero in the almost two years—magtu-two years na kami sa October—in the almost two years that Angat Buhay has been in existence, iyong 50 na iyon, naging 176 na.

    Iyong mga communities na tinulungan natin, talagang… talagang malalim iyong engagement. Halimbawa, pupunta kami sa community, iyong target namin tulungan sa malnutrition, pero pagpunta namin doon, ang dami pang problema na nakikita namin. Halimbawa, walang potable water, walang kuryente. At iyong nakakataba talaga ng puso, iyong realization na napakaraming mga tao at mga organisasyon na willing to… talagang more than willing to help—hindi lang alam kung paano. So parang kami iyong tumutulay, kami iyong nagga-groundwork, kami iyong nagsasabi anong kailangan dito. Iyong response, talagang very encouraging.

    REPORTER 1: Last na lang, VP: Kasi bago lang sinabi mo na handa ka nang i-lead iyong opposition. So far kumusta na po? Anong ginagawa natin para mapag-isa iyong opposition na ito?

    VP LENI: Iyong sa akin naman, klaro ito sa mga grupo ng oposisyon na tayo, kapag may nakikita tayong hindi tayo sang-ayon, kailangang iboses. Iyong pag-lead ng opposition, kailangang pag-isahin iyong mga boses. Ito naman iyong essence of democracy—marinig iyong mga contrary opinions, contrary views on matters, para iyong pagtingin sa bagay, from all angles. Tingin ko nakakabuti ito sa pagsulong hindi lang ng demokrasya, pero ng ating bansa, kapag nabibigyang-boses lahat. Iyong pag-lead ng opposition, iyong gustong sabihin noon, iyong lahat na parang similar iyong paniniwala, kailangang pag-isahin iyong boses. Kasi kapag hiwa-hiwalay hindi naririnig. Pero pag-iisahin iyong boses, ang atin lang namang hinihingi pakinggan. Halimbawa, pakinggan tayo sa pakiramdam natin tungkol sa federalismo. Pakinggan tayo tungkol sa pakiramdam natin tungkol sa charter change. Kasi kapag hindi kami nag-uusap-usap, hindi namin nako-communicate nang maayos iyong aming pakiramdam.

    REPORTER 1: Hindi ba kayo natatakot, Vice, na baka magka-misunderstanding masyado iyong admin saka kayo?

    VP LENI: Tingin ko kasi kung maintindihan iyong value ng pag-o-oppose pagdating sa mga desisyon, hindi naman dapat… hindi naman dapat mag-away. Ako, hindi din ako naniniwala na dapat lahat kontrahin, kasi kapag lahat na lang kokontrahin, baka maging irrelevant na kami. Iyong sa akin, klaro sa mga grupong nakakausap ko na kumontra tayo sa mga bagay na iba iyong paniniwala natin, pero kung may magandang ginagawa, kailangang i-recognize. Kasi kapag lahat lang kontra, iyon iyong talagang nag-aaway-away. Pero klaro din na yayayain sila na pag-isahin lang natin iyong boses natin para mas pakinggan tayo.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 16, 2018