This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Cagayan de Oro City

    Cagayan de Oro City, Misamis Oriental

    VP LENI: Nakakalungkot. Nakakalungkot na sa panahon na umaasa tayo na matutuldukan na iyong lahat na kaguluhan dito sa Mindanao, mangyayari iyong ganito. Sana iyong eleksyon na nangyari noong January 21 saka iyong eleksyon na mangyayari sa February 6, magiging mahalagang hakbang para makamtan na natin iyong kapayapaan.

    Maraming nagsasabi na kaya ayaw nila ito kasi hindi naman nito maso-solusyonan iyong maraming suliranin. Pero hindi natin kasi siya tinitingnan na solusyon—tinitingnan natin siya na paraan para mahanapan ng solusyon. Mahalaga na iyong mga may pakiramdam na hindi sila napapakinggan, mabigyan ng isang plataporma para iyong boses nila, para walang takot na naipapaabot.

    Iyong palagay ko, iyong BOL sana, isa siya sa mga mahalagang instrumento para iyong mga nawalan ng boses o pakiramdam nilang nawalan sila ng boses, magkaroon ng isang pagkakataon na naipapahayag nila iyong kanilang saloobin.

    Itong nangyari sa Sulu, napakalungkot. Sana hindi na ito maulit muli. Mahalaga na kung sino iyong mga salarin dito— saka iyong mga biktima, mabigyan talaga ng katarungan. Kasi kung hindi, parang na-e-embolden lang iyong iba na gumawa pa ng mga similar na hakbang.

    Q: Ma’am, what’s the specific move of your office with regards to this incident?

    VP LENI: Ngayon po nagmo-monitor pa lang kami kasi iba-iba pa iyong reports kung ilan iyong namatay, ilang iyong injured. Pero sa opisina po namin gumawa na kami ng isang team, isang task force, na every time may calamity—whether man-made o, ano ito, nature—na mayroon na kaming quick response. In fact, noong nangyari nga iyong Marawi siege, the following day na nag-umpisa iyong siege, nandito na kami. Nag-set up na kami ng kampo dito. Iyong nagkaroon ng matinding pagbaha saka bagyo sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, nag-set kami dito ng camp. Iyong nag-lindol sa Surigao, nandoon din kami. So malamang, iyon din iyong aming gagawin.

    Kanina noong nalaman ko iyong bombing, in-alert ko na iyong teams na mag-monitor at maghanda na baka sa lalong madaling panahon, kailangang mag-deploy kami dito ng teams para iyong mga biktima at iyong pamilya ng mga biktima, matulungan kaagad.

    Q: Ma’am, nakipagkita po kayo kanina sa mga youth sa N Hotel po.

    VP LENI: Oo, ito pong sa N Hotel, isang pagtitipon ito ng Millennials PH. Iyong Millennials PH, partner ito ng opisina namin—isang youth group na naglalayon na mag-participate sila sa mga social issues. Nag-umpisa ito December of 2016. Iba’t iba nang mga advocacies iyong pinush through ng grupong ito. Iyong pakiramdam lang namin— Hindi lang ito iyong involvement ng aming office sa mga kabataan, mayroon din kaming Angat Buhay Youth na nagkaroon nga ng run dito sa Cagayan de Oro for the different youth groups dito sa Mindanao. Nagkaroon din ng susunod na run sa Cotabato para din sa mga different youth groups sa ARMM. Pareho din iyong paglalayon na bigyan ng mas maraming pagkakataon iyong iba’t ibang mga grupo na maipahayag iyong kani-kanilang mga paniniwala, mabigyan ng pagkakataon na iyong mga initiatives na naisipan nila, maisakatuparan. Halimbawa, iyong Angat Buhay Youth, nagpo-propose sila ng mga programa para makamtan iyong kapayapaan dito sa Mindanao at iyong opisina namin iyong nagpo-pondo doon sa mga proyekto at naghahanap pa ng iba pang partners.

    In fact, iyong nanalo doon sa Mindanao run, iyong nag-grand prize doon, isang youth group galing sa Davao del Norte. Sinamahan ko sila, nag-participate sila sa isa pang similar exercise sa Seoul, South Korea. At iyong project nila para sa kapayapaan, ito, para siyang rehabilitation center, parang halfway house, pero hindi doon sa mga rebel returnees, pero para sa mga anak noong mga rebel returnees. Parang iyong sinabi ng youth group—iyong Davao na youth group—ang sabi nila, maraming programa para sa rebel returnees pero parang nakakalimutan kasi natin na pati iyong pamilya nila, kailangan ding mag-undergo ng proseso para makabalik.

    So iyon iyong programa nila—pinondohan sila noong mga partners ng opisina namin, kabahagi doon iyong US Embassy, iyong Hanyang University sa Seoul, South Korea, para magawa nila iyong kanilang kaisipan. Ganoon din iyong ginawa namin sa Cotabato. At itong Millennials PH, nagsimula ito ng engagement sa opisina namin dahil diyan sa Angat Buhay Youth.

    So ito, naghahanap talaga kami ng mga paraan para ma-engage iyong mga kabataan na makapag-participate sa iba’t ibang mga socially relevant na issues na hindi papakialaman namin. Iyong sa amin lang, mabigyan lang sila ng pagkakataon na ma-implement nila iyong gusto nilang gawin, pero iyong nagdi-direct ng course na gagawin nila, sila, na hindi namin pinapakialaman.

    Q: Lowering of criminal age, Ma’am, hindi ba naging social issue?

    VP LENI: Malaking social issue po iyon sa akin, lalo na noong pinag-usapan siya sa House of Representatives. Sa akin po kasi, iyong nangyari iyong pagpasa noong Juvenile Justice and Delinquency Act noong 2006, para sa akin, isang breakthrough iyon, eh. Para sa akin, napakagandang batas dahil kinikilala natin ang kailangan ng mga kabataan na naiiba ng landas, tulungan, hindi iyong parusahan.

    Iyong sa akin, iyong tinaas natin iyong minimum age of criminal liability sa 15, malaking hakbang iyon. Una, kino-comply natin iyong ating pagpirma sa UN Declaration of the Rights of the Child. Iyong ibabalik natin sa nine [years old], iyong sa akin kasi, kung perpekto siguro iyong justice system natin, walang problema. Pero marami kasing… maraming kakulangan iyong justice system natin na hindi siya fair lalo na sa mahihirap. Na iyong takot ko: ito na naman, iyong mga mahihirap na mga kabataan, paulit-ulit na nagiging biktima. Iyong sa akin, sana ang isipin natin papaano ba mai-i-implement nang maayos iyong Juvenile Justice and Delinquency Act, kasi may batas. Totoong hindi maganda iyong implementasyon, pero ang solusyon doon, pagandahin iyong implementasyon, hindi palitan iyong batas.

    Iyong sa akin, iyon iyong paniniwala ko. Kaya ako, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sana mas humaba pa iyong debate nito para iyong iba’t ibang boses mapakinggan.

    Q: Thank you po.

    VP LENI: Salamat, salamat.

    -30-

    Posted in Transcripts on Jan 26, 2019